Tuesday, October 07, 2025

Reflection for October 11 Saturday of the 27th Week in Ordinary Time: Luke 11:27-28


Gospel: Luke 11:27-28
While Jesus was speaking, a woman from the crowd called out and said to him, “Blessed is the womb that carried you and the breasts at which you nursed.” He replied, “Rather, blessed are those who hear the word of God and observe it.”
+ + + + + + +
Reflection:
How can we hear the healing voice of God? But does God speak to us in the first place? Yes, of course, God speaks to us when we pray. He speaks to us when we read the Scriptures or the Bible, when we piously attend Holy Mass, and when we spend quiet moments in the Adoration Chapel. God also speaks to us through the poor, the hungry, and the spiritually deprived.

But what do we do after hearing God speak to us? We must act. We need to translate our conversation with Him into concrete acts of faith and love. God’s voice is not meant to be stored only in our hearts or minds—it is meant to be lived out in our daily lives.

Many of us sometimes forget to have a daily interaction with Jesus. Sad to say, we often spend more time browsing social media, fiddling with our smartphones, and watching movies on Netflix, and other streaming platforms in front of our smart, high-definition televisions rather than listening to God. This is the reality: we often lack time for Him, and that’s why we carry so many unnecessary worries, baggage and anxieties.

But the moment we learn to truly hear and listen more to God, something beautiful happens. We begin to experience a peace that the world cannot give—even if we are not materially rich. Yes, problems may still come from time to time, but with God’s voice guiding us, we can rise above them. Why? Because our friendship with Him has grown deeper through our daily encounters and heartfelt conversations with Him.

If we can make time for our many earthly undertakings, why can’t we create time for God, who gives us everything we have? We gain wisdom, strength, and peace when we make space in our hearts for His voice and translate those divine whispers into concrete acts of faith, hope, and love.

Let us not allow the noise of this world to drown out the gentle voice of our loving God. When we choose to listen to Him, the worries of this world begin to lose their power over us.

Are we willing to quiet the noise around us so we can truly hear His healing voice? Are we ready to give God the time and space He deserves in our daily lives? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Oktubre 11 Sabado sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:27-28


Mabuting Balita: Lucas 11:27-28
Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Jesus, sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, "Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa inyo!" Ngunit sumagot siya, "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!"
+ + + + + + +
Repleksyon:
Paano ba natin maririnig ang makapangyarihang tinig ng Diyos? Pero, nagsasalita nga ba Siya sa atin? Oo, tunay na nagsasalita ang Diyos sa atin kapag tayo ay nananalangin. 

Nagsasalita Siya sa atin kapag binabasa natin ang Banal na Kasulatan o Bibliya, kapag taimtim tayong dumadalo sa Banal na Misa, at kapag tahimik tayong naglalaan ng oras sa Adoration Chapel. Nagsasalita rin Siya sa atin sa pamamagitan ng mga mahihirap, nagugutom, at mga taong hindi pa malalim ang kanilang pananampalataya.

Ano ang ginagawa natin kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos? Kailangan tayong kumilos. Kailangang maisalin natin ang ating pakikipag-usap sa Kanya sa mga kongkretong gawa ng pananampalataya, pagtulong  at pag-ibig. Ang Kanyang tinig ay hindi lamang dapat manatili sa ating isipan o puso—ito’y dapat nating isabuhay araw-araw.

Marami sa atin ang minsan ay nakakalimutang magkaroon ng araw-araw na pakikipag-ugnayan kay Jesus. Nakakalungkot mang isipin, mas madalas nating ginugugol ang ating oras sa pagba-browse sa social media, sa pagiging busy sa ating mga smartphone, at sa panonood ng mga pelikula sa Netflix, at iba pang streaming platforms—imbes na makinig sa tinig ng Diyos.

Ito ang katotohanan: madalas ay wala tayong sapat na oras para sa Panginoon, kaya’t marami tayong pasan-pasang alalahanin at mga pangamba sa ating puso.

Ngunit sa sandaling matutunan nating tunay na pakinggan at damhin ang tinig ng Diyos, may magaganap na kakaiba sa ating buhay. Magsisimula tayong maranasan ang isang kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo—kahit na wala tayong kayamanang materyal.

Oo, patuloy pa ring darating ang mga pagsubok, ngunit sa tulong ng Diyos, makakaya nating malagpasan ang lahat ng ito. Bakit? Sapagkat mas lalo nang lumalalim ang ating pakikipagkaibigan at ugnayan sa Panginoon dahil sa araw-araw nating pakikipagtagpo at taimtim na pakikinig sa Kanya.

Kung kaya nating maglaan ng oras para sa ating mga makamundong gawain, bakit hindi natin magawang maglaan ng oras para sa Diyos—ang pinagmumulan ng lahat ng ating mga biyaya? Tayo ay nagkakaroon ng karunungan, lakas, at kapayapaan kapag binubuksan natin ang ating puso sa Kanyang tinig na banayad na bumubulong sa atin.

Huwag nating hayaang kainin tayo ng ingay ng mundong ito at takpan nito ang banayad na tinig ng ating mapagmahal na Diyos. Kapag pinili nating makinig sa Panginoon, mawawalan ng kapangyarihan sa atin ang mga alalahanin ng mundong ito.

Handa ba tayong patahimikin ang mga ingay na pumapaligid sa atin upang tunay nating marinig ang Kanyang nakapagpapagaling na tinig? Handa ba tayong ibigay sa Diyos ang oras na nararapat sa Kanya sa ating araw-araw na buhay? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Oktubre 10 Biyernes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:15-26


Mabuting Balita: Lucas 11:15-26
Noong panahong iyon, matapos palayasin ni Hesus ang isang demonyo, nanggilalas ang mga tao. Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.”

 Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito.

Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

 “Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw. “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa kaing mag-ipon.

 “Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kaya’t sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.” 

+ + + + + + +
Repleksyon:
Karapat-dapat ba si Jesus sa paratang na Siya ay isang demonyo? Mayroon ba Siyang ginawang masama upang Siya ay paratangan ng ganito? Hindi kailanman! Hindi kailanman nararapat kay Jesus ang ganoong paratang, at wala Siyang ginawang laban sa Kaniyang banal na misyon—ni isang bagay.

Ang paratang ng mga tao ay nag-ugat sa pandaraya at inggit na nasa kanilang mga puso. At sino ang nagtanim ng pandaraya at inggit na ito? Walang iba kundi si Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo! Sa katunayan, hindi si Jesus ang naimpluwensyahan ng masama kundi ang mismong mga nagpaparatang, sapagkat ang kanilang mga puso ay pinasok na ng kasamaan.

Isang importanteng paalala ito para sa ating lahat: kailangang bantayan natin ang ating mga puso. Dapat tayong maging mapagmatyag upang hindi makapasok sa atin ang kasamaan, inggit, kapalaluan, at iba pang negatibong kaisipan, sapagkat ito ang mga binhi ng kaaway.

Sa halip na hayaang mamayani ang kadiliman, punuin natin ang ating isipan at puso ng mga makadiyos na kaisipan. Piliin nating manalig at lumakad kasama si Jesus, sapagkat ito ang tanging tamang landas na nagbibigay-buhay. Kung hindi tayo panig kay Jesus ay laban tayo sa Kanya—hindi pwedeng nasa gitna lang tayo.

Bakit pa natin nanaisin na makisama sa diyablo kung wala naman itong mabuting maidudulot sa ating buhay? Ang kaaway ay walang ibang layunin kundi tayo ay dalhin sa kapahamakan at pagkawasak—na ikinukubli nya sa mga kaakit-akit na mga bagay ng mundong ito.

Kaya kailangang maging mapanuri tayo. Maaaring dahan-dahan na tayong inaakit ng diyablo nang hindi natin namamalayan. Paano natin ito matutukoy? Sa pamamagitan ng palagiang paglapit kay Jesus, sa pananatili sa Kaniyang Salita, at hindi paglalayo mula sa Kaniyang presensya. Diyan lamang natin malinaw na makikilala ang mga patibong ng kaaway—ang parehong kaaway na walang tigil na nagsusumikap na agawin tayo mula sa walang hanggang pag-ibig ni Jesus.

Kaya naman, itanim natin nang matibay sa ating puso na manindigan para kay Jesus at huwag makipagkompromiso sa anumang masama o kasalanan, gaano man ito kaakit-akit. Sapagkat darating ang araw na ang patibong ng diyablo ay magbubunga lamang ng matinding dalamhati at kapahamakan sa ating mga buhay.

Nawa’y lagi nating piliin si Jesus higit sa lahat ng bagay. Nawa’y ang ating mga puso ay manatiling nakaugat sa Kaniyang pag-ibig at ang ating mga buhay ay matibay na nakatindig sa Kaniyang katotohanan.

Kapag ang kasamaan, inggit, o mga tukso ng mundo ay kumatok sa pintuan ng ating mga puso, papayagan ba nating pumasok ang mga ito—o tayo ba ay matatag na mananatili kay Jesus, ang tanging pinagmumulan ng kapayapaan at buhay na walang hanggan? — Marino J. Dasmarinas 

Reflection for October 10 Friday of the 27th Week in Ordinary Time: Luke 11:15-26


Gospel: Luke 11:15-26
When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house.

 And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you.

When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me,  and whoever does not gather with me scatters.

“When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

+ + + + + + +
Reflection:
Does Jesus deserve the accusation that He is a demon? Has He done any demonic actions to earn such an accusation? No, Jesus doesn’t deserve the accusation, and He surely has not done anything contrary to His mission—none at all.

The crowd’s accusation sprang from the deceit and envy that had taken root in their hearts. And who planted that deceit and envy? It was Beelzebul, the prince of demons, himself! In truth, it was not Jesus who was influenced by the devil but the accusers themselves, whose hearts were already darkened by evil.

This is a strong reminder for us to guard our own hearts. We must be vigilant not to allow deceit, envy, pride, or any other negative emotions to take root within us, for these are the very seeds sown by the enemy. Instead of letting darkness linger, we should fill our hearts and minds with godly thoughts. We must deliberately choose to walk with Jesus, because this is always the right and life-giving path. If we are not for Jesus, then we are against Him—there is no middle ground.

Why should we ever choose to be in the company of the devil when it will never bring any good to our lives? The enemy can only lead us to misery and destruction, even when he disguises his evil schemes with the many attractive and glittering things of this world.

That is why we must be discerning. The devil can be at work even in the smallest compromises, quietly enticing us without us realizing it. How can we discern his deception? By drawing closer to Jesus, staying rooted in His Word, and never walking away from His loving presence. Only then can we clearly recognize the subtle traps of the enemy—the same enemy who tirelessly tries to separate us from the unfailing love of Jesus.

Let us therefore firmly align ourselves with Jesus and refuse to compromise with anything that is evil or displeasing to Him, no matter how tempting it may appear. Because sooner or later, the devil’s bait will only bring us unfathomable pain and spiritual ruin.

May we always choose Jesus above all else. May we keep our hearts anchored in His love and our lives grounded in His truth.

When deceit, envy, or worldly temptations come knocking at the door of our hearts, will we let them in—or will we stand firm with Jesus, who alone can give us true peace and eternal life? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 9 Huwebes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:5-13


Mabuting Balita: Lucas 11:5-13
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Ipalagay natin na ang isa sa inyo'y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, 'Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kase ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!' 

At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay. 'Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.' Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 

Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan, humanap kayo at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. 

Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!"

+ + + + + + +
Repleksyon:
Naniniwala ba tayo sa kapangyarihan ng pagtitiyaga? Ang kapangyarihan ng pagtitiyaga ay nagpapaalala sa atin na hangga’t hindi tayo sumusuko at patuloy tayong nagtitiwala kay Jesus, makakamtan natin ang mga bagay na naaayon sa Kanyang kalooban. Ang pagtitiyaga ay laging may gantimpala. Ngunit dapat ba tayong magpatuloy kapag tila madilim ang ating pananaw at tila wala nang pag-asa?

 Sa Mabuting Balita, itinuturo sa atin ni Jesus na tayo ay dapat magtiyaga kahit tila wala nang pag-asa, sapagkat ang mga taong matiyaga ay hindi kailanman nakakalimutan ng Diyos. Kung ating pagmamasdan ang ating araw-araw na buhay, mapapansin natin na maraming gantimpala ang dala ng pagtitiyaga—kahit  sa mga simpleng bagay.

 Isipin natin ang isang estudyante na patuloy na nagsusumikap sa kanyang pag-aaral. Dahil sa kanyang pagtitiyaga, nakakayanan niyang lampasan ang mga hamon sa paaralan. Ganoon din tayo sa ating pananampalataya—kapag tayo ay matiyaga, pinatitibay tayo ng biyaya ng Diyos.

 Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon tayong pusong matiyaga. Madalas tayong nawawalan ng loob kapag hindi natin agad nakikita ang positibong resulta ng ating pagsisikap. Kaya tayo madalas nabibigo at hindi naaabot ang ating mga layunin dahil agad tayong sumusuko—hindi pa man natin naibibigay ang ating buong makakaya.

Huwag nating kalimutan, maraming—kung hindi man lahat—ng ating mga laban sa buhay ay napapanalunan dahil sa ating pagtitiyaga. Ngunit bakit nga ba tayo nagpupursige? Nagpapatuloy tayo dahil naniniwala tayong ginagantimpalaan ng Diyos ang mga taong matiyaga. 

At yaong sinasamahan ang kanilang pagtitiyaga ng pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Panginoon. Kapag ang ating pagtitiyaga ay nakaugat sa tiwala sa Diyos, hindi lamang tayo nagtitiis—tayo ay lumalago, tumitibay ang ating pananampalataya, at mas lalo tayong napapalapit sa Panginoon.

Sa mga sandaling tila madilim at hindi tiyak ang ating dinaraanan, ang pagtitiyagang nakasandig sa pananampalataya ay nagiging isang makapangyarihang paraan upang ipakita ang ating pagtitiwala sa Diyos. Sa mga ganitong pagkakataon Niya hinuhubog ang ating pagkatao, pinatitibay ang ating pag-asa, at lalo tayong inilalapit sa Kanyang puso.

Handa ba tayong magtiyaga sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa Diyos kahit tila mahirap at hindi malinaw ang ating patutunguhan? Payag ba tayong magtiwala kay Jesus at magpatuloy hanggang sa dumating ang katuparan ng Kanyang pangako sa ating buhay? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 9 Thursday of the 27th Week in Ordinary Time: Luke 11:5-13


Gospel: Luke 11:5-13
Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend to whom he goes at midnight and says, ‘Friend, lend me three loaves of bread, for a friend of mine has arrived at my house from a journey and I have nothing to offer him,’ and he says in reply from within, ‘Do not bother me; the door has already been locked and my children and I are already in bed.

I cannot get up to give you anything.’ I tell you, if he does not get up to give him the loaves because of their friendship, he will get up to give him whatever he needs because of his persistence. “And I tell you, ask and you will receive; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.

For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds; and to the one who knocks, the door will be opened. What father among you would hand his son a snake when he asks for a fish? Or hand him a scorpion when he asks for an egg? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him?”

+ + + + + + +
Reflection:
Do we believe in the power of persistence? The power of persistence reminds us that as long as we don’t give up and continue to trust in Jesus, we will be able to achieve what we desire according to His will. Persistence always pays off. But should we continue to persist when the horizon is dark and everything seems uncertain?

 In the Gospel, Jesus tells us that we must persist even when it seems hopeless, for those who persist are always rewarded by God. If we look closely at our daily lives, we will realize that persistence brings great rewards, even in ordinary matters. Take, for example, an average student who persists in his studies. Because he remains steadfast and determined, he will surely overcome his academic challenges. In the same way, when we persist in our faith, God’s grace sustains us.

However, not all of us have a persistent mindset. Many times, we easily grow discouraged when we don’t see immediate or positive results. So we fail and fall short of achieving what we hope for because we give up too soon—without giving our very best.

Lest we forget, many—if not all—of life’s battles are won because we are persistent. But why do we persist? We persist because we believe that God rewards those who persevere with humble and expectant trust in Him. When our trust in God fuels our persistence, we don’t just endure—we grow stronger, we deepen our faith, and we become more aligned with His divine will.

In moments when everything seems dark and uncertain, persistence anchored in faith becomes a powerful act of trust. It’s in these moments that God shapes our character, strengthens our hope, and draws us closer to His heart.

 Are we willing to persist in faith, hope, and love even when the road ahead seems difficult and unclear? Will we allow our trust in Jesus to sustain us until His promise unfolds in our lives? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 8 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time: Luke 11:1-4


Gospel: Luke 11:1-4
Jesus was praying in a certain place, and when he had finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray just as John taught his disciples.” 

He said to them, “When you pray, say: Father, hallowed be your name, your Kingdom come. Give us each day our daily bread and forgive us our sins for we ourselves forgive everyone in debt to us, and do not subject us to the final test.”
+ + + + + + +
Reflection:
Do we often call upon the name of God? For instance, when someone in our family is sick, do we sincerely pray over that family member by invoking the very powerful name of Jesus? The name of God is not just a word—it carries divine power. It can heal our sicknesses and strengthen our weary spirits if we call upon it with unwavering faith. 

When one of Jesus’ disciples asked Him how to pray, Jesus revealed that the name of God is holy. Being holy, it is sacred and powerful—something we can always call upon in our moments of need, sorrow, or even joy. 

But how can we be worthy to always call upon our Holy and Powerful God? We must first strive to live holy lives ourselves and to grow in our knowledge and love of Him. When we sincerely seek holiness and deepen our relationship with Jesus, we begin to experience the strength of His presence within us. Then, we can confidently and faithfully invoke His mighty name anytime. 

We must therefore confront—and then immediately walk away from—anything that would lead us into sin, for this is where true holiness begins. We can also draw nearer to God by reading the Bible regularly and by faithfully participating in the Holy Mass, where we encounter His Word and receive His grace. 

If we start living this way, we will soon find it easier to call upon the name of God—not just during times of distress but in every circumstance of our lives. His name will become our comfort, our refuge, and our source of peace. 

So, let us ask ourselves: Do we still remember to call upon the powerful name of the Lord—not only when we are in need, but also when our hearts are filled with gratitude and joy? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 8 Miyerkules sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:1-4


Mabuting Balita: Lucas 11:1-4
Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” 
Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. 

Magsimula na sana ang iyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Madalas ba tayong tumatawag sa makapangyarihang pangalan ni Jesus? Halimbawa, kapag may maysakit sa ating pamilya, tayo ba ay taimtim na nananalangin para sa kanya at tumatawag sa makapangyarihang pangalan ni Jesus? 

Ang pangalan ng Diyos ay hindi lamang salita—ito ay may banal na kapangyarihan. Ito ang nagbibigay kagalingan sa ating mga karamdaman at kalakasan sa ating mga nanghihinang kaluluwa, kung tatawagin natin sya nang may buong pananampalataya. 

Nang may alagad si Jesus na humiling sa Kanya na turuan siyang manalangin, sinabi ni Jesus na ang pangalan ng Diyos ay banal. Sapagkat ito ay banal, ito ay sagrado at makapangyarihan—isang pangalan na maaari nating tawagin anumang oras, sa panahon ng pangangailangan, kalungkutan, o kagalakan. 

Kailangan ding sikapin nating mamuhay nang may kabanalan para lubusan natin siyang  makilala. Kapag tapat tayong nagsisikap na mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban ay pinalalalim natin ang ating ugnayan kay Jesus, mararanasan din natin ang lakas ng Kanyang presensya sa ating buhay. At sa mga sandaling ito, madali nating matatawag ang Kanyang makapangyarihang pangalan anumang oras. 

Kaya’t kailangang konprotahin natin agad—at mabilis na talikuran—ang anumang magtutulak sa atin sa kasalanan, sapagkat isa ito sa simula ag kabanalan. Dapat din nating pag-ibayuhin ang ating pagkakilala sa Diyos at kay Jesus sa pamamagitan ng madalas na pagbabasa ng Banal na Kasulatan (Bibliya) at sa palagiang pagdalo sa Banal na Misa, kung saan natin tunay na nararanasan ang salita at biyaya ng Panginoong Jesus. 

Kapag sinimulan nating gawin ang mga bagay na ito, mapapansin natin na mas madali nang tumawag sa pangalan ng Diyos—hindi lamang sa panahon ng kagipitan kundi sa lahat ng sandali ng ating buhay. Ang Kanyang pangalan ay magiging ating kanlungan, ating lakas, at ating kapayapaan. 

Ngayon, itanong po natin sa ating mga sarili: Tinatawag pa ba natin ang makapangyarihang pangalan ng Panginoon Jesus—hindi lang kapag tayo’y nagdurusa, kundi pati sa mga sandaling puno ng kagalakan at pasasalamat ang ating puso? – Marino J. Dasmarinas

Monday, October 06, 2025

Reflection for Tuesday October 7 Memorial of Our Lady of the Rosary: Luke 10:38-42


Gospel: Luke 10:38-42
Jesus entered a village where a woman whose name was Martha welcomed him. She had a sister named Mary who sat beside the Lord at his feet listening to him speak. Martha, burdened with much serving, came to him and said, “Lord, do you not care that my sister has left me by myself to do the serving?

 Tell her to help me.” The Lord said to her in reply, “Martha, Martha, you are anxious and worried about many things. There is need of only one thing. Mary has chosen the better part and it will not be taken from her.

+ + + + + + +
Reflection:
What makes us anxious, and what influences our worries? It’s our detachment from Jesus. When we are no longer attuned to His voice, we easily become overwhelmed by anxiety, fear, and restlessness.

This doesn’t mean that if we regularly spend time listening to Jesus, we would already be immune from life’s worries. We will still encounter our share of struggles because they are part of our human experience. However, when we are connected with Jesus, we find strength and calm amid the storms of life. He helps us handle and manage our daily pressures with peace in our hearts.

Jesus clearly favored Mary’s act of sitting at His feet and listening to Him. Why? Because it is more important to listen to Jesus first than to be consumed by other tasks. In the same way, our relationship with Him deepens when we spend more time in prayer and reflection. Through this, we receive not only His wisdom but also His blessings, enlightenment, and inner peace.

When we make it a habit to listen and pray to Jesus, we stay connected to the source of eternal power. We become more fruitful and useful in His service because His grace flows through us. Within us dwells the very source of life and strength—none other than Jesus Himself.

 Just imagine a light bulb not connected to its power source. It will never shine, no matter how high its wattage. In the same way, our journey in this world becomes dark and meaningless if we are disconnected from Jesus.

Let us therefore stay plugged into the true source of light and strength. Let us make time each day to listen, pray, and dwell in His presence. For when we remain connected with Jesus, we will never walk in darkness—we will shine with His light.

 Are we still connected to Jesus, or have we allowed the noise and worries of life to pull us away from Him who is our true source of peace and power? - Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Oktubre 7 Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario: Lucas 10:38-42


Mabuting Balita: Lucas 10:38-42
Noong panahong iyon, pumasok si Jesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito'y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. 

Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at ang wika, "Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako." 

Ngunit sinagot siya ng Panginoon, "Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito'y hindi aalisin sa kanya."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ba ang sanhi ng ating pagkabalisa at pag-aalala? Ito ay ang ating pagkakahiwalay kay Jesus. Kapag hindi na tayo nakikinig sa Kanya, madali tayong gambalain ng pangamba, takot, at kawalang-katiyakan.

 Hindi naman nangangahulugan na kapag palagi tayong nakikinig kay Jesus ay hindi na tayo makararanas ng mga problema sa buhay. Patuloy pa rin tayong haharap sa iba’t ibang pagsubok, sapagkat bahagi ito ng ating paglalakbay sa mundong ito.

 Ngunit kapag tayo ay nananatiling konektado kay Jesus, nakakamit natin ang kapayapaan at lakas na nagmumula sa Kanya. Tinutulungan Niya tayong harapin ang bawat hamon ng buhay nang may tiwala at kapanatagan ng loob.

 Pinuri ni Jesus si Maria dahil pinili niyang makinig muna sa Kanya kaysa abalahin ang sarili sa ibang gawain. Bakit? Sapagkat mas mahalagang makinig muna kay Jesus bago ang anumang gawain.

 Gayundin sa ating relasyon sa Panginoon—kapag nagbibigay tayo ng oras sa pananalangin at pakikinig sa Kanya, higit nating nakikilala ang Kanyang kalooban at higit nating natatanggap ang Kanyang pagpapala, liwanag, at patnubay.

 Kapag may regular tayong oras ng pakikinig at pananalangin kay Jesus, lagi tayong konektado sa pinagmumulan ng walang hanggang kapangyarihan. Tayo ay nagiging mas mabunga at kapaki-pakinabang na tagasunod Niya, sapagkat ang Kanyang kapangyarihan at biyaya ay nananahan sa ating mga puso.

 Isipin natin ang isang bombilyang hindi nakakabit sa pinagmumulan ng kuryente—hindi ito kailanman magliliwanag, gaano man kalaki ang wattage. Ganyan din ang ating buhay kung hiwalay tayo kay Jesus: madilim, mahina, at walang direksyon.

 Kaya’t sikapin nating manatiling konektado sa tunay na pinagmumulan ng liwanag at lakas. Maglaan tayo ng oras araw-araw upang makinig, manalangin, at manahan sa presensya ni Jesus. Sapagkat kung tayo ay patuloy na nananatiling konektado sa Kanya, hindi tayo maliligaw—tayo mismo ang magliliwanag sa pamamagitan ng Kanyang liwanag.

 Tayo ba ay konektado pa rin kay Jesus, o hinayaan na nating agawin ng mga alalahanin at ingay ng mundo ang ating oras at ugnayan sa Kanya? – Marino J. Dasmarinas

Sunday, October 05, 2025

Reflection for October 6 Monday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time: Luke 10:25-37


Gospel: Luke 10:25-37
There was a scholar of the law who stood up to test Jesus and said, “Teacher, what must I do to inherit eternal life?” Jesus said to him, “What is written in the law? How do you read it?” He said in reply, “You shall love the Lord, your God, with all your heart, with all your being, with all your strength, and with all your mind, and your neighbor as yourself.” He replied to him, “You have answered correctly; do this and you will live.” 

But because he wished to justify himself, he said to Jesus, “And who is my neighbor?” Jesus replied, “A man fell victim to robbers as he went down from Jerusalem to Jericho. They stripped and beat him and went off leaving him half-dead.

A priest happened to be going down that road, but when he saw him, he passed by on the opposite side. Likewise a Levite came to the place, and when he saw him, he passed by on the opposite side. But a Samaritan traveler who came upon him was moved with compassion at the sight. He approached the victim, poured oil and wine over his wounds and bandaged them. 

Then he lifted him up on his own animal, took him to an inn, and cared for him. The next day he took out two silver coins and gave them to the innkeeper with the instruction, ‘Take care of him. If you spend more than what I have given you, I shall repay you on my way back.’ Which of these three, in your opinion, was neighbor to the robbers’ victim?” He answered, “The one who treated him with mercy.” Jesus said to him, “Go and do likewise.”

+ + + + + + +
Reflection:
How do we express our love for God and neighbor?

 We express our love for God and our neighbor by caring for those who are in need, no matter who they may be. For as long as someone is in need, we are called to help. Yet, there are people who, even in their struggle, find it hard to ask for help. Some are too shy or have low self-esteem; others quietly suffer, hoping someone will notice and reach out.

 What should we do? We must be sensitive to their unspoken pain. We should not have hearts of stone, indifferent to the needs of others. Love calls us to act—to help even before being asked.

 The question of the scholar of the law is perhaps also our question before Jesus: “How can we inherit eternal life?” And Jesus leads us to the answer already written in the law: Love God and love our neighbor. These two are inseparable; they are the keys to eternal life.

 Jesus illustrated this truth through the story of the man attacked by robbers. As he lay wounded, a priest and a Levite—both respected figures—saw him but chose to pass by. Then came a Samaritan, someone considered an outsider, who was moved with compassion. He tended to the man’s wounds, brought him to an inn, and ensured he was cared for.

It’s not enough for us to merely say, “We love God and our neighbors.” These words are empty unless they are lived out in concrete acts of mercy. We breathe life into these commandments when we, too, become like the compassionate Samaritan—ready to see, to feel, and to respond to those in need.

Every act of kindness we do for others becomes our expression of love for God. When we reach out to the wounded, the lonely, the forgotten, the sick, we become living reflections of Christ’s love in the world.

Are we willing to be that compassionate Samaritan today—to go beyond words and let our love for God shine through our deeds of mercy? When we encounter someone in need, will we pass by, or will we stop and extend our hand in love? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 6 Lunes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 10:25-37


Mabuting Balita: Lucas 10:25-37
Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”

 Tumugon siya, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” “Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”

Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan.

Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian.

Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’

Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Paano ba natin Ipinapahayag ang ating pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa? 

Ipinapahayag natin ang ating pag-ibig sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng pag-aaruga at pagtulong sa mga nangangailangan—kahit sino pa sila. Sapagkat hangga’t may mga taong nangangailangan, tungkulin nating tumulong. Pero may mga tao din na, kahit nahihirapan na, ay ayaw pa ring humingi ng tulong. Dahil sila ay nahihiyang humingi ng tulong kaya’t pinipili nalang nila na tahimik na magtiis sa kanilang pagdurusa. 

Ano ang dapat nating gawin? Dapat ay tulungan natin sila sa abot ng ating makakaya. Huwag nating patigasin ang ating mga puso. Huwag tayong maghintay na lapitan tayo bago tumulong. Ang dalisay na pagtulong ay ginagawa kahit hindi tayo hinihingan ng tulong. 

Sa atin pong Mabuting Balita ay may isang escriba na nagtanong kay Jesus—“Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”—at ito rin ang tanong nating lahat. Kaya itinuro ni Jesus ang kasagutan na nasa Kautusan: Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa. Ang dalawang utos na ito ang susi sa buhay na walang hanggan.  

Ipinakita pa ni Jesus ang kahulugan nito sa pamamagitan ng kuwento ng lalaking ninakawan at pinahirapan ng mga tulisan. Habang siya’y sugatan at walang magawa, dumaan ang isang pari at isang Levita—mga iginagalang sa lipunan at nag sisilbi sa kanilang simbahan—ngunit wala ni isa man sa kanila ang tumulong. 

Ngunit nang dumating ang isang Samaritano, isang taong itinuturing na banyaga, ay siya pa ang naantig ang puso. Nilapitan niya ang sugatang lalaki, ginamot, at dinala pa sa bahay-panuluyan upang maalagaan nang maayos. 

Hindi sapat na sabihin lang natin, “Iniibig ko ang Diyos at ang aking kapwa.” Ang mga salitang ito ay walang kabuluhan kung hindi natin isinasabuhay. Binibigyan natin ng buhay at kahulugan ang dalawang dakilang utos na ito kapag tayo mismo ay naging tulad ng mahabaging Samaritano—nakakakita, nakadarama, at kumikilos para tumulong sa nangangailangan. 

Bawat mabuting gawa natin ay nagiging patunay ng ating pag-ibig sa Diyos. Sa tuwing tayo’y lumalapit sa mga naghihirap, nalulungkot, o nakakalimutan na ng lipunan, tayo ay nagiging buhay na larawan ng pag-ibig ni Kristo sa mundo. 

Handa ba tayong maging tulad ng mahabaging Samaritano ngayon—ang magpahayag ng ating pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng ating gawa, hindi lang sa salita? Kapag may nangangailangan sa ating pamilya, kaibigan at sa ating paligid, tayo ba’y dadaan lang, o tayo’y hihinto upang magmalasakit, tumulong at magmahal? – Marino J. Dasmarinas

Friday, October 03, 2025

Reflection for October 5 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time: Luke 17:5-10


Gospel: Luke 17:5-10
The apostles said to the Lord, “Increase our faith.” The Lord replied, “If you have faith the size of a mustard seed, you would say to this mulberry tree, ‘Be uprooted and planted in the sea,’ and it would obey you. 

“Who among you would say to your servant who has just come in from plowing or tending sheep in the field, ‘Come here immediately and take your place at table’? Would he not rather say to him, ‘Prepare something for me to eat. Put on your apron and wait on me while I eat and drink. You may eat and drink when I am finished’?

 Is he grateful to that servant because he did what was commanded? So should it be with you. When you have done all you have been commanded, say, ‘We are unprofitable servants; we have done what we were obliged to do.’”

+ + + + + + +
Reflection:
Were the apostles lacking in faith, and that’s why they asked Jesus to increase their faith? Yes, they were lacking in faith; otherwise, they would not have asked Jesus. And just like them, are we sometimes tempted to ask the Lord for an increase of faith as well? 

Diminishing faith is an ever-present danger in our relationship with Jesus, especially today, when our faith in God is severely tested by the enormous trials we face. Does faith in God still matter today, in a time when smartphones, artificial intelligence, and social media dominate our lives? Of course! Despite the modernity of our times, our faith in Jesus matters now more than ever. 

Our life today is full of challenges and problems. There is always the danger that these may overwhelm us, and at times, we may even be tempted to doubt God’s presence. But the truth remains: there is a God, and we believe in Him who never abandons us. 

Jesus’ answer to His apostles’ desire for an increase of faith is both deep and profound. He said, “If you have faith the size of a mustard seed, you would say to this mulberry tree, ‘Be uprooted and planted in the sea,’ and it would obey you.” 

A mustard seed may be small, but when nurtured, it grows into something strong and life-giving. In the same way, the Lord calls us to nurture the faith already present in our hearts. What matters is not how small our faith may seem, but how we allow it to grow through prayer, perseverance, and trust in God. 

So, how do we nurture this tiny faith? We nurture it by being present at Holy Mass. We nurture it by faithfully living out the teachings of Jesus. And we nurture it through our daily acts of faith, no matter how small they may appear. 

Our faith, though tested, can grow stronger if we keep turning to Jesus with trust and surrender. He alone has the power to transform our doubts into hope and our weakness into strength. 

How are we nurturing our faith today? Will we allow the challenges of life to weaken us, or will we rise in trust, believing that even the smallest seed of faith can move mountains? – Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 5, Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:5-10


Mabuting Balita: Lucas 17:5-10
Noong panahong iyon, sinabi ng mga apostol sa Panginoon, "Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!" Tumugon ang Panginoon, "Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat!' at tatalima ito sa inyo." 

"Ipalagay nating kayo'y mga aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain. 

Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Nawawalan na ba ng pananampalataya ang mga apostol kaya nila hiniling kay Jesus na dagdagan ang kanilang pananampalataya? Oo, sila ay nawawalan na ng pananampalataya; kung hindi, hindi na nila ito hihilingin kay Jesus. At katulad nila, hindi ba’t minsan ay tayo rin ay natutuksong hilingin sa Panginoon na dagdagan ang ating pananampalataya? 

Ang paghina ng pananampalataya kay Jesus ay pinag dadaanan ng bawat isa sa atin—lalo na sa panahon ngayon, na ang ating pananampalataya sa Diyos ay mahigpit na sinusubok ng mga matitinding hamon sa buhay na ating kinakaharap. Mahalaga pa ba ang pananampalataya sa Diyos ngayon, sa panahong tila namamayani ang smartphones, artificial intelligence, at social media? Oo naman! Sa kabila ng modernong pamumuhay, ngayon higit na kailanman ay mas mahalaga ang ating pananampalataya kay Jesus.

Aminin man natin o hindi, ang ating buhay ngayon ay puno ng mga hamon at suliranin. Lagi tayong nanganganib na tayo’y lamunin ng mga ito at baka madala tayong maniwala na wala ngang Diyos. Ngunit may Diyos—at naniniwala tayo sa Diyos na kailanma’y hindi nagpapabaya sa atin.

 Ang tugon ni Jesus sa pagnanais ng mga apostol na dagdagan ang kanilang pananampalataya ay malalim at makahulugan. Sinabi Niya, “Kung mayroon kayong pananampalataya na kasinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikomoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat,’ at ito’y susunod sa inyo.”

 Ang butil ng mustasa ay napakaliit kapag itinanim, ngunit kapag ito’y inalagaan, ito’y lumalaki at nagiging matibay. Ganoon din ang pananampalataya—maaaring maliit ito sa simula, ngunit kapag inalagaan, ito’y lumalago at nagbibigay-buhay. Ang mahalaga ay hindi kung gaano ito kaliit, kundi kung paano natin ito pinagyayaman sa ating puso.

 Paano natin mapapangalagaan ang maliit na binhing ito ng pananampalataya? Pinagyayaman natin ito sa pamamagitan ng ating presensya sa Banal na Misa. Pinagyayaman natin ito sa pagsunod sa mga aral ni Jesus. At pinagyayaman natin ito sa ating araw-araw na gawa ng pananampalataya, gaano man ito kaliit sa paningin ng iba.

Ang ating pananampalataya, bagaman sinusubok, ay maaaring lumakas kung tayo ay patuloy na magtitiwala at magpapasakop kay Jesus. Dahil siya lamang ang may kapangyarihang patibayin at palakasin ito sa gitna ng ating pagdududa at mga kahinaan.

Paano natin pinagyayaman ang ating pananampalataya ngayon? Hahayaan ba nating ilugmok tayo ng mga pagsubok, o tayo ba’y tatayo na may buong tiwala at pananampalataya sa Diyos—naniniwala na kahit ang pinakamaliit na binhi ng pananampalataya sa ating mga puso ay kusang lalago basta hindi tayo bibitiw sa kanya? – Marino J. Dasmarinas