Wednesday, November 04, 2026

Reflection for November 5 Thursday of the 31st Week in Ordinary Time: Luke 15:1-10


Gospel: Luke 15:1-10
The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus, but the Pharisees and scribes began to complain, saying, “This man welcomes sinners and eats with them.” So Jesus addressed this parable to them. “What man among you having a hundred sheep and losing one of them would not leave the ninety-nine in the desert and go after the lost one until he finds it?  

 And when he does find it, he sets it on his shoulders with great joy and, upon his arrival home, he calls together his friends and neighbors and says to them, ‘Rejoice with me because I have found my lost sheep.’ I tell you, in just the same way there will be more joy in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous people who have no need of repentance. 

“Or what woman having ten coins and losing one would not light a lamp and sweep the house, searching carefully until she finds it?

And when she does find it, she calls together her friends and neighbors and says to them, ‘Rejoice with me because I have found the coin that I lost. In just the same way, I tell you, there will be rejoicing among the angels of God over one sinner who repents.

+ + + + + + +
Reflection:
Are we patient enough to seek out those who are lost or have strayed from the path of the Lord?

For example, when a relative or friend has fallen into sin, do we have enough patience to reach out to them? Do we make time to counsel them, listen to their struggles, and lovingly guide them so that they may find their way back to the loving embrace of the Lord?

In the Gospel, Jesus tells us about a shepherd who had one hundred sheep. When one of them strayed into the wilderness, the shepherd left the ninety-nine and patiently searched for the lost sheep. He did not give up until he found it. What a beautiful picture of God's love for us! We may lose our way, but God never stops calling us back to Him.

Jesus also tells us about a woman who had ten silver coins. When she lost one of them, she diligently searched for it until she found it. Her joy upon finding the lost coin reminds us of the joy in heaven when a sinner repents and returns to God.

These two stories reveal the depth of God's love and mercy. He never abandons us, even when we fall into sin and wander far from His presence. Jesus continues to love us, patiently waiting for us to turn away from our sinful ways and return to Him. No matter how far we have strayed, His mercy remains available to us when we humbly seek His forgiveness.

And because we are recipients of this wonderful love, we, too, are called to extend it to others. When our relatives or friends fall into sin, let us not be quick to condemn them or turn our backs on them. Instead, let us patiently listen to them, lovingly counsel them, and pray for them. Let us remember that we, too, have our own weaknesses and shortcomings, and that we also depend on God's mercy every day.

Perhaps someone in our family or among our friends has wandered away from the Lord. Perhaps someone is struggling with sin, carrying a heavy burden, or silently longing for someone who will listen without judging. We can become instruments of God's love by reaching out to them with patience, understanding, and compassion. We may not be able to change their hearts, but we can lovingly accompany them and trust God to work in their lives.

Let us never forget that God has never given up on us. His love continues to seek us, His mercy invites us to begin again, and His grace gives us hope even when we feel lost. May we also learn to love others with the same patience and compassion that God continually shows us.

If God never gives up on us despite our sins and shortcomings, are we willing to do the same for those who have lost their way, patiently reaching out to them and helping them rediscover the unfailing love of the Lord?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Nobyembre 5 Huwebes sa Ika-31 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 15:1-10


Mabuting Balita: Lucas 15:1-10
Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, "Ang taong ito'y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila."

Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: "Kung sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na'y masaya niyang papasanin ito.

Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!' Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi."

"O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay.

Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawawala kong salaping pilak!' sinasabi ko sa inyo, gayon din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Kaya ba nating hanapin at tulungan ang mga taong naliligaw ng landas at napapalayo sa Panginoon?

Halimbawa, kapag ang isa sa ating mga kamag-anak o kaibigan ay nalulunod sa kasalanan, kaya parin ba  nating silang lapitan at himukin na magbalik na sa Panginoon? Naglalaan ba tayo ng panahon upang sila ay payuhan, pakinggan ang kanilang mga pinagdaraanan, at buong pagmamahal na gabayan upang matagpuan nilang muli ang daan pabalik sa mapagmahal na yakap ng Panginoon?

Sa Ebanghelyo, isinalaysay ni Hesus ang tungkol sa isang pastol na may sandaang tupa. Nang maligaw ang isa sa mga ito at mapunta sa ilang, iniwan ng pastol ang siyamnapu't siyam at matiyagang hinanap ang nawawalang tupa. Hindi siya sumuko hanggang sa matagpuan niya ito. Napakagandang larawan nito ng pag-ibig ng Diyos para sa atin! Maaaring maligaw tayo ng landas, ngunit hindi tumitigil ang Diyos sa pagtawag sa atin upang bumalik sa Kanya.

Isinalaysay din ni Hesus ang tungkol sa isang babaeng may sampung pilak na barya. Nang mawala ang isa sa mga ito, matiyaga niya itong hinanap hanggang sa matagpuan niya. Ang kagalakang nadama ng babae nang matagpuan niya ang nawawalang barya ay nagpapaalala sa atin ng kagalakan sa langit kapag ang isang makasalanan ay nagsisisi at nagbabalik-loob sa Diyos.

Ipinakikita sa atin ng dalawang kuwentong ito ang lalim ng pag-ibig at awa ng Diyos. Hindi Niya tayo pinababayaan kahit mahulog tayo sa kasalanan at mapalayo sa Kanyang piling. Patuloy tayong minamahal ni Hesus at matiyaga Niya tayong tinatawag upang talikuran ang ating mga kasalanan at manumbalik sa Kanya. Gaano man tayo kalayo naligaw, nananatiling bukas sa atin ang Kanyang awa kapag buong pagpapakumbaba tayong humihingi ng kapatawaran.

At dahil tayo mismo ay tumatanggap ng ganitong dakilang pag-ibig, tinatawag din tayong ibahagi ito sa iba. Kapag ang ating mga kamag-anak o kaibigan ay nahuhulog sa kasalanan, huwag tayong agad humatol o tumalikod sa kanila. Sa halip, matiyaga natin silang pakinggan, buong pagmamahal na payuhan, at isama sa ating mga panalangin. Lagi nating alalahanin na tayo rin ay may mga kahinaan at pagkukulang, at araw-araw tayong nangangailangan ng awa ng Diyos.

Maaaring may isang tao sa ating pamilya o kaibigan na unti-unti nang lumalayo sa Panginoon. Maaaring may isang taong nahihirapan dahil sa kasalanan, may mabigat na pasaning dinadala, o tahimik na naghahangad ng taong makikinig sa kanya nang hindi siya hinuhusgahan. Maaari tayong maging instrumento ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa kanila na walang panghuhusga, may at malasakit. Maaaring hindi natin kayang baguhin ang kanilang puso, ngunit maaari natin silang samahan at buong tiwalang ipaubaya sa Diyos.

Huwag nating kalilimutan na hindi kailanman sumuko ang Diyos sa atin. Patuloy Niya tayong hinahanap sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig, inaanyayahan Niya tayong magsimulang muli sa pamamagitan ng Kanyang awa, at pinagkakalooban Niya tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng Kanyang biyaya kahit pakiramdam natin ay lubusan na tayong naliligaw. Nawa'y matutuhan din nating mahalin ang ating kapwa sa pamamagitan ng malasakit na palagi Niyang ipinakikita sa atin.

Kung hindi sumusuko ang Diyos sa atin sa kabila ng ating mga kasalanan at pagkukulang, handa rin ba tayong huwag sumuko sa mga taong naliligaw ng landas—na matiyaga silang lapitan, mahalin, ipanalangin, at tulungang matagpuan nilang muli ang daan patungo sa walang hanggang pag-ibig ng Panginoon?—Marino J. Dasmarinas

Tuesday, November 03, 2026

Reflection for Wednesday November 4, Memorial of Saint Charles Borromeo, Bishop: Luke 14:25-33


Gospel: Luke 14:25-33
Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed them, “If anyone comes to me without hating his father and mother, wife and children, brothers and sisters, and even his own life, he cannot be my disciple. Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple. 

Which of you wishing to construct a tower does not first sit down and calculate the cost to see if there is enough for its completion? Otherwise, after laying the foundation and finding himself unable to finish the work the onlookers should laugh at him and say, ‘This one began to build but did not have the resources to finish.’ Or what king marching into battle would not first sit down and decide whether with ten thousand troops he can successfully oppose another king advancing upon him with twenty thousand troops?

But if not, while he is still far away, he will send a delegation to ask for peace terms. In the same way, anyone of you who does not renounce all his possessions cannot be my disciple.”

+ + + + + + +
Reflection:
A dying man was given two choices by an angel of God. The first was to recover, live again, and continue enjoying a worldly life. The second was to die immediately and enter the pearly gates to be with Jesus. The dying man chose to die and be with Jesus. This choice may seem baffling to many of us, yet he made the right decision to be with the Lord.

What is the essence of life if we live only for this world? What is the reason for living if our lives are empty of Jesus’ presence?

When we choose to follow Jesus rather than become attached to this world, we begin to discover the true meaning of life. When we fill our lives with Jesus, we come to understand the real purpose of our existence and why we continue to live and breathe in this world.

The core of life is living in union with Jesus. Jesus understands our weaknesses and welcomes us as we learn to follow Him, even when we have not fully understood the demands of discipleship. After all, He is a Lord of love and forgiveness.

However, if we dwell too much on the difficulties of following Him, we may become overwhelmed by the challenges ahead. We might become discouraged and turn away before even experiencing the joy, grace, and blessings of being His disciples.

On the other hand, when we readily decide to follow Jesus, we begin to discover what it truly means to be His followers. The journey may not always be easy, and there will be times when our faith is tested, our hearts grow weary, and our strength seems to fail. During these moments, let us never hesitate to call upon Jesus.

He is always there for us, walking beside us, strengthening our faith, and helping us persevere through the challenges of discipleship. We do not have to face our struggles alone, for Jesus remains our faithful companion every step of the way.

Our lives find their deepest meaning not in the wealth we accumulate, the pleasures we enjoy, or the worldly achievements we accomplish, but in our loving relationship with Jesus. Everything this world offers is temporary, but the love of Jesus leads us toward the promise of eternal life. 

Let us not allow fear, uncertainty, or attachment to worldly things to prevent us from following Him. Instead, let us take that first step of faith, trust in His unfailing love, and allow Him to lead us toward the fullness of life that only He can give.

If our lives were to end today, would we be ready to leave behind everything this world offers to be with Jesus, and if we are not yet ready, what must we change in our lives today so that we may follow Him wholeheartedly?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Nobyembre 4 Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo: Lucas 14:25-33


Mabuting Balita: Lucas 14:25-33
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, "Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 

Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? 

O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? 

At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."

+ + + + + + +  
Repleksyon:
May isang lalaking naghihingalo ang binigyan ng dalawang pagpipilian ng isang anghel ng Diyos. Ang una ay ang gumaling, mabuhay muli, at ipagpatuloy ang pamumuhay ayon sa mga kalayawan ng mundong ito. Ang ikalawa naman ay ang mamatay kaagad at pumasok sa mga pintuan ng langit upang makapiling si Hesus. Pinili ng naghihingalong lalaki ang mamatay at makapiling si Hesus. Maaaring nakapagtataka ang kanyang pasiya para sa marami sa atin, subalit tama ang pinili niya.

Ano ang kabuluhan ng ating buhay kung para lamang sa mundong ito tayo nabubuhay? Ano ang dahilan ng ating patuloy na pamumuhay kung wala naman ang presensiya ni Hesus sa ating mga puso? Kapag pinili nating sumunod kay Hesus sa halip na labis na kumapit sa mundong ito, unti-unti nating matutuklasan ang tunay na kahulugan ng buhay. Kapag pinupuno natin ng presensiya ni Hesus ang ating buhay, mas nauunawaan natin ang kung bakit patuloy tayong nabubuhay at humihinga sa mundong ito.

Ang pinakapuso ng buhay ay ang pamumuhay na kaisa ni Hesus. Nauunawaan ni Hesus ang ating mga kahinaan, at buong pagmamahal Niya tayong tinatanggap habang natututo tayong sumunod sa Kanya, kahit hindi pa natin lubusang nauunawaan ang mga hinihingi ng pagiging Kanyang mga alagad.

Sapagkat ang ating Panginoon ay Diyos ng pag-ibig at pagpapatawad. Gayunman, kung labis nating pag-iisipan ang mga paghihirap na kaakibat ng pagsunod sa Kanya, maaari tayong panghinaan ng loob dahil sa bigat ng mga hamong naghihintay sa atin. Baka mawalan tayo ng lakas ng loob at tuluyang umurong bago pa natin maranasan ang kagalakan, biyaya, at mga pagpapalang dulot ng pagiging mga alagad ni Hesus.

Sa kabilang banda, kapag buong puso nating ipinasiya na sumunod kay Hesus, unti-unti nating matutuklasan kung ano talaga ang kahulugan ng pagiging Kanyang mga alagad. Hindi laging madali ang paglalakbay na ito. May mga pagkakataong masusubok ang ating pananampalataya, mapapagod ang ating puso, at mararamdaman nating nauubos na ang ating lakas. Sa mga sandaling ito, huwag tayong mag-atubiling tumawag kay Hesus at humingi ng Kanyang tulong.

Lagi Siyang naririyan para sa atin. Kasama natin Siyang lumalakad, pinatitibay ang ating pananampalataya, at tinutulungan tayong magpatuloy sa kabila ng mga hamon ng pagiging Kanyang mga alagad. Hindi natin kailangang harapin nang nag-iisa ang ating mga paghihirap, sapagkat nananatiling tapat si Hesus na ating kasama sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.

Ang pinakamalalim na kahulugan ng ating buhay ay hindi matatagpuan sa yaman na ating naiipon, sa mga kaligayahang ating tinatamasa, o sa mga tagumpay na ating nakakamit sa mundong ito. Matatagpuan natin ito sa ating mapagmahal na ugnayan kay Hesus.

Pansamantala lamang ang lahat ng iniaalok ng mundo, ngunit ang pag-ibig ni Hesus ang umaakay sa atin tungo sa pangako ng buhay na walang hanggan. Huwag nating hayaang hadlangan tayo ng takot, pag-aalinlangan, o labis na pagkakapit sa mga bagay ng mundong ito upang sumunod sa Kanya. Sa halip, gawin natin ang unang hakbang ng pananampalataya, magtiwala sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, at hayaan natin Siyang umakay sa atin tungo sa ganap na buhay na Siya lamang ang makapagbibigay.

Kung sakaling matapos ang ating buhay sa araw na ito, handa na ba tayong iwan ang lahat ng iniaalok ng mundong ito upang makapiling si Hesus? At kung hindi pa tayo handa, ano ang kailangan nating baguhin sa ating buhay simula ngayon upang buong puso tayong makasunod sa Kanya at hindi pagsisihan sa huli ang mga pagkakataong pinalampas natin upang mahalin, paglingkuran, at makapiling Siya magpakailanman?—Marino J. Dasmarinas

Monday, November 02, 2026

Reflection for November 3 Tuesday of the 31st Week in Ordinary Time: Luke 14:15-24


Gospel: Luke 14:15-24
One of those at table with Jesus said to him, “Blessed is the one who will dine in the Kingdom of God.” He replied to him, “A man gave a great dinner to which he invited many. When the time for the dinner came, he dispatched his servant to say to those invited, ‘Come, everything is now ready.’ But one by one, they all began to excuse themselves. 

The first said to him, ‘I have purchased a field and must go to examine it; I ask you, consider me excused.’ And another said, ‘I have purchased five yoke of oxen and am on my way to evaluate them; I ask you, consider me excused.’ And another said, ‘I have just married a woman, and therefore I cannot come.’ 

The servant went and reported this to his master. Then the master of the house in a rage commanded his servant, ‘Go out quickly into the streets and alleys of the town and bring in here the poor and the crippled, the blind and the lame.’ The servant reported, ‘Sir, your orders have been carried out and still there is room.’

The master then ordered the servant, ‘Go out to the highways and hedgerows and make people come in that my home may be filled. For, I tell you, none of those men who were invited will taste my dinner.’

+ + + + +  + +
Reflection:
What happens at a dinner?

There is the breaking of bread, the sharing of food, interaction, the exchange of ideas, and much more. We are not invited to dinner simply to eat and leave. We are invited because our host wants to spend time with us, get to know us better, and bless us with the food prepared for us. Our host also desires to share a few words with us, even through brief conversations, that can strengthen our relationship with one another.

When we attend the Holy Mass, we respond to Jesus’ invitation to gather around His sacred table. We break bread with Him, encounter Him in the Eucharist, listen to His Word, and open our hearts to the countless blessings He longs to bestow upon us. The Holy Mass is not merely an obligation to fulfill; it is a sacred encounter with Jesus, who desires to nourish our souls and draw us closer to His loving heart.

Yet, just as in the Gospel, many of us sometimes decline Jesus’ invitation because we are preoccupied with other things. We become so occupied with our work, personal concerns, and worldly pursuits that we forget what truly matters. Sadly, whenever we deliberately choose other priorities over our relationship with Jesus, we miss precious opportunities to encounter Him, receive His grace, and grow in faith.

It is also sad to think that some Catholics leave the Catholic Church to join other Christian communities because they desire to develop a personal relationship with Jesus through the Bible. Their desire to know Jesus more deeply is something we can appreciate. However, we must also remember that Jesus invites us to encounter Him not only through His written Word but also through the Holy Eucharist, the celebration of the Holy Mass, prayer, and the loving guidance of the Holy Spirit.

If only we would make time to attend the Holy Mass faithfully and devoutly, we would discover the many graces Jesus offers us. As we listen to His Word and receive Him in the Eucharist, He can deepen our understanding of His love and inspire us to open our Bibles, reflect on His teachings, and live according to His will. Through these sacred encounters, our friendship with Jesus grows stronger, and our lives become more deeply rooted in His love.

Let us never forget that the Holy Mass is an invitation to a sacred banquet where Jesus Himself welcomes us. He does not invite us merely to be present, listen, and leave; He invites us to enter into a deeper relationship with Him. He wants to transform our hearts, strengthen our faith, heal our wounded spirits, and teach us how to love God and our neighbors more sincerely.

Therefore, let us not allow our busy schedules, personal ambitions, or worldly concerns to keep us away from the One who gives meaning to our lives. Let us faithfully accept His invitation, gather around His table, listen attentively to His Word, receive Him in the Eucharist, and carry His love into our homes and communities.

When Jesus invites us to His sacred banquet, will we continue to make excuses and turn away, or will we open our hearts, accept His invitation, and allow Him to become the center of our lives?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Nobyembre 3 Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:15-24


Mabuting Balita: Lucas 14:15-24
Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga kasalo niya sa hapag, "Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!" Sumagot si Jesus, "May isang lalaking naghanda ng isang malaking piging, at marami siyang inanyayahan. Nang dumating ang oras ng piging, inutusan niya ang kanyang mga alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan. 'Halina kayo, handa na ang lahat!' 

Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, 'Nakabili ako ng bukid at kailangan kong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.' At sinabi ng isa, 'Nakabili ako ng limang pares na baka, at kailangan kong isingkaw para masubok. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.' Sinabi naman ng isa pa, 'Bagong kasal ako kaya hindi ako makakadalo.' Bumalik ang alipin at ibinalita sa kanyang panginoon. 

Nagalit ito at sinabi sa alipin, 'Lumabas kang madali sa mga lansangan at makikipot na daan ng lunsod, at isama mo rito ang mga pulubi, mga pingkaw, mga bulag, at mga pilay.' Pagbabalik ng alipin ay sinabi niya, 'Panginoon, nagawa ko na po ang iniuutos ninyo, ngunit maluwag pa.' Kaya'y sinabi ng panginoon sa alipin, 'Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas; at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay. Sinasabi ko sa inyo: isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking handa!'

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano nga ba ang nagaganap sa isang piging?

May paghahati-hati ng tinapay, pagsasalo sa pagkain, pakikipag-usap, pagpapalitan ng mga ideya, at marami pang iba. Hindi tayo inaanyayahan sa isang piging upang kumain lamang at pagkatapos ay umalis. Inaanyayahan tayo dahil nais ng nag anyaya na makasama tayo, higit tayong makilala, at pagpalain sa pamamagitan ng pagkaing inihanda niya para sa atin. Nais din niyang makipag-usap sa atin, kahit sa pamamagitan lamang ng maiikling kuwentuhan, upang higit na mapatibay ang ating ugnayan sa isa't isa.

Kapag dumadalo tayo sa Banal na Misa, tinutugunan natin ang paanyaya ni Hesus na magtipon sa Kanyang banal na hapag. Kasama Niya tayong nakikibahagi sa paghahati-hati ng tinapay, nakikipagtagpo tayo sa Kanya sa Banal na Eukaristiya, nakikinig sa Kanyang Salita, at nagbubukas ng ating mga puso sa di-mabilang na biyayang nais Niyang ipagkaloob sa atin.

Ang Banal na Misa ay hindi lamang isang obligasyong dapat nating tuparin; ito ay isang banal na pakikipagtagpo kay Hesus, na nagnanais na palakasin ang ating mga kaluluwa at ilapit tayo sa Kanyang mapagmahal na puso.

Subalit, tulad ng mga taong tinutukoy sa Ebanghelyo, may mga pagkakataong tinatanggihan din natin ang paanyaya ni Hesus dahil abala tayo sa iba pang mga bagay. Minsan, labis tayong nagiging abala sa ating trabaho, mga personal na suliranin, at mga makamundong hangarin kaya nakakalimutan natin kung ano ang tunay na mahalaga.

Nakalulungkot isipin na kapag sadyang inuuna natin ang ibang bagay kaysa sa ating ugnayan kay Hesus, nawawalan tayo ng mahahalagang pagkakataong makatagpo Siya, tumanggap ng Kanyang biyaya, at lumago sa pananampalataya.

Nakalulungkot ding isipin na may ilang Katolikong umaalis sa Simbahang Katolika upang sumapi sa ibang mga pamayanang Kristiyano dahil nais nilang magkaroon ng personal na ugnayan kay Hesus sa pamamagitan ng Bibliya. Ang hangarin nilang higit na makilala si Hesus ay isang bagay na maaari nating maunawaan at pahalagahan.

Gayunman, dapat din nating tandaan na inaanyayahan tayo ni Hesus na makatagpo Siya hindi lamang sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa Bibliya kundi maging sa Banal na Eukaristiya, sa pagdiriwang ng Banal na Misa, sa panalangin, at sa patnubay ng Espiritu Santo.

Kung maglalaan lamang tayo ng panahon upang dumalo nang tapat at buong debosyon sa Banal na Misa, matutuklasan natin ang napakaraming biyayang iniaalok sa atin ni Hesus. Habang nakikinig tayo sa Kanyang Salita at tinatanggap Siya sa Banal na Eukaristiya, binibigyan Niya tayo ng pagkakataong higit na madama ang Kanyang pag-ibig.

Hinihikayat din Niya tayong buksan ang ating mga Bibliya, pagnilayan ang Kanyang mga aral, at isabuhay ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng mga banal na pakikipagtagpong ito, lalong tumitibay ang ating pagkakaibigan kay Hesus at higit na nag-uugat sa Kanyang pag-ibig ang ating buhay.

Huwag nating kalimutan na ang Banal na Misa ay isang paanyaya sa isang banal na piging kung saan malugod tayong tinatanggap ni Hesus. Hindi lamang Niya tayo inaanyayahang dumalo, makinig, at pagkatapos ay umuwi. Nais Niya tayong magkaroon ng mas malalim at mas matibay na ugnayan sa Kanya. Nais Niyang baguhin ang ating mga puso, patatagin ang ating pananampalataya, pagalingin ang ating mga sugatang damdamin, at turuan tayong higit na magmahal sa Diyos at sa ating kapwa.

Kaya naman, huwag nating hayaang ilayo tayo sa Diyos ng ating mga abalang gawain, personal na ambisyon, at mga makamundong alalahanin. Buong katapatan nating tanggapin ang paanyaya ni Hesus. Magtipon tayo sa Kanyang banal na hapag, makinig nang buong puso sa Kanyang Salita, tanggapin Siya sa Banal na Eukaristiya, at dalhin ang Kanyang pag-ibig sa ating mga tahanan at pamayanan.

Sa tuwing inaanyayahan tayo ni Hesus sa Kanyang banal na piging, patuloy ba tayong magdadahilan at tatalikod sa Kanya dahil sa dami ng ating pinagkakaabalahan, o bubuksan natin ang ating mga puso, buong pagmamahal na tatanggapin ang Kanyang paanyaya, at hahayaan Siyang maging sentro ng ating buhay?—Marino J. Dasmarinas

Reflection for Monday November 2 The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls): Matthew 25:31-46


Gospel: Matthew 25:31-46
Jesus said to his disciples: "When the Son of Man comes in his glory, and all the angels with him, he will sit upon his glorious throne, and all the nations will be assembled before him. And he will separate them one from another, as a shepherd separates the sheep from the goats. He will place the sheep on his right and the goats on his left.  

Then the king will say to those on his right, 'Come, you who are blessed by my Father. Inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world. For I was hungry and you gave me food, I was thirsty and you gave me drink, a stranger and you welcomed me, naked and you clothed me, ill and you cared for me, in prison and you visited me.'  

Then the righteous will answer him and say, 'Lord, when did we see you hungry and feed you, or thirsty and give you drink? When did we see you a stranger and welcome you, or naked and clothe you? When did we see you ill or in prison, and visit you?' And the king will say to them in reply, 'Amen, I say to you, whatever you did for one of the least brothers of mine, you did for me.'  

Then he will say to those on his left, 'Depart from me, you accursed, into the eternal fire prepared for the devil and his angels. For I was hungry and you gave me no food, I was thirsty and you gave me no drink, a stranger and you gave me no welcome, naked and you gave me no clothing, ill and in prison, and you did not care for me.'  

Then they will answer and say, 'Lord, when did we see you hungry or thirsty or a stranger or naked or ill or in prison, and not minister to your needs?' He will answer them, 'Amen, I say to you, what you did not do for one of these least ones, you did not do for me.' And these will go off to eternal punishment, but the righteous to eternal life."

+ + + + + + +
Reflection:
What do we feel when we sincerely help the poor, the needy, and those who are less fortunate than we are?

We experience an indescribable joy in our hearts. But who gives us this profound joy? It is Jesus, and no one else, because whatever we do for the least of our brothers and sisters, we also do for Him.

In our Gospel, we encounter two groups of people: those on the right and those on the left of the Lord. Those on His right are the ones who helped the hungry, cared for the sick, welcomed strangers, and visited those in prison. They showed love and compassion to those who needed them most. In contrast, those on His left were insensitive to the suffering of others and failed to extend a helping hand when they had the opportunity.

The Lord welcomed those on His right and granted them eternal life. However, those on His left received eternal punishment because they failed to show love and compassion to those in need. Through this Gospel, Jesus reminds us that our love for Him must be reflected in the way we treat our brothers and sisters, especially the poor and the less fortunate.

This Gospel invites us to examine our hearts and reflect on how we treat those who are struggling. Let us be sensitive to their needs and look around us. We may have relatives, neighbors, or friends who are not as financially blessed as we are. Sometimes, we become so preoccupied with our own comfort, possessions, and ambitions that we forget those who are struggling to make ends meet. We may have more than enough while others are wondering where they will get their next meal.

Let us never forget that our blessings are not meant for ourselves alone. God blesses us so that we can also become a blessing to others. We do not need to be wealthy to help someone in need. A simple act of kindness, a meal shared with someone who is hungry, a visit to someone who is lonely, or a sincere expression of concern can become a powerful expression of God's love. When we serve others with humble and loving hearts, we are also serving Jesus.

Today, as we commemorate All Souls' Day, we remember our departed loved ones. We offer Holy Mass for the repose of their souls, pray for them, and, whenever possible, visit their graves. We reminisce about the moments we shared with them, especially the beautiful memories that continue to live in our hearts. We thank God for the gift of their lives and for the love they shared with us.

As we remember those who have gone before us, let us also reflect on the lives we are living today. Our time on earth is limited, and we do not know when the Lord will call us home. What matters most is not how much wealth we accumulate or how many possessions we leave behind, but how much love we have shared and how many lives we have touched through our kindness and generosity.

Someday, we, too, will stand before the Lord. May we be able to look back on our lives with grateful hearts, knowing that we did not turn away from those who needed our help. May Jesus find in us hearts that are compassionate, hands that are willing to serve, and lives that reflect His love.

As we remember our departed loved ones today, let us ask ourselves: If Jesus were to stand before us now in the person of someone who is poor, hungry, lonely, or suffering, would we recognize Him, open our hearts to Him, and lovingly extend our helping hands—or would we simply turn away and walk past Him?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Lunes Nobyembre 2 Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano: Mateo 25:31-46


Mabuting Balita: Mateo 25:31-46
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila'y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ng mga kambing. 

At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako'y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. ako'y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako'y nabilanggo at ako'y inyong pinuntahan.' 

Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?' Sasagutin ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.'

"At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! kayo'y pasa-apoy na di-mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako'y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako'y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako'y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan, ako'y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.' 

At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?' At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang pinagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan."

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Ano ang nadarama natin sa tuwing taos-puso tayong tumutulong sa mga mahihirap, nangangailangan, at kapus-palad?

Nakadarama tayo ng di-mailarawang kagalakan sa ating mga puso. Ngunit sino ang nagbibigay sa atin ng ganitong kagalakan? Walang iba kundi si Hesus! Sapagkat anumang kabutihang ginagawa natin para sa pinakamaliit sa ating mga kapatid ay ginagawa rin natin para sa Kanya.

Sa ating Ebanghelyo, makikita natin ang dalawang pangkat ng mga tao: ang mga nasa kanan ng Panginoon at ang mga nasa kaliwa Niya. Ang mga nasa Kanyang kanan ay yaong mga tumulong sa mga nagugutom, nag-alaga sa mga maysakit, tumanggap sa mga dayuhan, at dumalaw sa mga nakabilanggo.

Nagpakita sila ng pagmamahal at habag sa mga taong higit na nangangailangan ng kanilang tulong. Samantala, ang mga nasa Kanyang kaliwa ay naging manhid sa pagdurusa ng kanilang kapwa at hindi nag-abot ng tulong kahit may pagkakataon silang gawin ito.

Tinanggap ng Panginoon ang mga nasa Kanyang kanan at pinagkalooban sila ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga nasa Kanyang kaliwa ay tumanggap ng kaparusahang walang hanggan dahil hindi nila ipinakita ang pagmamahal at habag sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng Ebanghelyong ito, ipinapaalala sa atin ni Hesus na ang pagmamahal natin sa Kanya ay dapat makita sa paraan ng pakikitungo natin sa ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap at kapus-palad.

Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyong ito na suriin ang ating mga puso at pagnilayan kung paano natin tinatrato ang mga taong dumaranas ng paghihirap. Maging sensitibo tayo sa kanilang mga pangangailangan at matutong tumingin sa ating paligid. Maaaring may mga kamag-anak, kapitbahay, o kaibigan tayo na hindi kasing-ginhawa ng ating kalagayan sa buhay.

Kung minsan, masyado tayong abala sa paghahangad ng kaginhawahan, pagtatamo ng mga ari-arian, at pagtupad sa sarili nating mga ambisyon kaya nakakalimutan natin ang mga taong nahihirapan. Maaaring sagana tayo sa buhay samantalang ang iba ay hindi alam kung saan kukuha ng kanilang susunod na pagkain.

Huwag nating kalilimutan na hindi lamang para sa ating sarili ang mga biyayang ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Pinagpapala Niya tayo upang maging daluyan din tayo ng Kanyang mga pagpapala sa iba. Hindi natin kailangang maging mayaman upang makatulong sa mga nangangailangan.

Ang isang simpleng kabutihan, ang pagbabahagi ng pagkain sa nagugutom, ang pagdalaw sa isang taong nalulungkot, o ang taos-pusong pagpapakita ng malasakit ay maaaring maging makapangyarihang pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Sa tuwing naglilingkod tayo sa ating kapwa nang may kababaang-loob at pagmamahal, naglilingkod din tayo kay Hesus.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Kaluluwa o All Souls’ Day, inaalala natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Nag-aalay tayo ng Banal na Misa para sa kapahingahan ng kanilang mga kaluluwa, nananalangin para sa kanila, at, kung may pagkakataon, dumadalaw tayo sa kanilang mga puntod.

Binabalikan natin sa ating alaala ang mga sandaling pinagsaluhan natin, lalo na ang magagandang karanasan. Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagkakaloob Niya sa atin ng kanilang buhay at sa pagmamahal na ibinahagi nila sa atin.

Habang inaalala natin ang mga nauna nang pumanaw, pagnilayan din natin ang uri ng buhay na ating isinasabuhay ngayon. May hangganan ang ating panahon sa mundong ito, at hindi natin alam kung kailan tayo tatawagin ng Panginoon. Ang pinakamahalaga ay hindi kung gaano karaming kayamanan ang ating naipon o kung gaano karaming ari-arian ang ating maiiwan, kundi kung gaano kalaki ang pagmamahal na naibahagi natin at kung ilang buhay ang napasaya, napagaan, at naantig natin sa pamamagitan ng ating kabutihan at pagkabukas-palad.

Darating ang araw na tayo rin ay haharap sa Panginoon. Nawa, sa araw na iyon, ay makabalik-tanaw tayo nang may pusong puno ng pasasalamat, sapagkat hindi natin tinalikuran ang mga taong nangangailangan ng ating tulong. Nawa, matagpuan ni Hesus sa atin ang mga pusong mahabagin, mga kamay na handang maglingkod, at mga buhay na sumasalamin sa Kanyang pagmamahal. 

Sa paggunita natin ngayon sa ating mga yumaong mahal sa buhay, tanungin natin ang ating mga sarili: Kung si Hesus ay tumayo sa harapan natin ngayon sa katauhan ng isang mahirap, nagugutom, nag-iisa, o nagdurusang kapwa, makikilala ba natin Siya, bubuksan ba natin ang ating mga puso sa Kanya, at buong pagmamahal na iaabot ang ating mga kamay upang tumulong—o tatalikuran lamang natin Siya at magpapatuloy sa ating paglalakad na para bang wala tayong nakita?—Marino J. Dasmarinas

Saturday, October 31, 2026

Reflection for Sunday November 1 Solemnity of All Saints: Matthew 5:1-12a


Gospel: Matthew 5:1-12a
When Jesus saw the crowds, he went up the mountain, and after he had sat down, his disciples came to him. He began to teach them, saying: 

“Blessed are the poor in spirit, for theirs is the Kingdom of heaven. Blessed are they who mourn, for they will be comforted. Blessed are the meek, for they will inherit the land. Blessed are they who hunger and thirst for righteousness, for they will be satisfied. Blessed are the merciful, for they will be shown mercy. 

Blessed are the clean of heart, for they will see God. Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God. Blessed are they who are persecuted for the sake of righteousness, for theirs is the Kingdom of heaven. Blessed are you when they insult you and persecute you and utter every kind of evil against you falsely because of me. Rejoice and be glad, for your reward will be great in heaven.”

+ + + + + + +
Reflection:
What is the secret to living a full and meaningful life in this world? Is it accumulating wealth and power? Is it having a beautiful face and body? None of these, actually. The secret is to be blessed by God and to live under His grace.

But how can we receive God’s blessings? We can begin by living a simple and humble life. When we become preoccupied with chasing the things this world offers, we risk losing sight of what truly matters. When we become full of ourselves, we leave little room for God in our hearts. We may gain worldly success, but we will never find the lasting happiness that only God can give.

When we possess wealth and power, we may be deceived into believing that we are already blessed. But sooner or later, we may realize that these worldly possessions cannot satisfy the deepest longings of our hearts. Wealth and power may give us temporary satisfaction, but they cannot give us the peace, contentment, and joy that come from having a deep and personal relationship with God.

Who is the ultimate source of true blessings and happiness? It is Jesus, who continually leads us to know God more deeply, helps us become aware of the presence of the Holy Spirit within us, and opens the door of faith for us. Through Jesus, we discover that the greatest blessing we can ever receive is not what we possess but the gift of knowing, loving, and serving God.

The eight Beatitudes that Jesus gave to His disciples—and to us as well—stand in stark contrast to the values of a world so enamored with wealth, power, physical beauty, and worldly recognition. The world tells us that we must possess more to become happier and that we must be admired to feel important. But Jesus teaches us a different path: the path of humility, mercy, purity of heart, righteousness, and peace. Beneath the eight Beatitudes lie the secrets to true blessedness and lasting happiness.

We can discover and experience this blessedness when we learn to live simply and humbly, placing God at the center of our lives. When we acknowledge that everything we have is a gift from Him, we become less attached to worldly possessions and more willing to share what we have with those in need. We also learn to appreciate the blessings that money cannot buy: the love of our family, the gift of genuine friendship, the peace of a clear conscience, and the joy of walking with Jesus each day.

Let us remember that God does not measure our worth by the wealth we accumulate, the power we exercise, or the beauty we possess. He looks into our hearts. He knows our struggles, sees our sacrifices, and welcomes us whenever we humbly turn to Him. His grace reminds us that we do not need to have everything the world offers to live a blessed and meaningful life. We need hearts that trust Him, lives that reflect His love, and souls that remain faithful to Him.

Let us therefore ask ourselves: Are we spending our lives chasing the fleeting treasures of this world, or are we humbly seeking the lasting treasures that come from God? And if Jesus were to look into our hearts today, would He find hearts that are full of worldly desires or hearts that are open to His grace, ready to love, serve, and follow Him?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Linggo Nobyembre 1 Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal: Mateo 5:1-12a


Mabuting Balita: Mateo 5:1-12a
Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” “Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”

“Mapalad ang mga mapagkumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”

“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.” “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”

“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” “Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”

“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”

“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa Langit.”

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Ano nga ba ang lihim upang magkaroon tayo ng ganap at makabuluhang buhay dito sa mundo?

Nasa pag-iipon ba ito ng kayamanan at pagkakaroon ng kapangyarihan? Nasa pagkakaroon ba ito ng magandang mukha at kaakit-akit na pangangatawan? Hindi. Ang tunay na lihim ay ang pagpapala ng Diyos at ang pamumuhay sa ilalim ng Kanyang biyaya.

Ngunit paano natin matatanggap ang mga pagpapala ng Diyos?

Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pamumuhay nang simple at mapagpakumbaba. Kapag labis tayong abala sa paghahangad ng mga bagay na iniaalok ng mundong ito, nanganganib na mawala sa ating paningin ang mga bagay na tunay na mahalaga. 

Kapag masyado tayong nagiging mapagmataas at umiikot na lamang ang ating buhay sa ating sarili, kumakaunti ang puwang na inilalaan natin sa Diyos sa ating mga puso. Maaaring magtagumpay tayo sa buhay ayon sa pamantayan ng mundo, ngunit hindi natin matatagpuan ang tunay at pangmatagalang kaligayahang tanging Diyos lamang ang makapagbibigay.

Kapag nagkaroon tayo ng kayamanan at kapangyarihan, maaari tayong malinlang at maniwalang pinagpala na tayo nang lubos. Ngunit darating ang panahon na maaari nating matuklasan na hindi pala kayang punan ng mga materyal na bagay ang pinakamalalim na pangangailangan ng ating mga puso. Maaaring magbigay sa atin ng panandaliang kasiyahan ang kayamanan at kapangyarihan, ngunit hindi nila kayang ibigay ang kapayapaan, kapanatagan, at kagalakang nagmumula sa malalim at personal na ugnayan natin sa Diyos.

Sino nga ba ang tunay na pinagmumulan ng mga pagpapala at kaligayahan? Walang iba kundi si Hesus. Siya ang patuloy na umaakay sa atin upang higit nating makilala ang Diyos, maging mulat sa presensiya ng Espiritu Santo sa ating buhay, at mabuksan ang pintuan ng pananampalataya sa ating mga puso. Sa pamamagitan ni Hesus, matutuklasan natin na ang pinakadakilang pagpapalang maaari nating matanggap ay hindi ang dami ng ating mga kayamanan, kundi ang biyayang makilala, mahalin, at paglingkuran ang Diyos.

Ang mga Pagpapala o Beatitudes na itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad—at maging sa ating lahat—ay salungat sa mga pagpapahalaga ng mundong labis na nahuhumaling sa kayamanan, kapangyarihan, kagandahang panlabas, at pagkilala ng kapwa.

Sinasabi sa atin ng mundo na kailangan nating magkaroon ng mas maraming bagay upang higit tayong maging maligaya at kailangan nating hangaan ng iba upang maramdaman nating mahalaga tayo. Ngunit ibang landas ang itinuturo sa atin ni Hesus: ang landas ng kababaang-loob, awa, kalinisan ng puso, pagsisikap na mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos, at pagtataguyod ng kapayapaan. Sa likod ng walong Pagpapala matatagpuan ang tunay na kahulugan ng pagiging pinagpala at ang lihim ng pangmatagalang kaligayahan.

Matutuklasan at mararanasan natin ang tunay na pagpapalang ito kapag natutuhan nating mamuhay nang simple at mapagpakumbaba, habang inilalagay natin ang Diyos sa sentro ng ating buhay. Kapag kinikilala nating ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob Niya, unti-unti tayong matututong huwag labis na kumapit sa mga materyal na bagay.

Sa halip, mas magiging bukas ang ating mga puso sa pagbabahagi ng ating mga biyaya sa mga nangangailangan. Matututuhan din nating pahalagahan ang mga pagpapalang hindi kayang bilhin ng salapi: ang pagmamahalan sa ating pamilya, ang tunay na pagkakaibigan, ang kapayapaan ng konsensiya, at ang kagalakang dulot ng araw-araw na paglalakbay natin kasama si Hesus.

Huwag nating kalimutan na hindi sinusukat ng Diyos ang ating halaga batay sa yaman na ating naipon, kapangyarihang ating taglay, o kagandahang panlabas na mayroon tayo. Tinitingnan Niya ang nilalaman ng ating mga puso. Alam Niya ang ating mga pinagdaraanan, nakikita Niya ang ating mga sakripisyo, at malugod Niya tayong tinatanggap sa tuwing buong kababaang-loob tayong nagbabalik-loob sa Kanya.

Ipinapaalala sa atin ng Kanyang biyaya na hindi natin kailangang mapasaatin ang lahat ng iniaalok ng mundo upang magkaroon ng isang pinagpala at makabuluhang buhay. Ang kailangan natin ay mga pusong nagtitiwala sa Kanya, mga buhay na sumasalamin sa Kanyang pag-ibig, at mga taong nananatiling tapat sa Kanya.

Kaya tanungin natin ang ating mga sarili: Nauubos ba ang ating panahon sa paghahabol sa mga kayamanang lilipas din balang-araw, o buong kababaang-loob nating hinahanap ang mga kayamanang nagmumula sa Diyos at mananatili magpakailanman?

At kung titingnan ni Hesus ang ating mga puso sa araw na ito, ano kaya ang Kanyang matatagpuan—mga pusong puno ng paghahangad sa mga bagay ng mundo, o mga pusong bukas sa Kanyang biyaya, handang magmahal, maglingkod, magbahagi, at sumunod sa Kanya?— Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 31 Saturday of the 30th Week in Ordinary Time: Luke 14:1, 7-11


Gospel: Luke 14:1, 7-11
On a sabbath Jesus went to dine at the home of one of the leading Pharisees, and the people there were observing him carefully.  

He told a parable to those who had been invited, noticing how they were choosing the places of honor at the table. “When you are invited by someone to a wedding banquet, do not recline at table in the place of honor. A more distinguished guest than you may have been invited by him, and the host who invited both of you may approach you and say, ‘Give your place to this man,’ and then you would proceed with embarrassment to take the lowest place.   

Rather, when you are invited, go and take the lowest place so that when the host comes to you he may say, ‘My friend, move up to a higher position.’ Then you will enjoy the esteem of your companions at the table. For everyone who exalts himself will be humbled, but the one who humbles himself will be exalted.  

Then he said to the host who invited him, "When you hold a lunch or a dinner, do not invite your friends or your brothers or your relatives or your wealthy neighbors, in case they may invite you back and you have repayment.

Rather, when you hold a banquet, invite the poor, the crippled, the lame, the blind; blessed indeed will you be because of their inability to repay you. For you will be repaid at the resurrection of the righteous."

+ + + + + + +
Reflection:
What can humility do for our lives?

Among the many blessings that humility can bring into our lives are peace and contentment. When we learn to live humbly, we also build genuine friendships and earn the quiet admiration of others. Humility allows us to live peacefully with those around us because we no longer feel the need to prove that we are better than anyone else.

Yet many of us are afraid to embrace and practice humility because we fear that others might dominate us or take advantage of us. But humility does not mean allowing ourselves to be abused or treated as inferior. Neither does it mean thinking less of ourselves. Rather, it means recognizing that we are no better than anyone else, regardless of how educated, knowledgeable, wealthy, or accomplished we may be. True humility teaches us to recognize our worth without looking down on others.

For example, when a situation calls for us to follow lawful orders, we should do so willingly and responsibly. We must carry out the tasks entrusted to us with the utmost competence, giving our very best until we accomplish what is expected of us.

And when the work is done, we should be willing to step away from the limelight without demanding recognition or praise. We do not always have to be noticed, applauded, or acknowledged for our contributions. Sometimes, the greatest expression of humility is to serve faithfully and quietly, knowing that God sees even the things that others fail to notice.

There is a beautiful reward in living humbly: the honor that comes not merely from our fellow human beings but, above all, from God. The world may measure our worth by our position, achievements, wealth, or popularity, but God looks into our hearts. He knows whether we serve out of love or merely to receive recognition. When we humble ourselves before Him, we acknowledge that everything we have and everything we accomplish ultimately depends on His grace.

In the Gospel, Jesus teaches us this very lesson through the parable of the wedding banquet (Luke 14:7–11). He tells us that when we are invited to a banquet, we should take the lowest place rather than seek a position of honor. We must allow the host to decide where we belong and, if the host sees fit, invite us to a place of greater honor. Through this teaching, Jesus reminds us not to exalt ourselves but to allow God to lift us up in His own time and according to His wisdom.

Why is the Lord so particular about humility? Because humility helps us recognize our dependence on Him. When we let go of our pride, our desire for recognition, and our need to be above others, we open our hearts to His grace. We become more willing to listen, more ready to serve, more generous in loving others, and more grateful for the blessings we receive. Humility does not diminish us; rather, it allows God to shape us into the people He wants us to become.

Let us, therefore, strive to live humbly, serve faithfully, and do what is right even when nobody is watching. Let us remember that we do not need to occupy the highest place in the eyes of the world to be precious in the eyes of God. Our true greatness is not measured by how many people admire us but by how sincerely we love, how faithfully we serve, and how willingly we place ourselves in God's hands.

A heart that is humble has no need to exalt itself, for it trusts that God sees, God knows, and God will lift us up according to His perfect will.

And so, are we willing to let go of our pride, serve others without seeking recognition, and take the lowest place in the eyes of the world so that we may grow in humility and become greater in the eyes of God?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita para Oktubre 31 Sabado sa Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:1, 7-11


Mabuting Balita: Lucas 14:1, 7-11
Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.  

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo.  

At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. 

Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang magagawa ng kababaang-loob sa ating buhay?

Maraming biyayang maidudulot sa ating buhay ang kababaang-loob, kabilang na rito ang kapayapaan ng kalooban at tunay na kasiyahan. Kapag natutuhan nating mamuhay nang may kababaang-loob, nagkakaroon din tayo ng mga tunay na kaibigan at nakatatanggap ng tahimik na paghanga mula sa iba. Nagiging mas payapa ang ating pakikitungo sa kapwa dahil hindi na natin kailangang patunayan na mas nakahihigit tayo kaysa kaninuman.

Gayunman, marami sa atin ang natatakot na yakapin at isabuhay ang kababaang-loob dahil nangangamba tayong mamayani ang iba sa atin o samantalahin ang ating kabaitan. Ngunit ang pagiging mapagpakumbaba ay hindi nangangahulugang hahayaan nating abusuhin tayo o ituring na mababa kaysa sa iba.

Hindi rin ito nangangahulugang minamaliit natin ang ating sarili. Sa halip, ito ay pagkilala na hindi tayo nakahihigit sa ating kapwa, gaano man tayo kataas ang pinag-aralan, karami ang nalalaman, kayaman, o karami ang mga tagumpay sa buhay. Itinuturo sa atin ng tunay na kababaang-loob na kilalanin ang ating sariling halaga nang hindi minamaliit ang halaga ng iba.

Halimbawa, kung hinihingi ng isang sitwasyon na sundin natin ang mga makatarungan at naaayon sa batas na utos, dapat natin itong gawin nang buong kusang-loob at pananagutan. Isakatuparan natin nang buong husay ang mga gawaing ipinagkatiwala sa atin. Ibigay natin ang ating makakaya hanggang sa magampanan natin ang inaasahan sa atin.

At kapag natapos na natin ang ating gawain, matuto tayong lumayo sa sentro ng papuri at pagkilala nang hindi humihingi ng kapalit na paghanga. Hindi naman kailangang palagi tayong napapansin, pinapalakpakan, o pinupuri dahil sa ating mga nagawa. Kung minsan, ang pinakadakilang pagpapakita ng kababaang-loob ay ang tapat at tahimik na paglilingkod, sa pananalig na nakikita ng Diyos maging ang mga bagay na hindi napapansin ng ibang tao.

May magandang gantimpala ang pamumuhay nang may kababaang-loob: ang karangalang hindi lamang nagmumula sa ating kapwa kundi, higit sa lahat, sa Diyos. Maaaring sukatin ng mundo ang ating halaga batay sa ating posisyon, mga tagumpay, kayamanan, o kasikatan, ngunit ang Diyos ay tumitingin sa ating puso. Alam Niya kung naglilingkod tayo dahil sa pagmamahal o dahil lamang nais nating mapansin at mapuri. Kapag nagpapakumbaba tayo sa Kanyang harapan, kinikilala natin na ang lahat ng mayroon tayo at ang lahat ng ating nakakamit ay nagmumula sa Kanyang biyaya.

Sa Ebanghelyo, itinuturo sa atin ni Hesus ang mahalagang aral na ito sa pamamagitan ng talinghaga tungkol sa handaan ng kasalan (Lucas 14:7–11). Itinuturo Niya na kapag inanyayahan tayo sa isang handaan, piliin natin ang pinakamababang lugar sa halip na agad na hangarin ang luklukan ng karangalan.

Hayaan nating ang punong-abala ang magpasya kung saan tayo dapat maupo at, kung nanaisin niya, siya mismo ang mag-anyaya sa atin na lumipat sa isang lugar na higit na marangal. Sa pamamagitan ng aral na ito, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na huwag nating itaas ang ating sarili. Sa halip, hayaan nating ang Diyos ang magtaas sa atin sa panahong itinakda Niya at ayon sa Kanyang karunungan.

Bakit kaya napakahalaga kay Hesus ng kababaang-loob? Sapagkat tinutulungan tayo nitong kilalanin na umaasa tayo sa Diyos sa lahat ng bagay. Kapag binitiwan natin ang ating kapalaluan, ang labis na paghahangad sa papuri, at ang pagnanais na maging nakahihigit sa iba, nagkakaroon ng puwang sa ating puso ang Kanyang biyaya.

Nagiging mas handa tayong makinig, mas bukas sa paglilingkod, mas mapagmahal sa kapwa, at mas mapagpasalamat sa mga biyayang tinatanggap natin. Hindi tayo pinabababa ng kababaang-loob; sa halip, binibigyan nito ng pagkakataon ang Diyos na hubugin tayo ayon sa Kanyang kalooban.

Kaya't pagsikapan nating mamuhay nang may kababaang-loob, maglingkod nang tapat, at gawin ang tama kahit walang nakakakita sa atin. Tandaan natin na hindi natin kailangang maupo sa pinakamataas na luklukan sa paningin ng mundo upang maging mahalaga sa paningin ng Diyos.

Hindi nasusukat ang tunay nating kadakilaan sa dami ng humahanga sa atin, kundi sa katapatan ng ating pagmamahal, sa katapatan ng ating paglilingkod, at sa kahandaan nating ipagkatiwala ang ating buhay sa mga kamay ng Diyos.

Ang pusong mapagpakumbaba ay hindi kailangang magmataas, sapagkat nagtitiwala ito na nakikita ng Diyos ang lahat, alam Niya ang nilalaman ng ating puso, at itataas Niya tayo ayon sa Kanyang ganap na kalooban at sa panahong itinakda Niya.

Kaya ito ang tanong para sa atin, handa ba tayong talikuran ang ating kapalaluan, maglingkod nang walang hinihintay na papuri, at piliin ang mababang lugar sa paningin ng mundo upang higit tayong lumago sa kababaang-loob at maging dakila sa paningin ng Diyos?— Marino J. Dasmarinas