Tuesday, December 30, 2025

Reflection for Wednesday December 31 Seventh Day within the Octave of the Nativity: John 1:1-18


Gospel: John 1:1-18
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things came to be through him, and without him nothing came to be. What came to be through him was life, and this life was the light of the human race; the light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it. 

A man named John was sent from God. He came for testimony, to testify to the light, so that all might believe through him. He was not the light, but came to testify to the light. The true light, which enlightens everyone, was coming into the world. 

He was in the world, and the world came to be through him, but the world did not know him. He came to what was his own, but his own people did not accept him.

But to those who did accept him he gave power to become children of God, to those who believe in his name, who were born not by natural generation nor by human choice nor by a man’s decision but of God.

And the Word became flesh and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father’s only-begotten Son, full of grace and truth.

John testified to him and cried out, saying, “This was he of whom I said, ‘The one who is coming after me ranks ahead of me because he existed before me.’

From his fullness we have all received, grace in place of grace, because while the law was given through Moses, grace and truth came through Jesus Christ. No one has ever seen God. The only-begotten Son, God, who is at the Father’s side, has revealed him.

+ + + + + + +
Reflection:
Have we done something to bring someone closer to the Lord?

John brought people to the Lord through his way of life. With humility and faithfulness, he prepared the way for Jesus. He led people closer to Christ, yet he never asked them to remain with him. Instead, he pointed them to Jesus—the One they were truly meant to follow. John’s life reminds us that our mission is not to draw attention to ourselves, but to lead others to the Lord.

Are we also willing to guide others to Jesus by the way we live our lives? Do we have the courage and the love to gently speak about Jesus to those around us? Oftentimes, it is not through grand words or dramatic actions that we evangelize, but through simple faithfulness—by living a life that reflects Christ. In doing so, we already point others to Him.

Some of us may say, “Sharing Jesus is not my responsibility; it belongs only to those who give their time to the Church.” But by virtue of our baptism, all of us have been empowered and entrusted with the mission to share Jesus and our faith in whatever way we can. The real question is not whether we are capable, but whether we are willing. Have we truly shared Jesus and our faith with others?

It is never too late to begin. As long as we live, sharing the Lord remains our duty and our mission. Let us not be afraid, for the Lord Himself walks with us, and the Holy Spirit—who makes all things possible—guides and strengthens us.

Today is New Year’s Eve, a time when our tables are often filled and our hearts are hopeful. Let us not forget to share what we have with those who are in need. We give not from our excess, but from a sincere desire to share from the depths of our hearts. Through our generosity, compassion, and kindness, those who are in darkness and those who are losing hope because of life’s harshness may catch a glimpse of the light of the Lord.

As we stand at the threshold of a new year, let us ask ourselves in prayer: Will our lives point others to Jesus, or will we keep Him to ourselves? And what concrete step can we take today to bring someone closer to the Lord? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Miyerkules Disyembre 31 Ikapitong Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Juan 1:1-18


Mabuting Balita: Juan 1:1-18
Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

+ + + + + + +
Repleksyon:
May nagawa na ba tayo upang mailapit ang ating kapwa sa Panginoon?

Inilapit ni Juan ang mga tao sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pamumuhay. Sa kanyang kababaang-loob, inihanda niya ang daan para kay Hesus. Inakay niya ang mga tao palapit kay Kristo, ngunit hindi niya hiniling na manatili sila sa kanya. Sa halip, itinuro niya si Hesus bilang ang Siyang dapat nilang sundan—hindi ang kanyang sarili. Ipinapaalala sa atin ng buhay ni Juan na ang ating misyon ay hindi upang ituon ang pansin sa ating sarili, kundi upang ihatid ang iba kay Hesus.

Tayo rin ba ay handang gumabay sa iba patungo kay Hesus sa pamamagitan ng ating pamumuhay? May lakas-loob at pagmamahal ba tayo upang marahang magsalita tungkol kay Hesus sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw? Kadalasan, hindi sa pamamagitan ng mabubulaklak salita o kahanga-hangang gawa natin naibabahagi ang pananampalataya, kundi sa simpleng pamumuhay na sumasalamin kay Kristo. Sa ganitong paraan, itinuturo na natin ang iba patungo sa Kanya.

May ilan sa atin ang nagsasabing, “Hindi ko tungkulin ang ibahagi si Hesus; para lamang ito sa mga taong naglilingkod sa Simbahan.” Ngunit sa bisa ng ating binyag, tayong lahat ay binigyan ng kapangyarihan at pananagutan na ibahagi si Hesus at ang ating pananampalataya sa abot ng ating makakaya. Ang tanong: naibahagi na ba talaga natin si Hesus at ang ating pananampalataya sa iba?

Hindi pa huli ang lahat. Habang tayo ay nabubuhay, nananatili ang ating tungkulin at misyon na ibahagi ang Panginoon. Huwag tayong matakot, sapagkat ang Panginoon ay laging kasama natin, at ang Espiritu Santo—na nagbibigay-buhay at kakayahan sa lahat ng bagay—ang patuloy na gumagabay sa atin.

Ngayong bisperas ng Bagong Taon, ay may inihahanda tayo sa ating mga hapag. Nawa’y ipaalala nito sa atin ang kahalagahan ng pagbabahagi sa mga nangangailangan. Hindi tayo magbibigay dahil hindi na natin kailagan, kundi mula sa taos-pusong pagnanais na magbahagi mula sa kaibuturan ng ating puso. Sa pamamagitan ng ating kabutihan, malasakit, at pagiging bukas-palad, ang mga nasa kadiliman at ang mga nawawalan ng pag-asa dahil sa bigat ng buhay ay makakita nawa ng liwanag ng Panginoon.

Sa pagtatapos ng taong ito at sa pagsisimula ng bago, tanungin natin ang ating sarili: Ang ating buhay ba ay nagtuturo sa iba patungo kay Hesus, o pinipili ba nating sarilinin Siya? At ano ang kongkretong hakbang na kaya nating gawin ngayon upang mailapit ang kahit isang kaluluwa sa Panginoon? — Marino J. Dasmarinas

Monday, December 29, 2025

Reflection for Tuesday December 30 Sixth Day within the Octave of the Nativity: Luke 2:36-40


Gospel: Luke 2:36-40
There was a prophetess, Anna, the daughter of Phanuel, of the tribe of Asher. She was advanced in years, having lived seven years with her husband after her marriage, and then as a widow until she was eighty-four. She never left the temple, but worshiped night and day with fasting and prayer.

And coming forward at that very time, she gave thanks to God and spoke about the child to all who were awaiting the redemption of Jerusalem.  When they had fulfilled all the prescriptions of the law of the Lord, they returned to Galilee, to their own town of Nazareth. The child grew and became strong, filled with wisdom; and the favor of God was upon him.

+ + + + + + +
Reflection:
What should we do to grow in wisdom about God?

We grow in wisdom when we intentionally invest our time with God. Time spent with Him is not wasted time—it is sacred time. It is in His presence that our hearts are shaped, our minds are enlightened, and our lives are transformed.

The prophetess Anna teaches us this truth. At eighty-four years old, she could have chosen a quiet and comfortable life. She could have stayed at home, taken things easy, and lived according to her own pace. Yet she chose something far greater.

She invested the remaining years of her life in God. Day after day, she remained in the temple, fasting and praying, dwelling in the presence of the Lord. No wonder she was filled with wisdom about God. Her wisdom flowed from a life rooted in prayer and constant communion with Him.

When we look at our own lives, we must ask ourselves: where do we spend most of our time today? Are we consumed by the pleasures, worries, and distractions of this world, giving God only what is left over—if anything remains at all?

So often, we postpone our commitment to God. We tell ourselves that we will spend more time with Him later—when we are older, when we are retired, when we are already weak and sick and finally feel our need for Him. But must it come to that? Must we wait until our strength is gone before we turn our hearts fully toward God?

Let us not make the mistake of taking God seriously only at the end of our lives. Let us not wait for sickness, loss, or weakness before we learn to pray deeply and trust fully. Instead, let us give God our time now—while we are still young or strong, while our hearts are still able to choose Him freely and joyfully.

In the Gospel, Anna was a constant presence in the temple. She worshiped God day and night through fasting and prayer. Her devotion did not begin in old age; it was the fruit of a lifetime of faithfulness. Her closeness to God did not happen by chance—it was nurtured through years of loving attention to Him.

How about us? When do we give God our time? The best moment to invest in God is not tomorrow, not next week, and not someday in the future. The best time is now. We do not know what tomorrow may bring, but we know that God is inviting us today—to draw near, to listen, and to remain in His presence.

Are we willing, here and now, to give God a real place in our daily lives—before comfort fades, before strength weakens, and before time slips quietly away? – Marino J. Dasmarinas  

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Martes Disyembre 30 Ika-anim Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Lucas 2:36-40


Mabuting Balita: Lucas 2:36-40
Noong Panahong iyon, naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya'y mabalo. At ngayon, walumpu't apat na taon na siya. 

Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. 

Nang maisagawa na nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.  

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang dapat nating gawin upang lumago sa karunungan tungkol sa Diyos?

Tayo ay lumalago sa karunungan kapag sinasadya nating ilaan ang ating oras sa Diyos. Ang oras na ibinibigay natin sa Kanya ay hindi nasasayang; ito ay banal na oras. Sa Kanyang presensya nahuhubog ang ating mga puso, naliliwanagan ang ating mga isip, at nababago ang ating buhay.

Ipinapaalala sa atin ng propetang si Ana ang katotohanang ito. Sa edad na walumpu’t apat, maaari sana siyang mamuhay nang tahimik at komportable. Maaari sana siyang manatili na lamang sa bahay, magpahinga, at mamuhay ayon sa sarili niyang kagustuhan.

Ngunit pinili niya ang mas dakilang landas. Inialay niya ang mga natitirang taon ng kanyang buhay sa Diyos. Araw at gabi siyang nanatili sa templo, nag-aayuno at nananalangin, namumuhay sa presensya ng Panginoon. Kaya’t hindi nakapagtataka na siya ay puspos ng karunungan tungkol sa Diyos—sapagkat ang kanyang karunungan ay bunga ng isang buhay na malapit sa Kanya.

Ngayon, marapat nating tanungin ang ating mga sarili: saan ba natin ginugugol ang karamihan ng ating oras? Inuubos ba natin ang ating lakas sa paghahabol sa mga aliw at alalahanin ng mundong ito, at binibigyan lamang ang Diyos ng kaunting oras—kung nagbibigay man tayo?

Madalas ay ipinagpapaliban natin ang ating ganap na pagbabalik-loob sa Diyos. Sinasabi natin sa ating mga sarili na sa ibang panahon na lamang tayo maglalaan ng mas maraming oras para sa Kanya—kapag tayo’y tumanda na, kapag tayo’y nagretiro na, kapag tayo’y nanghina at nagkasakit at saka lamang natin lubos na mararamdaman ang ating pangangailangan sa Kanya. Ngunit kailangan pa bang dumating sa ganoon?

Huwag nawa nating ulitin ang pagkakamali ng marami na seryosohin lamang ang Diyos sa huling yugto ng kanilang buhay. Huwag tayong maghintay na dapuan ng karamdaman bago tayo matutong manalangin nang taos-puso at magtiwala nang lubusan. Sa halip, ialay natin ang ating oras sa Diyos ngayon—habang tayo’y may lakas pa, habang ang ating mga puso ay malayang makapipili na mahalin at sundin Siya.

Sa Mabuting Balita, si Ana ay laging naroroon sa templo. Araw at gabi niyang sinasamba ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Ang kanyang debosyon ay hindi nagsimula sa katandaan; ito ay bunga ng habambuhay na katapatan. Ang kanyang pagiging malapit sa Diyos ay hindi nagkataon lamang—ito ay pinagyaman sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Kanya.

Kaya, tanungin natin ang ating mga sarili: kailan natin tunay na ibinibigay ang ating oras sa Diyos? Ang pinakamainam na panahon upang maglaan para sa Kanya ay hindi bukas, hindi sa susunod na mga araw o buwan—kundi ngayon. Hindi natin alam ang maaaring mangyari bukas, ngunit tiyak nating tayo ay inaanyayahan ng Diyos sa sandaling ito: lumapit, makinig, at manatili sa Kanyang presensya.

Handa ba tayong bigyan ang Diyos ng tunay na puwang sa ating pang-araw-araw na buhay—ngayon, bago tayo manghina at bago mawalan ng ilaw ang ating kandila sa mundong ito? – Marino J. Dasmarinas

Sunday, December 28, 2025

Reflection for Monday December 29 Fifth Day within the Octave of the Nativity: Luke 2:22-35

Gospel: Luke 2:22-35
When the days were completed for their purification according to the law of Moses, the parents of Jesus took him up to Jerusalem to present him to the Lord, just as it is written in the law of the Lord, Every male that opens the womb shall be consecrated to the Lord, and to offer the sacrifice of a pair of turtledoves or two young pigeons, in accordance with the dictate in the law of the Lord.  

Now there was a man in Jerusalem whose name was Simeon. This man was righteous and devout, awaiting the consolation of Israel, and the Holy Spirit was upon him. It had been revealed to him by the Holy Spirit that he should not see death before he had seen the Christ of the Lord. 

He came in the Spirit into the temple; and when the parents brought in the child Jesus to perform the custom of the law in regard to him, he took him into his arms and blessed God, saying: “Lord, now let your servant go in peace; your word has been fulfilled: my own eyes have seen the salvation which you prepared in the sight of every people, a light to reveal you to the nations and the glory of your people Israel.”  

The child’s father and mother were amazed at what was said about him; and Simeon blessed them and said to Mary his mother, “Behold, this child is destined for the fall and rise of many in Israel, and to be a sign that will be contradicted (and you yourself a sword will pierce) so that the thoughts of many hearts may be revealed.”

+ + + + + + +
Reflection:
Do we know how it feels to place our hope in no one but the Lord Jesus? Simeon, the man from Jerusalem, certainly knew this profound and grace-filled experience. Upon seeing the Child Jesus, he was ready to depart from this world in peace. His hope and salvation rested on no one but Jesus. Today, we are invited to ask ourselves: Is Jesus truly the Hope and Salvation of our lives?

Simeon was searching for Jesus, and guided by the Holy Spirit, he was led to find Him in the temple, where the Child was being offered to God by His parents. Like Simeon, do we search for Jesus? Do we truly thirst for Him? When our longing is sincere and our hearts are open, we, too, will surely find Jesus.

Yet many of us do not even bother to search for Him. We say we are busy, and we hardly make time for Jesus in our daily lives. And so, what happens to us? We slowly become burdened with many fears—the fear of sickness, the fear of suffering, the fear of death—and even more troubling, we lose our fear of sin. Simeon, in our Gospel reading, was not afraid of anything, not even death, because he had already found Jesus. Having encountered the Savior, his heart was at peace.

As we continue our journey in this world, we often chase after many worldly things—riches, power, achievements, higher learning, and recognition. We hope these will give us security and fulfillment. Yet none of these can give us true peace of mind; oftentimes, they only leave us restless and empty within.

Perhaps it is time for a change. Why not pause, take a step back, and stop running after things that cannot save us? Why not begin, once again, our search for Jesus? He is not far away. He is just around the bend, quietly waiting for us, ready to be found.

As the Lord assures us in Jeremiah 29:13: “You will seek Me and find Me when you search for Me with all your heart.”

Are we willing, like Simeon, to seek Jesus with our whole heart so that, when we finally find Him, we too may live—and even face death—in peace? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Lunes Disyembre 29 Ikalimang Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Lucas 2:22-35


Mabuting Balita: Lucas 2:22-35
Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa Kautusan ni Moises, sila'y pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, "Ang bawat Panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon." At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: "Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati."  

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala'y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay ng katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.  

Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya'y kinalong ni Simeon. Ito'y nagpuri sa Diyos, na ang wika, "Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin. Ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa: liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel."   

Namangha ang ama't ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Alam ba natin kung ano ang pakiramdam ng umasa ng lubusan—sa Panginoong Hesus? Tunay na naranasan ito ni Simeon, ang lalaking taga-Jerusalem. Nang makita niya ang Sanggol na si Hesus, handa na siyang pumanaw mula sa mundong ito nang may kapayapaan.

Ang kanyang pag-asa at kaligtasan ay nakasandig lamang kay Hesus. Kaya ngayon, inaanyayahan tayong magtanong sa ating sarili: Si Hesus nga ba ang Pag-asa at Kaligtasan ng ating buhay?

Hinahanap ni Simeon si Hesus, at sa patnubay ng Espiritu Santo, siya ay dinala sa templo kung saan inihahandog ang Sanggol sa Diyos ng Kanyang mga magulang. Tulad ni Simeon, hinahanap din ba natin si Hesus? Nauuhaw ba tayo sa Kanya? Kapag tapat ang ating paghahanap at bukas ang ating mga puso, tiyak na matatagpuan din natin si Hesus.

Ngunit marami sa atin ang halos hindi na naghahanap sa Kanya. Madalas nating sabihin na tayo ay abala, at halos wala na tayong panahon para kay Hesus. At ano ang nangyayari sa ating buhay?

Unti-unti tayong napupuno ng iba’t ibang takot—takot sa karamdaman, takot sa pagdurusa, takot sa kamatayan—at higit sa lahat, nawawala na rin ang ating takot gumawa ng kasalanan. Sa Mabuting Balita, si Simeon ay hindi natakot sa anuman, kahit sa kamatayan, sapagkat natagpuan na niya si Hesus. Nang makatagpo niya ang Tagapagligtas, napuno ng kapayapaan ang kanyang puso.

Habang ipinagpapatuloy natin ang ating paglalakbay sa mundong ito, madalas tayong naghahabol sa mga bagay ng sanlibutan—kayamanan, kapangyarihan, tagumpay, mataas na pinag-aralan, at pagkilala. Iniisip nating dito natin matatagpuan ang katiwasayan at kaganapan ng ating buhay. Ngunit ang totoo, hindi nito kayang ibigay ang tunay na kapayapaan ng ating isipan; kadalasan pa nga, lalo lamang tayong iniiwang balisa at hungkag sa kalooban.

Marahil panahon na para sa isang pagbabago. Bakit hindi tayo huminto sandali at itigil ang walang katapusang paghabol sa mga bagay na hindi naman makapagliligtas sa atin? Bakit hindi natin muling simulan ang paghahanap kay Hesus? Hindi Siya malayo. Siya ay naroon lamang, naghihintay sa atin nang may pagtitiyaga at pag-ibig.

Gaya ng pangako ng Panginoon sa Jeremias 29:13: “Hahanapin ninyo Ako at Ako’y inyong masusumpungan kapag hinanap ninyo Ako nang buong puso.”

Handa ba tayong, tulad ni Simeon, hanapin si Hesus nang buong puso para tayo ay magkakaroon ng tunay na kapayapaan? — Marino J. Dasmarinas

Friday, December 26, 2025

Reflection for Sunday December 28 Feast of the Holy Family of Jesus, Mary and Joseph: Matthew 2:13-15, 19-23


Gospel: Matthew 2:13-15, 19-23
When the magi had departed, behold, the angel of the Lord appeared to Joseph in a dream and said, “Rise, take the child and his mother, flee to Egypt, and stay there until I tell you. Herod is going to search for the child to destroy him.” Joseph rose and took the child and his mother by night and departed for Egypt. He stayed there until the death of Herod, that what the Lord had said through the prophet might be fulfilled, Out of Egypt I called my son.

When Herod had died, behold, the angel of the Lord appeared in a dream to Joseph in Egypt and said, “Rise, take the child and his mother and go to the land of Israel, for those who sought the child’s life are dead.” He rose, took the child and his mother, and went to the land of Israel. 

But when he heard that Archelaus was ruling over Judea in place of his father Herod, he was afraid to go back there. And because he had been warned in a dream, he departed for the region of Galilee. He went and dwelt in a town called Nazareth, so that what had been spoken through the prophets might be fulfilled, He shall be called a Nazorean.

+ + + + + +
Reflection:
The story is told of a husband and wife who had been married in the Church for more than twenty years. They were blessed with four grown-up children. One day, while the wife was rummaging through her husband’s belongings, she discovered a long-kept secret: her husband had another family.

To make a long story short, she confronted him and demanded that he choose between his legitimate family and his other family. Sadly, the philandering husband chose the latter. This painful story reminds us of how fragile families can become when faithfulness and commitment are set aside.

Today, we celebrate the Holy Family of Jesus, Mary, and Joseph. Unlike this heartbreaking story, the Holy Family stands firm—solid as a rock. They remained together through persecution, uncertainty, hardship, and trials, trusting always in God’s loving plan.

Saint Joseph stands before us as the model head of the family. He was obedient to the will of God, faithful to the Blessed Mother, and a loving protector of the Child Jesus. He had no other family and no divided heart. His life teaches us that true fatherhood and leadership are rooted in obedience, fidelity, and self-giving love.

As parents and family members, we are the drivers of our families. Where we go, our families follow. When we are faithful, responsible, and rooted in God, we help lead our families toward wholeness and holiness. But when we neglect our responsibilities, our children often bear the consequences when they form families of their own.

Our families are our domestic Church. It is within our homes that faith is first taught, prayers are first learned, and values are first formed. It is here where our children learn about God, morals, and respect for others. What will happen to them if we do not take time to nurture their faith? What if we do not bring them to Holy Mass? What if we fail to teach them our Roman Catholic faith? What if we neglect to teach them how to pray the Rosary, one of the most treasured and powerful prayers of the family?

As we honor the Holy Family today, let us examine our own families and our own hearts. Are we striving to make our homes places of faith, love, forgiveness, and prayer? Are we willing to follow the example of Jesus, Mary, and Joseph, even when the road is difficult?

What kind of family are we building, and are we truly leading our loved ones closer to God—or farther away from Him? — Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Linggo Disyembre 28 Kapistahan ng Banal na Mag-Anak nina Hesus, Maria at Jose: Mateo 2:13-15, 19-23


Mabuting Balita: Mateo 2:13-15, 19-23
Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.  

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.” Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto. “Magbangon ka,” sabi sa kanya, “iuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.” Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.  

Ngunit nang mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang si Herodes, siya’y natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip, kaya’t nagtungo siya sa Galilea. Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang sinabi ng mga propeta, “Siya’y tatawaging Nazareno.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa mag-asawang nagsama na nang mahigit dalawampung taon. Biniyayaan sila ng apat na anak na pawang nasa hustong gulang na. Isang araw, habang naghahalungkat ang asawa ng mga gamit ng kaniyang mister, nadiskubre niya ang isang matagal nang itinatagong lihim: may iba pa pala itong pamilya.

Kaya, hinarap niya ang kaniyang asawa at sinabi ang isang mabigat na pasya—pumili sa pagitan ng kaniyang tunay na pamilya at ng iba nitong pamilya. Sa kasamaang-palad, pinili ng lalaking nagtaksil ang kaniyang ibang pamilya. Ang masakit na kuwentong ito ay paalala sa ating lahat kung gaano kadaling mabuwag ang isang pamilya.

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak nina Hesus, Maria, at Jose. Di tulad ng nakakalungkot na kuwentong ito, ang Banal na Mag-anak ay matatag na parang bato. Nanatili silang magkakasama sa kabila ng pag-uusig, kahirapan, pangamba, at maraming pagsubok, sapagkat lubos ang kanilang pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Si San Jose ang huwaran ng haligi ng pamilya. Siya ay masunurin sa kalooban ng Diyos, tapat sa Mahal na Birheng Maria, at mapagmahal na tagapangalaga ng Batang Hesus. Wala siyang ibang pamilya at hindi nahati ang kaniyang puso. Ipinapakita ng kaniyang buhay na ang tunay na pamumuno sa pamilya ay nakaugat sa katapatan, pagsunod sa Diyos, at sakripisyong pagmamahal.

Bilang mga magulang at kasapi ng pamilya, tayo ang nagiging gabay at patnubay ng ating mga tahanan. Kung saan tayo patungo, doon din napapadpad ang ating pamilya. Kapag tayo ay responsable, tapat, at nakasandig sa Diyos, tinutulungan nating tahakin ng ating pamilya ang landas ng kabanalan. Ngunit kapag pinabayaan natin ang ating tungkulin, madalas ang ating mga anak ang nagdurusa sa mga bunga nito kapag sila naman ang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Ang ating mga pamilya ang ating munting Simbahan. Sa loob ng ating mga tahanan unang naituturo ang pananampalataya, unang natututuhan ang panalangin, at unang nahuhubog ang mabuting asal. Dito natututuhan ng ating mga anak ang tungkol sa Diyos, sa mabuting asal, at sa paggalang sa kapwa. Ano ang mangyayari sa kanila kung hindi natin sila inaalagaan at ginagabayan?

Ano ang mangyayari kung hindi natin sila dinadala sa Banal na Misa? Paano kung hindi natin sila tinuturuan ng ating pananampalatayang Katoliko? Paano kung hindi natin sila tinuturuan na magdasal ng Santo Rosaryo, isa sa pinakamahalaga at pinakapangunahing panalangin ng pamilya?

Habang ginugunita natin ang Banal na Mag-anak, suriin natin ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya. Ginagawa ba nating tahanan ng pananampalataya, pagmamahalan, kapatawaran, at panalangin ang ating mga tahanan? Handa ba tayong tularan sina Hesus, Maria, at Jose na nanatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for Saturday December 27 Feast of Saint John, Apostle and Evangelist: John 20:1a, 2-8


Gospel: John 20:1a, 2-8
On the first day of the week, Mary Magdalene ran and went to Simon Peter and to the other disciple whom Jesus loved, and told them, "They have taken the Lord from the tomb, and we do not know where they put him." So Peter and the other disciple went out and came to the tomb.  

They both ran, but the other disciple ran faster than Peter and arrived at the tomb first; he bent down and saw the burial cloths there, but did not go in. When Simon Peter arrived after him, he went into the tomb and saw the burial cloths there, and the cloth that had covered his head, not with the burial cloths but rolled up in a separate place. Then the other disciple also went in, the one who had arrived at the tomb first, and he saw and believed.

+ + + + + + +
Reflection:
Do we sometimes experience a deep longing within us—a hunger for God—yet feel as though we cannot find Him? There are moments when we search for His presence, cry out for Him in prayer, and still feel the silence. In those moments, let us not give up. For when we persevere and continue seeking Him with sincere hearts, we will surely find Him.

If we desire to encounter God more easily and allow Him to become our friend and daily companion, we are invited to commit ourselves to a life rooted in faith and devotion:

Let us always make time to be present at the celebration of the Holy Mass, where we encounter Christ in Word and Sacrament.

Let us cultivate a daily habit of prayer at least twice a day—upon waking in the morning and before retiring at night—entrusting our day and our rest to the Lord.

Let us develop a daily habit of prayerful and planned reading of the Holy Bible, beginning with the first four Gospels of the New Testament, so that we may come to know Jesus more deeply.

Let us discover the immense spiritual blessings that flow from praying the Holy Rosary, as we walk with Mary and contemplate the life of her Son.

Let us nurture a deep hunger for the Sacraments of Holy Communion and Reconciliation, where we receive healing, forgiveness, and renewed strength.

When we faithfully embrace these practices, we come to realize that God is never far from us. He walks beside us, dwells within us, and remains present in every season of our lives.

In the Gospel, Mary Magdalene, Simon Peter, and the other disciple went to the tomb of Jesus, only to discover that He was no longer there, for He had already risen from the dead. They were searching for His physical presence, yet the Risen Lord was already alive in their hearts. Their closeness to Jesus did not end at the empty tomb; it was transformed into a deeper, living relationship.

In the same way, even when we feel that God is absent, He is often closer than we think—quietly present, patiently waiting, lovingly calling us to trust and remain with Him.

So today, let us ask ourselves: Are we truly seeking the Lord with persevering hearts, and are we willing to draw closer to Him each day so that we may recognize His living presence in our own lives? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Sabado Disyembre 27 Kapistahan ni Apostol San Juan, manunulat ng Mabuting Balita: Juan 20:2-8


Mabuting Balita: Juan 20:2-8
Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. 

Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala.

+ + + + + + +
Repleksyon:
May mga sandali ba sa ating buhay na tayo’y may malalim na pagkauhaw sa Diyos gusto natin maramdaman ang kanyang presensya pero tila hindi natin Siya matagpuan? May mga pagkakataong hinahanap natin Siya, nananalangin tayo nang taimtim, ngunit tila hindi niya tayo naririnig. Sa mga sandaling ito, huwag tayong sumuko. Sapagkat kapag tayo’y nagpatuloy at nagtiyaga sa paghahanap sa Kanya nang may bukas at tapat na puso, tiyak na matatagpuan natin Siya.

Kung nais natin ang mas malalim na ugnayan sa Panginoon at gawin Siyang kaibigan at araw-araw na kasama sa ating buhay, inaanyayahan tayong yakapin natin ang isang buhay na nakaugat sa pananampalataya at debosyon:

Lagi tayong maglaan ng panahon upang makibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa, kung saan nakakatagpo natin si Hesus sa Salita at Sakramento.

Ugaliin natin ang araw-araw na pananalangin, kahit dalawang beses sa isang araw—pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi—upang humingi ng gabay, mag pasalamat at ialay sa Panginoon ang lahat ng ating mga ginagawa.

Ugaliin natin ang araw-araw na pagbabasa ng Banal na Kasulatan o Bibliya, simula sa unang apat na Ebanghelyo ng Bagong Tipan, upang mas makilala natin si Hesus.

Tuklasin natin ang napakalalaking biyayang espirituwal na dulot ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo, habang tayo’y nakikiisa kay Maria sa pagninilay sa buhay ng kanyang Anak.

Magkaroon tayo ng masidhing pananabik sa mga Sakramento ng Banal na Komunyon at Kumpisal, kung saan tayo’y tumatanggap ng kapatawaran, kagalingan, panibagong lakas at marami pang mga grasya mula sa Panginoon.

Kapag tapat nating isinasabuhay ang mga ito, unti-unti nating mauunawaan na ang Diyos ay hindi kailanman lumalayo sa atin. Siya’y palaging kasama natin—gumagabay, nananahan sa ating puso, at nananatiling tapat sa bawat yugto ng ating buhay.

Sa Ebanghelyo, sina Maria Magdalena, Simon Pedro, at ang isa pang alagad ay nagtungo sa libingan ni Hesus, ngunit natuklasan nilang Siya’y wala na roon, sapagkat Siya’y muling nabuhay. Ang kanilang hinahanap ay ang pisikal na presensya ng Panginoon, ngunit ang Katotohanang kanilang hindi pa lubos na nauunawaan ay ito: ang Buhay na Kristo ay nasa kanilang mga puso na dahil sila ay may malapit na ugnayan sa Kanya.

Gayon din sa ating buhay—kapag pakiramdam natin na tila wala ang Diyos, kadalasan Siya’y mas malapit kaysa ating inaakala, tahimik na nananatili, matiyagang naghihintay, at mapagmahal na inaanyayahan tayong magtiwala at manatili sa Kanya.

Kaya ngayon, tanungin natin ang ating mga sarili: Hinahanap ba talaga natin ang Panginoon nang may pagtitiyaga at bukas na puso, at handa ba tayong lumapit sa Kanya araw-araw upang makilala at maranasan ang Kanyang buhay na presensya sa ating sariling buhay? – Marino J. Dasmarinas

Thursday, December 25, 2025

Reflection for Friday December 26 Feast of Saint Stephen, First Martyr: Matthew 10:17-22


Gospel: Matthew 10:17-22
Jesus said to his disciples: “Beware of men, for they will hand you over to courts and scourge you in their synagogues, and you will be led before governors and kings for my sake as a witness before them and the pagans. When they hand you over, do not worry about how you are to speak or what you are to say.  

You will be given at that moment what you are to say. For it will not be you who speak but the Spirit of your Father speaking through you. Brother will hand over brother to death, and the father his child; children will rise up against parents and have them put to death. You will be hated by all because of my name, but whoever endures to the end will be saved.”

+ + + + + + +
Reflection:
What fuels us to give our lives to Jesus? It is our fidelity to His mission and our deep love for Him.

For many of us, it is difficult to imagine that there are people who are truly willing to give their lives for Jesus. And yet, this is a living reality in the Church. There are unsung heroes—ordinary men and women—who freely and courageously offer their lives for the mission of Christ. They may not be known by the world, but they are known and cherished by God.

Another reality we cannot ignore is this: when we humbly choose to continue the mission of Jesus, persecution often follows. We are reminded of the countless martyrs of the Church who shed their blood for the sake of Christ’s mission.

Some were declared saints; others quietly entered heaven, their sacrifices unseen and uncelebrated on earth. Yet all of them shared one thing in common—they never wavered in their fidelity. Amid hardship, suffering, and rejection, they persevered, trusting that God’s grace was enough.

This reflection invites us to look closer to home. What if we, too, are called to witness for Jesus within our own families? Are we willing to take the risk of speaking about the teachings of Jesus when they are unpopular, misunderstood, or even rejected by those closest to us? Are we ready to choose faithfulness over comfort, truth over silence?

Saint Stephen, whose feast we celebrate today, reminds us what courageous discipleship looks like. He was not afraid to proclaim Jesus, even at great cost. He teaches us that to stand for the truth of the Gospel is always right. Yet he also reminds us how we must witness—not with anger or pride, but with humility, gentleness, and love. For it is only through love that hearts are truly opened and Christ is truly shared. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Biyernes Disyembre 26 Kapisthan ni San Esteban, unang martir: Mateo 10:17-22


Mabuting Balita: Mateo 10:17-22
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil.

Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito'y ipagkakaloob sa inyo. sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

"Ipagkakanulo ng kanyang kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang nagbibigay-lakas sa atin upang ialay ang ating buhay kay Hesus? Ito ay ang ating katapatan sa Kanyang misyon at ang ating malalim na pag-ibig sa Kanya. 

Para sa marami sa atin, mahirap isipin na may mga taong handang ibigay ang kanilang buhay alang-alang kay Hesus. Gayunman, ito ay isang buhay na katotohanan sa Simbahan. May mga tahimik at hindi kilalang bayani—karaniwang kalalakihan at kababaihan—na buong tapang at kusang-loob na iniaalay ang kanilang sarili para sa misyon ni Kristo. Maaaring hindi sila kilala ng sanlibutan, ngunit sila ay lubos na kilala at minamahal ng Diyos.

Isa pang katotohanang hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala ay ito: kapag tayo ay mapagkumbabang nagpapatuloy sa misyon ni Hesus, kadalasan ay may kaakibat itong pag-uusig. Naaalala natin ang hindi mabilang na mga martir ng Simbahan na nagbuwis ng buhay alang-alang sa misyon ni Kristo.

Ang ilan ay kinilala bilang mga santo, samantalang ang iba ay tahimik na pumasok sa langit—hindi napansin ng mundo, ngunit lubos na mahalaga sa Diyos. Iisa ang kanilang pinanghawakan: hindi sila kailanman umurong sa kanilang katapatan. Sa gitna ng hirap, sakit, at pagtanggi, nagpatuloy sila dahil nanalig sila na sapat ang biyaya ng Diyos.

Inaanyayahan tayo ng pagninilay na ito na tumingin sa mas malapit—sa loob mismo ng ating mga pamilya. Paano kung tayo rin ay tinatawag na maging saksi kay Hesus sa ating tahanan? Handa ba tayong magsalita tungkol sa mga aral ni Hesus kahit ito ay hindi tanggap, hindi nauunawaan, o tinututulan ng mga taong pinakamalapit sa atin? Handa ba tayong piliin ang katapatan kaysa kaginhawaan, ang katotohanan kaysa pananahimik?

Si San Esteban, na ipinagdiriwang natin ang kapistahan ngayon, ay nagpapaalala sa atin kung ano ang tunay na kahulugan ng matapang na pagsunod kay Kristo. Hindi siya natakot na ipahayag si Hesus kahit pa ito ay kapalit ng kanyang buhay.

Itinuturo niya sa atin na ang pagtindig para sa katotohanan ng Ebanghelyo ay laging tama. Ngunit itinuturo rin niya kung paano tayo dapat magpatotoo—hindi sa galit o pagmamataas, kundi sa kababaang-loob, kahinahunan, at pag-ibig. Sapagkat sa pamamagitan lamang ng pag-ibig tunay na nabubuksan ang mga puso at naibabahagi si Kristo. – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, December 24, 2025

Reflection for Thursday December 25 Christmas, Solemnity of the Nativity of the Lord – Day Mass: John 1:1-18


Gospel: John 1:1-18
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things came to be through him, and without him nothing came to be. What came to be through him was life, and this life was the light of the human race; the light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it.

A man named John was sent from God. He came for testimony, to testify to the light, so that all might believe through him. He was not the light, but came to testify to the light. The true light, which enlightens everyone, was coming into the world. He was in the world, and the world came to be through him, but the world did not know him. He came to what was his own, but his own people did not accept him.  

But to those who did accept him he gave power to become children of God, to those who believe in his name, who were born not by natural generation nor by human choice nor by a man’s decision but of God. And the Word became flesh and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father’s only Son, full of grace and truth.

John testified to him and cried out, saying, “This was he of whom I said, ‘The one who is coming after me ranks ahead of me because he existed before me.’” From his fullness we have all received, grace in place of grace, because while the law was given through Moses, grace and truth came through Jesus Christ. No one has ever seen God. The only Son, God, who is at the Father’s side, has revealed him.

+ + + + + + +
Reflection:
What kind of mindset do we have this Christmas?

As we celebrate Christmas, we are invited to pause and examine our hearts. There are two primary mindsets that often shape our thoughts and actions: the mindset of receiving and the mindset of giving—of making a meaningful difference in the lives of others. The mindset of receiving fills us with anticipation and excitement as we look forward to gifts, celebrations, and blessings.

Yet there is a deeper and more life-giving mindset—the mindset of giving. This mindset awakens within us a burning desire inspired and fueled by Jesus Himself. When we give, we do not simply offer something material; we give something that comes from the heart—something thoughtful, meaningful, and truly helpful to the one who receives it. We do not give merely for the sake of giving; we give out of love.

God Himself showed us the perfect example of this kind of giving. He gave us His Son, Jesus—the Word who became flesh and dwelt among us. He is the Light that shines in the darkness, the Light that brings life, enlightenment, and hope to a world longing for meaning and salvation.

The true essence of Christmas is found in this mindset of giving. It does not depend on whether we receive anything in return. What truly matters is that we give. This is what God desires of us: to learn how to give as He has given to us His only begotten Son.

Imagine the difference it would make to a poor family this Christmas season if we shared with them something to eat—not merely from our excess, but from hearts willing to sacrifice. Imagine the hope we could restore if we gave them something to wear—not just from our surplus, but from genuine compassion and love.

And in every simple act of generosity, we quietly offer them the greatest gift of all—Jesus Himself, made present through our love, kindness, and concern.

As we celebrate Christmas, let us ask ourselves honestly and prayerfully: Do we truly embrace the mindset of giving, allowing Christ to be born not only in the manger, but in our hearts—and through us, in the lives of others? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita para Huwebes Disyembre 25 Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon (Misa sa Araw): Juan 1:1-18


Mabuting Balita: Juan 1:1-18
Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Anong uri ng kaisipan ang mayroon tayo sa panahong ito ng Pasko?

Sa panahon ng Pasko, inaanyayahan tayong huminto at suriin ang ating mga puso. May dalawang pangunahing kaisipan na humuhubog sa ating pag-iisip at pagkilos: ang kaisipan ng pagtanggap at ang kaisipan ng pagbibigay. Ang kaisipan ng pagtanggap ay nagdudulot sa atin ng pananabik at kasiyahan habang inaabangan natin ang mga regalo, pagdiriwang, at mga biyaya.

Ngunit may mas malalim at mas nagbibigay-buhay na kaisipan—ang kaisipan ng pagbibigay. Ito ang kaisipang gumigising sa ating kalooban ng isang taimtim na pagnanais na hinuhubog at pinananabikan ng Panginoong Hesus mismo. Kapag tayo ay nagbibigay, hindi lamang tayo nag-aabot ng isang bagay na materyal; tayo ay nagbibigay mula sa puso—isang handog na may saysay, may malasakit, at tunay na makabuluhan sa tumatanggap. Hindi tayo nagbibigay para lamang masabing nagbigay; tayo ay nagbibigay dahil tayo ay puno ng pag-ibig sa ating kapwa.

Ipinakita sa atin ng Diyos ang ganap na halimbawa ng ganitong pagbibigay. Ibinigay Niya sa atin ang Kaniyang Anak na si Hesus—ang Salitang nagkatawang-tao at nanahan sa atin. Siya ang Ilaw na nagliliwanag sa kadiliman, ang Ilaw na nagbibigay-buhay, kaliwanagan, at pag-asa sa mundong nasa gitna ng kadiliman.

Ang tunay na diwa ng Pasko ay matatagpuan sa kaisipan ng pagbibigay. Hindi mahalaga kung may matanggap man tayo o wala; ang mahalaga ay tayo ay marunong magbigay. Ito ang ninanais ng Diyos sa atin: ang matutong magbigay, tulad ng Kaniyang pagbibigay sa atin ng Kaniyang Bugtong na Anak.

Isipin natin kung gaano kalaki ang magiging epekto sa buhay ng isang mahirap na pamilya ngayong Pasko kung tayo ay magbabahagi sa kanila ng pagkain—hindi lamang mula sa ating sobra, kundi mula sa pusong handang magsakripisyo. Isipin din natin kung gaano kalaking pag-asa ang ating maibibigay kung tayo ay magbibigay ng damit o anumang materyal na bagay na mula sa kaibuturan n gating puso.

At sa bawat paggawa natin ng kabutihan, tahimik nating inihahatid sa kanila ang pinakadakilang handog—si Hesus mismo, na nagiging buhay sa pamamagitan ng ating pagmamahal at pagkalinga.

Sa pagdiriwang natin ng Pasko tanungin natin ang ating mga sarili nang taimtim at may panalangin: Mayroon ba talaga tayong kaisipan ng pagbibigay at pagtulong sa ating kapwa? — Marino J. Dasmarinas