Tuesday, September 16, 2025

Reflection for September 17 Wednesday of the 24th Week in Ordinary Time: Luke 7:31-35


Gospel: Luke 7:31-35
(Jesus said to the crowds) “To what shall I compare the people of this generation? What are they like?  They are like children who sit in the marketplace and call to one another, ‘We played the flute for you, but you did not dance. We sang a dirge, but you did not weep. 

For John the Baptist came neither eating food nor drinking wine, and you said, ‘He is possessed by a demon. The Son of Man came eating and drinking and you said, ‘Look, he is a glutton and a drunkard, a friend of tax collectors and sinners. But wisdom is vindicated by all her children.”
+ + + + +  + +
Reflection:
Why did the Pharisees and scribes refuse to hear the message of conversion and hope from John and Jesus? There are many reasons why they refused to listen to their call for change. But primarily, Jesus and John were nobodies to them; the Pharisees and scribes were the ruling class and leaders of their time. So why should they listen to the message of these two “nobodies”? 

By their contemptuous treatment of John and Jesus, they deprived themselves of a truly meaningful life—a life not rooted in earthly power but grounded in a higher power that transcends this world. 

Why do many of us also refuse to hear the message of conversion from John and Jesus today? Because, like the Pharisees and scribes, we often love the pleasures and attachments of this world more than the wisdom-filled words of Jesus and John. This is why so many of us harden our hearts and close our ears to their call for repentance. 

But what good would it do us if we gain everything the world can offer yet live without Jesus? Could we carry our wealth and possessions into eternity? Could our love for earthly treasures ever secure our passage to heaven? 

What if we choose instead to hear and ponder the conversion message of John and Jesus? We would certainly inherit the riches of heaven, even if we remain materially poor in this fleeting world. 

It is absolutely better to be materially poor yet rich with Jesus in our hearts than to be wealthy without Him. For with Christ, poverty becomes fullness, and with Christ, weakness becomes strength. 

The Pharisees and scribes turned away from the invitation of John and Jesus because of pride, power, and worldly attachments. How about us? When the Lord calls us to repentance and deeper faith, will we respond with humility and love—or will we allow the noise of this world to drown out His voice? 

Today, the challenge is as clear as the water in a stream: Will you choose to cling to the passing riches of this world, or will you embrace the eternal treasure of having Jesus as the Lord and foundation of your life? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Setyembre 17 Miyerkules sa Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 7:31-35


Mabuting Balita: Lucas 7:31-35
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis! 

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! 

Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit tumanggi ang mga Pariseo at eskriba na pakinggan ang mensahe ng pagbabalik-loob mula kina Juan at Jesus? Maraming dahilan kung bakit hindi nila pinakinggan ang kanilang panawagan. Ngunit higit sa lahat, para sa kanila, sina Jesus at Juan ay mga walang pangalan; samantalang ang mga Pariseo at eskriba ang naghahari at namumuno. Kaya’t bakit pa nila pakikinggan ang mensahe ng dalawang na para sa kanila ya walang halaga, “walang halaga”? 

Dahil sa kanilang paghamak kay Juan at kay Jesus, ipinagkait nila sa kanilang sarili ang isang makabuluhang buhay—isang buhay na hindi nakaugat sa kapangyarihang makalupa, kundi nakabatay sa kapangyarihang higit pa sa mundong ito. 

Bakit marami rin sa atin ang ayaw makinig sa mensahe nina Juan at Jesus na mag bagong buhay? Sapagkat tulad ng mga Pariseo at eskriba, mas minamahal natin ang mga bagay ng mundong ito kaysa sa mga salita ni Jesus at ni Juan na puspos ng karunungan. Kaya’t nananatili tayong sarado ang puso at tainga sa kanilang panawagan ng pagsisisi. 

Ngunit ano ang mapapala natin kung makamtan man natin ang lahat ng bagay sa mundong ito kung wala naman tayong Jesus? Madadala ba natin ang ating yaman at ari-arian sa kabilang buhay? Mabibili ba natin ang daan patungong langit sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa kayamanan at kapangyarihan ng mundo? 

Ngunit paano kung piliin nating pakinggan at pagnilayan ang mensahe ng pagbabalik-loob nina Juan at Jesus? Tiyak na tatanggapin natin ang kayamanang walang hanggan sa langit. 

Higit na mainam na maging dukha ngunit may Jesus sa ating puso kaysa maging mayaman ngunit wala Siya. Sapagkat sa piling ni Jesus, ang kahirapan ay nagiging magaan, at ang kahinaan ay nagiging kalakasan. 

Tumanggi ang mga Pariseo at eskriba dahil sa kanilang kayabangan, kapangyarihan, at pagkakapit sa makamundong bagay. Ngunit tayo, paano tayo tutugon kapag tinawag tayo ng Panginoon tungo sa pagbabalik-loob at mas malalim na pananampalataya? 

Malinaw po ang hamon sa atin: Pipiliin mo ba ang kumapit sa yaman at kayamanang panandalian ng mundong ito, o yayakapin mo ang walang hanggang kayamanan na palaging gustong ibigay sa atin ni Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Monday, September 15, 2025

Reflection for Tuesday September 16 Memorial of Saints Cornelius, Pope, and Cyprian, Bishop, Martyrs: Luke 7:11-17


Gospel: Luke 7:11-17
Jesus journeyed to a city called Nain, and his disciples and a large crowd accompanied him.  As he drew near to the gate of the city, a man who had died was being carried out, the only son of his mother, and she was a widow. A large crowd from the city was with her. When the Lord saw her, he was moved with pity for her and said to her, “Do not weep.”  
 
He stepped forward and touched the coffin; at this the bearers halted, and he said, “Young man, I tell you, arise!” The dead man sat up and began to speak, and Jesus gave him to his mother. Fear seized them all, and they glorified God, exclaiming, “A great prophet has arisen in our midst,” and “God has visited his people.” This report about him spread through the whole of Judea and in all the surrounding region.
+ + + + +  + +
Reflection:
Imagine the sorrow, loneliness, and deep sense of hopelessness felt by the widow whose son was about to be buried. Her husband had died, and now her only son—the last source of her comfort—was gone. Truly, loneliness and despair surrounded her like a very dark cloud. 

But then came an unexpected encounter with Jesus as He entered a town called Nain. When Jesus saw her, He approached her with compassion and said, “Do not weep” (Luke 7:13). And in that moment of divine mercy, He raised her dead son back to life. What was once grief and emptiness was suddenly transformed into joy, hope, and renewed life—because Jesus entered her life. 

Like this widow, we also go through seasons of loneliness, emptiness, and discouragement. There are times we feel as though no one cares about our struggles. Yet we must remember: Someone always cares. That Someone is none other than Jesus, who never abandons us. He is our faithful companion, our comfort, and our source of unshakable hope. 

So how do we overcome loneliness and despair? By seeking an encounter with Jesus—through the Holy Mass, through our daily prayers, and through immersing ourselves in His Word in the Holy Bible. Every encounter with Jesus breathes new life into our weary hearts and restores our joy. 

Do you allow Jesus to step into your story of sorrow, despair and hopelessness, just as He did with the widow of Nain? Will you welcome Him into your life today and let Him turn your emptiness into joy, your despair into hope, and your tears into gladness? — Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 16 Paggunita kay San Cornelio papa at San Cipriano Obispo mga martir: Lucas 7:11-17


Mabuting Balita: Lucas 7:11-17
Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.”
 
Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.
  + + + + + + +
Repleksyon:
Isipin at damdamin natin ang dalamhati, kalungkutan, at malalim na kawalan ng pag-asa ng isang balo na ililibing na ang kanyang bugtong na anak. Pumanaw na ang kanyang asawa, at ngayo’y ang kanyang tanging anak—ang natitirang pag-asa at aliw ng kanyang buhay—ay wala na rin. Tunay na nababalot siya ng matinding kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Ngunit dumating ang isang hindi inaasahang pagkikita. Nang pumasok si Jesus sa isang bayan na tinatawag na Nain, nakita Niya ang balo. Lumapit Siya at boung pagmamahal na sinabi, “Huwag kang tumangis” (Lucas 7:13).

At sa mismong sandaling iyon ng habag, ay binuhay muli ni Jesus ang kanyang anak na patay na at ililibing na sana. Ang kanyang kalungkutan at kawalan ng pag-asa ay biglang napalitan ng kagalakan, pag-asa, at bagong sigla—sapagkat pumasok si Jesus sa kanyang buhay.

Tulad ng balong ito, dumarating din sa atin ang mga panahon ng kalungkutan, kawalan, at panghihina ng loob. May mga pagkakataong na tila ang pakiramdam natin wala nang nagmamalasakit sa atin.

Ngunit mayroong nagmamalasakit, at Siya’y walang iba kundi si Jesus. Hindi Niya tayo iniiwan; Siya ang ating tapat na kasama, palagi Siyang nandiyan palaging handang makinig at siya ang pinagmumulan ng ating pag-asa.

Paano natin malalampasan ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa? Sa pamamagitan ng palagiang pakikipagtagpo kay Jesus—sa Banal na Misa, sa ating araw-araw na pananalangin, at sa paglalaan ng oras sa pagbabasa Kanyang Salita sa Banal na Biblia. Ang bawat pakikipagtagpo kay Jesus ay nagdudulot ng bagong buhay sa ating pagod na puso at isipan at nagbabalik ng ating sigla at kagalakan.

Hinahayaang mo bang pumasok si Jesus sa mga kwento ng iyong buhay? Kasama na ang kuwento ng iyong kalungkutan at kawalan ng pag-asa gaya ng nangyari sa balo ng Nain? Handa ka bang tanggapin Si Jesus ngayon at hayaang Siyang baguhin ang iyong buhay? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for Monday September 15 Memorial of Our Lady of Sorrows: John 19:25-27


Gospel: John 19:25-27
Standing by the cross of Jesus were his mother and his mother's sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene. 

When Jesus saw his mother and the disciple there whom he loved he said to his mother, "Woman, behold, your son." Then he said to the disciple, "Behold, your mother." And from that hour the disciple took her into his home.
+ + + + + + +
Reflection:
Have you ever felt sorrow in your life? 

The Blessed Mother felt it deep in her Immaculate Heart. It began when Simeon prophesied that her Son would be a sign of contradiction and that her own soul would be pierced by a sword (Luke 2:34–35). That sorrow reached its most painful moment at Calvary, where she stood at the foot of the cross, gazing upon her bruised, bloodied, and dying Son, Jesus. 

We can only imagine the depth of her anguish at that moment. Yet even in the midst of her indescribable sorrow, she did not lose hope. She drew her strength and courage from Jesus Himself. When He entrusted John to her as her new son, she accepted this with faith and obedience, going to John’s house and remaining there as the Lord willed. 

Like Mary, we too face sorrowful moments—times when our hearts feel pierced, when pain seems unbearable, when faith is tested. But just as the Blessed Mother found her strength in Jesus, so too can we. Her example reminds us that our sorrows can become opportunities for deeper faith, if only we choose to lean on the Lord. 

Do you seek strength and courage in Jesus when sorrow strikes your heart? Do you ask the Blessed Mother to intercede for you, so that your faith may grow as steadfast as hers? 

When sorrow comes knocking at your heart, will you allow it to crush your faith, or will you rise with courage by clinging to Jesus, just as the Blessed Mother did at the cross? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Lunes Setyembre 15 Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati: Juan 19:25-27

Mabuting Balita: Juan 19:25-27
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. 

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Ginang, narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad, "Narito ang iyong ina!" Mula noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nadama mo na ba ang matinding dalamhati sa iyong buhay? 

Naranasan ito ng Mahal na Ina sa kaibuturan ng Kanyang Kalinis-linisang Puso. Nagsimula ito nang ipahayag ni Simeon na ang Kanyang Anak ay magiging tanda na kokontrahin ng marami, at na ang Kanyang kaluluwa ay sasaksakin ng isang tabak (Lucas 2:34–35). Umabot ito sa sukdulan sa Kalbaryo, nang Siya’y nakatayo sa paanan ng krus, nakatingala sa Kanyang bugbog, duguan, at naghihingalong Anak na si Jesus. 

Sadyang hindi natin kayang arukin ang lalim ng Kanyang pighati sa sandaling iyon. Subalit sa kabila ng tindi ng dalamhati, hindi Siya nawalan ng pag-asa. Naghugot Siya ng lakas at tapang mula mismo kay Jesus. Nang ipagkatiwala Niya si Juan bilang Kanyang bagong anak, buong pananampalataya at pagsunod itong tinanggap ng Mahal na Ina. Siya’y nanirahan sa bahay ni Juan ayon sa kalooban ng Panginoon. 

Gaya ng Mahal na Ina, dumarating din sa ating buhay ang mga sandali ng pagdadalamhati—mga oras na tila ba tinutusok ang ating puso, mga pagsubok na tila hindi natin kayang pasanin, mga panahong sinusubok ang ating pananampalataya. 

Ngunit tulad Niya, maaari rin tayong humugot ng lakas kay Jesus. Ang halimbawa ng Mahal na Ina ang nagpapaalala sa atin na ang ating mga pagdurusa ay maaaring maging daan tungo sa mas malalim na pananampalataya—kung pipiliin lamang nating kumapit sa Panginoon. 

Humihingi kaba ng lakas at tapang kay Jesus kapag dumarating ang mga oras ng pagdadalamhati? Humihiling ka ba ng panalangin mula sa Mahal na Ina upang maging matatag ang iyong pananampalataya, tulad ng sa Kanya? 

Kapag dumating ang kalungkutan sa iyong buhay, hinahayaan mo nalang ba na ilugmok ka nito? O mas pinipili mo na bumangon at kumapit kay Jesus, tulad ng ginawa ng Mahal na Ina sa paanan ng krus? —Marino J. Dasmarinas

Saturday, September 13, 2025

Reflection for Sunday September 14 Feast of the Exaltation of the Holy Cross: John 3:13-17


Gospel: John 3:13-17
Jesus said to Nicodemus: “No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man be lifted up, so that everyone who believes in him may have eternal life.” 

For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.
+ + + + + + +
Reflection:
How do we usually love? Oftentimes, we love those who love us. For those who do not love us, we also tend to withhold our love in return. This reaction, though natural to our human frailties, shows how conditional our hearts can sometimes be. 

But unlike our limited love, the love of God is boundless. It is encompassing; it is for every one of us. Even when we fall short, even when we sin, God’s love remains constant. His love is not earned—it is freely given. We are, in fact, always within the embrace of His love, no matter who we are or what we have done. 

When we love, we often measure it; we calibrate the love we give to the love we receive. Yet the Gospel challenges us to rise above this human tendency. Why not strive to love as God loves—without measure, without conditions? Why not extend love even to those who hurt us, reject us, or fail to return our affection? 

One of the surest signs of being a true and faithful follower of Christ is our ability to love those who do not love us back and to forgive those who never ask for forgiveness. This is not easy—but it is precisely in this difficulty that we mirror the heart of God. 

On the cross, Jesus revealed the fullness of divine love. He loved us even when we did not love Him in return. He forgave us even when we did not ask for forgiveness. This is the measure of God’s love—immeasurable, unconditional, eternal. 

Will we dare to love as God loves—to forgive those who wrong us, to embrace those who reject us, and to extend grace even when it is undeserved? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Linggo Setyembre 14, Kapistahan, Ang Pagtatampok sa Krus na Banal: Juan 3:13-17


Mabuting Balita: Juan 3:13-17
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, "Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit -- ang Anak ng Tao. "At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang gayon din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.  

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Paano ba tayo umiibig? Kadalasan, iniibig natin ang mga umiibig sa atin. Ngunit kapag hindi tayo iniibig, ay ipinagkakait din natin ang ating pag-ibig sa ating kapwa. Ito’y isang likas na tugon ng ating kahinaan bilang tao. 

Subalit kakaiba ang pag-ibig ng Diyos—ito’y walang hanggan, saklaw ang lahat. Kahit tayo’y nagkukulang at nagkakasala, ang Kanyang pag-ibig ay hindi nagmamaliw. Hindi ito kailanman nakabatay sa ating gawi o kabutihan, sapagkat ito ay lagging Nyang handog at laging nandiyan para sa ating lahat. Tunay nga, lagi tayong nasa puso ng Panginoon maging sino pa man tayo. 

Ngunit bilang tao, sinusukat natin ang ating pag-ibig; sinusukat natin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ayon sa pagmamahal na ating natatanggap. Gayun paman, hinahamon tayo ng Mabuting Balita na tangalin na ang ganitong panukat. Bakit hindi natin subukang magmahal gaya ng Diyos? Bakit hindi natin kayang ibigin kahit ang mga hindi nagmamahal sa atin, maging ang mga umuusig o namumuhi sa atin? 

Isa sa malinaw na tanda ng isang tunay at tapat na alagad ng Diyos ay ang kakayahang magmahal sa mga hindi nagmamahal sa atin, at magpatawad sa mga hindi man lamang humihingi ng kapatawaran sa atin. Hindi ito madali, ngunit dito natin higit na naipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos. 

Sa krus, ipinakita ni Jesus ang Kanyang walang hanggang pag-ibig. Minahal Niya tayo kahit hindi natin Siya minahal. Pinatawad Niya tayo kahit hindi tayo humingi ng tawad. Ito ang sukatan ng pag-ibig ng Diyos—walang hanggan, walang kondisyon, at laging wagas. 

Pero ang tanong ay kaya ba nating mag  mahal ng katulad ng pag mamahal ng Diyos? Kaya ba nating  patawarin ang mga taong yumurak sa ating pagkatao kahit hindi sila humingi ng tawad sa atin? — Marino J. Dasmarinas

Friday, September 12, 2025

Reflection for Saturday September 13 Memorial of Saint John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church: Luke 6:43-49


Gospel: Luke 6:43-49
Jesus said to his disciples “A good tree does not bear rotten fruit, nor does a rotten tree bear good fruit. For every tree is known by its own fruit. For people do not pick figs from thornbushes, nor do they gather grapes from brambles. A good person out of the store of goodness in his heart produces good, but an evil person out of a store of evil produces evil; for from the fullness of the heart the mouth speaks. 

“Why do you call me, ‘Lord, Lord,’ but not do what I command? I will show you what someone is like who comes to me, listens to my words, and acts on them. That one is like a man building a house, who dug deeply and laid the foundation on rock; when the flood came, the river burst against that house but could not shake it because it had been well built. But the one who listens and does not act is like a person who built a house on the ground without a foundation. When the river burst against it, it collapsed at once and was completely destroyed.”
 + + + +  + +
Reflection:
Who is the foundation of your life? If Jesus is the foundation of your life, then you are in the hands of the most powerful foundation in this world. Nothing can defeat you, and nothing can destroy you, because your life is firmly anchored upon Jesus. 

But should we rest already and feel secure simply because our lives are anchored in Him? No. For as followers of Christ, we are not called to complacency but to mission. Our mission is to share the gentleness and love of Jesus with our fellow men and women. We must remember that we are the good tree that Jesus speaks of in the Gospel. And just as a good tree bears good fruit, so too must we share our fruit—which is none other than Jesus Himself. 

Let us not keep our love for Jesus locked within our hearts. Instead, let us radiate this love outward, so that others too may feel His tender embrace. Through our witness, they may experience the healing, the mercy, and the forgiveness of Christ—gifts that the world needs now more than ever before. 

For many live their lives without the guidance of Jesus. If we care to share Him even with just one soul, we have already fulfilled our mission as His faithful and fruitful followers. And who knows? Through our courage in proclaiming Christ, a single seed planted in love may transform lives beyond what we can ever imagine—simply because we cared enough to share Jesus. 

Will you keep Jesus only for yourself, or will you courageously share Him so that others too may experience His saving love? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Setyembre 13 Paggunita kay San Juan Crisostomo, Obispo at pantas ng Simbahan: Lucas 6:43-49


Mabuting Balita: Lucas 6:43-49
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. 
Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib. 

“Tinatawag ninyo ako ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. 

Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. 

Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Sino ang pundasyon ng iyong buhay? Kung si Jesus ang pundasyon ng iyong buhay, nasa kamay ka ng pinakamatatag na pundasyon sa buong daigdig. Walang makakatalo at walang makakasira sa iyo, sapagkat ang iyong buhay ay matibay na nakaugat kay Jesus. 

Ngunit sapat na ba na tayo’y magpahinga at makadama ng kapanatagan dahil ang ating buhay ay nakaugat na sa Kanya? Hindi. Sapagkat bilang mga alagad ni Kristo, tayo ay tinawag hindi para sa kapahingahan kundi para sa misyon. Ang ating misyon ay ibahagi ang kabutihan at pagmamahal ni Jesus sa ating kapwa. 

Dapat nating tandaan na tayo ang mabuting punong binanggit ni Jesus sa Ebanghelyo. At kung paanong ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, gayon din tayo ay dapat mamunga—at ang bunga natin ay walang iba kundi si Jesus mismo. 

Huwag nating ikulong sa ating sarili ang ating pagmamahal kay Jesus. Sa halip, ipahayag natin ito upang ang iba rin ay makadama ng Kanyang mapag-arugang pag-ibig. Sa pamamagitan ng ating pagbabahagi, maaari nilang maranasan ang kagalingan, awa, at kapatawaran ng Panginoon—mga biyayang higit na kailangan ng mundo ngayon kaysa sa alinmang panahon sa kasaysayan. 

Marami pa ring nabubuhay na walang patnubay ni Jesus. Kung sisikapin nating ibahagi Siya kahit sa isang tao lamang, natupad na natin ang ating misyon bilang Kanyang tapat at mabungang mga alagad. At malay natin? Dahil sa ating tapang na ibahagi si Kristo, maaaring may buhay na magbago—dahil lamang sa ating desisyon na ibahagi si Jesus. 

Pipiliin mo bang itago na lamang si Jesus para sa iyong sarili, o buong lakas ng loob mo Siyang ibabahagi upang ang iyong kapwa ay makaranas din ng Kanyang pag-ibig na nagliligtas at nag babago ng buhay? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, September 11, 2025

Reflection for September 12 Friday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:39-42


Gospel: Luke 6:39-42
Jesus told his disciples a parable: “Can a blind person guide a blind person? Will not both fall into a pit? No disciple is superior to the teacher; but when fully trained, every disciple will be like his teacher. Why do you notice the splinter in your brother’s eye, but do not perceive the wooden beam in your own? 

How can you say to your brother, ‘Brother, let me remove that splinter in your eye,’ when you do not even notice the wooden beam in your own eye? You hypocrite! Remove the wooden beam from your eye first; then you will see clearly to remove the splinter in your brother’s eye.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are you self-righteous?

Every once in a while, we all become guilty of this offense called self-righteousness. We see ourselves as being above others; hence, we are quick to point out the offenses of our fellowmen. Why is this so? Is it brought about by our self-serving perception that we are closer to God than anyone else? Is it brought about by our social or economic status?

It’s all of the above and more. But the problem with self-righteous individuals is that they see only the shortcomings of others, not their own. They are very quick to judge the wrongs of others but blind to their own.

The moment we judge others, we also open ourselves to judgment. By judging them, we also invite them to judge us. If we don’t want others to judge us, then let us stop being judgmental and abhor condemnation.

Instead of judging, why not motivate? Why not apply gentle correction? Why not give advice? True followers of Christ are called not to condemn but to lift up, not to wound but to heal, not to push away but to embrace in love.

When we stop looking down on others and start looking into our own hearts, we begin to see that we too are sinners in need of mercy. And if God, in His boundless compassion, forgives us again and again, who are we to withhold mercy from others?

Do we spend more time pointing out the faults of others, or do we humbly bring our own faults before God in repentance? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 12 Biyernes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:39-42


Mabuting Balita: Lucas 6:39-42
Noong panahong iyon, tinanong sila ni Jesus ng patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya'y magiging katulad ng kanyang guro. 
 
"Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, bayaan kong alisin mo ang iyong puwing,' gayong hindi mo nakikita ang tahilan sa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid." 
 + + + + + + +
Repleksyon:
Mataas ba ang iyong tingin sa iyong sarili? 

Paminsan-minsan, tayo’y nahuhulog sa patibong na ito na tinatawag na pagmamataas. Nakikita natin ang ating sarili na mas mataas kaysa iba; kaya’t mabilis nating nakikita ang pagkukulang ng ating kapwa. Bakit nga ba ganito? Dahil ba sa ating pag-iisip na tayo ay mas malapit sa Diyos kaysa sa iba? Dahil ba ito sa ating katayuan sa lipunan o sa ating kayamanan? Marahil lahat ng tatlong ito ay kabilang. 

Ngunit ang problema sa mga taong mapanghusga ay nakikita lamang nila ang pagkukulang ng iba at hindi ang sarili. Mabilis silang humusga sa pagkakamali ng kanilang kapwa ngunit bulag sila sa sarili nilang pagkakasala. 

Sa sandaling tayo’y humusga, binubuksan din natin ang ating sarili sa paghuhusga ng iba. Sa paghuhusga natin sa kanila, inaanyayahan din natin silang husgahan tayo. Kung ayaw nating husgahan tayo ng iba, tigilan na natin ang pagiging mapaghusga at iwasan ang anumang uri ng pagmamataas. 

Sa halip na humusga, bakit hindi magbigay-motibasyon? Bakit hindi magbigay ng banayad na pagtutuwid? Bakit hindi magbigay ng payo? Ang tunay na tagasunod ni Jesus ay hindi nanunumbat kundi nagpapayo ng mahinahon, hindi nag bibigay ng masasakit na mga salita kundi nag bibigay ng mga salitang nagpapagaling, hindi nagtutulak ng palayo sa Diyos kundi inilalapit ang kanyang kapwa sa Diyos. 

Kapag kapag tayo po ay nag suri ng mabuti sa ating mga puso, mauunawaan natin na tayo rin ay makasalanang nangangailangan ng awa at pang unawa. At kung ang Diyos, sa Kanyang walang hanggang habag, ay paulit-ulit tayong pinatatawad, sino tayo para ipagkait ang awa sa iba? 

Kaya marapat na itanong natin sa ating mga sarili—mas inuukol ko ba ang aking oras sa pag pupuna ng pagkukulang ng aking kapwa, o sa pag susuri sa aking mga sariling pagkukulang sa Diyos at sa aking kapwa? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 11 Thursday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:27-38


Gospel: Luke 6:27-38
Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. 

To the person who strikes you on one cheek, offer the other one as well, and from the person who takes your cloak, do not withhold even your tunic. Give to everyone who asks of you, and from the one who takes what is yours do not demand it back.  

Do to others as you would have them do to you. For if you love those who love you what credit is that to you? Even sinners love those who love them. And if you do good to those who do good to you, what credit is that to you? Even sinners do the same. If you lend money to those from whom you expect repayment, what credit is that to you?

Even sinners lend to sinners, and get back the same amount. But rather, love your enemies and do good to them, and lend expecting nothing back; then your reward will be great and you will be children of the Most High, for he himself is kind to the ungrateful and the wicked. Be merciful, just as also your Father is merciful.  

“Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven. Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you.
+ + + + + + +
Reflection:
The story is told about a man who died and was refused entry into the pearly gates. He asked the angel manning the gates for the reason, and the angel told him that he had been very judgmental while he was alive. With a heavy heart and a forlorn face, the man turned away from the gates of heaven. 

Why do we so easily judge others? Perhaps it is because we lack love and forgiveness in our hearts. If there were plenty of love and forgiveness, we would not dare judge anyone—for the moment we judge, we also invite judgment upon ourselves. 

What then would it take for us not to be judgmental toward those who have wronged us? We must love as the Lord has loved us. This love is not ordinary; it is a radical love. Radical love means unconditional love, a love unmoved by the possibility of reciprocation or reward. It is a love set aflame by forgiveness, compassion, and understanding. 

Such love requires us not to fixate on the faults and shortcomings of others. Instead, it leads us to remember their good qualities, which they surely have in abundance—though we often refuse to acknowledge them because we are enslaved by hate. 

The next time we are tempted to pull out the dangerous sword of judgment, let us pause. Let us quiet our hearts and recall the many good qualities of the person we are judging. In doing so, we imitate Christ, who looks beyond our sins and sees the goodness He Himself planted within us. 

Judging others is easy, but loving them as Christ loves us is the true challenge. Will you continue to be quick to judge, or will you choose the radical path of love and forgiveness that opens the gates of heaven? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 11 Huwebes sa Ika-23 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:27-38


Mabuting Balita: Lucas 6:27-38
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. 

Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. 

“Kung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? 

Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito’y makababayad! 

Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayun, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya’y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.”  

“Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
May  kuwento tungkol sa isang lalaki na namatay at hindi pinayagang makapasok sa pintuan ng langit. Tinanong niya ang anghel na nagbabantay doon kung bakit, at sinabi ng anghel na noong siya ay nabubuhay pa, siya ay naging masyadong mapanghusga. Kaya’t siya ay tumalikod at umalis na malungkot ang mukha mula sa pintuan ng langit. 

Bakit ba tayo madaling humusga sa ating kapwa? Marahil dahil kulang ang ating puso sa pag-ibig at pagpapatawad. Kung puno ang ating puso ng pag-ibig at pagpapatawad, hindi natin magagawang humusga, sapagkat alam natin na sa sandaling tayo ay humusga, tayo rin ay huhusgahan. 

Ano ang kailangan upang hindi tayo maging mapanghusga sa mga nagkamali laban sa atin? Dapat tayong magmahal gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. At ang pag mamahal  na ito ay hindi karaniwang pag mamahal; ito ay isang radikal na pagmamahal. Ang radikal na pag mamahal ay walang kundisyon—bagkus ito ay pagmamahal na hindi umaasa ng kapalit o gantimpala. Ito ay pag mamahal na nag pagpapatawad. 

Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagtuturo sa atin na huwag tumingin sa mga pagkakamali at kakulangan ng iba. Sa halip, itinuturo nitong alalahanin ang kanilang kabutihan sa atin na tiyak na napakadami—ngunit madalas nating ayaw isipin ang mga ginawa sa atin dahil tayo ay alipin  ng poot. 

Sa susunod na tayo ay matuksong bunutin ang mapanganib na espada ng paghatol, huminto muna tayo. Patahimikin natin ang ating puso at alalahanin ang mga mabubuting katangian ng taong ating hinuhusgahan. Sa ganitong paraan, ginagaya natin si Cristo na hindi nakatingin sa ating mga kasalanan, kundi sa kabutihang itinanim Niya mismo sa ating puso. 

Madaling humusga, ngunit ang magmahal gaya ng pagmamahal ni Cristo ang tunay na napaka hirap. Pipiliin mo ba ang maging mapang husga, o tatanggapin mo ang radikal na pag-ibig at pagpapatawad na itinuturo ni Jesus? – Marino J. Dasmarinas