Tuesday, October 28, 2025

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 29 Miyerkules sa Ika-30 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 13:22-30


Mabuting Balita: Lucas 13:22-30
Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. 

Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok. “Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ 

At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!  Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ 

Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Magkaibigang matalik sina Mike at Joseph. Si Mike ay galing sa mahirap na pamilya, samantalang si Joseph ay mula sa mayaman. Dahil sa kayamanan, nakakamtan ni Joseph ang lahat ng gusto niya. Ngunit sa sobrang layaw, lumaki siyang palalo at hindi natapos ang kanyang pag-aaral. Samantala, si Mike na galing sa mahirap na pamilya ay nagsumikap. Siya’y naging working student upang maipagpatuloy at matapos ang kanyang kolehiyo.

Lumipas ang sampung taon, at nagbago ang takbo ng kanilang buhay. Si Mike, na dating mahirap, ay naging matagumpay dahil sa kanyang pagsisikap at determinasyon. Ngunit si Joseph, na dating mayaman at spoiled, ay naghirap at naging miserable.

Napakahalaga ng mga unang at huling pananalita ni Jesus sa ating Ebanghelyo ngayon. Sinabi Niya: “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan… Sapagkat may mga nauuna na magiging huli, at may mga nahuhuli na magiging una.” (Lucas 13:24, 30)

Sino ang mga taong nagsisikap pumasok sa makipot na pintuan? Sila ang mga handang magsakripisyo, magpakumbaba, at magtiis alang-alang sa Panginoon. At sino naman ang mga nauuna na magiging huli? Sila ang mga pinili ang madali, maginhawa, at makamundong pamumuhay—ang mga namumuhay para sa sarili, hindi para sa Diyos.

Ang ating pagsunod kay Jesus ay hindi kailanman madali. Madalas ay puno ito ng pagsubok, paghihirap, at pagtitiis. Tila ba tayo’y dumaraan sa isang makipot na daan. Ngunit ito ang tunay na daan ng pananampalataya. Sapagkat sinabi mismo ni Jesus: “Kung ibig ninyong sumunod sa Akin, itakwil ninyo ang inyong sarili, pasanin ninyo ang inyong krus, at sumunod kayo sa Akin.” (Mateo 16:24)

Kung tayo man ay dumanas ng hirap o pagtutol dahil sa ating pananampalataya, huwag tayong panghinaan ng loob. Ang makipot na daan ay mahirap, ngunit ito ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Kung tayo man ay tuyain o layuan dahil sa ating katapatan kay Kristo, magpakatatag tayo. Ang mundong ito ay pansamantala lamang, ngunit ang gantimpala ng mga tapat ay walang hanggan sa Kaharian ng Diyos.

Sa huli, ang mga nauna sa mundo—ang mga nabuhay sa layaw, kasamaan at kawalan ng dereksyon—ay mahuhuli sa harap ng Diyos. Ngunit ang mga nagsumikap, nagpakumbaba, at nanatiling tapat sa kabila ng lahat ay siyang itataas Niya sa Kanyang Kaharian. Ang makipot na daan ay hindi madali, ngunit ito ang daang patungo sa kaharian ng Diyos.

Handa ba tayong tahakin ang makipot na daan kasama si Jesus—ang daang puno ng sakripisyo, kababaang-loob, at pananampalataya—upang balang araw ay makapasok tayo sa walang hanggang buhay na inihanda Niya para sa atin? – Marino J. Dasmarinas

Monday, October 27, 2025

Reflection for Tuesday October 28 Feast of Saints Simon and Jude, Apostles: Luke 6:12-16


Gospel: Luke 6:12-16
Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles:

Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus, Simon who was called a Zealot, and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor.

+ + + + +  + +
Reflection:
Among the many who were called, why did Jesus choose these twelve ordinary men to be His apostles? We may never fully know the reason, considering that before a man becomes a priest or a deacon, he needs to study and prepare for years. Likewise, when a woman desires to become a nun, she undergoes a long formation process before dedicating her life to God.

So why did Jesus call these simple, ordinary men to be His apostles? Perhaps Jesus wants to teach us that holiness and discipleship are not reserved for the learned, the influential, or the highly educated. We need not wear a collar or a habit to follow Him. Each one of us, by virtue of our baptism, is already called to be His follower—to live out our faith wherever we are, even with our limitations and imperfections.

Many of us might think that spreading the faith is the sole responsibility of priests or religious sisters. But no—it is our shared mission. Jesus calls all of us, no matter who we are or what we know, to become bearers of His light. The less capable or confident we feel, the more He desires to show His power through us, for He does not call the qualified—He qualifies the called.

Each of us, then, has a sacred mission entrusted by Jesus Himself. He wants us to be His living witnesses in our homes, workplaces, schools, and online communities—so that through our words, our actions, and even our small acts of kindness, others may encounter His love. Through us, Jesus can reach hearts that might otherwise remain untouched.

Are we allowing Jesus to work through us so that others may see His love, hear His truth, and feel His presence? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Martes Oktubre 28 Kapistahan nila San Simon at San Judas, mga apostol: Lucas 6:12-16


Mabuting Balita: Lucas 6:12-16
Noong mga araw na iyon, umahon si Jesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin.

Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Sa dami ng mga tinawag, bakit nga ba pinili ni Jesus ang labindalawang karaniwang lalaki upang maging Kaniyang mga apostol? Hindi natin lubos na mauunawaan ang dahilan, lalo pa’t bago maging pari o diyakono ang isang lalaki, kailangan muna niyang mag-aral at maghanda sa loob ng maraming taon.

Gayon din naman, kapag ang isang babae ay nagnanais maging madre, siya rin ay dumaraan sa mahabang panahon ng paghuhubog bago tuluyang ialay ang kaniyang buhay sa Diyos.

Ngunit bakit nga ba si Jesus ay tumawag ng mga karaniwang tao upang maging Kaniyang mga apostol? Marahil nais Niyang ipabatid sa atin na ang pagiging tagasunod Niya ay hindi lamang para sa marurunong o makapangyarihan. Hindi natin kailangang magsuot ng abito o maghawak ng krusipihong may ranggo upang sumunod sa Kaniya.

Tayong lahat, sa pamamagitan ng ating binyag, ay tinawag na maging Kaniyang mga alagad—upang isabuhay ang ating pananampalataya saan man tayo naroroon, kahit tayo ay simple lamang at may kakulangan karunungan at pag-aaral.

Madalas nating isipin na ang pagpapalaganap ng pananampalataya ay tungkulin lamang ng mga pari o ng mga relihiyosa. Ngunit hindi ganoon ang turo ni Jesus. Tayong lahat ay Kaniyang tinatawag na maging kabahagi sa misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

Kapag nararamdaman nating tayo ay mahina o kulang, mas lalo tayong inaanyayahan ni Jesus, sapagkat hindi Niya tinatawag ang mga karapat-dapat—bagkus, Kaniyang ginagawang karapat-dapat ang mga Kaniyang tinawag.

Bawat isa sa atin ay may natatanging misyon na ibinigay ni Jesus. Nais Niyang tayo ay maging Kaniyang mga saksi sa ating mga tahanan, trabaho, paaralan, at maging sa social media. Sa pamamagitan ng ating mga salita, gawa, at malasakit, maipadama natin sa iba ang pag-ibig at presensiya ni Jesus. Sa pamamagitan natin, maaari Siyang umabot sa mga pusong matagal nang naghihintay na makilala Siya.

Handa ba tayong tumugon sa pagtawag ni Jesus upang madama ng iba ang Kaniyang pag-ibig, pagliligtas at pagpapala? — Marino J. Dasmarinas

Sunday, October 26, 2025

Reflection for October 27 Monday of the 30th Week in Ordinary Time: Luke 13:10-17


Gospel: Luke 13:10-17
Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath. And a woman was there who for eighteen years had been crippled by a spirit; she was bent over, completely incapable of standing erect. When Jesus saw her, he called to her and said, “Woman, you are set free of your infirmity.” 

He laid his hands on her, and she at once stood up straight and glorified God. But the leader of the synagogue, indignant that Jesus had cured on the sabbath, said to the crowd in reply, “There are six days when work should be done. Come on those days to be cured, not on the sabbath day.” 

The Lord said to him in reply, “Hypocrites! Does not each one of you on the Sabbath untie his ox or his ass from the manger and lead it out for watering? This daughter of Abraham, whom Satan has bound for eighteen years now, ought she not to have been set free on the sabbath day from this bondage?” When he said this, all his adversaries were humiliated; and the whole crowd rejoiced at all the splendid deeds done by him.

+ + + + + + +
Reflection:
Do we believe that Jesus can heal us of anything we’re feeling right now? Let us have faith and believe, for indeed, we will be healed by Jesus in His perfect time.

Jesus’ compassion for us is unfathomable. His desire to heal our wounds and sickness—whatever they may be—is beyond question. Yet, He also asks something from us, and that is faith. If we have faith, Jesus’ healing hands will surely touch and restore us.

In the Gospel, we read about the woman who had been crippled by an evil spirit for many years. Despite her suffering, she never lost faith. That faith moved Jesus to heal her, even though it was the Sabbath day—a day of rest for the Jewish people. Her story reminds us that faith is the key that opens the door to healing. Without faith, there can be no true healing from Jesus.

Are we in need of healing from the Lord today—whether it be physical, emotional, or spiritual? Let us pray and ask the greatest Healer who ever walked this earth to make us whole. For nothing is impossible for Jesus; He always makes a way for us when there seems to be no way.

Let us come before Him with humble hearts and unwavering faith, trusting that His mercy and love will heal every wound within us. Will we take that step of faith today and allow Jesus to heal us completely? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 27 Lunes sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 13:10-17


Mabuting Balita: Lucas 13:10-17
Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!”

At ipinatong ni Hesus ang kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”

Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

 + + + + + + +
Repleksyon:
Naniniwala ba tayo na kayang pagalingin ni Jesus ang anumang dinaramdam natin sa oras na ito? Manampalataya tayo at maniwala, sapagkat sa Kanyang takdang panahon, pagagalingin Niya tayo.

Ang habag ni Jesus sa atin ay hindi masukat. Ang Kanyang hangaring pagalingin ang ating mga sugat at karamdaman—anumang uri nito—ay hindi kailanman mapagdududahan. Ngunit may hinihingi rin Siya sa atin, at iyon ay pananampalataya. Kapag tayo ay may pananampalataya, tiyak na hihipuin at pagagalingin tayo ng mapagpagaling Niyang mga kamay.

Sa Mabuting Balita, mababasa natin ang tungkol sa babaeng matagal nang inaalihan ng masamang espiritu. Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi siya nawalan ng pananampalataya. Dahil dito, pinagaling siya ni Jesus kahit ito ay araw ng pamamahinga ng mga Hudyo. Ipinapaalala sa atin ng kanyang kwento na ang pananampalataya ang susi ng kagalingan. Kung wala ito, walang ganap na kagalingang magmumula kay Jesus.

Kailangan ba nating mapagaling ng Panginoon ngayon—pisikal man, emosyonal, o espirituwal? Manalangin tayo at humiling sa pinakadakilang Manggagamot na lumakad sa mundong ito na pagalingin tayo. Sapagkat walang imposible kay Jesus; palagi Siyang gumagawa ng daan kahit tila wala na tayong makitang daan.

Lumapit tayo sa Kanya nang may mapagpakumbabang puso at matatag na pananampalataya, at hayaang pagalingin Niya ang bawat sugat sa ating kalooban. Handa ba tayong buksan ang ating puso at hayaang hipuin tayo ni Jesus upang ganap tayong mapagaling? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, October 21, 2025

Reflection for October 26, Thirtieth Sunday in Ordinary Time: Luke 18:9-14


Gospel: Luke 18:9-14
Jesus addressed this parable to those who were convinced of their own righteousness and despised everyone else. “Two people went up to the temple area to pray; one was a Pharisee and the other was a tax collector. The Pharisee took up his position and spoke this prayer to himself, ‘O God, I thank you that I am not like the rest of humanity — greedy, dishonest, adulterous — or even like this tax collector.

I fast twice a week, and I pay tithes on my whole income.’ But the tax collector stood off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’ I tell you, the latter went home justified, not the former; for everyone who exalts himself will be humbled, and the one who humbles himself will be exalted.”

+ + + + + + +
Reflection:
Have we ever tried conversing with those who are truly humble? What do we notice about them? They rarely talk about themselves; and if they do, they make sure it’s not for the purpose of raising their own self-image. There’s something about them that draws us in—we naturally gravitate toward them and love to be in their presence, because they somehow carry an aura of peace and holiness that inspires us to be humble also.

On the other hand, have we ever tried conversing with those who are so full of themselves? They always seem to talk about their accomplishments, their possessions, and the things they do—and it goes on and on, all about themselves. So, we find it exhausting to listen to their self-centered talk that feeds the ego rather than the soul.

God would also prefer that we always remain humble: to talk less and less about ourselves and our accomplishments, for doing so only feeds our superficial image. God already knows everything about us—our talents, our struggles, our victories, and our hearts. What He desires is not our self-promotion, but our quiet faithfulness.

He calls us to walk humbly with Him in this temporary world—in silence, yes, in silence—never worrying about whether others notice us or not. We are invited to be content in doing all things for the greater glory of God, not for our own recognition.

Many of us, however, are like the Pharisee in the Gospel. We love to talk about ourselves and boast about the things we do for God, thinking it might win us favor. But the truth is, it will not serve us any good. We cannot gain God’s favor if we always point to ourselves as the lead actor in our story.

The Lord always favors the humble, as the Gospel gently reminds us. The humble are those who speak less of themselves, who do not let success cloud their hearts, and who know that everything they have is a gift from God—something they should never boast about. True humility is not about denying our gifts, but about recognizing that they all come from Him and are meant to serve others.

Do we seek to be noticed, or do we seek to quietly honor God? May we choose the path of humility—walking silently with our Lord, content to let His light, not ours, shine before others. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 26, Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 18:9-14


Mabuting Balita: Lucas 18:9-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba. "May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y Pariseo at ang isa nama'y publikano.

Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba -- mga magnanakaw, mga mandaraya, mga mangangalunya -- o kaya'y katulad ng publikanong ito.

Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita. Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!'

Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Naranasan na ba nating makipag-usap sa mga taong tunay na mapagkumbaba? Ano ang napansin natin sa kanila? Bihira silang magsalita tungkol sa kanilang sarili; at kung sakaling gawin man nila ito, sinisiguro nilang hindi ito para purihin ang kanilang sariling imahe. May kakaibang kababaang-loob at kapayapaan silang taglay—kaya gusto nating mapalapit sa kanila sapagkat tila ba may dala silang banal na presensiya ng Diyos.

Subalit, naranasan na rin ba nating makipag-usap sa mga taong puno ng pagmamataas at kayabangan? Halos palagi nilang pinag-uusapan ang kanilang mga tagumpay, ari-arian, at mga nagawa—paulit-ulit, at sila lagi ang bida. Nakakapagod at nakakawalang gana makinig sa kanila.

Ipinapaalala sa atin ng Diyos na nais Niyang lagi tayong maging mapagkumbaba—na huwag magsalita tungkol sa ating sarili o sa ating mga nagawa, sapagkat ang mga ito ay walang mabuting dulot sa ating pagkatao. Alam na ng Diyos ang lahat tungkol sa atin—ang ating mga talento, paghihirap, tagumpay, at ang nilalaman ng ating puso. Ang nais Niya ay hindi ang ating pagyayabang, kundi ang ating tahimik na katapatan.

Tinatawag Niya tayong maglakad nang may kababaang-loob sa mundong ito—sa katahimikan, oo, sa katahimikan—nang hindi iniintindi kung mapansin man tayo ng iba o hindi. Ang mahalaga ay ginagawa natin ang lahat para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos, hindi para sa ating sariling kapurihan.

Aminin man natin o hindi ay madalas tayong maging katulad ng Pariseo sa Mabuting Balita. Gusto nating pag-usapan ang ating sarili at ipagmalaki ang mga bagay na ginagawa natin para sa Diyos, iniisip natin na makakamit natin ang Kaniyang pabor. Ngunit ang katotohanan, wala itong mabuting maidudulot sa atin, sapagkat hindi natin makakamit ang pabor ng Diyos kung patuloy nating inilalagay ang ating sarili sa sentro ng ating mga kwento.

Laging kinagigiliwan ng Panginoon ang mga mapagkumbaba, gaya ng ipinahihiwatig ng Mabuting Balita. Ang mga mapagkumbaba ay yaong hindi nagyayabang tungkol sa sarili at hindi nagpapadala sa tagumpay, sapagkat batid nila na ang lahat ng taglay nila ay kaloob ng Diyos—isang biyayang hindi dapat ipagmalaki. Ang tunay na kababaang-loob ay hindi pagtanggi sa ating mga kakayahan, kundi ang pagkilala na lahat ng ito ay galing sa Diyos at dapat gamitin para sa kabutihan ng iba.

Hinahangad ba natin na mapansin ng tao, o hinahangad nating parangalan ang Diyos sa tahimik na paraan? Nawa’y piliin natin ang daan ng kababaang-loob—ang paglakad nang kasama ang Panginoon, kuntento at masaya, habang hinahayaan nating Siya, hindi tayo, ang magningning sa harap ng iba. – Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 25 Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time: Luke 13:1-9


Gospel: Luke 13:1-9
Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means!  

But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them–do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!” 

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener, ‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. 

So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

+ + + + + + +
Reflection:
What does sin do to us? It makes our lives miserable and burdensome. Yet sin does not immediately show its true colors. It disguises itself as something pleasurable—something that seems to make life more exciting and fulfilling. But once we are already deep into it, it reveals its ugly face and traps us in its misery.

Through today’s Gospel, Jesus lovingly calls us to change our ways and turn away from our sinfulness. He has been so patient with us, even though we have offended Him countless times. Day after day, He gently whispers to our hearts, inviting us to walk away from the darkness of sin while there is still time. Let us not turn a deaf ear to His call for repentance.

When will we listen to Him? Should we wait until we are weak, helpless, or lying on our deathbeds? By then, it might already be too late. Let us listen to His voice now—while we are still strong, healthy, and able. Jesus loves us so deeply that He longs to free us from the chains of sin that enslave us. But this freedom will only happen if we humbly open our hearts and respond to His invitation to repentance.

If we ignore His call, we allow ourselves to remain enslaved by the devil—and we know that the devil offers nothing but misery and despair. Do we really want to live such a life? Of course not. None of us desires a life filled with emptiness and guilt.

Let us, therefore, listen to Jesus’ loving call. Let us repent, turn away from our sins, and walk once more in the light of His mercy and love. His arms are always open, waiting to embrace us and restore our joy.

Will we continue to run away from His mercy—or will we finally say “yes” to His call and allow His love to transform our lives today? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 25 Sabado sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 13:1-9


Mabuting Balita: Lucas 13:1-9
Dumating noon ang ilang mga tao at ibinalita kay Hesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayun ang sinapit nila? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. 

At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.” 

Sinasabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. 

Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’” 

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano nga ba ang ginagawa ng kasalanan sa atin? Ginagawa nitong magulo, mabigat, at malungkot ang ating buhay. Ngunit ang kasalanan ay hindi agad ipinapakita ang tunay nitong anyo.

Tinatakpan muna nito ang sarili sa pamamagitan ng mga panandaliang aliw at kaligayahan na tila nagbibigay ng saya sa ating buhay. Ngunit kapag tayo ay lubos nang nalulubog dito, saka lamang nito ipinakikita ang tunay nitong mukha—ang mukha ng pagdurusa at pagkawasak.

Sa ating pong Mabuting Balita ngayon, marahang tinatawag tayo ni Jesus na baguhin ang ating mga landas at talikuran ang ating mga kasalanan. Napakahaba ng Kanyang pasensya sa atin, kahit paulit-ulit natin Siyang nasasaktan. Araw-araw, dahan-dahan Niyang kinakatok ang ating mga puso at inaanyayahan tayong umiwas sa kadiliman ng kasalanan habang may panahon pa. Huwag sana nating ipagsawalang-bahala ang Kanyang paanyaya ng pagbabalik-loob.

Kailan tayo makikinig sa Kanya? Hihintayin pa ba natin ang panahong tayo’y mahina na, walang magawa, o nakahiga na sa ating mga banig ng karamdaman? Baka huli na ang lahat kapag dumating ang oras na iyon.

Pakinggan na natin Siya ngayon—habang malakas pa tayo, habang may pagkakataon pang magbago, habang tumitibok pa ang ating mga puso. Mahal na mahal tayo ni Jesus, at ninanais Niyang palayain tayo mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Ngunit mangyayari lamang ito kung buong puso nating tatanggapin ang Kanyang tawag tungo sa pagsisisi at pagbabago.

Kapag binalewala natin ang Kanyang pag tawag, hinahayaan nating patuloy tayong alipinin ng dimonyo—at alam nating ang dimonyo ay nagdadala lamang ng pagkawasak, dalamhati at kapahamakan. Nais ba talaga nating mabuhay sa kalungkutang walang hanggan? Tiyak na hindi. Wala sa atin ang nagnanais ng buhay na puno ng bigat ng konsensya at pagdurusa.

Kaya’t tayo na. Pakinggan natin ang tinig ni Jesus na nag-aanyaya sa atin. Magsisi tayo, talikuran ang kasalanan, at muling lumakad sa liwanag ng Kanyang pag-ibig at awa. Bukas ang Kanyang mga bisig, handang yakapin tayo at ibalik ang kagalakan sa ating mga puso.

Tayo ba’y magpapatuloy pa ring tumakas sa Kanyang awa, o sasagot na tayo ngayon sa Kanyang tawag at hahayaan Siyang baguhin ang ating mga puso? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 24 Friday of the 29th Week in Ordinary Time: Luke 12:54-59


Gospel: Luke 12:54-59
Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? 

Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.

+ + + + + + +
Reflection:
There was once a philandering and irresponsible husband who was always being advised by his mother to change his ways and focus his sole attention on his family. But the lure of temptation was too strong to let go of, so he ignored her counsel.

After some time, the limits of his wife’s patience finally reached their boiling point. She and their children left him, and when he was left alone, he finally realized how irresponsible he had been.

Isn’t this a reflection of many of us? We keep on sinning even when we know we shouldn’t. We become numb to well-meaning advice, especially when it tries to pull us away from what seems pleasurable.

Sin, by its earthly nature, is attractive—and the devil knows that. He keeps pushing sin upon us, disguised as comfort, pleasure, or success, until it slowly destroys our peace, our relationships, and even our very souls.

However, Jesus has a message for all of us in the Gospel: we must completely walk away from our sinfulness before it destroys us. The moment we allow sin to take hold of our hearts, it will not only harm us but also those we love dearly. It may take time before the consequences unfold, but they surely will.

In today’s Gospel, Jesus denounced the crowd for their hypocrisy. They could predict the clouds and the weather, yet they refused to recognize the signs of repentance He was calling them to. Aren’t we sometimes like them? We pay attention to the things of this world, but we close our hearts when Jesus gently calls us to change.

Let us listen to Jesus, who always calls us to repentance. This is the right course of action for us to take. His teachings may seem difficult at first because they demand painful purification and a change of lifestyle. But this purification, though painful, leads to lasting peace and true contentment that only Jesus can give.

Let us not wait for the consequences of our sin to wake us up. Instead, let us listen now—today—to His call to repentance and renewal. For Jesus is not here to condemn us, but to transform us with His mercy and love.

Will we continue to ignore His call, or will we finally open our hearts and allow Jesus to lead us back to the peace and joy we long for? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 24 Biyernes sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 12:54-59


Mabuting Balita: Lucas 12:54-59
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao, "Kapag nakita ninyong Makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw!

Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa't sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon? 

"Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang lalaking babaero at iresponsableng asawa na palaging pinapayuhan ng kanyang ina na magbago at ituon ang kanyang buong pansin sa kanyang pamilya. Ngunit napakalakas ng tukso, kaya’t hindi niya pinakinggan ang payo ng kanyang ina.

Paglipas ng panahon, ang pagtitimpi ng kanyang asawa ay umabot na sa sukdulan. Iniwan siya ng kanyang asawa at mga anak. Nang siya’y nag-iisa na, doon lamang niya lubos na naunawaan kung gaano siya naging iresponsable.

Hindi ba’t ganito rin tayo kung minsan? Patuloy tayong nagkakasala kahit alam nating mali ito. Manhid na tayo sa mga paalalang makadiyos at makabuluhan dahil mas pinipili nating sundin ang mga bagay na nagbibigay pansamantalang saya o ginhawa.

Tunay na kaakit-akit ang kasalanan—at alam ito ng demonyo. Itinatago niya ito sa anyo ng kasiyahan, tagumpay, o kaginhawahan hanggang sa unti-unti nitong sirain ang ating kapayapaan, mga relasyon, at maging ang ating kaluluwa.

Ngunit may mensahe si Jesus para sa ating lahat sa Mabuting Balita: Talikuran natin nang lubos ang ating kasamaan bago pa tayo tuluyang masira nito. Sapagkat kapag hinayaan nating mamayani ang kasalanan sa ating puso, hindi lamang tayo ang masasaktan kundi pati ang mga taong pinakamamahal natin. Maaaring hindi agad natin makita ang bunga nito, ngunit darating at darating ang oras ng kabayaran.

Sa Mabuting Balita ngayon, kinastigo ni Jesus ang mga tao dahil sa kanilang pagkukunwari. Marunong silang magbasa ng panahon at ulap, ngunit sinadyang bingi sa Kanyang panawagan ng pagbabalik-loob. Hindi ba’t madalas ganito rin tayo? Marunong tayong makinig sa tinig ng mundong ito, ngunit isinasara natin ang ating mga tainga kapag si Jesus na ang tumatawag sa atin.

Pakinggan natin si Jesus na patuloy na nananawagan sa atin na magsisi at magbago. Ito ang tamang hakbang para sa ating ikabubuti. Maaaring mahirap sa simula ang Kanyang mga aral dahil nangangailangan ito ng masakit na paglilinis at pagbabago ng pamumuhay. Ngunit ang paglilinis na ito, kahit puno ng pagsubok, ay nagbubunga ng kapayapaan at kaligayahang walang katulad—ang kapayapaang nagmumula lamang kay Jesus.

Huwag na nating hintayin pang maranasan ang mapait na bunga ng kasalanan bago tayo magbalik-loob. Ngayon pa lamang, buksan na natin ang ating mga puso at pakinggan ang paanyaya ni Jesus na magbago at magbagong-buhay. Hindi Siya lumapit upang tayo’y hatulan, kundi upang tayo’y yakapin at baguhin sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang awa at pag-ibig.

Patuloy ba tayong mag bibibingi-bingihan sa gitna ng Kanyang pagtawag, o bubuksan na natin ang ating puso upang sundin Siya? Nang sa gayon ay maranasan natin ang tunay na kapanatagan na matagal na nating hinahanap. — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 23 Thursday of the 29th Week in Ordinary Time: Luke 12:49-53


Gospel: Luke 12:49-53
Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth?

No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

+ + + + +  + +
Reflection:
What does it mean to be on fire for Jesus?

It simply means that we have allowed the Holy Spirit to work in our lives by sharing and living out the teachings of Jesus. During Pentecost, the Blessed Mother, some women, and the apostles were in the upper room (Acts 1:12–14).

While they were there, the Holy Spirit, appearing as tongues of fire, descended upon each of them (Acts 2:1–3). From that moment on, they opened their hearts and allowed themselves to be set ablaze by the love and teachings of Jesus.

During our Baptism, we too received the same fire of the Holy Spirit. That same Spirit was strengthened in us even more during our Confirmation. The question now is not whether the Holy Spirit is with us—because He is—but whether we are allowing that fire to burn brightly in our lives.

Have we truly been on fire for Jesus, or have we let that fire grow dim? Oftentimes, we remain timid Catholics, content to keep our faith quietly hidden within us. We may attend Holy Mass, pray in silence, and believe in Jesus—but do we share Him with others? Do our lives reflect His presence and power at work within us?

Why don’t we allow the Holy Spirit to rekindle this fire in our hearts? We can start in small, simple ways—perhaps by gathering our families or friends for a weekly or monthly reading and reflection of God’s Word. We can make time to pray together, to listen, to reflect, and to encourage one another in faith.

These small acts may not be easy. We might face misunderstandings, resistance, or even judgment from others. But as long as we do everything with love and humility, we have nothing to fear. The division that might come from standing firm in our faith will, in time, turn into unity—because the light of Jesus always brings healing, peace, and reconciliation.

The same Holy Spirit who filled the apostles with courage is alive and active in us today. He wants to set our hearts ablaze so that we can become true witnesses of Jesus in our homes, workplaces, communities, and the world.

Are we willing to let the Holy Spirit set us on fire so that others may also catch the flame of God’s love through us? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 23 Huwebes sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 12:49-53


Mabuting Balita: Lucas 12:49-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa -- at sana'y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga't hindi natutupad ito! Akala ba ninyo'y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa?

Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkabaha-bahagi. Mula ngayon, ang lima katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayon din ang biyenang babae, at manugang na babae."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano nga ba ang ibig sabihin ng nag-aalab para kay Hesus?

Ibig sabihin nito ay hinahayaan nating kumilos ang Espiritu Santo sa ating buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi at pamumuhay ayon sa mga aral ni Hesus. Noong araw ng Pentekostes, nasa isang silid sa itaas ang Mahal na Ina, ilang kababaihan, at mga apostol (Gawa 1:12–14).

Habang sila’y nagtitipon, bumaba ang Espiritu Santo sa anyo ng mga dilang apoy at dumapo sa bawat isa sa kanila (Gawa 2:1–3). Mula noon, pinayagan nilang sindihan ng apoy ng pagmamahal at mga aral ni Hesus ang kanilang mga puso.

Sa ating Binyag, tinanggap din natin ang parehong apoy ng Espiritu Santo. At lalo pang pinagtibay ng Espiritu Santo ang ating pananampalataya noong ating Kumpil. Hindi tanong kung kasama natin ang Espiritu Santo—sapagkat Siya ay nasa atin na—ang tanong ay kung hinahayaan ba nating magningas ang apoy na iyon sa ating buhay.

Tayo ba ay tunay na nag-aalab para kay Hesus? Madalas, tayo ay nananatiling tahimik at mahiyain sa ating pananampalataya. Pumupunta tayo sa simbahan para sa Banal  na Misa, nagdarasal sa ating mga silid, at naniniwala kay Hesus— pero ipinapahayag o isinasabuhay ba natin Siya? Nakikita ba ng mundo ang liwanag ni Kristo sa ating pamumuhay?

Bakit hindi natin hayaang muling sindihan ng Espiritu Santo ang apoy sa ating mga puso? Maaari tayong magsimula sa mga simpleng hakbang—tulad ng pagtatakda ng lingguhan o buwanang pagbasa at pagninilay ng Salita ng Diyos kasama ang ating pamilya o mga kaibigan. Maaari tayong magdasal nang magkakasama, magnilay, at magbahagi ng ating repleksyon sa salita ng Diyos.

Pag ginawa natin ito maaaring may mga pagsubok tayong kaharapin—mga hindi pagkakaunawaan, pagtutol, o maging panlilibak. Ngunit hangga’t ginagawa natin ito nang may kababaang-loob at pag-ibig, wala tayong dapat katakutan. Ang anumang pagkakahating maaaring idulot ng ating pananampalataya ay sa kalaunan ay magiging pagkakaisa—sapagkat ang liwanag ni Hesus ay laging nagdudulot ng kagalingan, kapayapaan, at pagkakasundo.

Ang parehong Espiritu Santo na nagbigay ng tapang sa mga apostol ay buhay at kumikilos sa atin ngayon. Nais Niyang sindihan muli ang ating mga puso upang maging tunay tayong mga saksi ni Hesus sa ating mga tahanan, paaralan, trabaho, komunidad, at kung saan man tayo.

Handa ba tayong pahintulutan ang Espiritu Santo na pag alabin ang apoy sa ating mga puso upang sa pamamagitan natin ay madama rin ng iba ang nag aapoy na pag-ibig ng Diyos? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 22 Wednesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time: Luke 12:39-48


Gospel: Luke 12:39-48
Jesus said to his disciples: “Be sure of this: if the master of the house had known the hour when the thief was coming, he would not have let his house be broken into. You also must be prepared, for at an hour you do not expect, the Son of Man will come.” 

Then Peter said, “Lord, is this parable meant for us or for everyone?” And the Lord replied, “Who, then, is the faithful and prudent steward whom the master will put in charge of his servants to distribute the food allowance at the proper time? Blessed is that servant whom his master on arrival finds doing so. 

Truly, I say to you, he will put him in charge of all his property. But if that servant says to himself, ‘My master is delayed in coming,’ and begins to beat the menservants and the maidservants, to eat and drink and get drunk, then that servant’s master will come on an unexpected day and at an unknown hour and will punish the servant severely and assign him a place with the unfaithful. 

That servant who knew his master’s will but did not make preparations nor act in accord with his will shall be beaten severely; and the servant who was ignorant of his master’s will but acted in a way deserving of a severe beating shall be beaten only lightly. Much will be required of the person entrusted with much, and still more will be demanded of the person entrusted with more.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are we truly prepared for the coming of the Lord?

In our Gospel, Jesus reminds us to be prepared, for we do not know the day or the hour of His return. But His message goes beyond readiness—He also entrusts us with a sacred duty: to share whatever we know about Him. It’s not enough that we simply know Jesus in our minds; He invites us to move, to act, and to take the next step—to share His love and truth with others.

The faith that God has graciously given us is not meant to be kept hidden. It is a living faith, one that grows deeper when we share it and live it out daily. When we proclaim Christ through our words and actions, we help others encounter Him too. Our mission begins at home—with our families, especially our children. When we nurture their faith early on, we help build a firm foundation that will guide them even when we are no longer by their side.

Yet many of us struggle to share Jesus with our loved ones. It’s not because we know nothing about Him. In fact, many of us have an abundance of knowledge about Jesus. The real challenge lies in living what we know. When our actions fail to reflect His teachings, our witness becomes weak. And when our faith remains unpracticed, we lose the power to inspire others to believe.

Let us then aspire to know Christ more deeply—not only through study or prayer but through daily obedience and love. As we learn from Him, let us live what we’ve learned. In doing so, we prepare our hearts each day for His coming, whenever it may be.

Are we living in such a way that others see Jesus in us? Let us renew our commitment today—to know Him more, to live His Word faithfully, and to share His love so that when He finally comes, He will find us ready, faithful, and true in our love for others. – Marino J. Dasmarinas