Wednesday, July 01, 2026

Reflection for July 2 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time: Matthew 9:1-8


Gospel: Matthew 9:1-8
After entering a boat, Jesus made the crossing, and came into his own town. And there people brought to him a paralytic lying on a stretcher. When Jesus saw their faith, he said to the paralytic, “Courage, child, your sins are forgiven.” At that, some of the scribes said to themselves, “This man is blaspheming.”  

Jesus knew what they were thinking, and said, “Why do you harbor evil thoughts? Which is easier, to say, ‘Your sins are forgiven,’ or to say, ‘Rise and walk’? But that you may know that the Son of Man has authority on earth to forgive sins”– he then said to the paralytic, “Rise, pick up your stretcher, and go home.” He rose and went home. 

When the crowds saw this they were struck with awe and glorified God who had given such authority to men.

+ + + +  + + +
Reflection:
Can we receive the same forgiveness and healing that Jesus gave to the paralytic?

Yes, we can! The same forgiveness and healing that Jesus graciously bestowed upon the paralytic are still available to us today through the priest, who acts in persona Christi ("in the Person of Christ"), whenever we humbly receive the Sacrament of Reconciliation. 

In this sacred encounter, Jesus Himself welcomes us with compassion, lifts the burden of our sins, restores our souls, and renews us with His healing grace.

The sad reality, however, is that many people are still unaware of this priceless gift of God's mercy. If only we truly recognized the depth of the grace that Jesus offers us through this healing sacrament, we would not hesitate to come before Him with humble and repentant hearts. Rather than allowing guilt, shame, or fear to keep us away, we would confidently entrust ourselves to His boundless love, knowing that He longs to forgive, heal, and restore us.

Sadly, part of the reason many people remain unfamiliar with this sacrament lies with us who have already experienced its transforming grace. Too often, we keep this precious gift to ourselves. We fail to share what we have learned, and we do not always reflect in our daily lives the mercy, peace, and healing that Jesus has poured into our hearts through the Sacrament of Reconciliation. Every life touched by God's mercy is also called to become a witness to that mercy so that others, too, may find hope and healing in Christ.

Yet God's invitation remains open. It is never too late to repent. It is never too late to return to Him. No sin is greater than His mercy, and no wound is beyond His healing touch. 

Let us come before Him with humility and sincere repentance, allowing Him to cleanse our hearts, restore our souls, and renew our lives. Then, having received His forgiveness and healing, let us joyfully become instruments of His mercy by encouraging others to encounter His loving presence in this beautiful sacrament.

Today, Jesus continues to say to each one of us, "Take courage." He is waiting for us—not to condemn us, but to forgive us, heal us, and draw us closer to His Sacred Heart. 

Will we set aside our fears, humble ourselves before Him in the Sacrament of Reconciliation, and then become faithful witnesses who lead others to experience the same life-changing mercy and healing that we have so generously received?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Hulyo 2 Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 9:1-8


Mabuting Balita: Mateo 9:1-8
Noong panahong iyon, sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan." 

Isinaloob ng ilang eskribang naroon, "Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos." Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, "Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba ang mas madali: ang sabihing, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka at lumakad'? 

Patutunayan ko na dito sa lupa ang Anak ng Tao'y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka."

Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito nang mga tao, sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Maaari rin ba nating matanggap ang kapatawaran at kagalingang ipinagkaloob ni Jesus sa paralitiko?

Oo, maaari! Ang kapatawaran at kagalingang ipinagkaloob ni Jesus sa paralitiko ay ipinagkakaloob pa rin Niya sa atin ngayon sa pamamagitan ng pari na kumikilos in persona Christi ("sa Persona ni Kristo") tuwing buong pagpapakumbaba nating tinatanggap ang Sakramento ng Pakikipagkasundo o Kumpisal. 

Sa banal na pagtatagpong ito, si Jesus mismo ang sumasalubong sa atin, pinatatawad ang ating mga kasalanan, pinagagaling ang ating mga sugatang puso at kaluluwa, at muling pinupuno tayo ng Kanyang biyaya at kapayapaan.

Ang nakalulungkot na katotohanan ay marami pa rin ang hindi nakaaalam sa napakahalagang kaloob na ito ng awa at habag ng Diyos. Kung tunay lamang nating nauunawaan ang lalim ng biyayang ipinagkakaloob ni Jesus sa atin sa pamamagitan ng Sakramentong ito ng pagpapagaling, hindi na tayo magdadalawang-isip na lumapit sa Kanya nang may mapagpakumbaba at nagsisising puso. 

Sa halip na manaig ang ating takot, hiya, o pagkakasala, buong pagtitiwala tayong lalapit sa Kanya, sapagkat alam nating lagi Niyang nais tayong patawarin, pagalingin, at panumbalikin sa Kanyang pagmamahal.

Nakalulungkot ding isipin na bahagi ng dahilan kung bakit marami ang nananatiling walang sapat na kaalaman tungkol sa Sakramento ng Pakikipagkasundo ay tayo ring nakaranas na ng dakilang biyaya nito. 

Madalas ay hindi natin naibabahagi ang ating nalalaman, at hindi rin natin lubusang naipamumuhay ang awa, kapayapaan, at kagalingang tinanggap natin mula kay Jesus sa pamamagitan ng sakramentong ito. 

Ang bawat pusong hinipo ng awa ng Diyos ay tinatawag ding maging saksi ng Kanyang awa upang ang iba ay makatagpo rin ng pag-asa, kapatawaran, at bagong buhay kay Kristo. 

Ngunit nananatiling bukas ang paanyaya ng Diyos. Hindi pa huli ang lahat upang magsisi. Hindi pa huli ang lahat upang magbalik-loob sa Kanya. Walang kasalanang higit sa Kanyang awa, at walang sugat na hindi kayang pagalingin ng Kanyang mapagmahal na paghipo. Lumapit tayo sa Kanya nang may kababaang-loob at taos-pusong pagsisisi. 

Hayaan nating linisin Niya ang ating mga puso, pagalingin ang ating mga kaluluwa, at baguhin ang ating buhay. At matapos nating matanggap ang Kanyang kapatawaran at kagalingan, maging mga daluyan naman tayo ng Kanyang awa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iba na maranasan din ang Kanyang mapagmahal na presensya sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. 

Hanggang ngayon ay patuloy tayong inaanyayahan ni Jesus na lumapit sa Kanya. Hindi Niya tayo hinihintay upang hatulan, kundi upang patawarin, pagalingin, at ilapit sa Kanyang Banal na Puso. 

Handa ba nating isantabi ang ating takot, pagmamataas, o pag-aalinlangan upang buong kababaang-loob tayong lumapit sa Sakramento ng Pakikipagkasundo? 

At matapos nating maranasan ang Kanyang walang hanggang awa, magiging tapat ba tayong mga saksi na mag-aakay din sa iba upang maranasan nila ang kapatawaran, kagalingan, at bagong buhay na saganang ipinagkakaloob ni Kristo?– Marino J. Dasmarinas