Thursday, October 02, 2025

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Oktubre 3 Biyernes sa Ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 10:13-16


Mabuting Balita: Lucas 10:13-16
Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi.

Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, Ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! “Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
 + + + + + + +
Repleksyon:
Bakit nagalit si Jesus sa mga tao ng Corazin at Betsaida? Sapagkat hindi nila pinakinggan ang Kanyang panawagan na iwanan na ang buhay na makasalanan; tinanggihan nila ang Kanyang alok ng pag-ibig at pagbabagong-buhay para sa kanila. 

Nakakapagtaka kung bakit tayo kung minsan ay tumatangging pakinggan ang panawagan ni Jesus, gayong wala namang mawawala sa atin at kung tutuusin ay mas marami pang biyaya tayong makakamtam. Halimbawa, kung tayo ay nabubuhay sa kasalanan ngayon at piliin nating tumugon sa panawagan ni Jesus para sa pagbabago, agad-agad ay mawawala ang bigat na pasan-pasan natin. Ngunit bakit marami pa rin sa atin ang ayaw talikuran ang kasalanan? Bakit nga ba? 

Ano ba ang naibibigay ng kasalanan na hindi natin maiwan? Naibibigay ba nito ang langit? Naibibigay ba nito ang tahimik at kontentong buhay? Bakit tayo kumakapit sa kasalanan na para bang dito nakasalalay ang ating buhay, gayong wala naman itong mabuting naibibigay? Hihintayin pa ba natin na dumating ang isang masamang pangyayari bago tayo makinig? 

Magsimula po kaya tayong tanggihan  ang anumang uri ng kasalanan—kahit man lang sa loob ng ilang linggo o isang buwan. Pagkatapos, ihambing natin ang ating dating buhay sa kasalanan at ang buhay na malaya rito at ginagabayan ng liwanag ni Jesus. Tiyak na mas iibigin natin ang bagong buhay kasama si Jesus kaysa sa lumang buhay na pasan ang bigat ng kasalanan. 

Inaanyayahan tayo ng Panginoon ngayon: mananatili ba tayong kumakapit sa mga hungkag na pangako ng kasalanan, o buong puso nating isusuko ang ating sarili upang maglakbay kasama si Jesus tungo sa buhay na magaan, maayos at walang iniisip na anumang kasamaan? — Marino J. Dasmarinas

Wednesday, October 01, 2025

Reflection for Thursday October 2 Memorial of the Holy Guardian Angels: Matthew 18:1-5, 10


Gospel: Matthew 18:1-5, 10
The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest in the Kingdom of heaven?” He called a child over, placed it in their midst, and said, “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the Kingdom of heaven. 

Whoever humbles himself like this child is the greatest in the Kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me. 


“See that you do not despise one of these little ones, for I say to you that their angels in heaven always look upon the face of my heavenly Father.”
+ + + + +  + +
Reflection:
Were the disciples expecting Jesus to tell them that they were the greatest in the kingdom of heaven because they followed Him? From all indications, this question—“Who is the greatest in the kingdom of heaven?”—was asked to serve their selfish desires. Jesus, however, knew what was in their hearts.

 Therefore, to straighten things out and to teach the disciples that self-seeking individuals would not be the greatest in the kingdom of heaven, Jesus told them: “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven” (Matthew 18:3–4).

 The kingdom of heaven is reserved only for the humble. We cannot reach heaven by our own effort, nor can we enter without the mercy of God. Children remind us of this truth: they are perfect models of humility and perfect examples of dependence. Could children survive on their own? No, they cannot. They need their parents’ presence, guidance, and care.

 In the same way, we cannot rely on ourselves. We must rely on God, just as children rely on their parents. This was perhaps one of the most important lessons Jesus wanted to impart when He called a child into their midst (Matthew 18:2).

 This truth also speaks to us today. We cannot rely on our riches, if ever we have them, no matter how abundant they may seem. We cannot depend on our power either, no matter how powerrful we think we are. For wealth and power are fleeting creations of this world—they can vanish from our hands at any time.

 So, to whom must we entrust our lives? We must rely on God alone. For in Him we find the strength to endure, the mercy to be forgiven, and the love that leads us home to His kingdom.

 Do we live each day with the humility of a child, depending on God for everything? Or are we still holding on to the false securities of wealth, power, and self-sufficiency? —Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Huwebes Oktubre 2 Paggunita sa Mga Banal na Angel na Taga-tanod: Mateo 18:1-5, 10


Mabuting Balita: Mateo 18: 1-5, 10
Noong sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. 

Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap. 

“Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Inaakala ba ng mga alagad na sasabihin ni Jesus na sila ang pinakadakila sa kaharian ng langit dahil sila ay sumusunod sa Kanya? Ang tanong ng mga alagad na—“Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”—ay nagmula sa kanilang makasariling motibo. Ngunit alam ni Jesus ang tunay na nilalaman ng kanilang puso. 

Kaya, upang ituwid ang kanilang isipan at ituro sa kanila na ang mga makasarili ay hindi magiging dakila sa kaharian ng langit, sinabi ni Jesus: “Ito ang sinasabi ko sa inyo, malibang kayo’y magbalik-loob at maging tulad ng mga bata, kailanma’y hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nagpapakumbaba na gaya ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3–4). 

Ang kaharian ng langit ay nakalaan lamang para sa mga mapagpakumbaba. Hindi natin ito maaabot sa sarili nating kakayahan, at hindi rin tayo makapapasok kung wala ang awa ng Diyos. Ang mga bata ang nagpapaalala sa atin ng katotohanang ito: sila ay huwaran ng kababaang-loob at perpektong halimbawa ng lubos na pagdepende sa kanilang mga magulang. Maaari ba silang mabuhay nang mag-isa? Hindi, sapagkat kailangan nila ang gabay, presensya, at kalinga ng kanilang mga magulang. 

Gayon din tayo—hindi natin kayang umasa sa ating sarili lamang. Tayo ay dapat umasa sa Diyos, tulad ng mga batang umaasa sa kanilang mga magulang. Marahil ito ang isa sa pinakamahalagang punto na nais iparating ni Jesus nang tawagin Niya ang isang bata sa kanilang piling (Mateo 18:2). 

At ito rin ay totoo para sa atin ngayon. Hindi tayo maaaring umasa sa ating kayamanan—kung mayroon man tayo—kahit gaano pa ito karami. Hindi rin tayo dapat magtiwala sa ating kapangyarihan, gaano man tayo kamakapangyarihan. Sapagkat ang kayamanan at kapangyarihan ay mga bagay sa mundong ito na maaaring maglaho anumang oras. 

Kung gayon, kanino tayo dapat umasa? Sa Diyos lamang. Dahil sa Kanya lang natin matatagpuan ang tunay na kayamanan at tunay na kapangyarihan na kailanman ay hindi natin makikita sa mundong ito. 

Nabubuhay ba tayo araw-araw na may kababaang-loob na gaya ng isang bata, tayo po ba ay lubos na umaasa sa Diyos? O patuloy pa rin nating ginagawang sandigan ang ating mga sariling kakayahan, kayamanan at kapangyarihan? —Marino J. Dasmarinas

Tuesday, September 30, 2025

Reflection for Wednesday October 1 Memorial of Saint Thérèse of the Child Jesus, Virgin and Doctor of the Church: Luke 9:57-62


Gospel: Luke 9:57-62
As Jesus and his disciples were proceeding on their journey, someone said to him, “I will follow you wherever you go.”Jesus answered him, “Foxes have dens and birds of the sky have nests, but the Son of Man has nowhere to rest his head.”

And to another he said, “Follow me.” But he replied, “Lord, let me go first and bury my father.” But he answered him, “Let the dead bury their dead. But you, go and proclaim the Kingdom of God.” 


And another said, “I will follow you, Lord, but first let me say farewell to my family at home.” Jesus answered him, “No one who sets a hand to the plow and looks to what was left behind is fit for the Kingdom of God.”
+ + + + + + +
Reflection:
How do we follow the Lord inside the Sacrament of Matrimony? 

We follow the Lord by being faithful to our marriage vows. We know for a fact that the priest who unites husband and wife does so in the person of Jesus Christ. Therefore, the two become one through the Sacrament of Matrimony by the grace of Jesus. 

However, no marriage is truly “made in heaven”; every marriage passes through the fire of trials and tribulations. Yet if we are serious about following the Lord through our sacred vows, we must always find it in our hearts to forgive whatever offenses may be committed against us. 

This means that there should always be a sacred space for forgiveness within the innermost hearts of married couples. No marriage is perfect, for we are all flawed individuals. But by the grace of Jesus, we are united in the Sacrament of Matrimony, and it is in Him that our weaknesses are made strong. 

Therefore, forgiveness should be one of the essential requirements for us as husband and wife if we truly desire to follow the Lord. If the Lord is present in our marriage and if we are sincere in our desire to walk with Him, then love, forgiveness, and humility will flourish in our hearts—until we breathe our last. 

In our own marriage, are we willing to make forgiveness, love, and humility the daily expression of our faith, so that Christ may always be alive in our homes? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 1 Miyerkules Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus, dalaga at pantas ng Simbahan: Lucas 9:57-62


Mabuting Balita: Lucas 9:57-62
Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” 

Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang akin ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” 

Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”
 + + + + + + +
Repleksyon:
Paano natin sinusundan ang Panginoon sa loob ng Sakramento ng Kasal? 

Sinusundan natin ang Panginoon sa pamamagitan ng ating katapatan sa ating mga panata sa kasal. Alam natin na ang pari na nagbubuklod sa mag-asawa ay gumaganap sa persona o pagkatao ni Jesu-Cristo. Kaya ang dalawa ay nagiging isa sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal sa biyaya ni Jesus. 


Gayunman, walang kasal na “ginawa sa langit”; bawat kasal ay dumaraan sa apoy ng mga pagsubok at hirap ng buhay. Ngunit kung tayo ay seryoso sa pagsunod sa Panginoon sa pamamagitan ng ating mga sinumpaang panata, dapat mayroon sa ating mga puso ang kakayahang magpatawad sa anumang pagkukulang o kasalanan na nagawa sa atin. 

Ibig sabihin nito, palagi dapat may nakalaan na puwang para sa pagpapatawad sa kaibuturan ng ating mga puso bilang mag-asawa. Walang kasal ang perpekto sapagkat tayo ay mga taong may mga kahinaan. Subalit sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus, tayo ay pinag-isa sa Sakramento ng Kasal, at dahil sa Kanyang biyaya tayo ay matatag na nagpapatuloy gaano man kabigat ang mga pagsubok.

 Kaya’t ang pagpapatawad ay dapat isa sa mahahalagang batayan para sa mga mag-asawa kung tunay nilang hangad na sundan ang Panginoon. Kung ang Panginoon ay nananahan sa atin at kung taimtim ang ating hangarin na maglakbay kasama Siya, dapat ay palaging buhay ang pag-ibig, pagpapatawad, at kababaang-loob—hanggang sa ating huling hininga.

 Sa ating sariling buhay mag-asawa handa ba tayong isabuhay ang pagpapatawad, pag-ibig, at kababaang-loob bilang araw-araw na patotoo ng ating pananampalataya, upang si Kristo ay laging manatiling buhay sa ating tahanan? — Marino J. Dasmarinas

Monday, September 29, 2025

Reflection for Tuesday September 30 Memorial of Saint Jerome, Priest and Doctor of the Church: Luke 9:51-56


Gospel: Luke 9:51-56
When the days for Jesus to be taken up were fulfilled, he resolutely determined to journey to Jerusalem, and he sent messengers ahead of him. On the way they entered a Samaritan village to prepare for his reception there, but they would not welcome him because the destination of his journey was Jerusalem.
 
When the disciples James and John saw this they asked, “Lord, do you want us to call down fire from heaven to consume them?” Jesus turned and rebuked them, and they journeyed to another village.
+ + + + +  + +
Reflection:
What is your attitude when somebody rejects you? Do you feel bad and offended, or do you simply shrug it off, move on, and treat rejection as a normal part of life? 

Jesus was refused entry into the Samaritan village, but instead of sulking or harboring resentment toward the Samaritan people, He simply walked away without holding any ill will against them. 

Perhaps Jesus was silently saying: “You refused me entry into your village, so I will move on without any ill feelings against you, people of Samaria.” In that negative reception, Jesus had a positive reaction: “Let’s move on and go forth with our mission.” 

Every now and then, there will also be people who try to offend us or bait us into stooping to their level of arrogance. So what are we going to do? We must not take the bait. Instead, we should keep calm and not allow ourselves to be offended. 

We simply have to take the higher road and squeeze out whatever positive lessons we can draw from a negative situation. We have to remember that nobody is in charge of how we react to any situation except us. 

Therefore, we should never forget to look for the positive in every negative circumstance that comes our way. When we allow the Holy Spirit to guide our hearts, even rejection can become a moment of redirection toward God’s greater plan.

How do you respond when others reject or offend you—do you let anger take over, or do you, like Jesus, choose to walk away with peace in your heart? – Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 30 Paggunita kay San Geronimo pari at pantas ng Simbahan : Lucas 9:51-56


Mabuting Balita: Lucas 9:51-56
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem.

Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.
 + + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang iyong nararamdaman kapag may mga taong hindi mabuti ang pakikitungo sayo? Nalulungkot ka ba at nasasaktan, o basta mo na lang itong pinalalagpas na may kapayapaan sa iyong puso at itinuturing mo nalang na normal ito na bahagi ng buhay? 

Tinanggihan si Jesus na pumasok sa nayon ng mga Samaritano, ngunit sa halip na magtampo o magkimkim ng galit laban sa kanila, Siya ay tahimik na lumisan nang walang dalang anumang hinanakit. 

Marahil ay para bang sinasabi Niya: “Tinanggihan ninyo Akong pumasok sa inyong nayon, kaya’t ako’y aalis na lamang nang walang anumang galit sa inyo, mga taga-Samaria.” Sa kabila ng negatibong pagtanggap, nagpakita si Jesus ng positibong tugon: “Magpatuloy tayo at ipagpatuloy ang ating misyon.” 

Paminsan-minsan, may mga taong susubok na saktan tayo o akitin tayong bumaba sa kanilang antas ng kayabangan. Ano kaya ang dapat nating gawin? Huwag tayong magpalinlang. Sa halip, manatili tayong kalmado at huwag hayaang masira ang ating kalooban. 

Kailangan nating tahakin ang mas mataas at tuwid na daan at kunin ang mabuting aral kahit sa gitna ng negatibong karanasan. Dapat nating tandaan na tayo lamang ang may hawak kung paano tayo tutugon sa anumang sitwasyong dumarating sa ating buhay. 

Kaya naman, huwag nating kalilimutan na laging may positibong biyayang nakatago kahit sa bawat negatibong pangyayari. Kapag hinayaan nating pamunuan tayo ng Espiritu Santo, maging ang pagtanggi o hindi maayos na pag turing sa atin ay nagiging daan patungo sa mas dakilang plano ng Diyos. 

Kapag ikaw ba ay ipinapahiya o sinasaktan ng iba, pinipili mo bang magkimkim ng galit, o pinipili mo, gaya ni Jesus, ang lumakad nang may kapayapaan at pagmamahal sa iyong puso? – Marino J. Dasmarinas

Saturday, September 27, 2025

Reflection for Monday September 29 Feast of Saints Michael, Gabriel, and Raphael, Archangels: John 1:47-51


Gospel: John 1:47-51
Jesus saw Nathanael coming toward him and said of him, “Here is a true child of Israel. There is no duplicity in him.” Nathanael said to him, “How do you know me?” Jesus answered and said to him, “Before Philip called you, I saw you under the fig tree.” Nathanael answered him, “Rabbi, you are the Son of God; you are the King of Israel.”
 
Jesus answered and said to him, “Do you believe because I told you that I saw you under the fig tree? You will see greater things than this.” And he said to him, “Amen, amen, I say to you, you will see heaven opened and the angels of God ascending and descending on the Son of Man.”
+ + + + + + +
Reflection:
Do you think about God when you are alone? Many of us are forced to think about Him when we encounter bumps and humps in our lives. But do we take time to truly contemplate God when we are not troubled by any problems? Only a few of us, perhaps, do this. 

What was Nathanael doing under the fig tree? Was he contemplating God? Was he praying and asking for His guidance? Nathanael was reflecting on God while he sat under the fig tree; he was silently asking the Lord to reveal Himself. Then, not long after, the call of Jesus came. 

When we think of God often, our hearts and minds slowly but surely begin to form a clearer picture of who He is. We start to understand His identity and the role He plays in our lives. To many of us, God may seem distant. But is it really God who is far away, or is it us who distance ourselves from Him? 

The truth is, Jesus is never distant from us; He is always present, always waiting, always loving. It is we who often fail to give Him our time, our attention, and our hearts—except when we are in great need. 

What if today you choose to seek God not only in moments of struggle but also in moments of peace? Will you make space in your daily life to contemplate His presence and allow Him to reveal Himself more deeply to you? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Lunes Setyembre 29 Kapistahan nila San Miguel, San Gabriel at San Rafael, mga arkanghel: Juan 1:47-51


Mabuting Balita: Juan 1:47-51
Noong panahong iyon, nang makita ni Jesus si Natanael, ay kanyang sinabi, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos."  

"Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos?

Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!"
+ + + + + + +
Repleksyon:
Iniisip mo ba ang Diyos kapag mag-isa ka? Kadalasan, naiisip lamang natin ang Diyos kapag dumarating ang mga unos at pagsubok sa ating buhay. Ngunit iniisip ba natin Siya at tunay na nagmumuni-muni sa Diyos kahit wala tayong kinakaharap na problema? Marahil, iilan lamang ang gumagawa nito. 

Ano kaya ang ginagawa ni Natanael sa ilalim ng puno ng igos? Siya ba ay nagmumuni-muni sa Diyos? Siya ba ay nananalangin at humihingi ng gabay mula sa Kanya? Tahimik na nagbubulay si Natanael sa Diyos habang siya’y nasa ilalim ng puno; taimtim niyang hinihiling na ipahayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa kanya. At hindi nagtagal, dumating ang tawag ni Jesus. 

Kapag madalas nating iniisip ang Diyos, unti-unti ngunit tiyak na nagiging malinaw sa atin kung sino Siya. Nagsisimula nating maunawaan ang Kanyang pagkakakilanlan at ang papel na ginagampanan Niya sa ating buhay. Para sa marami sa atin, tila napakalayo ng Diyos. Ngunit Siya ba talaga ang malayo, o tayo ang lumalayo sa Kanya? 

Ang katotohanan ay kailanman hindi lumalayo si Jesus sa atin. Siya ay laging nandiyan, laging naghihintay, laging nagmamahal. Tayo ang madalas na hindi naglalaan ng oras, at tayo rin ang umiiwas na bigyan Siya ng puwang sa ating pang araw-araw na buhay—maliban na lamang kung tayo’y dumadaan sa mga unos ng buhay. 

Paano kung ngayong araw ay piliin mong hanapin ang Diyos hindi lamang sa oras ng iyong mga pagsubok kundi maging sa panahon ng kapanatagan? Handa ka bang maglaan ng oras araw-araw upang magnilay sa Kanyang salita at hayaang higit Niyang ipahayag ang Kanyang sarili sa iyo? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, September 24, 2025

Reflection for September 28 Twenty-sixth Sunday in Ordinary Time: Luke 16:19-31


Gospel: Luke 16:19-31
Jesus said to the Pharisees: “There was a rich man who dressed in purple garments and fine linen and dined sumptuously each day. And lying at his door was a poor man named Lazarus, covered with sores, who would gladly have eaten his fill of the scraps that fell from the rich man's table. Dogs even used to come and lick his sores. When the poor man died, he was carried away by angels to the bosom of Abraham.   

The rich man also died and was buried, and from the netherworld, where he was in torment, he raised his eyes and saw Abraham far off and Lazarus at his side. And he cried out, 'Father Abraham, have pity on me. Send Lazarus to dip the tip of his finger in water and cool my tongue, for I am suffering torment in these flames.' 

Abraham replied, ‘My child, remember that you received what was good during your lifetime while Lazarus likewise received what was bad; but now he is comforted here, whereas you are tormented. Moreover, between us and you a great chasm is established to prevent anyone from crossing who might wish to go from our side to yours or from your side to ours.’   

He said, ‘Then I beg you, father, send him to my father’s house, for I have five brothers, so that he may warn them, lest they too come to this place of torment.' But Abraham replied, ‘They have Moses and the prophets. Let them listen to them.’ He said, ‘Oh no, father Abraham, but if someone from the dead goes to them, they will repent. ’Then Abraham said, ‘If they will not listen to Moses and the prophets, neither will they be persuaded if someone should rise from the dead.’

+ + + + + + +
Reflection:
The story is told about a man who did not believe in God or in the afterlife. He wantonly wasted his days indulging in sinful pleasures. His life was filled with immoral satisfaction—drugs, sex, and other worldly pursuits. In other words, he had no time for God. This became his way of life because he did not believe in the existence of the afterlife, much less in God. 

But is there really an afterlife, a life that immediately begins once our time in this world is over? The answer is a resounding yes! The Gospel reminds us that there is indeed an afterlife, one that is very different from the life we have today. In the afterlife, there exist two kingdoms: the kingdom of God, and the kingdom of Satan, where he dwells. 

In the Gospel, we encounter two men: an unnamed rich and indifferent man, and the poor man named Lazarus. The rich man perhaps did not believe in the afterlife, or was not aware of its reality. That is why he did not care for Lazarus, who was in dire need of his help. He simply ignored him as if he did not exist. 

When both of them died, there was a reversal of places. The poor man Lazarus, who endured suffering while alive, was carried into the kingdom of God. Meanwhile, the rich man, who had savored earthly pleasures, found himself in the dark kingdom of Satan. 

Why was there this reversal? Because the rich man was indifferent to the desperate cry of Lazarus. If only he had known that Lazarus was close to God! If only he had realized that Lazarus could have been God in disguise! 

The message for us is very clear: we must never ignore the cry of the poor, for in their brokenness we see the face of God. The poor are not a burden but a living reminder of God’s presence in our midst. 

How often do we pass by the “Lazarus” in our own lives—the beggar on the street, the relative in need, the neighbor silently crying for help—without even noticing? Will we choose to open our hearts to them as if we are serving God Himself, or will we risk being blind like the rich man? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Setyembre 28, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 16:19-31


Mabuting Balita: Lucas 16:19-31
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: "May isang mayamang nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. 

Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro. At sumigaw siya: 'Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.' 

Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro'y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo'y inaaliw siya rito, samantalang ikaw'y nama'y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.' 

At sinabi ng mayaman, 'Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako'y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.' 


Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.' 'Hindi po sapat ang mga iyon,' tugon niya, 'Ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.' Sinabi sa kanya ni Abraham, 'Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan ang isang patay na muling nabuhay.'"
 + + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang lalaki na hindi naniniwala sa Diyos o sa kabilang-buhay. Nilustay niya ang kaniyang mga araw sa makamundong kalayawan. Ang kaniyang buhay ay nakatuon lamang sa mga imoral na kasiyahan—droga, pakikiapid, at iba pang makasalanang bagay.

Sa madaling sabi, wala siyang panahon para sa Diyos. Ito ang naging landas ng kaniyang buhay sapagkat hindi siya naniniwala na may kabilang-buhay, lalo na na may Diyos. 

Pero, totoo ba talagang may kabilang-buhay, isang buhay na agad magsisimula matapos ang ating panahon dito sa mundo? Ang sagot ay isang malakas na oo! Ipinapakita ng Mabuting Balita na tunay ngang may kabilang-buhay, at ito ay lubhang naiiba sa buhay na mayroon tayo ngayon. Doon sa kabilang-buhay ay may dalawang kaharian: ang kaharian ng Diyos, at ang kaharian ni Satanas kung saan siya nananahan. 

Sa atin pong Mabuting Balita ay ipinakikilala sa atin ang dalawang tao: ang mayamang walang pakialam, at ang pulubing si Lazaro. Marahil ang mayamang iyon ay hindi naniniwala sa kabilang-buhay o hindi batid ang katotohanan nito. Kaya’t hindi niya inalintana ang paghihirap ni Lazaro na nasa matinding pangangailangan. Ipinagwalang-bahala niya ito na para bang wala siyang nakikitang tao. 

Nang sila ay parehong pumanaw, nagkaroon ng pagbabaligtad ng kalagayan. Ang pulubing si Lazaro, na nagtiis ng kahirapan habang nabubuhay, ay dinala sa kaharian ng Diyos. Samantala, ang mayamang nagpakasasa sa mga kalayawan ng mundo ay napunta sa madilim na kaharian ni Satanas. 

Bakit nagkaroon ng ganitong pagbabaligtad ng kanilang kalagayan? Sapagkat ang mayaman ay naging manhid sa daing at pangangailangan ni Lazaro. Kung alam lamang niya na si Lazaro ay malapit sa Diyos! Kung naunawaan lamang niya na maaaring si Lazaro ay ang Diyos na nagkatawang-tao sa anyo ng mahirap! 

Ang aral para sa atin ay malinaw: huwag nating ipagwalang-bahala ang panaghoy at pagtangis ng mga dukha, sapagkat sa kanilang kahinaan at pangangailangan ay makikita natin ang mukha ng Diyos. Ang mga mahihirap ay hindi pabigat, bagkus sila ay buhay na paalala ng presensya ng Diyos sa ating piling. 

Ilang beses na ba tayong dumaan sa tabi ng ating “Lazaro” sa buhay—ang pulubi sa lansangan, ang kamag-anak na nangangailangan, o ang kapitbahay na tahimik na umiiyak dahil sa kahirapang pinagdadaanan—ngunit hindi man lang natin sila pinansin? 

Bubuksan ba natin ang ating puso at tutugon sa kanila na para bang si Kristo mismo ang ating tinutulungan o mananatili tayong bulag at manhid tulad ng mayamang iyon? – Marino J. Dasmarinas

Monday, September 22, 2025

Reflection for Saturday September 27 Memorial of Saint Vincent de Paul, Priest: Luke 9:43b-45


Gospel: Luke 9:43b-45
While they were all amazed at his every deed, Jesus said to his disciples, “Pay attention to what I am telling you. The Son of Man is to be handed over to men.”

But they did not understand this saying; its meaning was hidden from them so that they should not understand it, and they were afraid to ask him about this saying.
+ + + + + + +
Reflection:
Do we sometimes find it difficult to understand the ways of the Lord in our lives? Every one of us perhaps experiences this kind of dilemma. For example, when we pass through severe testing, it may lead us to question God. Some of us may even say before Jesus: “Why do we have to go through this difficulty in our lives when we follow You?”

 When we face these kinds of trials, we must remember that we are created beings of God with finite minds. As such, our intellect is limited, no matter how intelligent we may think we are. Thus, we will never be able to fully comprehend the ways of God. Instead, we are called to humbly submit to His will and firmly hold on to our faith in our infinite and loving God.

 Therefore, when we encounter episodes in life that seem beyond our understanding, let us not be afraid to cry out to God and ask: “Why do we have to go through this trial?” 

Yet after questioning Him, may we hold on even tighter to our faith and continue to believe that He has a greater purpose for allowing us to walk through these valleys of life. For in every difficulty, God is shaping us, strengthening us, and drawing us closer to Himself.

Will we allow our trials to weaken our faith, or will we let them deepen our trust in the God whose wisdom and love are far greater than ours? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Setyembre 27 Paggunita San Vicente de Paul, pari: Lucas 9:43b-45

Mabuting Balita: Lucas 9:43b-45
Noong panahong iyon, samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” 

Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila.  Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nahihirapan ba tayong unawain ang mga paraan ng pagkilos ng Panginoon sa ating buhay? Marahil ay bawat isa sa atin ay nakararanas ng ganitong uri ng pagsubok. 

Halimbawa, tinatanong natin ang Diyos kapag dumaraan tayo sa mabibigat na hamon ng buhay. Ang ilan sa atin ay maaaring magsabi sa harap ni Jesus: “Bakit ko kailangang pagdaanan ang hirap na ito sa aking buhay gayong sumusunod naman ako sayo?”

Kapag dumaraan tayo sa ganitong mga pagsubok, kailangan nating alalahanin na tayo ay nilikhang nilalang ng Diyos na may hangganan ang kaisipan. Bilang mga tao, limitado ang ating pag-unawa gaano man katalino ang ilan sa atin.

Kaya’t hinding-hindi natin lubos na mauunawaan ang mga paraan ng Diyos. Sa halip, tinatawag Niya tayo na magpakumbaba, magpasakop sa Kanyang kalooban, at mahigpit na kumapit sa ating pananampalataya sa ating walang hanggang at mapagmahal na Diyos.

Kaya’t kapag dumaraan tayo sa mga yugto ng buhay na tila mahirap unawain, huwag tayong matakot na sumigaw at magtanong sa Diyos: “Bakit namin kailangang pagdaanan ang pagsubok na ito?”

Subalit matapos tayong magtanong, lalo pa sana tayong kumapit sa ating pananampalataya at patuloy na maniwala na may dakilang layunin ang Diyos kung bakit Niya hinahayaan tayong lumakad sa ganitong daan sa ating buhay. Sapagkat sa bawat paghihirap ay hinuhubog Niya tayo, pinatitibay, at lalo Niya tayong inilalapit sa Kanyang sarili.

Hahayaan ba nating talunin tayo ng mga pagsubok o gagamitin natin ang ating mga pagsubok upang lalo pang tumibay ang ating pagtitiwala sa Panginoon? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 26 Friday of the 25th Week in Ordinary Time: Luke 9:18-22


Gospel: Luke 9:18-22
Once when Jesus was praying in solitude, and the disciples were with him, he asked them, “Who do the crowds say that I am?” They said in reply, “John the Baptist; others, Elijah; still others, ‘One of the ancient prophets has arisen.’” Then he said to them, “But who do you say that I am?” Peter said in reply, “The Christ of God.” He rebuked them and directed them not to tell this to anyone.

He said, “The Son of Man must suffer greatly and be rejected by the elders, the chief priests, and the scribes, and be killed and on the third day be raised.”
+ + + + + + +
Reflection:
Why does Jesus always remind His disciples about His impending sufferings? Why not keep His coming sufferings only to Himself? Come to think of it, if Jesus had concealed His suffering from His disciples, He could have attracted more followers. But Jesus did not lie to them; He did not sugarcoat His words to attract them. He was brutally honest, and He laid everything down before them. 

Many of us don’t want to talk about sufferings when following Jesus. Yet the moment we take away sufferings, there is no more authentic discipleship. This is because discipleship without going through suffering is false discipleship. 

How could we truly see Jesus if we never experienced pain and suffering? How could we know Him more deeply if we were not willing to endure trials for His sake? If we say that we follow Jesus and yet we are afraid of suffering, then we are not truly His followers. We are simply bystanders who care little about His mission. 

As they say, “No pain, no gain.” If we relate this to our discipleship with Jesus, it now becomes: “No pain, no date in Heaven with Jesus.” 

Suffering is never easy, but it is the path that shapes us into authentic disciples. It is through the cross that we are drawn closer to Christ, and it is in our sacrifices that we begin to taste the sweetness of His love. 

Are you willing to embrace suffering for the sake of Jesus, or will you choose the easier path and miss the eternal joy of being with Him? – Marino J. Dasmarinas