Short, Simple and Personal reflections on the daily Holy Mass Gospel. I provide talks.
Sunday, October 05, 2025
Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 6 Lunes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 10:25-37
Friday, October 03, 2025
Reflection for October 5 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time: Luke 17:5-10
“Who among
you would say to your servant who has just come in from plowing or tending
sheep in the field, ‘Come here immediately and take your place at table’? Would
he not rather say to him, ‘Prepare something for me to eat. Put on your apron
and wait on me while I eat and drink. You may eat and drink when I am
finished’?
Diminishing faith is an ever-present danger in our relationship with Jesus, especially today, when our faith in God is severely tested by the enormous trials we face. Does faith in God still matter today, in a time when smartphones, artificial intelligence, and social media dominate our lives? Of course! Despite the modernity of our times, our faith in Jesus matters now more than ever.
Our life today is full of challenges and problems. There is always the danger that these may overwhelm us, and at times, we may even be tempted to doubt God’s presence. But the truth remains: there is a God, and we believe in Him who never abandons us.
Jesus’ answer to His apostles’ desire for an increase of faith is both deep and profound. He said, “If you have faith the size of a mustard seed, you would say to this mulberry tree, ‘Be uprooted and planted in the sea,’ and it would obey you.”
A mustard seed may be small, but when nurtured, it grows into something strong and life-giving. In the same way, the Lord calls us to nurture the faith already present in our hearts. What matters is not how small our faith may seem, but how we allow it to grow through prayer, perseverance, and trust in God.
So, how do we nurture this tiny faith? We nurture it by being present at Holy Mass. We nurture it by faithfully living out the teachings of Jesus. And we nurture it through our daily acts of faith, no matter how small they may appear.
Our faith, though tested, can grow stronger if we keep turning to Jesus with trust and surrender. He alone has the power to transform our doubts into hope and our weakness into strength.
How are we nurturing our faith today? Will we allow the challenges of life to weaken us, or will we rise in trust, believing that even the smallest seed of faith can move mountains? – Marino J. Dasmarinas
Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 5, Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:5-10
"Ipalagay nating kayo'y mga aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain.
Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.
Ang paghina ng
pananampalataya kay Jesus ay pinag dadaanan ng bawat isa sa atin—lalo na sa
panahon ngayon, na ang ating pananampalataya sa Diyos ay mahigpit na sinusubok
ng mga matitinding hamon sa buhay na ating kinakaharap. Mahalaga pa ba ang
pananampalataya sa Diyos ngayon, sa panahong tila namamayani ang smartphones,
artificial intelligence, at social media? Oo naman! Sa kabila ng modernong
pamumuhay, ngayon higit na kailanman ay mas mahalaga ang ating pananampalataya
kay Jesus.
Aminin man natin o hindi, ang ating buhay ngayon ay puno ng mga hamon at suliranin. Lagi tayong nanganganib na tayo’y lamunin ng mga ito at baka madala tayong maniwala na wala ngang Diyos. Ngunit may Diyos—at naniniwala tayo sa Diyos na kailanma’y hindi nagpapabaya sa atin.
Ang ating pananampalataya, bagaman sinusubok, ay maaaring lumakas kung tayo ay patuloy na magtitiwala at magpapasakop kay Jesus. Dahil siya lamang ang may kapangyarihang patibayin at palakasin ito sa gitna ng ating pagdududa at mga kahinaan.
Paano natin pinagyayaman ang ating pananampalataya ngayon? Hahayaan ba nating ilugmok tayo ng mga pagsubok, o tayo ba’y tatayo na may buong tiwala at pananampalataya sa Diyos—naniniwala na kahit ang pinakamaliit na binhi ng pananampalataya sa ating mga puso ay kusang lalago basta hindi tayo bibitiw sa kanya? – Marino J. Dasmarinas
Reflection for Saturday October 4 Memorial of Saint Francis of Assisi: Luke 10:17-24
What could truly attract people to embrace
a religion? It is certainly not arrogance, but childlike humility. Arrogance
repels and hardens hearts, while humility softens hearts and opens doors.
Humility is like a magnet that draws people in, winning their sympathy and
trust.
Let us ask ourselves: would we prefer to belong to a religion that arrogantly flaunts its influence? Of course not! Would we rather be close to an arrogant person or a humble one? Naturally, we are drawn to the humble.
In the same way, we can bring more people to our faith and become true fishers of men if we live in humility and become breathing examples of Jesus’ humility. When we walk in His humility, our lives silently preach louder than any words we could say.
Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Oktubre 4 Paggunita kay San Francisco de Asis: Lucas 10:17-24
Gayunman, magalak kayo hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo." Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ito na ang kalooba'y tulad ng sa bata.
Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. "Ibinigay sa akin ng Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak."
Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba. "Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngayon ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan."
Gayon din, mas marami tayong madadala sa ating pananampalataya at tunay tayong magiging mangingisda ng tao kung tayo’y mamumuhay sa pagpapakumbaba at magiging buhay na halimbawa ng pagpapakumbaba ni Jesus. Kapag isinabuhay natin ang Kanyang kababaang-loob, ang ating mga gawa ay nagsasalita nang higit na malakas kaysa sa ating mga salita.
Hindi kailangan ng Panginoon ang ating kayabangan upang madala ang iba—ang kailangan Niya ay ang ating kabutihan at pagpapakumbaba. Handa ba tayong maging buhay na saksi ng mapagpakumbabang pag-ibig ni Jesus upang ang iba ay makatagpo Siya sa pamamagitan natin?– Marino J. Dasmarinas
Thursday, October 02, 2025
Reflection for October 3 Friday of the 26th Week in Ordinary Time: Luke 10:13-16
It is sometimes puzzling why we refuse to heed this call of Jesus when we have nothing to lose but everything to gain. For example, if we are living in sin right now and we decide to respond to Jesus’ call for renewal, a great burden would immediately be lifted from our shoulders. Yet so many of us still refuse to walk away from sin. Why?
What does sin offer us that we cannot walk away from it? Does sin offer us heaven? Does sin offer us a quiet and contented life? Why do we cling to sin as if our lives hinge upon it, when in truth it offers us nothing good? Should we wait until something unfortunate happens before we finally listen?
Let us all embrace a fresh start in our lives by refusing to commit any form of sin—even for just a few weeks or a month. Then let us compare our lives previously lived in sin with a life lived free from sin and guided by the light of Jesus. Surely, we would love this new life with Jesus far more than the old life burdened by sin.
The Lord is inviting us today: will we continue to hold on to the empty promises of sin, or will we finally surrender our hearts and walk with Jesus into the fullness of life that He longs to give us? — Marino J. Dasmarinas
Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Oktubre 3 Biyernes sa Ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 10:13-16
Nakakapagtaka kung bakit tayo kung minsan ay tumatangging pakinggan ang panawagan ni Jesus, gayong wala namang mawawala sa atin at kung tutuusin ay mas marami pang biyaya tayong makakamtam. Halimbawa, kung tayo ay nabubuhay sa kasalanan ngayon at piliin nating tumugon sa panawagan ni Jesus para sa pagbabago, agad-agad ay mawawala ang bigat na pasan-pasan natin. Ngunit bakit marami pa rin sa atin ang ayaw talikuran ang kasalanan? Bakit nga ba?
Ano ba ang naibibigay ng kasalanan na hindi natin maiwan? Naibibigay ba nito ang langit? Naibibigay ba nito ang tahimik at kontentong buhay? Bakit tayo kumakapit sa kasalanan na para bang dito nakasalalay ang ating buhay, gayong wala naman itong mabuting naibibigay? Hihintayin pa ba natin na dumating ang isang masamang pangyayari bago tayo makinig?
Magsimula po kaya tayong tanggihan ang anumang uri ng kasalanan—kahit man lang sa loob ng ilang linggo o isang buwan. Pagkatapos, ihambing natin ang ating dating buhay sa kasalanan at ang buhay na malaya rito at ginagabayan ng liwanag ni Jesus. Tiyak na mas iibigin natin ang bagong buhay kasama si Jesus kaysa sa lumang buhay na pasan ang bigat ng kasalanan.
Inaanyayahan tayo ng Panginoon
ngayon: mananatili ba tayong kumakapit sa mga hungkag na pangako ng kasalanan,
o buong puso nating isusuko ang ating sarili upang maglakbay kasama si Jesus
tungo sa buhay na magaan, maayos at walang iniisip na anumang kasamaan? —
Marino J. Dasmarinas
Wednesday, October 01, 2025
Reflection for Thursday October 2 Memorial of the Holy Guardian Angels: Matthew 18:1-5, 10
Whoever humbles himself like this child is the greatest in the Kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me.
Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Huwebes Oktubre 2 Paggunita sa Mga Banal na Angel na Taga-tanod: Mateo 18:1-5, 10
Kaya, upang ituwid ang kanilang isipan at ituro sa kanila na ang mga makasarili ay hindi magiging dakila sa kaharian ng langit, sinabi ni Jesus: “Ito ang sinasabi ko sa inyo, malibang kayo’y magbalik-loob at maging tulad ng mga bata, kailanma’y hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nagpapakumbaba na gaya ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3–4).
Ang kaharian ng langit ay nakalaan lamang para sa mga mapagpakumbaba. Hindi natin ito maaabot sa sarili nating kakayahan, at hindi rin tayo makapapasok kung wala ang awa ng Diyos. Ang mga bata ang nagpapaalala sa atin ng katotohanang ito: sila ay huwaran ng kababaang-loob at perpektong halimbawa ng lubos na pagdepende sa kanilang mga magulang. Maaari ba silang mabuhay nang mag-isa? Hindi, sapagkat kailangan nila ang gabay, presensya, at kalinga ng kanilang mga magulang.
Gayon din tayo—hindi natin kayang umasa sa ating sarili lamang. Tayo ay dapat umasa sa Diyos, tulad ng mga batang umaasa sa kanilang mga magulang. Marahil ito ang isa sa pinakamahalagang punto na nais iparating ni Jesus nang tawagin Niya ang isang bata sa kanilang piling (Mateo 18:2).
At ito rin ay totoo para sa atin ngayon. Hindi tayo maaaring umasa sa ating kayamanan—kung mayroon man tayo—kahit gaano pa ito karami. Hindi rin tayo dapat magtiwala sa ating kapangyarihan, gaano man tayo kamakapangyarihan. Sapagkat ang kayamanan at kapangyarihan ay mga bagay sa mundong ito na maaaring maglaho anumang oras.
Kung gayon, kanino tayo dapat umasa? Sa Diyos lamang. Dahil sa Kanya lang natin matatagpuan ang tunay na kayamanan at tunay na kapangyarihan na kailanman ay hindi natin makikita sa mundong ito.
Nabubuhay ba tayo araw-araw
na may kababaang-loob na gaya ng isang bata, tayo po ba ay lubos na umaasa sa
Diyos? O patuloy pa rin nating ginagawang sandigan ang ating mga sariling
kakayahan, kayamanan at kapangyarihan? —Marino J. Dasmarinas
Tuesday, September 30, 2025
Reflection for Wednesday October 1 Memorial of Saint Thérèse of the Child Jesus, Virgin and Doctor of the Church: Luke 9:57-62
And to another he said, “Follow me.” But he replied, “Lord, let me go first and bury my father.” But he answered him, “Let the dead bury their dead. But you, go and proclaim the Kingdom of God.”
We follow the Lord by being faithful to our marriage vows. We know for a fact that the priest who unites husband and wife does so in the person of Jesus Christ. Therefore, the two become one through the Sacrament of Matrimony by the grace of Jesus.
However, no marriage is truly “made in heaven”; every marriage passes through the fire of trials and tribulations. Yet if we are serious about following the Lord through our sacred vows, we must always find it in our hearts to forgive whatever offenses may be committed against us.
This means that there should always be a sacred space for forgiveness within the innermost hearts of married couples. No marriage is perfect, for we are all flawed individuals. But by the grace of Jesus, we are united in the Sacrament of Matrimony, and it is in Him that our weaknesses are made strong.
Therefore, forgiveness should be one of the essential requirements for us as husband and wife if we truly desire to follow the Lord. If the Lord is present in our marriage and if we are sincere in our desire to walk with Him, then love, forgiveness, and humility will flourish in our hearts—until we breathe our last.
In our own marriage, are we willing to make forgiveness, love, and humility the daily expression of our faith, so that Christ may always be alive in our homes? — Marino J. Dasmarinas
Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 1 Miyerkules Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus, dalaga at pantas ng Simbahan: Lucas 9:57-62
Sinusundan natin ang Panginoon sa pamamagitan ng ating katapatan sa ating mga panata sa kasal. Alam natin na ang pari na nagbubuklod sa mag-asawa ay gumaganap sa persona o pagkatao ni Jesu-Cristo. Kaya ang dalawa ay nagiging isa sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal sa biyaya ni Jesus.
Ibig sabihin nito, palagi dapat may
nakalaan na puwang para sa pagpapatawad sa kaibuturan ng ating mga puso bilang
mag-asawa. Walang kasal ang perpekto sapagkat tayo ay mga taong may mga kahinaan.
Subalit sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus, tayo ay pinag-isa sa Sakramento ng Kasal,
at dahil sa Kanyang biyaya tayo ay matatag na nagpapatuloy gaano man kabigat
ang mga pagsubok.
Monday, September 29, 2025
Reflection for Tuesday September 30 Memorial of Saint Jerome, Priest and Doctor of the Church: Luke 9:51-56
Jesus was refused entry into the Samaritan village, but instead of sulking or harboring resentment toward the Samaritan people, He simply walked away without holding any ill will against them.
Perhaps Jesus was silently saying: “You refused me entry into your village, so I will move on without any ill feelings against you, people of Samaria.” In that negative reception, Jesus had a positive reaction: “Let’s move on and go forth with our mission.”
Every now and then, there will also be people who try to offend us or bait us into stooping to their level of arrogance. So what are we going to do? We must not take the bait. Instead, we should keep calm and not allow ourselves to be offended.
We simply have to take the higher road and squeeze out whatever positive lessons we can draw from a negative situation. We have to remember that nobody is in charge of how we react to any situation except us.
Therefore, we should never forget to look for the positive in every negative circumstance that comes our way. When we allow the Holy Spirit to guide our hearts, even rejection can become a moment of redirection toward God’s greater plan.
How do you respond when others reject or offend you—do you let anger take over, or do you, like Jesus, choose to walk away with peace in your heart? – Marino J. Dasmarinas
Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 30 Paggunita kay San Geronimo pari at pantas ng Simbahan : Lucas 9:51-56
Tinanggihan si Jesus na pumasok sa nayon ng mga Samaritano, ngunit sa halip na magtampo o magkimkim ng galit laban sa kanila, Siya ay tahimik na lumisan nang walang dalang anumang hinanakit.
Marahil ay para bang sinasabi Niya: “Tinanggihan ninyo Akong pumasok sa inyong nayon, kaya’t ako’y aalis na lamang nang walang anumang galit sa inyo, mga taga-Samaria.” Sa kabila ng negatibong pagtanggap, nagpakita si Jesus ng positibong tugon: “Magpatuloy tayo at ipagpatuloy ang ating misyon.”
Paminsan-minsan, may mga taong susubok na saktan tayo o akitin tayong bumaba sa kanilang antas ng kayabangan. Ano kaya ang dapat nating gawin? Huwag tayong magpalinlang. Sa halip, manatili tayong kalmado at huwag hayaang masira ang ating kalooban.
Kailangan nating tahakin ang mas mataas at tuwid na daan at kunin ang mabuting aral kahit sa gitna ng negatibong karanasan. Dapat nating tandaan na tayo lamang ang may hawak kung paano tayo tutugon sa anumang sitwasyong dumarating sa ating buhay.
Kaya naman, huwag nating kalilimutan na laging may positibong biyayang nakatago kahit sa bawat negatibong pangyayari. Kapag hinayaan nating pamunuan tayo ng Espiritu Santo, maging ang pagtanggi o hindi maayos na pag turing sa atin ay nagiging daan patungo sa mas dakilang plano ng Diyos.
Kapag ikaw
ba ay ipinapahiya o sinasaktan ng iba, pinipili mo bang magkimkim ng galit, o
pinipili mo, gaya ni Jesus, ang lumakad nang may kapayapaan at pagmamahal sa
iyong puso? – Marino J. Dasmarinas
Saturday, September 27, 2025
Reflection for Monday September 29 Feast of Saints Michael, Gabriel, and Raphael, Archangels: John 1:47-51
What was Nathanael doing under the fig tree? Was he contemplating God? Was he praying and asking for His guidance? Nathanael was reflecting on God while he sat under the fig tree; he was silently asking the Lord to reveal Himself. Then, not long after, the call of Jesus came.
When we think of God often, our hearts and minds slowly but surely begin to form a clearer picture of who He is. We start to understand His identity and the role He plays in our lives. To many of us, God may seem distant. But is it really God who is far away, or is it us who distance ourselves from Him?
The truth is, Jesus is never distant from us; He is always present, always waiting, always loving. It is we who often fail to give Him our time, our attention, and our hearts—except when we are in great need.
What if today you
choose to seek God not only in moments of struggle but also in moments of
peace? Will you make space in your daily life to contemplate His presence and
allow Him to reveal Himself more deeply to you? – Marino J. Dasmarinas



