Wednesday, September 16, 2026

Reflection for September 17 Thursday of the Twenty-fourth Week in Ordinary Time: Luke 7:36-50


Gospel: Luke 7:36-50
A certain Pharisee invited Jesus to dine with him, and he entered the Pharisee’s house and reclined at table. Now there was a sinful woman in the city who learned that he was at table in the house of the Pharisee. Bringing an alabaster flask of ointment, she stood behind him at his feet weeping and began to bathe his feet with her tears.

Then she wiped them with her hair, kissed them, and anointed them with the ointment. When the Pharisee who had invited him saw this he said to himself, “If this man were a prophet, he would know who and what sort of woman this is who is touching him, that she is a sinner.” Jesus said to him in reply, “Simon, I have something to say to you.”

“Tell me, teacher,” he said. “Two people were in debt to a certain creditor; one owed five hundred days’ wages and the other owed fifty. Since they were unable to repay the debt, he forgave it for both. Which of them will love him more?” Simon said in reply, “The one, I suppose, whose larger debt was forgiven.” He said to him, “You have judged rightly.”

Then he turned to the woman and said to Simon, “Do you see this woman? When I entered your house, you did not give me water for my feet, but she has bathed them with her tears and wiped them with her hair. You did not give me a kiss, but she has not ceased kissing my feet since the time I entered. You did not anoint my head with oil, but she anointed my feet with ointment.

So I tell you, her many sins have been forgiven; hence, she has shown great love. But the one to whom little is forgiven, loves little.” He said to her, “Your sins are forgiven.” The others at table said to themselves, “Who is this who even forgives sins?” But he said to the woman, “Your faith has saved you; go in peace.”

+ + + + + + +
Reflection:
Do we believe that Jesus would forgive us of our many sins?

The woman in the Gospel, who was known as a great sinner, believed in her heart that Jesus would forgive her. Uninvited, she went to the house of the Pharisee where Jesus was present. There, she humbled herself before Jesus by kissing His feet, washing them with her tears, anointing them with ointment, and wiping them with her hair.

What a beautiful and humble expression of repentance and submission! Through her actions, the woman seemed to be telling Jesus, “Lord, I am sorry for my sins. I want to change. I want to begin again. I want to leave my sinful life behind and follow You.”

Her tears spoke of a heart that was truly repentant. Her humility revealed her deep faith in the mercy of Jesus. Her love moved her to approach Him despite what others might have thought of her. And Jesus did not reject her. He forgave her and gave her the grace to begin anew.

Perhaps this woman’s story is also our story.

All of us have sinned. At times, we have failed God, failed others, and even failed ourselves. Our sins may be different from one another, but we all carry our own weaknesses, failures, and moments of falling short. Yet our sins should never make us believe that we are beyond the reach of God's mercy.

There is no sin that is greater than the mercy of Jesus when we sincerely repent and return to Him. We have nothing to fear when we humbly come before Him, confess our sins, and ask for His forgiveness. Jesus does not want us to remain prisoners of our past. He wants to heal us, renew us, and lead us toward a new life.

Perhaps we are asking ourselves: How can Jesus forgive us of our many sins?

Jesus extends His forgiveness to us in a special and beautiful way through the Sacrament of Reconciliation, or Confession. In this healing sacrament, we bring before Him our sins, our failures, our regrets, and even those things that we are ashamed to confess. We come not because we are perfect, but because we know that we need His mercy.

When we sincerely humble ourselves and open our hearts to God's forgiveness, we experience the liberating grace of His mercy. It is as though a heavy burden has been lifted from our shoulders. We are reminded that our past does not have to define our future. Through God's mercy, we can rise again and begin anew.

Do we want to lead a new life—a life no longer enslaved by sin, guilt, and the darkness that keeps us away from God? If our answer is yes, let us not be afraid to approach Jesus. Let us kneel before Him with humble and repentant hearts. Let us bring to Him everything that weighs heavily upon our souls and allow His mercy to heal and renew us.

Jesus is always ready to welcome us back.

The question is not whether Jesus is willing to forgive us. The greater question is whether we are willing to humble ourselves, return to Him, and allow His mercy to transform our lives.

Are we ready to open our hearts to Jesus, receive His healing forgiveness, and courageously begin again?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Setyembre 17 Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 7:36-50


Mabuting Balita: Lucas 7:36-50
Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya’t nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 

At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya — isang makasalanan!” 

Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot siya, “Ano po iyon, Guro?” Sinabi ni Hesus, “May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa’y limandaang denaryo at ang isa nama’y limampu. Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?” Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po’y ang pinatawad ng malaking halaga.” 

“Tama ang sagot mo,” ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. 

Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok siya ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. 

Kaya’t sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.” Saka sinabi sa babae, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 

At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili,

“Sino ba itong pati pagpapatawad sa kasalanan ay pinangangahasan?” Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Naniniwala ba tayo na patatawarin parin tayo ni Hesus sa kabila ng madami at mabibigat nating mga kasalanan?

Ang babae sa Ebanghelyo, na kilala bilang isang makasalanan, ay naniwala sa kanyang puso na patatawarin siya ni Hesus. Kahit hindi siya inanyayahan, nagtungo siya sa bahay ng Pariseo kung saan naroon si Hesus. Doon, buong pagpapakumbaba siyang lumapit kay Hesus. Hinalikan niya ang mga paa Niya, hinugasan ang mga ito ng kanyang mga luha, binuhusan ng pabango, at pinunasan ng kanyang buhok.

Napakaganda ng kanyang pagpapakumbaba at pagsisisi! Sa pamamagitan ng kanyang mga ginawa, wari bang sinasabi niya kay Hesus: “Panginoon, patawarin Mo po ako sa aking mga kasalanan. Nais kong magbago. Nais kong magsimulang muli. Nais kong talikuran ang aking dating buhay at sumunod sa Iyo.”

Ang kanyang mga luha ay tila larawan ng pusong tunay na nagsisisi. Ang kanyang pagpapakumbaba ay nagpapakita ng kanyang malalim na pananampalataya sa awa ni Hesus. At ang kanyang pagmamahal ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na lumapit sa Kanya sa kabila ng maaaring isipin o sabihin ng ibang tao tungkol sa kanya.

At hindi siya itinaboy ni Hesus. Pinatawad siya ni Hesus at binigyan ng biyayang magsimulang muli.

Marahil, ang kuwento ng babaeng ito ay kuwento rin ng ating buhay.

Lahat tayo ay nagkakasala. May mga pagkakataong nabibigo natin ang Diyos, ang ating kapwa, at maging ang ating sarili. Maaaring magkakaiba ang ating mga kahinaan at pagkakamali, ngunit lahat tayo ay may mga sandaling tayo ay nagkukulang at nahuhulog sa kasalanan.

Subalit hindi kailanman dapat maging dahilan ang ating mga kasalanan upang isipin nating hindi na tayo maaabot ng awa ng Diyos.

Walang kasalanang higit na makapangyarihan kaysa sa awa ni Hesus kapag tayo ay tunay na nagsisisi at buong kababaang-loob na nagbabalik sa Kanya. Wala tayong dapat katakutan kapag buong pagpapakumbaba tayong lumalapit sa Kanya, ipinapahayag ang ating mga kasalanan, at humihingi ng Kanyang kapatawaran.

Ayaw ni Hesus na manatili tayong bilanggo ng ating nakaraan. Nais Niya tayong pagalingin, baguhin, at bigyan ng panibagong buhay.

Marahil ay itinatanong natin sa ating sarili: Paano tayo patatawarin ni Hesus sa kabila ng dami ng ating mga kasalanan?

Ipinagkakaloob sa atin ni Hesus ang Kanyang kapatawaran sa isang natatangi at napakagandang paraan sa pamamagitan ng Sakramento ng Pakikipagkasundo o Kumpisal. Sa nakapagpapagaling na sakramentong ito, dinadala natin sa Kanya ang ating mga kasalanan, pagkukulang, pagsisisi, at maging ang mga bagay na nahihiya tayong aminin.

Lumalapit tayo sa Kanya hindi dahil tayo ay perpekto, kundi dahil kinikilala nating kailangan natin ang Kanyang awa.

Kapag buong katapatan nating ibinababa ang ating sarili sa harap ng Diyos at binubuksan ang ating puso sa Kanyang kapatawaran, nararanasan natin ang mapagpalayang biyaya ng Kanyang awa. Para bang may mabigat na pasaning naaalis sa ating mga balikat. Ipinaaalala sa atin ng Diyos na hindi kailangang ang ating nakaraan ang magtakda ng ating kinabukasan.

Sa pamamagitan ng Kanyang awa, maaari tayong bumangon, magbago, at magsimulang muli.

Nais ba nating mamuhay ng panibagong buhay—isang buhay na hindi na alipin ng kasalanan, pagkakasala, at mga bagay na naglalayo sa atin sa Diyos? Kung oo ang ating sagot, huwag tayong matakot na lumapit kay Hesus. Lumuhod tayo sa Kanyang harapan nang may mapagpakumbaba at nagsisising puso. Dalhin natin sa Kanya ang lahat ng mabibigat na pasaning dinadala natin sa ating kaluluwa at hayaan nating pagalingin at baguhin tayo ng Kanyang awa.

Si Jesus ay palaging handang tumanggap at magpatawad sa atin.

Hindi ang tanong kung handa bang patawarin tayo ni Hesus. Ang mas mahalagang tanong ay: Handa ba tayong magpakumbaba, bumalik sa Kanya, at hayaan ang Kanyang awa na tunay na baguhin ang ating buhay?

Handa na ba nating buksan ang ating puso kay Hesus, tanggapin ang Kanyang mapagpagaling na kapatawaran, at buong tapang na magsimulang muli kasama Siya?—Marino J. Dasmarinas

Reflection for Wednesday September 16 Memorial of Saints Cornelius, Pope, and Cyprian, Bishop, Martyrs: Luke 7:31-35


Gospel: Luke 7:31-35
Jesus said to the crowds: “To what shall I compare the people of this generation? What are they like? They are like children who sit in the marketplace and call to one another, ‘We played the flute for you, but you did not dance. We sang a dirge, but you did not weep.’ 

For John the Baptist came neither eating food nor drinking wine, and you said, ‘He is possessed by a demon. The Son of Man came eating and drinking and you said, ‘Look, he is a glutton and a drunkard, a friend of tax collectors and sinners.’ But wisdom is vindicated by all her children.

+ + + + + + +
Reflection:
Are there people within our sphere of influence whom we find difficult to understand? 

Perhaps we have a friend who seems to have nothing good to say about us. This person is always quick to find fault and judge us, yet deliberately closes their eyes to the good things that we do.

During Jesus’ time, there were also many people who constantly found fault with Jesus and John the Baptist. John was criticized because of his ascetic way of life and because he spent much of his time in the wilderness. He was even labeled as being possessed by the devil. Yet they chose to ignore John’s call to repentance and the renewal of their lives.

They did the same thing to Jesus. They labeled Him as a friend of tax collectors and sinners simply because Jesus would, from time to time, associate with them with the intention of bringing them to conversion. Yet they deliberately closed their eyes to the countless healings and miracles that Jesus performed.

Perhaps we, too, have experienced being misunderstood, judged, or criticized despite our sincere efforts to do what is right. At times, the good that we do may go unnoticed, while our mistakes and shortcomings are quickly remembered. When this happens, let us not allow the opinions of others to discourage us or lead us away from what is good and pleasing to God.

Instead, let us keep our eyes fixed on Jesus and faithfully follow His teachings. Let us continue to do what is right, even when others misunderstand us, criticize us, or fail to appreciate what we do. What matters most is not how people see us, but how faithfully we live in the presence of God.

Let us place our hurt, disappointments, and struggles into the hands of the Lord. May the Holy Spirit give us the grace to remain humble when we are praised, patient when we are criticized, and faithful when we are misunderstood. May we never allow the judgment of others to become louder than the voice of God in our hearts.

For if God is with us, who then can be against us?

When we are misunderstood or criticized for doing what is right, will we allow the opinions of others to weaken our faith—or will we continue to follow Jesus faithfully, trusting that God sees the goodness within our hearts?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Miyerkules Setyembre 16, paggunita San Cornelio papa at San Cipriano Obispo, mga martir: Lucas 7:31-35


Mabuting Balita: Lucas 7:31-35
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis! 

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! 

Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

+ + + + + + +  
Repleksyon:
May mga tao ba sa ating paligid na nahihirapan tayong unawain?

Marahil ay mayroon tayong kaibigan na tila walang magandang masabi tungkol sa atin. Mabilis siyang makakita ng ating pagkakamali at humusga sa atin, ngunit tila ipinipikit naman niya ang kanyang mga mata sa mga kabutihang ginagawa natin.

Noong panahon ni Jesus, marami rin ang patuloy na naghahanap ng kapintasan kay Jesus at kay Juan Bautista. Pinuna si Juan dahil sa kanyang payak at mahigpit na pamumuhay at dahil ginugol niya ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa ilang. Tinawag pa nga siyang sinasapian ng demonyo. Ngunit pinili nilang ipagsawalang-bahala ang panawagan ni Juan sa pagsisisi at pagbabago ng kanilang buhay.

Ganoon din ang ginawa nila kay Jesus. Tinawag nila Siyang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan dahil nakikisalamuha Siya sa kanila paminsan-minsan upang sila ay akayin tungo sa pagbabagong-buhay. Ngunit sadyang ipinikit din nila ang kanilang mga mata sa napakaraming pagpapagaling at himalang ginawa ni Jesus.

Marahil, tayo rin ay nakaranas nang hindi maunawaan, mahusgahan, o mapintasan sa kabila ng ating pagsisikap na gawin ang tama. Kung minsan, hindi napapansin ang kabutihang ginagawa natin, ngunit mabilis namang naaalala ng iba ang ating mga pagkakamali at pagkukulang. Kapag nangyayari ito, huwag nating hayaang panghinaan tayo ng loob o malayo sa paggawa ng mabuti at kalugud-lugod sa Diyos.

Sa halip, ituon natin ang ating mga mata kay Jesus at buong katapatang sundin ang Kanyang mga aral. Patuloy nating gawin ang tama kahit hindi tayo nauunawaan, pinupuna, o hindi pinahahalagahan ng iba. Sapagkat higit na mahalaga hindi kung paano tayo nakikita ng mga tao, kundi kung paano tayo namumuhay sa harapan ng Diyos.

Ilagak natin sa mga kamay ng Panginoon ang ating mga hinanakit, kabiguan, at mga pagsubok. Nawa’y pagkalooban tayo ng Espiritu Santo ng biyayang manatiling mapagpakumbaba kapag tayo ay pinupuri, matiisin kapag tayo ay pinupuna, at matatag kapag tayo ay hindi nauunawaan. Huwag nating hayaang maging mas malakas ang mga paghuhusga ng ibang tao kaysa sa tinig ng Diyos na nagsasalita sa ating puso.

Sapagkat kung ang Diyos ay sumasaatin, sino ang magiging laban sa atin?

Kapag tayo ay hindi nauunawaan o pinupuna dahil ginagawa natin ang tama, hahayaan ba nating pahinain ng mga salita ng iba ang ating pananampalataya, o mananatili tayong tapat kay Jesus, nagtitiwala na nakikita ng Diyos ang kabutihan at katapatan ng ating puso?— Marino J. Dasmarinas

Tuesday, September 15, 2026

Reflection for Tuesday September 15 Memorial of Our Lady of Sorrows: John 19:25-27


Gospel: John 19:25-27
Standing by the cross of Jesus were his mother and his mother’s sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene. When Jesus saw his mother and the disciple there whom he loved he said to his mother, “Woman, behold, your son.”

Then he said to the disciple, “Behold, your mother.” And from that hour the disciple took her into his home.

+ + + + + + +
Reflection:
How does it feel to see a son dying on the cross?

It must have been heart-wrenching for Mary to see her beloved Son, Jesus, dying on the cross. It must have been doubly heart-wrenching for her to hear Jesus entrusting her to the care of His beloved disciple, John.

Separation, especially the kind of separation experienced by Jesus and His mother Mary, is always painful and sorrowful. But such is life. All of us have to go through moments of pain, sorrow, and separation. No one is exempt from this reality. Whether we are rich or poor, we will all experience the pain of being separated from our loved ones.

In the midst of her sorrowful separation from her dying Son, Mary was entrusted by Jesus to the care of His beloved disciple, John. In this Gospel episode, we see the great love of Jesus for His mother. Even as He was suffering on the cross, Jesus continued to think of her and make sure that she would be cared for.

We also see the deep and enduring love of Mary for her Son, Jesus. She did not turn away from Him in His darkest hour. She remained there, faithfully standing beside Him until His final breath on the cross. Her presence speaks of a love that does not run away when suffering comes—a love that remains even when there seems to be nothing left to do but pray, endure, and stay.

Mary's sorrow reminds us that loving someone deeply also means being willing to share in their suffering. There are moments in our own lives when we may have to stand beside someone who is hurting, grieving, sick, struggling, or slowly losing hope. At such moments, our presence, our prayers, our patience, and our love can become a quiet way of carrying God's presence to them.

This Gospel also invites us to look deeply into our own relationships. How are we as sons and daughters to our mothers? Do we make them feel our love and gratitude while we still have the opportunity to do so? And for those of us who are parents, how are we loving, guiding, and caring for our children? Are we present not only during their moments of joy and success but also during their trials and failures?

Let us learn from Jesus and Mary. Let us not take our loved ones for granted. While we still have them with us, let us express our love, ask for forgiveness, offer forgiveness, and make time for them. We may not always be able to remove their pain, but we can choose to remain beside them, just as Mary remained beside Jesus.

One day, we may no longer have the opportunity to say what our hearts have long wanted to say. One day, the hands we hold today may no longer be there for us to hold. Let us therefore love while we still can, forgive while we still can, and be present while we still have the gift of time.

As we look at Mary faithfully standing beside Jesus at the foot of the cross, are we willing to remain beside our loved ones in their darkest moments—and while we still have the gift of their presence, will we make sure that they truly know how much we love them?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Martes Setyembre 15 Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati: Juan 19:25-27


Mabuting Balita: Juan 19:25-27
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. 

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Ginang, narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad, "Narito ang iyong ina!" Mula noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano kaya ang nadama ni Maria nang makita niyang namamatay sa krus ang kanyang Anak?

Tiyak na napakasakit para kay Maria na makita ang kanyang minamahal na Anak na si Jesus na nakapako at namamatay sa krus. Lalo pa sigurong nadurog ang kanyang puso nang marinig niyang ipinagkakatiwala ni Jesus ang kanyang ina sa pangangalaga ng Kanyang minamahal na alagad na si Juan.

Ang paghihiwalay, lalo na ang paghihiwalay tulad ng magulang sa kanyang anak, ay laging may kaakibat na sakit at kalungkutan. Ngunit bahagi ito ng buhay. Lahat tayo ay makararanas ng mga sandali ng sakit, kalungkutan, at paghihiwalay. Walang sinuman ang lubusang makaiiwas dito. Mayaman man tayo o mahirap, darating ang panahon na mararanasan natin ang sakit ng pagkakawalay sa mga taong mahal natin.

Sa gitna ng matinding kalungkutan ni Maria habang naghihiwalay sila ng kanyang naghihingalong Anak, ipinagkatiwala siya ni Jesus sa pangangalaga ng Kanyang minamahal na alagad na si Juan. Sa tagpong ito ng Ebanghelyo, nakikita natin ang dakilang pagmamahal ni Jesus sa Kanyang ina. Kahit Siya ay naghihirap at unti-unti nang namamatay sa krus, naisip pa rin ni Jesus ang kapakanan ng Kanyang ina at tiniyak Niyang may mag-aalaga sa kanya.

Nakikita rin natin ang malalim at wagas na pagmamahal ni Maria sa kanyang Anak na si Jesus. Hindi siya tumalikod kay Jesus sa Kanyang pinakamadilim na sandali. Nanatili siya roon at buong katapatang tumayo sa tabi ng krus hanggang sa huling hininga ni Jesus.

Ipinakikita sa atin ni Maria ang isang pagmamahal na nananatiling matatag kapag dumarating ang paghihirap—isang pagmamahal na nananatili kahit tila wala na tayong magagawa kundi manalangin, magtiis, at manatili.

Ang dalamhati ni Maria ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagmamahal ay nangangahulugan din ng pagiging handang makibahagi sa paghihirap ng ating minamahal. May mga pagkakataon sa ating buhay na kailangan nating samahan ang isang taong nasasaktan, nagluluksa, may karamdaman, dumaraan sa mabigat na pagsubok, o unti-unting nawawalan ng pag-asa. Sa mga ganitong sandali, ang ating presensya, panalangin, pagtitiis, at pagmamahal ay maaaring maging tahimik na paraan upang ipadama sa kanila ang presensya ng Diyos.

Inaanyayahan din tayo ng Ebanghelyong ito na tingnan nang malalim ang ating mga relasyon. Kumusta tayo bilang mga anak sa ating mga ina? Naipadarama ba natin sa kanila ang ating pagmamahal at pasasalamat habang may pagkakataon pa tayo?

At para sa ating mga magulang, paano natin minamahal, ginagabayan, at inaalagaan ang ating mga anak? Naroroon ba tayo hindi lamang sa kanilang mga tagumpay at masasayang sandali kundi maging sa kanilang mga kabiguan, paghihirap, at pagluha?

Matuto tayo kina Jesus at Maria. Huwag nating ipagwalang-bahala ang mga taong mahal natin. Habang kasama pa natin sila, ipahayag natin ang ating pagmamahal. Humingi tayo ng tawad at matuto ring magpatawad.

Maglaan tayo ng panahon para sa kanila. Maaaring hindi natin kayang alisin ang kanilang mga pasakit, ngunit maaari tayong manatili sa kanilang tabi—tulad ni Maria na nanatiling kasama ni Jesus hanggang sa Kanyang kamatayan.

Darating ang araw na maaaring wala na tayong pagkakataong sabihin ang mga salitang matagal nang nais sabihin ng ating puso. Darating ang panahon na ang mga kamay na hawak natin ngayon ay maaaring hindi na natin mahawakan. Kaya habang may panahon pa, magmahal tayo. Habang may pagkakataon pa, magpatawad tayo. At habang naririyan pa ang ating mga mahal sa buhay, ipadama natin sa kanila na sila ay mahalaga sa atin.

Habang tinitingnan natin si Maria na buong katapatang nanatili sa tabi ni Jesus sa paanan ng krus, handa rin ba tayong manatili sa tabi ng ating mga mahal sa buhay sa kanilang pinakamadilim na sandali? 

At habang ipinagkakaloob pa sa atin ng Diyos ang kanilang presensya, gagawin ba nating makabuluhan ang bawat sandali upang madama nila kung gaano natin sila kamahal?—Marino J. Dasmarinas

Monday, September 14, 2026

Reflection for Monday September 14 Feast of the Exaltation of the Holy Cross: John 3:13-17


Gospel: John 3:13-17
Jesus said to Nicodemus: “No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man be lifted up, so that everyone who believes in him may have eternal life.” 

For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.

+ + + + + + +
Reflection:
What does the cross signify to us?

The cross is a sign of suffering for many, but for us Christians, it is essentially a sign of triumph. Without the cross upon which Jesus was nailed, there would have been no salvation for all of us. Where would we be without Jesus giving His life on the cross? His sacrifice reminds us that love is sometimes expressed through suffering, sacrifice, and self-giving.

Let us not be intimidated by the daily crosses that we carry, for we do not carry them alone. Jesus is with us to help us carry them. When our burdens become heavy, He gives us strength. When we feel weak, He gives us courage. When we are tempted to give up, He reminds us that our suffering can have meaning when we unite it with His Cross.

Let us learn to entrust our crosses to Jesus. Let us call upon Him in our moments of pain, uncertainty, and discouragement. We may not always understand why we have to suffer, and Jesus may not immediately take our crosses away, but He assures us that He will walk with us through them. With Jesus beside us, even the heaviest cross becomes bearable.

We should count ourselves blessed if we know Jesus deeply because we have someone whom we can always call upon whenever trials and crosses come our way. We have someone to whom we can turn when life becomes difficult. We have Jesus, who never abandons us and who continually invites us to place our trust in Him.

But what about those who do not know Jesus deeply or who do not know Him at all? They may be at a disadvantage, but all is not lost because we are there. We can introduce Jesus to them through our words, our kindness, our compassion, our forgiveness, and most especially through the way we live our lives. We can become instruments through whom they may encounter His love.

Perhaps some people around us are carrying heavy crosses silently. They may be struggling with problems that we know nothing about. They may be searching for hope, peace, and someone who will simply listen. What if God has placed us in their lives so that, through us, they may discover that Jesus has not forgotten them?

The cross teaches us that suffering is not the end of the story. Beyond the pain of Good Friday comes the joy of the Resurrection. Beyond our tears can come hope. Beyond our struggles can come grace. And beyond the crosses we carry is the promise that Christ walks with us every step of the way.

So, let us embrace our crosses with faith, entrust them to Jesus with confidence, and never forget those who are struggling to carry their own. May our lives become a living testimony that no cross is too heavy when it is carried with Christ, and no person is ever beyond the reach of His love.

When we encounter someone who is silently carrying a heavy cross, will we simply walk past them, or will we allow Jesus to use us as His hands, His heart, and His presence to help them carry it?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Lunes Setyembre 14 Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal: Juan 3:13-17


Mabuting Balita: Juan 3:13-17
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, "Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit -- ang Anak ng Tao. "At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang gayon din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.  

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang kahulugan ng krus para sa atin?

Ang krus ay tanda ng pagdurusa para sa marami, ngunit para sa ating mga Kristiyano, ito ay higit sa lahat isang tanda ng pagtatagumpay. Kung wala ang krus na kinapakuan kay Hesus, hindi sana nagkaroon ng kaligtasan para sa ating lahat. Nasaan kaya tayo ngayon kung hindi ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay sa krus? Ipinapaalala sa atin ng Kanyang sakripisyo na ang tunay na pag-ibig ay naipapakita rin sa pamamagitan ng pagtitiis, pagsasakripisyo, at buong pusong pagbibigay ng sarili.

Huwag tayong matakot sa mga krus na araw-araw nating pasan, sapagkat hindi natin ito kailangang dalhin nang mag-isa. Kasama natin si Hesus upang tulungan tayong pasanin ang mga ito.

Kapag mabigat ang ating mga pasanin, binibigyan Niya tayo ng lakas. Kapag tayo ay nanghihina, binibigyan Niya tayo ng tapang. At kapag tayo ay natutuksong sumuko, ipinapaalala Niya sa atin na ang ating mga pagdurusa ay maaaring magkaroon ng kahulugan kapag iniaalay at iniuugnay natin ang mga ito sa Kanyang Banal na Krus.

Matuto tayong ipagkatiwala kay Hesus ang ating mga krus. Tumawag tayo sa Kanya sa mga sandali ng ating sakit, pangamba, kawalan ng katiyakan, at panghihina ng loob. Maaaring hindi natin laging nauunawaan kung bakit kailangan nating magdusa, at maaaring hindi Niya agad alisin ang ating mga krus. Ngunit tinitiyak Niya sa atin na sasamahan Niya tayo sa bawat hakbang ng ating paglalakbay. Kapag kasama natin si Hesus, maging ang pinakamabigat na krus ay nagiging kayang pasanin.

Mapalad tayo kung malalim ang ating pagkakilala kay Hesus, sapagkat mayroon tayong laging matatawag at malalapitan sa tuwing dumarating ang mga pagsubok at krus sa ating buhay. Mayroon tayong malalapitan kapag nagiging mahirap ang buhay. Nariyan si Hesus na hindi kailanman nag-iiwan sa atin at patuloy na inaanyayahan tayong magtiwala sa Kanya.

Ngunit paano naman ang mga taong hindi pa malalim ang pagkakakilala kay Hesus o ang mga hindi pa nakakakilala sa Kanya? Maaaring sila ay nasa isang mahirap na kalagayan, ngunit hindi ibig sabihin na wala nang pag-asa.

Narito tayo. Maaari nating ipakilala si Hesus sa kanila sa pamamagitan ng ating mga salita, kabutihan, malasakit, pagpapatawad, at higit sa lahat, sa paraan ng ating pamumuhay. Maaari tayong maging mga instrumento upang maranasan nila ang Kanyang pagmamahal.

Marahil, may mga taong nasa paligid natin na tahimik na nagpapasan ng mabibigat na krus. Maaaring may mga pinagdaraanan silang hindi natin alam. Maaaring naghahanap sila ng pag-asa, kapayapaan, at isang taong handang makinig sa kanila. Paano kung inilagay tayo ng Diyos sa kanilang buhay upang sa pamamagitan natin ay matuklasan nilang hindi sila kinalimutan ni Hesus?

Itinuturo sa atin ng krus na ang pagdurusa ay hindi ang katapusan ng kuwento. Sa likod ng sakit ng Biyernes Santo ay ang kagalakan ng Muling Pagkabuhay. Sa likod ng ating mga luha ay may pag-asa. Sa likod ng ating mga pakikibaka ay may biyaya. At sa likod ng mga krus na ating pinapasan ay ang pangako na lalakad si Kristo kasama natin sa bawat hakbang ng ating buhay.

Kaya't yakapin natin nang may pananampalataya ang ating mga krus, buong tiwalang ipagkatiwala ang mga ito kay Hesus, at huwag nating kalimutan ang mga taong nahihirapang pasanin ang sarili nilang mga krus. Nawa'y maging buhay na patotoo ang ating buhay na walang krus na napakabigat kapag kasama natin si Kristo, at walang taong kailanman ay napakalayo upang hindi marating ng Kanyang pagmamahal.

Kapag nakatagpo tayo ng isang taong tahimik na nagpapasan ng mabigat na krus, lalampasan lamang ba natin siya, o hahayaan nating gamitin tayo ni Hesus bilang Kanyang mga kamay, puso, at presensya upang tulungan natin siyang makabagon at magpatuloy?— Marino J. Dasmarinas

Saturday, September 12, 2026

Reflection for September 13 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time: Matthew 18:21-35


Gospel: Matthew 18:21-35
Peter approached Jesus and asked him,“ Lord, if my brother sins against me, how often must I forgive him? As many as seven times? Jesus answered, “I say to you, not seven times but seventy-seven times. That is why the Kingdom of heaven may be likened to a king who decided to settle accounts with his servants.  

When he began the accounting, a debtor was brought before him who owed him a huge amount. Since he had no way of paying it back, his master ordered him to be sold, along with his wife, his children, and all his property, in payment of the debt. At that, the servant fell down, did him homage, and said, ‘Be patient with me, and I will pay you back in full.  

Moved with compassion the master of that servant let him go and forgave him the loan. When that servant had left, he found one of his fellow servants who owed him a much smaller amount. He seized him and started to choke him, demanding, ‘Pay back what you owe. 

Falling to his knees, his fellow servant begged him ‘Be patient with me, and I will pay you back. But he refused. Instead, he had him put in prison until he paid back the debt. Now when his fellow servants saw what had happened, they were deeply disturbed, and went to their master and reported the whole affair.  

His master summoned him and said to him, ‘You wicked servant! I forgave you your entire debt because you begged me to. Should you not have had pity on your fellow servant as I had pity on you? Then in anger his master handed him over to the torturers until he should pay back the whole debt. So will my heavenly Father do to you unless each of you forgives your brother from your heart.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are we truly forgiving?

In the Gospel, a servant asked his king to forgive the huge amount he owed, and the king granted him forgiveness. Yet, when the servant encountered someone who owed him a much smaller amount, he demanded repayment of the debt. He had received mercy, but he was unwilling to extend that same mercy to another.

Perhaps many of us can relate to this servant who asked forgiveness from his Lord and Master. We ask Jesus to forgive us for all our sins, and many of us even submit ourselves to the Sacrament of Reconciliation. We kneel before the Lord with humble hearts, acknowledging our sins and asking for His mercy. And in His great love, Jesus forgives us and gives us another chance to begin anew.

But do we truly live out the forgiveness we have received from Jesus? Do we forgive those who have wronged us just as we have been forgiven by the Lord?

These are difficult questions because forgiving is not always easy. There are wounds that run deep, words that continue to hurt, and painful memories that are difficult to let go of. Yet, when we choose to forgive, we allow God's grace to work within us. We free ourselves from the prison of anger, hatred, and resentment.

Just imagine: when we harbor anger in our hearts, we carry a burden that does us no good. We allow something from the past to continue occupying a place in our hearts and stealing our peace. Why can't we let bygones be bygones, forgive and forget, and move forward without carrying a heavy burden in our hearts?

When we refuse to forgive, we are only punishing ourselves. We remain chained to the pain, even when the person who hurt us may already have moved on. Worse, we can allow anger and resentment to take root in our hearts and draw us farther away from the peace that Jesus wants to give us.

We, therefore, have to be forgiving because forgiveness is not only for those who have wronged us; it is also for us, the ones who have been wronged. Forgiveness heals our whole being. It makes us emotionally and spiritually stronger, and it opens a new path in our lives where we can begin anew without the heavy burden of hatred and resentment.

Forgiving does not mean that what happened to us was acceptable. It does not erase the pain or pretend that the wound never existed. Rather, forgiveness means that we choose to surrender our pain to Jesus and refuse to allow hatred to control our hearts. We entrust justice to God and allow His grace to lead us toward healing and peace.

Let us always learn from Jesus, who is ever-forgiving. Let us learn from Him, who does not keep a record of our wrongs in His heart. Instead, He continually offers us mercy, healing, and another chance to begin again.

As we receive God's forgiveness, let us also become instruments of that same forgiveness in the lives of others. Let us ask the Holy Spirit to soften whatever has become hardened in our hearts and to give us the grace to forgive even when forgiveness is difficult.

Is there someone we still cannot forgive? What anger, hatred, or resentment are we still carrying in our hearts—and are we ready today to surrender it to Jesus?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Setyembre 13 Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 18:21-35


Mabuting Balita: Mateo 18:21-35
Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. 

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyung piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. 

Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya. “Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. 

Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.  

Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ Sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Tayo ba ay mapagpatawad?

Sa Ebanghelyo, isang alipin ang humingi ng kapatawaran sa kanyang hari dahil sa napakalaking halagang kanyang pagkakautang, at siya ay pinatawad ng hari. Ngunit nang makatagpo niya ang isang taong may mas maliit na pagkakautang sa kanya, hiniling niya na agad itong bayaran. Tumanggap siya ng pagpapatawad, ngunit hindi niya kayang ibigay ang parehong pagpapatawad sa iba.

Marahil, marami sa atin ang makauugnay sa aliping ito na humingi ng kapatawaran sa kanyang Panginoon at Guro. Humihingi tayo kay Jesus ng kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan, at marami sa atin ang lumalapit sa Sakramento ng Kumpisal o Pakikipagkasundo. Lumalapit tayo sa Panginoon nang may mapagpakumbabang puso, inaamin ang ating mga kasalanan at humihingi ng Kanyang awa. At dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, pinatatawad tayo ni Jesus at binibigyan Niya tayo ng panibagong pagkakataong magsimulang muli.

Ngunit tunay ba nating isinasabuhay ang kapatawarang tinanggap natin mula kay Jesus? Napapatawad ba natin ang mga taong nakasakit o nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa atin ng Panginoon?

Mahirap ang mga tanong na ito sapagkat hindi laging madali ang magpatawad. May mga sugat na malalim, mga salitang patuloy na sumasakit, at masasakit na alaala na mahirap pakawalan. Ngunit kapag pinipili nating magpatawad, hinahayaan nating kumilos ang biyaya ng Diyos sa ating puso. Unti-unti Niya tayong pinalalaya mula sa bilangguan ng galit, poot, at sama ng loob.

Kapag kinikimkim natin ang galit sa ating puso, nagdadala tayo ng pasaning wala namang mabuting naidudulot sa atin. Hinahayaan nating manatili sa ating puso ang isang bagay na nangyari na sa nakaraan, hanggang sa nakawin nito ang ating kapayapaan. Bakit hindi natin hayaang manatili sa nakaraan ang mga bagay na dapat nang iwan doon? Bakit hindi tayo magpatawad at magpatuloy sa buhay na walang dinadalang mabigat na pasanin sa ating puso?

Kapag ayaw nating magpatawad, para na rin nating pinarurusahan ang ating sarili. Nanatili tayong alipin ng poot, samantalang maaaring matagal nang nakapagpatuloy sa buhay ang taong nakasakit sa atin. Higit sa lahat, kapag hinahayaan nating mag-ugat sa ating puso ang galit at sama ng loob, unti-unti tayong napapalayo sa kapayapaang nais ibigay sa atin ni Jesus.

Kaya dapat tayong matutong magpatawad sapagkat ang kapatawaran ay hindi lamang para sa mga taong nakasakit sa atin; ito rin ay para sa atin na nasaktan. Pinagagaling ng kapatawaran ang ating buong pagkatao. Tinutulungan tayo nitong maging mas matatag sa emosyonal at espirituwal na aspeto, at binubuksan nito ang isang bagong landas sa ating buhay upang makapagsimula tayong muli nang hindi na pasan ang mabigat na poot at sama ng loob.

Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang katanggap-tanggap ang ginawa sa atin. Hindi nito binubura ang sakit o ipinagkukunwaring hindi kailanman nangyari ang sugat. Sa halip, ang pagpapatawad ay nangangahulugang pinipili nating isuko kay Jesus ang ating sakit at ayaw nating hayaang kontrolin ng poot ang ating puso. Ipinauubaya natin sa Diyos ang katarungan at hinahayaan nating akayin tayo ng Kanyang biyaya tungo sa kagalingan at kapayapaan.

Lagi nating tularan si Jesus na walang sawang nagpapatawad. Matuto tayong tumingin sa Kanya, sapagkat hindi Niya itinatala sa Kanyang puso ang ating mga pagkakamali. Sa halip, patuloy Niya tayong binibigyan ng awa, kagalingan, at panibagong pagkakataong magsimulang muli.

Habang tinatanggap natin ang kapatawaran ng Diyos, maging mga instrumento rin tayo ng kapatawarang iyon sa buhay ng iba. Hilingin natin sa Banal na Espiritu na palambutin ang anumang bahagi ng ating puso na tumigas dahil sa sakit, galit, o sama ng loob. Hilingin natin sa Kanya ang biyayang makapagpatawad kahit mahirap, sapagkat alam nating ang tunay na kalayaan ay matatagpuan kapag buong puso nating ipinauubaya kay Jesus ang ating mga pasanin.

Mayroon ba tayong taong hanggang ngayon ay hindi pa natin kayang patawarin? Handa na ba nating isuko ito kay Jesus ngayon, upang matuto tayong magpatawad tulad ng pagpapatawad Niya sa atin?— Marino J. Dasmarinas

Friday, September 11, 2026

Reflection for September 12 Saturday of the Twenty-third Week in Ordinary Time: Luke 6:43-49


Gospel: Luke 6:43-49
Jesus said to his disciples: “A good tree does not bear rotten fruit, nor does a rotten tree bear good fruit. For every tree is known by its own fruit. For people do not pick figs from thornbushes, nor do they gather grapes from brambles. A good person out of the store of goodness in his heart produces good, but an evil person out of a store of evil produces evil; for from the fullness of the heart the mouth speaks. 

“Why do you call me, ‘Lord, Lord,’ but not do what I command? I will show you what someone is like who comes to me, listens to my words, and acts on them. That one is like a man building a house, who dug deeply and laid the foundation on rock; when the flood came, the river burst against that house but could not shake it because it had been well built. But the one who listens and does not act is like a person who built a house on the ground without a foundation. When the river burst against it, it collapsed at once and was completely destroyed.”

+ + + + + + +
Reflection:
What will happen to a child when they are taught proper values and when those same values are lived out by their parents? We can hope that the child will grow up to become a good, responsible, and God-loving person. This is often the beautiful fruit of parents who patiently teach their children what is right and, more importantly, strive to live out those values themselves.

On the other hand, if children are not taught proper moral values and their parents do not live by those same values, we can expect them to grow up with a distorted sense of right and wrong. This may happen because they were neither taught these values nor given a good example of how to live them. Children learn not only through our words but also through our actions. They watch us, listen to us, and often imitate what they see in us.

In our Gospel reading this Saturday, Jesus said to His disciples: “A good tree does not bear rotten fruit, nor does a rotten tree bear good fruit. For every tree is known by its own fruit” (Luke 6:43–44). In our reflection, we can see the parents as the tree and their children as its fruit. The quality of the fruit tells us something about the tree from which it came.

Jesus reminds us of the profound responsibility entrusted to us as parents and as adults who influence the lives of children. Whatever good values we teach our children can become part of who they are. But even more powerful than our words is the witness of our lives. When our children see us praying, forgiving, showing compassion, speaking honestly, respecting others, and loving God, we are planting seeds of faith and goodness in their hearts.

Our children may forget some of the words we tell them, but they are less likely to forget the example we have shown them. Our lives can become a living lesson that they carry with them as they grow older.

Many modern parents are always busy. Because of work, responsibilities, and the many demands of daily life, they sometimes have little time to teach their children good moral values, much less to nurture in them a love for God. This should challenge all of us. What kind of spiritual and moral foundation are we building for our children? Are we giving them enough of our time, attention, guidance, and love?

Let us remember that raising children is not merely about providing for their material needs. It is also about helping them discover God, teaching them the difference between right and wrong, and showing them through our own lives what it means to love, forgive, serve, and remain faithful.

Let us therefore strive to become the kind of “good tree” that bears good fruit. Let our homes become places where faith is lived, where forgiveness is practiced, where love is freely given, and where God is not merely spoken about but truly welcomed into our daily lives.

For the fruit that our children bear tomorrow may very well be influenced by the seeds we plant and the example we give them today.

What kind of “tree” are we becoming, and if our children are the fruit of our example, what kind of fruit are they seeing in our lives?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Setyembre 12 Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 6:43-49


Mabuting Balita: Lucas 6:43-49
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga.

Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib. 

“Tinatawag ninyo ako ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. 

Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. 

Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang mangyayari sa isang bata kapag tinuruan siya ng mabubuting paguugali at kapag ang mga paguugaling ito ay nakikita rin niyang isinasabuhay ng kanyang mga magulang? Malaki ang posibilidad na siya ay lumaki na isang mabuti, responsable, at mapagmahal sa Diyos na tao.

Ito ang madalas na magandang bunga ng mga magulang na matiyagang nagtuturo sa kanilang mga anak kung ano ang tama at, higit sa lahat, nagsisikap na isabuhay mismo ang mga paguugali na kanilang itinuturo.

Sa kabilang banda, kung ang mga bata ay hindi naturuan ng wastong paguugali at hindi rin ito isinasabuhay ng kanilang mga magulang, maaari silang lumaki na may magulong pananaw tungkol sa tama at mali. Maaaring mangyari ito sapagkat hindi lamang sila naturuan ng mga mabubuting paguugaling ito, kundi hindi rin nila nakita sa kanilang mga magulang ang mabuting halimbawa kung paano ito isinasabuhay. Ang mga bata ay natututo hindi lamang sa ating mga salita kundi maging sa ating mga kilos at gawa. Pinagmamasdan nila tayo, nakikinig sa atin, at madalas ay ginagaya ang kanilang nakikita sa atin.

Sa ating Ebanghelyo ngayong Sabado, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga.” (Lucas 6:43–44). Sa ating pagninilay, maaari nating tingnan ang mga magulang bilang puno at ang kanilang mga anak bilang bunga. Sa bunga ay makikita natin ang isang bagay tungkol sa punong pinagmulan nito.

Ipinapaalala sa atin ni Jesus ang napakalaking pananagutang ipinagkatiwala sa atin bilang mga magulang at bilang mga taong may impluwensya sa buhay ng mga bata. Ang mabubuting pagpapahalagang itinuturo natin sa ating mga anak ay maaaring maging bahagi ng kanilang pagkatao.

Ngunit higit na makapangyarihan kaysa sa ating mga salita ang patotoo ng ating buhay. Kapag nakikita ng ating mga anak na tayo ay nananalangin, marunong magpatawad, mahabagin, tapat sa salita, gumagalang sa kapwa, at nagmamahal sa Diyos, nagtatanim tayo ng mga binhi ng pananampalataya at kabutihan sa kanilang mga puso.

Maaaring makalimutan ng ating mga anak ang ilan sa mga salitang sinasabi natin sa kanila, ngunit mas mahirap nilang makalimutan ang halimbawang ipinakita natin sa kanila. Ang ating buhay ay maaaring maging isang buhay na aral na kanilang dadalhin habang sila ay lumalaki at humaharap sa mga pagsubok ng buhay.

Maraming mga magulang sa panahon natin ang abalang-abala. Dahil sa trabaho, mga responsibilidad, at napakaraming hinihingi ng araw-araw na buhay, kung minsan ay kakaunti na lamang ang kanilang panahon upang turuan ang kanilang mga anak ng mabubuting paguugali, lalo na ang paghubog sa kanila na magkaroon ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Dapat itong maging hamon sa ating lahat. Anong uri ng espirituwal at moral na pundasyon ang itinatayo natin para sa ating mga anak? Nabibigyan ba natin sila ng sapat na panahon, atensyon, paggabay, at pagmamahal?

Ang pagpapalaki ng mga anak ay hindi lamang tungkol sa pagtugon sa kanilang materyal na pangangailangan. Ito rin ay tungkol sa pagtulong sa kanila na makilala ang Diyos, pagtuturo sa kanila ng pagkakaiba ng tama at mali, at pagpapakita sa kanila sa pamamagitan ng ating sariling buhay kung ano ang tunay na kahulugan ng magmahal, magpatawad, maglingkod, at manatiling tapat sa Diyos.

Kaya sikapin nating maging isang “mabuting puno” na namumunga ng mabuting bunga. Nawa’y maging tahanan natin ang isang lugar kung saan isinasabuhay ang pananampalataya, isinasagawa ang pagpapatawad, malayang ibinibigay ang pagmamahal, at ang Diyos ay hindi lamang pinag-uusapan kundi tunay na tinatanggap at binibigyang-puwang sa ating pang-araw-araw na buhay.

Sapagkat ang bungang mamumunga sa buhay ng ating mga anak bukas ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga binhing itinatanim natin at ng halimbawang ipinakikita natin sa kanila ngayon.

Anong uri ng “puno” ba tayo? at anong mga “bunga” mayroon tayo?—Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 11 Friday of the Twenty-third Week in Ordinary Time: Luke 6:39-42


Gospel: Luke 6:39-42
Jesus told his disciples a parable: “Can a blind person guide a blind person? Will not both fall into a pit? No disciple is superior to the teacher; but when fully trained, every disciple will be like his teacher. Why do you notice the splinter in your brother’s eye, but do not perceive the wooden beam in your own?  

How can you say to your brother, ‘Brother, let me remove that splinter in your eye,’ when you do not even notice the wooden beam in your own eye? You hypocrite! Remove the wooden beam from your eye first; then you will see clearly to remove the splinter in your brother’s eye.”

+ + + +  + +
Reflection:
Before a judge gives a verdict or judgment, the judge sees to it that every witness from both opposing sides is heard. This assures us that whatever decision the judge makes is appropriate and based on the facts of the case.

Do we not oftentimes act as judges within our own sphere of influence? For example, as fathers and mothers, we sometimes act as judges when we give orders to our children not to do this or that. We also exercise authority when we admonish them and impose disciplinary actions.

But before we judge or correct others, do we first examine ourselves? Are we worthy of the judgment we give? If we are good role models, then our words will have greater weight, and our children and those entrusted to our care will be more likely to listen to us. But what happens when our actions do not correspond with what we teach?

The Gospel reminds us that before we give judgment to anyone, we must first examine our own lives. We need to ask ourselves: Do we have the moral authority and credibility to correct others? Are we good role models? Do we practice what we tell others to do?

It is easy to tell others what they should do. It is easy to point out their mistakes and shortcomings. But it is much more difficult to look honestly into our own hearts and acknowledge our own weaknesses. Sometimes, we may demand goodness from others while failing to practice the same goodness in our own lives.

This is where the Lord invites us to humility. Before we remove the speck from another person's eye, we must first be willing to look at what is in our own eyes. Our authority becomes meaningful when it is accompanied by humility, integrity, and a life that bears witness to what we teach.

If we want our children, family members, friends, coworkers, and fellow members of our community to listen to us, let us not merely speak about what is right. Let us live it. Let our actions speak together with our words. Let our lives become a quiet but powerful testimony of the values and faith we profess.

True authority does not come merely from the position we hold or from the orders we give. It comes from the credibility of a life lived with integrity. When we lead by example, we do not have to force others to listen because our lives themselves become a source of inspiration.

Let us therefore ask the Lord for the humility to examine ourselves before we judge others, the courage to acknowledge our own shortcomings, and the grace to become better examples to those entrusted to our care.

Before we point our finger at someone else's weakness, are we willing to let God point His finger at the areas of our own lives that still need to be changed? And if our children, family, and those around us followed not what we say but what we do, would our lives truly lead them closer to God?—Marino J. Dasmarinas