Subalit kakaiba ang pag-ibig ng Diyos—ito’y walang hanggan, saklaw ang lahat. Kahit tayo’y nagkukulang at nagkakasala, ang Kanyang pag-ibig ay hindi nagmamaliw. Hindi ito kailanman nakabatay sa ating gawi o kabutihan, sapagkat ito ay lagging Nyang handog at laging nandiyan para sa ating lahat. Tunay nga, lagi tayong nasa puso ng Panginoon maging sino pa man tayo.
Ngunit bilang tao, sinusukat natin ang ating pag-ibig; sinusukat natin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ayon sa pagmamahal na ating natatanggap. Gayun paman, hinahamon tayo ng Mabuting Balita na tangalin na ang ganitong panukat. Bakit hindi natin subukang magmahal gaya ng Diyos? Bakit hindi natin kayang ibigin kahit ang mga hindi nagmamahal sa atin, maging ang mga umuusig o namumuhi sa atin?
Isa sa malinaw na tanda ng isang tunay at tapat na alagad ng Diyos ay ang kakayahang magmahal sa mga hindi nagmamahal sa atin, at magpatawad sa mga hindi man lamang humihingi ng kapatawaran sa atin. Hindi ito madali, ngunit dito natin higit na naipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos.
Sa krus, ipinakita ni Jesus ang Kanyang walang hanggang pag-ibig. Minahal Niya tayo kahit hindi natin Siya minahal. Pinatawad Niya tayo kahit hindi tayo humingi ng tawad. Ito ang sukatan ng pag-ibig ng Diyos—walang hanggan, walang kondisyon, at laging wagas.
Pero ang tanong
ay kaya ba nating mag mahal ng katulad
ng pag mamahal ng Diyos? Kaya ba nating
patawarin ang mga taong yumurak sa ating pagkatao kahit hindi sila
humingi ng tawad sa atin? — Marino J. Dasmarinas

No comments:
Post a Comment