Friday, January 02, 2026

Reflection for Saturday January 3 The Most Holy Name of Jesus: John 1:29-34


Gospel: John 1:29-34
John the Baptist saw Jesus coming toward him and said, “Behold, the Lamb of God, who takes away the sin of the world. He is the one of whom I said, ‘A man is coming after me who ranks ahead of me because he existed before me.’ I did not know him, but the reason why I came baptizing with water was that he might be made known to Israel.”  

John testified further, saying, “I saw the Spirit come down like a dove from heaven and remain upon him. I did not know him, but the one who sent me to baptize with water told me, ‘On whomever you see the Spirit come down and remain, he is the one who will baptize with the Holy Spirit.’ Now I have seen and testified that he is the Son of God.”

+ + + + + + +
Reflection:
When John was asked by the priests and Levites to confirm whether he was the Messiah, he answered with clarity and humility, “I am not the Messiah” (John 1:20). It never crossed John’s mind to claim a role that was not his.

From the very beginning, he knew who he was before God. He understood that he was only the precursor, the one sent to prepare the way. That is why he could humbly proclaim, “He must increase, but I must decrease” (John 3:30).

As we reflect more deeply on the life of John, we see a man who embraced simplicity. He avoided the spotlight, lived humbly, and refused to take credit for the works and wonders attributed to him. Instead, he consistently directed hearts and minds toward Jesus. John reminds us that true greatness is not found in drawing attention to ourselves, but in leading others to Christ.

John stands before us as a powerful image of a self-assured yet humble servant—one who was content with the role God entrusted to him. Fame, power, and even fortune were within his reach, yet he chose not to grasp them. How different this is from many of us, who are often tempted to seek recognition, approval, and praise whenever opportunities arise.

By virtue of our baptism, we are all called—especially those of us who know and practice our faith—to follow the example of John. We are invited to let God shine in and through us at all times, resisting the temptation to replace God with our own ambitions, desires, or self-interest.

We must be careful not to use God as a means to gain popularity, power, or influence. True service to God and His people is not measured by how visible or admired we are. Genuine service happens when we quietly and humbly carry out our responsibilities, offering everything for the greater glory of God and not for our own.

John chose humility and simplicity. He chose to make Jesus known rather than himself. As we journey in faith, may we also choose humility and simplicity, allowing our lives to point not to our achievements, but to Christ living in us.

The question now confronts us deeply: In our words, actions, and choices, are we allowing Christ to increase while we decrease—or are we still seeking to place ourselves at the center instead of Him? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Sabado Enero 3 Paggunita sa Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus: Juan 1:29-34


Mabuting Balita: Juan 1:29-34
Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan! Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong dumarating na kasunod ko ang isang higit sa akin sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak. Hindi ko rin siya lubos na nakikilala noon, bagamat ako’y naparitong nagbibinyag sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.” 

Ito ang patotoo ni Juan, “Nakita ko ang Espiritung bumababa buhat sa langit, gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya.

Hindi ko nga siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbinyag sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao – siya ang magbibinyag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’ Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Nang tanungin si Juan ng mga pari at mga Levita kung siya ba ang Mesiyas, buong kababaang-loob niyang sinabi, “Hindi ako ang Mesiyas” (Juan 1:20). Kailanman ay hindi pumasok sa isip ni Juan na akuin ang papel na hindi naman ibinigay sa kanya ng Diyos.

Mula pa sa simula, malinaw na sa kanya kung sino siya sa harap ng Diyos. Alam niyang siya ay tagapagpauna lamang—ang isinugo upang ihanda ang daan. Kaya nga buong pagpapakumbaba niyang ipinahayag, “Siya ang dapat maghari, at ako naman ay magpakumbaba” (Juan 3:30).

Kapag sinuri natin nang mas malalim ang buhay ni Juan, makikita natin ang isang taong namuhay nang payak. Iwas siya sa papuri at kasikatan, mapagpakumbaba, at hindi kailanman inangkin ang mga papuring ibinibigay sa kanya. Sa halip, palagi niyang itinuturo ang mga tao kay Hesus. Ipinapaalala sa atin ni Juan na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa kung gaano tayo napapansin, kundi sa kung paano natin dinadala ang iba patungo kay Kristo.

Si Juan ay larawan ng isang taong may matibay na pagkatao ngunit puspos ng kababaang-loob—kontento sa papel na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Nasa kanyang abot-kamay ang kasikatan, kapangyarihan, at maging kayamanan, ngunit hindi siya kailanman natukso na angkinin ang mga ito. Kay layo nito sa atin na madalas ay naghahangad ng papuri, pagkilala, at pansariling karangalan sa bawat pagkakataong dumarating.

Sa bisa ng ating binyag, tayong lahat—lalo na tayong may kaalaman at pananampalataya ay tinatawag ng Diyos na tularan si Juan. Tinatawag tayong hayaan ang Diyos na magningning sa ating buhay sa lahat ng pagkakataon, at iwasan ang tukso na palitan Siya ng ating mga ambisyon, hangarin, at pansariling interes.

Hindi natin dapat gamitin ang Diyos upang tayo’y sumikat, magkaroon ng kapangyarihan, o umangat sa paningin ng iba. Ang tunay na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan ay hindi tungkol sa kasikatan o kapangyarihan. Ang tunay na paglilingkod ay nagaganap kapag tahimik at mapagkumbaba nating ginagampanan ang ating mga tungkulin—ginagawa ang lahat para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos at hindi para sa ating sarili.

Pinili ni Juan ang kababaang-loob at kasimplehan. Pinili niyang itampok si Hesus kaysa sa kanyang sarili. Sa ating paglalakbay bilang mga mananampalataya, nawa’y piliin din natin ang kababaang-loob at kasimplehan.

 Kaya’t narito ang hamon para sa ating lahat: Sa ating mga salita, kilos, at pasiya, hinahayaan ba nating si Kristo ang maghari at tayo ang magpakumbaba—o patuloy pa rin nating inilalagay ang ating sarili sa gitna sa halip na Siya? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, January 01, 2026

Reflection for Friday January 2 Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen, Bishops and Doctors of the Church: John 1:19-28


Gospel: John 1:19-28
This is the testimony of John. When the Jews from Jerusalem sent priests and Levites to him to ask him, “Who are you?” He admitted and did not deny it, but admitted, “I am not the Christ.” So they asked him, “What are you then? Are you Elijah?” And he said, “I am not.” “Are you the Prophet?” He answered, “No.” 

So they said to him, “Who are you, so we can give an answer to those who sent us? What do you have to say for yourself?” He said: “I am the voice of one crying out in the desert, ‘Make straight the way of the Lord,’ as Isaiah the prophet said.” Some Pharisees were also sent. They asked him, “Why then do you baptize if you are not the Christ or Elijah or the Prophet?”  

John answered them, “I baptize with water; but there is one among you whom you do not recognize, the one who is coming after me, whose sandal strap I am not worthy to untie.” This happened in Bethany across the Jordan, where John was baptizing.

+ + + + + + +
Reflection:
Are we sometimes tempted to assume an honor that is not meant for us? Like John the Baptist, we too are often faced with moments when recognition, power, or popularity is within reach. John had the opportunity to claim an identity that was not his, yet he refused to give in to the temptation of fleeting power, adulation, and human praise.

We may not be able to compare ourselves to John the Baptist in every aspect of his virtuous life, but his humility speaks clearly to us. His unwavering commitment to what is right and moral is worthy of our emulation. John remained faithful to his mission as the humble precursor of Jesus, content to prepare the way rather than to take the spotlight.

We are invited to examine our own hearts. Are we humble enough to let others receive credit for an endeavor that was partly made possible through our efforts? Are we willing to remain in the background, even when we have every opportunity to stand at the forefront? True humility is tested not when we are unnoticed, but when we choose not to be noticed.

It is very tempting for us to indulge our ego and claim recognition for something that is not meant for us. Yet the Gospel gently reminds us that humility must guide our lives at all times. We are not called to bestow honors upon ourselves, but to serve quietly and allow others to acknowledge our contributions, accepting any recognition with gratitude and humility.

John teaches us that true greatness before the Lord is possible only through humility—there is no other way. The praise and admiration of the crowd may feel affirming, but they are intoxicating, temporary, and fleeting. What truly matters is how we stand before God.

Even when others take credit for the good we have done, we are assured that God is never asleep. He sees everything we do, and nothing is hidden from Him. More than our actions, God knows our intentions and the silent sacrifices of our hearts.

If we desire to draw closer to Jesus, to grow deeper in faith, and to earn the sincere respect of others, we must choose the path of humility each day. So we ask ourselves: Are we willing to step aside so that Christ may be seen more clearly in us?  – Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Biyernes Enero 2, Paggunita San Basilio Magno at San Gregorio Nasianceno mga Obispo at pantas ng Simbahan: Juan 1:19-28


Mabuting Balita: Juan 1:19-28
Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. “Kung gayo’y sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi po,” tugon niya. “Ikaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, “Hindi po.” 

“Sino ka kung gayun?” Tanong nila uli. “Sabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, “Ako ‘Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. 

Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Tayo ba ay minsang natutukso na angkinin ang parangal na hindi naman talaga para sa atin? Tulad ni San Juan Bautista, tayo rin ay humaharap sa mga sandaling ang pagkilala, kapangyarihan, at kasikatan ay tila abot-kamay. Nagkaroon si Juan ng pagkakataong angkinin ang isang pagkakakilanlang hindi kanya, ngunit hindi siya nagpadaig sa tukso ng panandaliang kapangyarihan, papuri, at paghanga ng tao.

Maaaring hindi natin kayang tumbasan si San Juan Bautista sa bawat aspeto ng kanyang banal at marangal na buhay, ngunit malinaw ang aral ng kanyang kababaang-loob para sa ating lahat. Ang kanyang matatag na paninindigan sa tama at moral ay karapat-dapat nating tularan. Nanatili siyang tapat sa kanyang misyon bilang mapagkumbabang tagapaghanda ng daan para kay Hesus.

Inaanyayahan tayong suriin ang ating mga puso. Tayo ba ay may sapat na kababaang-loob upang hayaang ang iba ang tumanggap ng papuri sa isang gawain na naisakatuparan din sa pamamagitan ng ating tulong? Kaya ba nating manatili sa likuran kahit may pagkakataon tayong maging nasa unahan? Doon sinusubok ang tunay na kababaang-loob kapag pinipili nating huwag mapansin kahit may karapatan tayong mapansin.

Napakadali para sa atin na pagbigyan ang ating kayabangan at angkinin ang papuri sa mga bagay na hindi naman talaga para sa atin. Ngunit tahimik na itinuturo ng Ebanghelyo na ang kababaang-loob ang dapat maging gabay ng ating buhay. Hindi tayo tinatawag na igawad sa ating sarili ang parangal, kundi maglingkod nang tahimik at hayaang ang iba ang kumilala at tinatanggap ito nang may pasasalamat at pagpapakumbaba.

Itinuturo sa atin ni Juan na ang tunay na kadakilaan sa harap ng Diyos ay posible lamang sa pamamagitan ng kababaang-loob—wala nang ibang daan. Ang papuri at paghanga ng karamihan ay maaaring nakalalasing sa damdamin, ngunit ito’y panandalian at lilipas din. Ang higit na mahalaga ay kung paano tayo tumatayo sa harap ng Diyos.

Kahit pa ang iba ang umani ng papuri sa mabubuting gawa na ginawa natin, makatitiyak tayong ang Diyos ay hindi natutulog. Nakikita Niya ang lahat ng ating ginagawa at wala tayong maitatago sa Kanya. Higit pa sa ating mga gawa, alam ng Diyos ang ating mga lihim na hangarin at tahimik na sakripisyo.

Kung nais nating mapalapit kay Hesus, lumago sa pananampalataya, at makamtan ang tunay na paggalang ng kapwa, araw-araw nating piliin ang landas ng kababaang-loob. Handa ba nating yakapin ang kababaang loob upang si Kristo ang lalong makita sa atin? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for Thursday January 1 Solemnity of Mary, the Holy Mother of God: Luke 2:16-21


Gospel: Luke 2:16-21
The shepherds went in haste to Bethlehem and found Mary and Joseph, and the infant lying in the manger. When they saw this, they made known the message that had been told them about this child.

All who heard it were amazed by what had been told them by the shepherds. And Mary kept all these things, reflecting on them in her heart. Then the shepherds returned, glorifying and praising God for all they had heard and seen, just as it had been told to them. 

When eight days were completed for his circumcision, he was named Jesus, the name given him by the angel before he was conceived in the womb.

+ + + + + + +
Reflection:
Amidst the joy and celebration of the people around her, the Blessed Mother remained silent. In the stillness of her heart, she pondered deeply the miracle that had unfolded before her. Surely, among the many things she reflected upon was this profound mystery—that she had been chosen to become the Mother of God.

Perhaps, in her quiet prayer, she asked herself, “Why was I given this great honor—to become the mother of the Messiah?” And perhaps this same question rises within our own hearts: among so many women of her time, why Mary and not others? Why did God choose her?

Indeed, God works in mysterious ways. He acts not according to human logic, but according to His divine will.

We experience this mystery in our own lives as well. Sometimes we find ourselves in places we never imagined—in a vocation, a responsibility, or a situation we never planned for, not even in our wildest dreams. We may ask ourselves why we are here, why we were led down this path. Yet, in faith, we come to realize that God has placed us where we are today for a reason. Nothing in our lives is accidental in the eyes of God.

Like Mary, when we pause to reflect deeply, we begin to recognize the weight and beauty of the responsibilities entrusted to us. The Blessed Mother embraced her calling with her whole heart. With humility and love, she raised Jesus to become a man for others, not a man only for Himself—a life poured out in self-giving love.

We, too, are called to serve in different fields of endeavor—whether in the vineyard of the Lord or in other areas of life. Wherever God has planted us, He calls us to recognize our responsibilities and to live them faithfully. Not with arrogance or brashness, but with humility, obedience, and gentleness. Not for our own glory, but for the good of others and for the greater glory of God.

As we reflect on Mary’s silent faith and generous yes, let us ask ourselves: Are we willing to trust God’s mysterious ways, embrace the responsibilities He has given us, and allow our lives—like Mary’s—to become a gift for others? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita para Huwebes Enero 1 Dakilang Kapistahan ni Maria Ina ng Diyos: Lucas 2:16-21


Mabuting Balita: Lucas 2:16-21
Noong panahong iyon: nagmamadali silang lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya't isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.

Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Sa gitna ng kagalakan at pagdiriwang ng mga tao sa paligid niya, nanatiling tahimik ang Mahal na Birhen. Sa katahimikan ng kanyang puso, taimtim niyang pinagbulayan ang himalang naganap sa kanyang harapan. Tiyak na isa sa kanyang pinagnilayan ay ang dakilang hiwagang siya ay pinili upang maging Ina ng Diyos.

Marahil, sa kanyang taimtim na panalangin, naitanong niya sa sarili, “Bakit ako ang binigyan ng ganitong dakilang karangalan—ang maging Ina ng Mesiyas?” At marahil, ito rin ang tanong na sumisibol sa ating mga puso: sa dami ng kababaihan noong kanyang panahon, bakit si Maria at hindi ang iba? Bakit siya ang pinili ng Diyos?

Tunay ngang mahiwaga ang mga paraan ng Diyos. Siya ay kumikilos hindi ayon sa kaisipan ng tao, kundi ayon sa Kanyang banal na kalooban.

Ganito rin ang ating karanasan. May mga pagkakataong natatagpuan natin ang ating mga sarili sa mga kalagayan at tungkuling hindi natin kailanman inakalang mapapasukan—hindi man lamang ito sumagi sa ating isipan, kahit sa ating mga pinakamatitinding pangarap.

Nagtatanong tayo kung bakit narito tayo, kung bakit tayo inilagay sa ganitong landas ng buhay. Ngunit sa liwanag ng pananampalataya, napagtatanto natin na inilagay tayo ng Diyos sa ating kinaroroonan sa isang mabuting dahilan. Walang nagaganap sa ating buhay na hindi batid ng Diyos.

Tulad ng Mahal na Ina, kapag tayo ay tumigil at taimtim na magnilay, unti-unti nating nauunawaan ang bigat at ganda ng mga pananagutang ipinagkatiwala sa atin. Tinanggap ni Maria ang kanyang bokasyon nang buong puso. Sa kababaang-loob at pag-ibig, pinalaki niya si Hesus upang maging isang taong para sa kanyang  kapwa—hindi lamang para sa Kanyang sarili—isang buhay na inialay para sa iba.

Tayo man ay nasa iba’t-ibang larangan ng paglilingkod—sa ubasan ng Panginoon o sa iba pang landas ng buhay. Saan man tayo inilagay ng Diyos, tayo ay tinatawag na kilalanin at isabuhay ang ating mga obligasyon sa Diyos at sa ating kapwa. Nang may kababaang-loob, pagsunod, at pag-ibig. Hindi para sa ating sariling kapurihan, kundi para sa kabutihan ng kapwa at sa higit na kaluwalhatian ng Diyos.

Sa ating pagninilay tanungin natin ang ating mga sarili: Handa ba tayong magtiwala sa mahiwagang mga paraan ng Diyos? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, December 30, 2025

Reflection for Wednesday December 31 Seventh Day within the Octave of the Nativity: John 1:1-18


Gospel: John 1:1-18
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things came to be through him, and without him nothing came to be. What came to be through him was life, and this life was the light of the human race; the light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it. 

A man named John was sent from God. He came for testimony, to testify to the light, so that all might believe through him. He was not the light, but came to testify to the light. The true light, which enlightens everyone, was coming into the world. 

He was in the world, and the world came to be through him, but the world did not know him. He came to what was his own, but his own people did not accept him.

But to those who did accept him he gave power to become children of God, to those who believe in his name, who were born not by natural generation nor by human choice nor by a man’s decision but of God.

And the Word became flesh and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father’s only-begotten Son, full of grace and truth.

John testified to him and cried out, saying, “This was he of whom I said, ‘The one who is coming after me ranks ahead of me because he existed before me.’

From his fullness we have all received, grace in place of grace, because while the law was given through Moses, grace and truth came through Jesus Christ. No one has ever seen God. The only-begotten Son, God, who is at the Father’s side, has revealed him.

+ + + + + + +
Reflection:
Have we done something to bring someone closer to the Lord?

John brought people to the Lord through his way of life. With humility and faithfulness, he prepared the way for Jesus. He led people closer to Christ, yet he never asked them to remain with him. Instead, he pointed them to Jesus—the One they were truly meant to follow. John’s life reminds us that our mission is not to draw attention to ourselves, but to lead others to the Lord.

Are we also willing to guide others to Jesus by the way we live our lives? Do we have the courage and the love to gently speak about Jesus to those around us? Oftentimes, it is not through grand words or dramatic actions that we evangelize, but through simple faithfulness—by living a life that reflects Christ. In doing so, we already point others to Him.

Some of us may say, “Sharing Jesus is not my responsibility; it belongs only to those who give their time to the Church.” But by virtue of our baptism, all of us have been empowered and entrusted with the mission to share Jesus and our faith in whatever way we can. The real question is not whether we are capable, but whether we are willing. Have we truly shared Jesus and our faith with others?

It is never too late to begin. As long as we live, sharing the Lord remains our duty and our mission. Let us not be afraid, for the Lord Himself walks with us, and the Holy Spirit—who makes all things possible—guides and strengthens us.

Today is New Year’s Eve, a time when our tables are often filled and our hearts are hopeful. Let us not forget to share what we have with those who are in need. We give not from our excess, but from a sincere desire to share from the depths of our hearts. Through our generosity, compassion, and kindness, those who are in darkness and those who are losing hope because of life’s harshness may catch a glimpse of the light of the Lord.

As we stand at the threshold of a new year, let us ask ourselves in prayer: Will our lives point others to Jesus, or will we keep Him to ourselves? And what concrete step can we take today to bring someone closer to the Lord? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Miyerkules Disyembre 31 Ikapitong Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Juan 1:1-18


Mabuting Balita: Juan 1:1-18
Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

+ + + + + + +
Repleksyon:
May nagawa na ba tayo upang mailapit ang ating kapwa sa Panginoon?

Inilapit ni Juan ang mga tao sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pamumuhay. Sa kanyang kababaang-loob, inihanda niya ang daan para kay Hesus. Inakay niya ang mga tao palapit kay Kristo, ngunit hindi niya hiniling na manatili sila sa kanya. Sa halip, itinuro niya si Hesus bilang ang Siyang dapat nilang sundan—hindi ang kanyang sarili. Ipinapaalala sa atin ng buhay ni Juan na ang ating misyon ay hindi upang ituon ang pansin sa ating sarili, kundi upang ihatid ang iba kay Hesus.

Tayo rin ba ay handang gumabay sa iba patungo kay Hesus sa pamamagitan ng ating pamumuhay? May lakas-loob at pagmamahal ba tayo upang marahang magsalita tungkol kay Hesus sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw? Kadalasan, hindi sa pamamagitan ng mabubulaklak salita o kahanga-hangang gawa natin naibabahagi ang pananampalataya, kundi sa simpleng pamumuhay na sumasalamin kay Kristo. Sa ganitong paraan, itinuturo na natin ang iba patungo sa Kanya.

May ilan sa atin ang nagsasabing, “Hindi ko tungkulin ang ibahagi si Hesus; para lamang ito sa mga taong naglilingkod sa Simbahan.” Ngunit sa bisa ng ating binyag, tayong lahat ay binigyan ng kapangyarihan at pananagutan na ibahagi si Hesus at ang ating pananampalataya sa abot ng ating makakaya. Ang tanong: naibahagi na ba talaga natin si Hesus at ang ating pananampalataya sa iba?

Hindi pa huli ang lahat. Habang tayo ay nabubuhay, nananatili ang ating tungkulin at misyon na ibahagi ang Panginoon. Huwag tayong matakot, sapagkat ang Panginoon ay laging kasama natin, at ang Espiritu Santo—na nagbibigay-buhay at kakayahan sa lahat ng bagay—ang patuloy na gumagabay sa atin.

Ngayong bisperas ng Bagong Taon, ay may inihahanda tayo sa ating mga hapag. Nawa’y ipaalala nito sa atin ang kahalagahan ng pagbabahagi sa mga nangangailangan. Hindi tayo magbibigay dahil hindi na natin kailagan, kundi mula sa taos-pusong pagnanais na magbahagi mula sa kaibuturan ng ating puso. Sa pamamagitan ng ating kabutihan, malasakit, at pagiging bukas-palad, ang mga nasa kadiliman at ang mga nawawalan ng pag-asa dahil sa bigat ng buhay ay makakita nawa ng liwanag ng Panginoon.

Sa pagtatapos ng taong ito at sa pagsisimula ng bago, tanungin natin ang ating sarili: Ang ating buhay ba ay nagtuturo sa iba patungo kay Hesus, o pinipili ba nating sarilinin Siya? At ano ang kongkretong hakbang na kaya nating gawin ngayon upang mailapit ang kahit isang kaluluwa sa Panginoon? — Marino J. Dasmarinas

Monday, December 29, 2025

Reflection for Tuesday December 30 Sixth Day within the Octave of the Nativity: Luke 2:36-40


Gospel: Luke 2:36-40
There was a prophetess, Anna, the daughter of Phanuel, of the tribe of Asher. She was advanced in years, having lived seven years with her husband after her marriage, and then as a widow until she was eighty-four. She never left the temple, but worshiped night and day with fasting and prayer.

And coming forward at that very time, she gave thanks to God and spoke about the child to all who were awaiting the redemption of Jerusalem.  When they had fulfilled all the prescriptions of the law of the Lord, they returned to Galilee, to their own town of Nazareth. The child grew and became strong, filled with wisdom; and the favor of God was upon him.

+ + + + + + +
Reflection:
What should we do to grow in wisdom about God?

We grow in wisdom when we intentionally invest our time with God. Time spent with Him is not wasted time—it is sacred time. It is in His presence that our hearts are shaped, our minds are enlightened, and our lives are transformed.

The prophetess Anna teaches us this truth. At eighty-four years old, she could have chosen a quiet and comfortable life. She could have stayed at home, taken things easy, and lived according to her own pace. Yet she chose something far greater.

She invested the remaining years of her life in God. Day after day, she remained in the temple, fasting and praying, dwelling in the presence of the Lord. No wonder she was filled with wisdom about God. Her wisdom flowed from a life rooted in prayer and constant communion with Him.

When we look at our own lives, we must ask ourselves: where do we spend most of our time today? Are we consumed by the pleasures, worries, and distractions of this world, giving God only what is left over—if anything remains at all?

So often, we postpone our commitment to God. We tell ourselves that we will spend more time with Him later—when we are older, when we are retired, when we are already weak and sick and finally feel our need for Him. But must it come to that? Must we wait until our strength is gone before we turn our hearts fully toward God?

Let us not make the mistake of taking God seriously only at the end of our lives. Let us not wait for sickness, loss, or weakness before we learn to pray deeply and trust fully. Instead, let us give God our time now—while we are still young or strong, while our hearts are still able to choose Him freely and joyfully.

In the Gospel, Anna was a constant presence in the temple. She worshiped God day and night through fasting and prayer. Her devotion did not begin in old age; it was the fruit of a lifetime of faithfulness. Her closeness to God did not happen by chance—it was nurtured through years of loving attention to Him.

How about us? When do we give God our time? The best moment to invest in God is not tomorrow, not next week, and not someday in the future. The best time is now. We do not know what tomorrow may bring, but we know that God is inviting us today—to draw near, to listen, and to remain in His presence.

Are we willing, here and now, to give God a real place in our daily lives—before comfort fades, before strength weakens, and before time slips quietly away? – Marino J. Dasmarinas  

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Martes Disyembre 30 Ika-anim Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Lucas 2:36-40


Mabuting Balita: Lucas 2:36-40
Noong Panahong iyon, naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya'y mabalo. At ngayon, walumpu't apat na taon na siya. 

Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. 

Nang maisagawa na nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.  

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang dapat nating gawin upang lumago sa karunungan tungkol sa Diyos?

Tayo ay lumalago sa karunungan kapag sinasadya nating ilaan ang ating oras sa Diyos. Ang oras na ibinibigay natin sa Kanya ay hindi nasasayang; ito ay banal na oras. Sa Kanyang presensya nahuhubog ang ating mga puso, naliliwanagan ang ating mga isip, at nababago ang ating buhay.

Ipinapaalala sa atin ng propetang si Ana ang katotohanang ito. Sa edad na walumpu’t apat, maaari sana siyang mamuhay nang tahimik at komportable. Maaari sana siyang manatili na lamang sa bahay, magpahinga, at mamuhay ayon sa sarili niyang kagustuhan.

Ngunit pinili niya ang mas dakilang landas. Inialay niya ang mga natitirang taon ng kanyang buhay sa Diyos. Araw at gabi siyang nanatili sa templo, nag-aayuno at nananalangin, namumuhay sa presensya ng Panginoon. Kaya’t hindi nakapagtataka na siya ay puspos ng karunungan tungkol sa Diyos—sapagkat ang kanyang karunungan ay bunga ng isang buhay na malapit sa Kanya.

Ngayon, marapat nating tanungin ang ating mga sarili: saan ba natin ginugugol ang karamihan ng ating oras? Inuubos ba natin ang ating lakas sa paghahabol sa mga aliw at alalahanin ng mundong ito, at binibigyan lamang ang Diyos ng kaunting oras—kung nagbibigay man tayo?

Madalas ay ipinagpapaliban natin ang ating ganap na pagbabalik-loob sa Diyos. Sinasabi natin sa ating mga sarili na sa ibang panahon na lamang tayo maglalaan ng mas maraming oras para sa Kanya—kapag tayo’y tumanda na, kapag tayo’y nagretiro na, kapag tayo’y nanghina at nagkasakit at saka lamang natin lubos na mararamdaman ang ating pangangailangan sa Kanya. Ngunit kailangan pa bang dumating sa ganoon?

Huwag nawa nating ulitin ang pagkakamali ng marami na seryosohin lamang ang Diyos sa huling yugto ng kanilang buhay. Huwag tayong maghintay na dapuan ng karamdaman bago tayo matutong manalangin nang taos-puso at magtiwala nang lubusan. Sa halip, ialay natin ang ating oras sa Diyos ngayon—habang tayo’y may lakas pa, habang ang ating mga puso ay malayang makapipili na mahalin at sundin Siya.

Sa Mabuting Balita, si Ana ay laging naroroon sa templo. Araw at gabi niyang sinasamba ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Ang kanyang debosyon ay hindi nagsimula sa katandaan; ito ay bunga ng habambuhay na katapatan. Ang kanyang pagiging malapit sa Diyos ay hindi nagkataon lamang—ito ay pinagyaman sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Kanya.

Kaya, tanungin natin ang ating mga sarili: kailan natin tunay na ibinibigay ang ating oras sa Diyos? Ang pinakamainam na panahon upang maglaan para sa Kanya ay hindi bukas, hindi sa susunod na mga araw o buwan—kundi ngayon. Hindi natin alam ang maaaring mangyari bukas, ngunit tiyak nating tayo ay inaanyayahan ng Diyos sa sandaling ito: lumapit, makinig, at manatili sa Kanyang presensya.

Handa ba tayong bigyan ang Diyos ng tunay na puwang sa ating pang-araw-araw na buhay—ngayon, bago tayo manghina at bago mawalan ng ilaw ang ating kandila sa mundong ito? – Marino J. Dasmarinas

Sunday, December 28, 2025

Reflection for Monday December 29 Fifth Day within the Octave of the Nativity: Luke 2:22-35

Gospel: Luke 2:22-35
When the days were completed for their purification according to the law of Moses, the parents of Jesus took him up to Jerusalem to present him to the Lord, just as it is written in the law of the Lord, Every male that opens the womb shall be consecrated to the Lord, and to offer the sacrifice of a pair of turtledoves or two young pigeons, in accordance with the dictate in the law of the Lord.  

Now there was a man in Jerusalem whose name was Simeon. This man was righteous and devout, awaiting the consolation of Israel, and the Holy Spirit was upon him. It had been revealed to him by the Holy Spirit that he should not see death before he had seen the Christ of the Lord. 

He came in the Spirit into the temple; and when the parents brought in the child Jesus to perform the custom of the law in regard to him, he took him into his arms and blessed God, saying: “Lord, now let your servant go in peace; your word has been fulfilled: my own eyes have seen the salvation which you prepared in the sight of every people, a light to reveal you to the nations and the glory of your people Israel.”  

The child’s father and mother were amazed at what was said about him; and Simeon blessed them and said to Mary his mother, “Behold, this child is destined for the fall and rise of many in Israel, and to be a sign that will be contradicted (and you yourself a sword will pierce) so that the thoughts of many hearts may be revealed.”

+ + + + + + +
Reflection:
Do we know how it feels to place our hope in no one but the Lord Jesus? Simeon, the man from Jerusalem, certainly knew this profound and grace-filled experience. Upon seeing the Child Jesus, he was ready to depart from this world in peace. His hope and salvation rested on no one but Jesus. Today, we are invited to ask ourselves: Is Jesus truly the Hope and Salvation of our lives?

Simeon was searching for Jesus, and guided by the Holy Spirit, he was led to find Him in the temple, where the Child was being offered to God by His parents. Like Simeon, do we search for Jesus? Do we truly thirst for Him? When our longing is sincere and our hearts are open, we, too, will surely find Jesus.

Yet many of us do not even bother to search for Him. We say we are busy, and we hardly make time for Jesus in our daily lives. And so, what happens to us? We slowly become burdened with many fears—the fear of sickness, the fear of suffering, the fear of death—and even more troubling, we lose our fear of sin. Simeon, in our Gospel reading, was not afraid of anything, not even death, because he had already found Jesus. Having encountered the Savior, his heart was at peace.

As we continue our journey in this world, we often chase after many worldly things—riches, power, achievements, higher learning, and recognition. We hope these will give us security and fulfillment. Yet none of these can give us true peace of mind; oftentimes, they only leave us restless and empty within.

Perhaps it is time for a change. Why not pause, take a step back, and stop running after things that cannot save us? Why not begin, once again, our search for Jesus? He is not far away. He is just around the bend, quietly waiting for us, ready to be found.

As the Lord assures us in Jeremiah 29:13: “You will seek Me and find Me when you search for Me with all your heart.”

Are we willing, like Simeon, to seek Jesus with our whole heart so that, when we finally find Him, we too may live—and even face death—in peace? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Lunes Disyembre 29 Ikalimang Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang: Lucas 2:22-35


Mabuting Balita: Lucas 2:22-35
Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa Kautusan ni Moises, sila'y pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, "Ang bawat Panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon." At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: "Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati."  

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala'y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay ng katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.  

Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya'y kinalong ni Simeon. Ito'y nagpuri sa Diyos, na ang wika, "Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin. Ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa: liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel."   

Namangha ang ama't ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Alam ba natin kung ano ang pakiramdam ng umasa ng lubusan—sa Panginoong Hesus? Tunay na naranasan ito ni Simeon, ang lalaking taga-Jerusalem. Nang makita niya ang Sanggol na si Hesus, handa na siyang pumanaw mula sa mundong ito nang may kapayapaan.

Ang kanyang pag-asa at kaligtasan ay nakasandig lamang kay Hesus. Kaya ngayon, inaanyayahan tayong magtanong sa ating sarili: Si Hesus nga ba ang Pag-asa at Kaligtasan ng ating buhay?

Hinahanap ni Simeon si Hesus, at sa patnubay ng Espiritu Santo, siya ay dinala sa templo kung saan inihahandog ang Sanggol sa Diyos ng Kanyang mga magulang. Tulad ni Simeon, hinahanap din ba natin si Hesus? Nauuhaw ba tayo sa Kanya? Kapag tapat ang ating paghahanap at bukas ang ating mga puso, tiyak na matatagpuan din natin si Hesus.

Ngunit marami sa atin ang halos hindi na naghahanap sa Kanya. Madalas nating sabihin na tayo ay abala, at halos wala na tayong panahon para kay Hesus. At ano ang nangyayari sa ating buhay?

Unti-unti tayong napupuno ng iba’t ibang takot—takot sa karamdaman, takot sa pagdurusa, takot sa kamatayan—at higit sa lahat, nawawala na rin ang ating takot gumawa ng kasalanan. Sa Mabuting Balita, si Simeon ay hindi natakot sa anuman, kahit sa kamatayan, sapagkat natagpuan na niya si Hesus. Nang makatagpo niya ang Tagapagligtas, napuno ng kapayapaan ang kanyang puso.

Habang ipinagpapatuloy natin ang ating paglalakbay sa mundong ito, madalas tayong naghahabol sa mga bagay ng sanlibutan—kayamanan, kapangyarihan, tagumpay, mataas na pinag-aralan, at pagkilala. Iniisip nating dito natin matatagpuan ang katiwasayan at kaganapan ng ating buhay. Ngunit ang totoo, hindi nito kayang ibigay ang tunay na kapayapaan ng ating isipan; kadalasan pa nga, lalo lamang tayong iniiwang balisa at hungkag sa kalooban.

Marahil panahon na para sa isang pagbabago. Bakit hindi tayo huminto sandali at itigil ang walang katapusang paghabol sa mga bagay na hindi naman makapagliligtas sa atin? Bakit hindi natin muling simulan ang paghahanap kay Hesus? Hindi Siya malayo. Siya ay naroon lamang, naghihintay sa atin nang may pagtitiyaga at pag-ibig.

Gaya ng pangako ng Panginoon sa Jeremias 29:13: “Hahanapin ninyo Ako at Ako’y inyong masusumpungan kapag hinanap ninyo Ako nang buong puso.”

Handa ba tayong, tulad ni Simeon, hanapin si Hesus nang buong puso para tayo ay magkakaroon ng tunay na kapayapaan? — Marino J. Dasmarinas

Friday, December 26, 2025

Reflection for Sunday December 28 Feast of the Holy Family of Jesus, Mary and Joseph: Matthew 2:13-15, 19-23


Gospel: Matthew 2:13-15, 19-23
When the magi had departed, behold, the angel of the Lord appeared to Joseph in a dream and said, “Rise, take the child and his mother, flee to Egypt, and stay there until I tell you. Herod is going to search for the child to destroy him.” Joseph rose and took the child and his mother by night and departed for Egypt. He stayed there until the death of Herod, that what the Lord had said through the prophet might be fulfilled, Out of Egypt I called my son.

When Herod had died, behold, the angel of the Lord appeared in a dream to Joseph in Egypt and said, “Rise, take the child and his mother and go to the land of Israel, for those who sought the child’s life are dead.” He rose, took the child and his mother, and went to the land of Israel. 

But when he heard that Archelaus was ruling over Judea in place of his father Herod, he was afraid to go back there. And because he had been warned in a dream, he departed for the region of Galilee. He went and dwelt in a town called Nazareth, so that what had been spoken through the prophets might be fulfilled, He shall be called a Nazorean.

+ + + + + +
Reflection:
The story is told of a husband and wife who had been married in the Church for more than twenty years. They were blessed with four grown-up children. One day, while the wife was rummaging through her husband’s belongings, she discovered a long-kept secret: her husband had another family.

To make a long story short, she confronted him and demanded that he choose between his legitimate family and his other family. Sadly, the philandering husband chose the latter. This painful story reminds us of how fragile families can become when faithfulness and commitment are set aside.

Today, we celebrate the Holy Family of Jesus, Mary, and Joseph. Unlike this heartbreaking story, the Holy Family stands firm—solid as a rock. They remained together through persecution, uncertainty, hardship, and trials, trusting always in God’s loving plan.

Saint Joseph stands before us as the model head of the family. He was obedient to the will of God, faithful to the Blessed Mother, and a loving protector of the Child Jesus. He had no other family and no divided heart. His life teaches us that true fatherhood and leadership are rooted in obedience, fidelity, and self-giving love.

As parents and family members, we are the drivers of our families. Where we go, our families follow. When we are faithful, responsible, and rooted in God, we help lead our families toward wholeness and holiness. But when we neglect our responsibilities, our children often bear the consequences when they form families of their own.

Our families are our domestic Church. It is within our homes that faith is first taught, prayers are first learned, and values are first formed. It is here where our children learn about God, morals, and respect for others. What will happen to them if we do not take time to nurture their faith? What if we do not bring them to Holy Mass? What if we fail to teach them our Roman Catholic faith? What if we neglect to teach them how to pray the Rosary, one of the most treasured and powerful prayers of the family?

As we honor the Holy Family today, let us examine our own families and our own hearts. Are we striving to make our homes places of faith, love, forgiveness, and prayer? Are we willing to follow the example of Jesus, Mary, and Joseph, even when the road is difficult?

What kind of family are we building, and are we truly leading our loved ones closer to God—or farther away from Him? — Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Linggo Disyembre 28 Kapistahan ng Banal na Mag-Anak nina Hesus, Maria at Jose: Mateo 2:13-15, 19-23


Mabuting Balita: Mateo 2:13-15, 19-23
Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.  

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.” Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto. “Magbangon ka,” sabi sa kanya, “iuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.” Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.  

Ngunit nang mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang si Herodes, siya’y natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip, kaya’t nagtungo siya sa Galilea. Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang sinabi ng mga propeta, “Siya’y tatawaging Nazareno.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa mag-asawang nagsama na nang mahigit dalawampung taon. Biniyayaan sila ng apat na anak na pawang nasa hustong gulang na. Isang araw, habang naghahalungkat ang asawa ng mga gamit ng kaniyang mister, nadiskubre niya ang isang matagal nang itinatagong lihim: may iba pa pala itong pamilya.

Kaya, hinarap niya ang kaniyang asawa at sinabi ang isang mabigat na pasya—pumili sa pagitan ng kaniyang tunay na pamilya at ng iba nitong pamilya. Sa kasamaang-palad, pinili ng lalaking nagtaksil ang kaniyang ibang pamilya. Ang masakit na kuwentong ito ay paalala sa ating lahat kung gaano kadaling mabuwag ang isang pamilya.

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak nina Hesus, Maria, at Jose. Di tulad ng nakakalungkot na kuwentong ito, ang Banal na Mag-anak ay matatag na parang bato. Nanatili silang magkakasama sa kabila ng pag-uusig, kahirapan, pangamba, at maraming pagsubok, sapagkat lubos ang kanilang pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Si San Jose ang huwaran ng haligi ng pamilya. Siya ay masunurin sa kalooban ng Diyos, tapat sa Mahal na Birheng Maria, at mapagmahal na tagapangalaga ng Batang Hesus. Wala siyang ibang pamilya at hindi nahati ang kaniyang puso. Ipinapakita ng kaniyang buhay na ang tunay na pamumuno sa pamilya ay nakaugat sa katapatan, pagsunod sa Diyos, at sakripisyong pagmamahal.

Bilang mga magulang at kasapi ng pamilya, tayo ang nagiging gabay at patnubay ng ating mga tahanan. Kung saan tayo patungo, doon din napapadpad ang ating pamilya. Kapag tayo ay responsable, tapat, at nakasandig sa Diyos, tinutulungan nating tahakin ng ating pamilya ang landas ng kabanalan. Ngunit kapag pinabayaan natin ang ating tungkulin, madalas ang ating mga anak ang nagdurusa sa mga bunga nito kapag sila naman ang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Ang ating mga pamilya ang ating munting Simbahan. Sa loob ng ating mga tahanan unang naituturo ang pananampalataya, unang natututuhan ang panalangin, at unang nahuhubog ang mabuting asal. Dito natututuhan ng ating mga anak ang tungkol sa Diyos, sa mabuting asal, at sa paggalang sa kapwa. Ano ang mangyayari sa kanila kung hindi natin sila inaalagaan at ginagabayan?

Ano ang mangyayari kung hindi natin sila dinadala sa Banal na Misa? Paano kung hindi natin sila tinuturuan ng ating pananampalatayang Katoliko? Paano kung hindi natin sila tinuturuan na magdasal ng Santo Rosaryo, isa sa pinakamahalaga at pinakapangunahing panalangin ng pamilya?

Habang ginugunita natin ang Banal na Mag-anak, suriin natin ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya. Ginagawa ba nating tahanan ng pananampalataya, pagmamahalan, kapatawaran, at panalangin ang ating mga tahanan? Handa ba tayong tularan sina Hesus, Maria, at Jose na nanatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok? — Marino J. Dasmarinas