Monday, September 22, 2025

Reflection for September 24 Wednesday of the 25th Week in Ordinary Time: Luke 9:1-6


Gospel: Luke 9:1-6
Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. 

Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.” Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

+ + + + +  + +

Reflection:

How do you live in this world? Do you live with your trust and confidence in Jesus, or are you living with your trust and confidence in yourself and in this world? 

When Jesus sent the twelve apostles on their mission of evangelization, He told them this: “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic” (Luke 9:3). What does this powerful statement of Jesus mean? In essence, He was telling the apostles: Rely on no one but Me, for I will provide for all of your needs! 

Did they rely on Jesus? Yes, they did—except for Judas Iscariot, who betrayed Him. The eleven trusted in Jesus completely; that is why they were very successful in their mission of evangelization. In fact, the majority of them even gave their lives out of faithfulness and reliance on Jesus. 

This is a good point of reflection for all of us as we continue our journey in this fleeting world. On whom do we rest our lives? Do we place them in the hands of Jesus, or do we anchor them in this world and in ourselves? Life is fragile—we can leave this world at any moment. What if we die without a personal friendship with the Lord because we were too busy with the affairs of this world? 

Many of us work tirelessly to accumulate temporal things. Some of us even sacrifice our Sundays, choosing work over worship, so that we can have more. And yet, in doing so, we trade the eternal for the temporary, the holy for the worldly. 

But reliance on material things will only leave us empty. Even if we were to accumulate all the riches of this world, our hearts would still hunger, and our souls would still feel a deep void. 

On the other hand, what if we rely on Jesus and build a personal friendship with Him? Then we are already complete. We become the happiest and most contented people in this world—even without material wealth—for the simple reason that Jesus is more than enough. His presence fills every emptiness, heals every wound, and satisfies every longing. 

The truth is, we cannot bring the material things of this world into the next life. But if we rest our lives in Jesus, we are assured of eternal life with Him in heaven. 

On whom do you rely—on the fleeting riches of this world, or on Jesus, who alone can give you eternal life? —Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Setyembre 24 Miyerkules sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 9:1-6


Mabuting Balita: Lucas 9:1-6
Noong panahong iyon, tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. 

Sila'y pinagbilinan niya: "Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay -- kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. 


At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila." Kaya't humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.
+ + + + + + +
Repleksyon:

Paano ka namumuhay sa mundong ito? Ikaw ba ay nabubuhay na ang iyong tiwala at kumpiyansa ay nasa Panginoong Jesus, o nabubuhay ka ba na ang iyong pagtitiwala at kumpiyansa ay nasa iyong sarili at sa mundong ito? 

Nang isugo ni Jesus ang labindalawang apostol sa kanilang misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita, sinabi Niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay—huwag dalhin ang tungkod, supot, pagkain, salapi, ni dalawang damit” (Lucas 9:3). 

Ano ang kahulugan ng napakahalagang pahayag na ito? Sa madaling salita, sinabi ni Jesus sa mga apostol: “Huwag kayong umasa kaninuman kundi sa Akin, sapagkat Ako ang magbibigay ng lahat ng inyong pangangailangan!” 

Umasa ba sila kay Jesus? Oo, maliban kay Judas Iscariote na nagtaksil sa Kanya. Ang labing-isa ay lubos na nagtiwala kay Jesus, kaya naging matagumpay sila sa kanilang misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Karamihan pa nga sa kanila ay inialay ang kanilang buhay bilang tanda ng katapatan at lubos na pag-asa sa Panginoon. 

Ito’y magandang pagninilayan habang nagpapatuloy tayo sa ating paglalakbay sa mundong pansamantala lamang. Kanino ba natin iniaasa ang ating buhay? Kay Jesus ba o sa mundong ito at sa ating sarili? Marupok ang buhay—anumang oras ay maaari tayong pumanaw. Ngunit paano kung dumating ang ating kamatayan na wala tayong tunay na pagkakaibigan at kaugnayan sa Panginoon, sapagkat abala tayo sa mga bagay na makamundo? 

Marami sa atin ang patuloy na nagpapagod upang makaipon ng mga panandaliang bagay. May ilan pa nga—o baka marami—na nagtatrabaho pa tuwing Linggo para lang makuha ang kanilang mga nais. At sa gayon, isinasakripisyo natin ang ating pagsamba sa Diyos sa Banal na Misa kapalit ng pag-iipon ng makamundong kayamanan. 

Ngunit ang pag-asa sa materyal na bagay ay hahantong lamang sa kawalan. Kahit taglayin pa natin ang lahat ng yaman ng mundong ito, mananatili pa ring hungkag ang ating puso at mananatili pa ring may malalim na pangangailagan ang ating kaluluwa na Panginoon lamang ang makakapuno. 

Subalit paano kung sa Panginoong Jesus tayo aasa at Siya’y magiging ating kaibigan? Tayo’y magiging masaya, at kontento—kahit wala tayong materyal na kayamanan. Sapagkat sapat na, at higit pa sa sapat, ang presensya ni Jesus. Dahil Siya ang pumupuno sa pangangailagan ng ating puso at kaluluwa. 

Wala tayong madadala ni isa mang materyal na bagay sa kabilang buhay. Ngunit kung kay Jesus natin isinasandig ang ating buhay, tiyak ang buhay na walang hanggan kasama Siya sa langit. 

Kanino ka sumasandig—sa mga kayamanang pansamantala ng mundong ito, o kay Jesus na Siya lamang ang makapagbibigay sa iyo ng kapanatagan at buhay na walang hanggan? —Marino J. Dasmarinas

Reflection for Tuesday September 23 Memorial of Saint Pius of Pietrelcina, Priest: Luke 8:19-21


Gospel: Luke 8:19-21
The mother of Jesus and his brothers came to him but were unable to join him because of the crowd. He was told, “Your mother and your brothers are standing outside and they wish to see you.” 

He said to them in reply, “My mother and my brothers are those who hear the word of God and act on it.”

+ + + + + + +

Reflection:

How could we become relatives of Jesus?

We have to hear and live His words. It’s not enough to only hear them; we must also act and live them daily. Many of us forget that we preach the words of Jesus most effectively by the way we live, and we give more substance to our faith when it is made visible in our actions. 

In a family setting, children learn about their faith when their parents teach them about it. But they learn even more when what is taught is lived out by their parents. In this way, the family becomes stronger, united, and able to withstand whatever trials it may encounter. 

But what if parents are simply content with teaching without living their faith? There would be a failure in the effective transmission of faith. The children would not fully embrace what was taught to them, for the simple reason that their parents did not walk their talk. 

In the same way, we become true teachers of the faith when we practice what we preach. We gain entrance to the family of God for the very same reason. Let us, therefore, not be content with simply hearing the words of Jesus. Let us live them courageously and faithfully, no matter how tempting the devil’s offer not to live them may be. 

Belonging to the family of Jesus is not a matter of words alone but of a life truly conformed to His. Are we content with merely hearing His voice, or will we rise to the challenge of living His words in every choice, every action, and every moment of our lives? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 23 Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari: Lucas 8:19-21


Mabuting Balita: Lucas 8:19-21
Noong panahong iyon, dumating ang ina at kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, "Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo." 

Ngunit sinabi ni Jesus, "Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid."

 + + + + + + +

Repleksyon:

Paano po ba tayo magiging kamag-anak ni Jesus? 

Kailangan nating pakinggan at isabuhay ang Kanyang mga salita. Hindi sapat na marinig lamang ito; kailangan din natin itong isabuhay araw-araw. Marami sa atin ang nakalilimot na ang pinakamabisang pangangaral ng mga salita ni Jesus ay nakikita sa paraan ng ating pamumuhay. Mas nagkakaroon ng saysay ang ating pananampalataya kapag ito ay naisasabuhay. 

Sa isang tahanan, natututo ang mga anak tungkol sa kanilang pananampalataya kapag itinuturo ito ng kanilang mga magulang. Subalit higit pa silang natututo kapag ang mga aral na itinuro ay nakikita nilang isinasabuhay mismo ng kanilang mga magulang. Sa ganitong paraan, nagiging mas matatag at nagkakaisa ang pamilya, at nagiging handa silang harapin ang anumang pagsubok na dumating. 

Ngunit paano kung ang mga magulang ay kuntento na lamang sa pagtuturo nang hindi naman isinasabuhay ang kanilang pananampalataya? Magkakaroon ng pagkukulang sa epektibong pagpapasa ng pananampalataya. Hindi lubusang matatanggap ng mga anak ang itinuro sa kanila, sapagkat hindi nakita sa kanilang mga magulang ang pagsasabuhay ng kanilang itinuturo. 

Sa parehong paraan, nagiging tunay tayong guro ng pananampalataya kapag isinasabuhay natin ang ating ipinapangaral. Nagiging kabilang tayo sa pamilya ng Diyos sa parehong dahilan din. Kaya’t huwag tayong makuntento na pakinggan lamang ang mga salita ni Jesus. Isabuhay natin ito nang buong katapatan, gaano man katindi ang tukso ng diyablo na huwag itong isabuhay. 

Ang pagiging kabilang sa pamilya ni Jesus ay hindi nakasalalay sa salita lamang kundi sa pagsasabuhay nito. Tayo ba ay kuntento na lang makinig, o handa tayong tanggapin ang hamon na isabuhay ang Kanyang mga salita sa bawat desisyon, bawat gawa, at bawat sandali ng ating buhay? – Marino J. Dasmarinas   

Sunday, September 21, 2025

Reflection for September 22 Monday of the 25th Week in Ordinary Time: Luke 8:16-18


Gospel: Luke 8:16-18
Jesus said to the crowd: No one who lights a lamp conceals it with a vessel or sets it under a bed; rather, he places it on a lampstand so that those who enter may see the light. For there is nothing hidden that will not become visible, and nothing secret that will not be known and come to light. 

Take care, then, how you hear. To anyone who has, more will be given, and from the one who has not, even what he seems to have will be taken away.”
+ + + + +  + +
Reflection:
What is our mission as followers of Jesus? It is to share in the ministry of His evangelization. Whatever we know about the Catholic faith, we are called to pass on. As our faith continues to grow and prosper, we not only deepen our own relationship with God but also help save more souls, offering spiritual direction and nourishment to the lives of others. 

In this world darkened by sin, Jesus calls us to be like the lamp placed on a lampstand, giving light to everyone around us. We light this darkened world with the teachings of Jesus; we brighten it by living our lives according to His will. Our witness becomes a flame that others can see and follow. 

Just imagine a family that never speaks of Jesus. Silence about Him often means distance from Him—and most likely, from the life of the Church. What happens to such a family without the light of Jesus? This is where the sacred role of parents comes in. They are entrusted to be the first bearers of Christ’s light in the home. 

Parents must seize every opportunity to introduce their children to Jesus. A child who is brought to Holy Mass, who is introduced to Jesus through the Scriptures, and who is formed in the teachings of Christ and His Church will carry a light that will never fade. Such a child grows up guided, enlightened, and strengthened by Christ. And such a family will walk through life without fear, because the light of Jesus is with them. 

But in today’s digital world, where so many children are shaped by screens and influenced by fleeting trends, we must ask ourselves: Do we still make the effort to pass on the light of Jesus to them? Is His lamp burning brightly in our homes, or have we allowed it to dim under the pressures of modern life? 

Will you let your faith shine so brightly that your family, your children, and even the social media–savvy generation of today will come to know, love, and follow Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 22 Lunes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 8:16-18


Mabuting Balita: Lucas 8:16-18
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. 

Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag. Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niya nasa kanya.”
 + + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ating misyon bilang mga tagasunod ni Jesus? Ito ay ang makibahagi sa Kanyang gawain ng ebanghelisasyon. Anuman ang ating nalalaman tungkol sa pananampalatayang Katoliko, tungkulin nating ibahagi ito. 

Dapat habang lumalago at namumunga ang ating pananampalataya, dapat ay naglalaan din tayo ng panahon na ibahagi ito. Para mailigtas natin ang ating kapwa sa kasamaan ng mundo. 

Sa mundong nababalot ng kadiliman at kasalanan, tinatawag tayo ni Jesus na maging ilaw na nagbigay-liwanag sa lahat. Pinapaliwanag natin ang mundong ito sa pamamagitan ng Kanyang mga aral; pinapaliwanag natin ito sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa Kanyang kalooban. Ang ating patotoo ay nagiging apoy na nakikita at nasusundan ng iba. 

Isipin natin ang isang pamilyang hindi kailanman nag-uusap tungkol kay Jesus. Ang katahimikan tungkol kay Jesus ay madalas na palatandaan ng hindi natin masyadong pagkakilala sa kanya. Ano ang mangyayari sa pamilyang ganito kung wala ang liwanag ni Jesus? Dito pumapasok ang napakahalagang papel ng mga magulang. Dahil sila ang unang inatasang magdala ng liwanag ni Jesus sa kanilang tahanan. 

Dapat samantalahin ng mga magulang ang bawat pagkakataon upang ipakilala si Jesus sa kanilang mga anak. Ang batang dinadala sa Banal na Misa, ipinakikilala kay Jesus sa pamamagitan ng pagtuturo sa Kanyang buhay sa Biblia ay magkakaroon ng ilaw na hindi kailanman mapapawi. Ang ganitong bata ay lalaki na may gabay at lakas ni Cristo. At ang pamilyang ito ay makalalakad sa buhay nang walang takot sapagkat kasama nila si Jesus. 

Ngunit sa makabagong panahon ngayon, kung saan malaki ang impluwensya ng social media kailangan nating tanungin ang ating sarili: Ibinabahagi pa ba natin ang liwanag ni Jesus sa mga kabataan ngayon? Nananatiling maliwanag ba ang lampara ni Jesus sa ating mga tahanan, o hinayaan na nating ito’y mamatay dahil sa bigat ng mga alalahanin ng mundo? 

Ibabahagi mo ba si Jesus at ang kanyang mga turo sa  iyong pamilya para mas magkaroon ng sigla at liwanag ang buhay nila?  — Marino J. Dasmarinas

Saturday, September 20, 2025

Reflection for September 21 Twenty-fifth Sunday in Ordinary Time: Luke 16:1-13


Gospel: Luke 16:1-13
Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property.  He summoned him and said, ‘What is this I hear about you? Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ 

The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ 

He called in his master’s debtors one by one.  To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another the steward said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred kors of wheat.’ 

The steward said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. “For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than are the children of light. 

I tell you, make friends for yourselves with dishonest wealth, so that when it fails, you will be welcomed into eternal dwellings.The person who is trustworthy in very small matters is also trustworthy in great ones; and the person who is dishonest in very small matters is also dishonest in great ones. 

If, therefore, you are not trustworthy with dishonest wealth, who will trust you with true wealth?  If you are not trustworthy with what belongs to another, who will give you what is yours? No servant can serve two masters. He will either hate one and love the other, or be devoted to one and despise the other. You cannot serve both God and mammon.”

+ + + + + + +

Reflection:

Do you recognize that what you have right now—money, power, earthly wealth, and even life itself—is not actually yours? Many of us act as if everything we possess was earned solely by the sweat of our brow. As a result, we become too selfish with what we have, clinging to it as though our very lives depend on it. 

Yet, we fail to realize that we are simply stewards of all these blessings. At God’s appointed time, we will be called to give an account of everything He has entrusted to us. On that day, the Lord will ask: “What have you done with the things I entrusted to you—your talents, your wealth, your time, and even your life? Did you use them only to advance your own selfish agenda, or did you use them to serve Me and others?”

The steward in today’s Gospel failed miserably in his task to care for his master’s wealth. Because of his unfaithfulness, everything that had been entrusted to him was taken back. 

We too are merely stewards. Everything we possess has been allowed by God’s invisible hand. He has guided and helped us acquire what we have—not for our selfish gain, but so that we may bless others. 

But sadly, many of us act as though we earned everything on our own. We bow before the false god of greed, clinging tightly to our possessions, refusing to share, and neglecting to help—even when we have the means to do so. 

The truth is this: what we cling to today will one day be taken from us. But what we give in love, in faith, and in service to God and others, will echo into eternity. 

When the Lord calls you to account for your life, will you be found faithful in using His blessings to glorify Him and to serve others—or will you be found clinging to treasures that cannot last? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Setyembre 21, Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 16:1-13


Mabuting Balita: Lucas 16:1-13

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinatanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ 

Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. 

Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ 

Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.” 

At nagpatuloy si Hesus ng pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. 

Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? 

“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

+ + + + + + +

Repleksyon:

Naiisip po ba natin na ang lahat ng mayroon tayo ngayon—pera, kapangyarihan, kayamanang makamundo, at maging ang ating buhay—ay hindi talaga sa atin? Madalas akala natin na lahat ng ating tinatamasa ay bunga lamang ng ating sariling pawis at pagsisikap. Dahil dito, nagiging makasarili tayo at kapit-tuko sa mga bagay na mayroon tayo, na para bang dito nakasalalay ang ating buhay. 

Ngunit hindi natin namamalayan na tayo ay mga katiwala lamang ng mga pagpapalang ito. Sa takdang oras ng Diyos, pananagutin Niya tayo sa lahat ng ipinagkatiwala Niya sa atin. At sa araw na iyon, itatanong ng Panginoon: “Ano ang ginawa mo sa mga bagay na ipinagkatiwala Ko sa iyo—ang iyong mga talento, ang iyong kayamanan, ang iyong oras, at maging ang iyong buhay? Ginamit mo ba ang mga ito para sa pansarili mong hangarin, o upang maglingkod sa Akin at sa iyong kapwa?” 

Sa ating pong Mabuting Balita, nabigo ang katiwala sa tungkuling iniatang sa kanya na pangalagaan ang kayamanang ipinagkatiwala ng kanyang panginoon. Dahil sa hindi siya nagging tapat, lahat ng ipinagkatiwala sa kanya ay binawi. 

Tayo man ay mga katiwala lamang. Ang lahat ng ating tinatamasa ay hindi natin sariling gawa kundi bunga ng gabay at tulong ng Diyos. Hindi Niya ito ibinigay upang tayo’y maging makasarili, kundi upang maging daan ng pagpapala sa iba. 

Ngunit sa kasamaang palad, marami sa atin ang kumikilos na para bang tayo lamang ang nagtagumpay. Yumuyuko tayo sa huwad na diyos ng kasakiman, at nagiging maramot sa pagbabahagi at pagtulong, kahit may kakayahan naman tayo. 

Isang katotohanan ang dapat nating tandaan: lahat ng bagay na pinanghahawakan natin ngayon ay lilipas din. Subalit ang lahat ng ating ibinabahagi nang may pagmamahal, pananampalataya, at paglilingkod sa Diyos at kapwa ay mananatili magpakailanman. 

Kapag dumating ang araw na tayo ay pananagutin ng Panginoon, makakapagsulit ba tayo ng maayos sa paggamit ng Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin? – Marino J. Dasmarinas

Friday, September 19, 2025

Reflection for Saturday September 20 Memorial of Saint Andrew Kim Tae-gon, Priest, and Paul Chong Ha-sang, and Companions, Martyrs: Luke 8:4-15


Gospel: Luke 8:4-15
When a large crowd gathered, with people from one town after another journeying to him, he spoke in a parable.  “A sower went out to sow his seed. And as he sowed, some seed fell on the path and was trampled, and the birds of the sky ate it up. 

Some seed fell on rocky ground, and when it grew, it withered for lack of moisture.  Some seed fell among thorns, and the thorns grew with it and choked it. And some seed fell on good soil, and when it grew, it produced fruit a hundredfold.” After saying this, he called out, “Whoever has ears to hear ought to hear. 

Then his disciples asked him what the meaning of this parable might be. He answered, “Knowledge of the mysteries of the kingdom of God has been granted to you; but to the rest, they are made known through parables so that ‘they may look but not see, and hear but not understand.’ 

“This is the meaning of the parable. The seed is the word of God. Those on the path are the ones who have heard, but the devil comes and takes away the word from their hearts that they may not believe and be saved. Those on rocky ground are the ones who, when they hear, receive the word with joy, but they have no root; they believe only for a time and fall away in time of trial. 

As for the seed that fell among thorns, they are the ones who have heard, but as they go along, they are choked by the anxieties and riches and pleasures of life, and they fail to produce mature fruit. But as for the seed that fell on rich soil, they are the ones who, when they have heard the word, embrace it with a generous and good heart, and bear fruit through perseverance.
+ + + + +  + +
Reflection:
How do you receive the Word of God? When you open the Bible and encounter the very words of Jesus, do you pause to reflect, discern, and let them speak deeply to your heart—so much so that you feel compelled to share them? Or do you simply read them and move on, leaving nothing eventful to blossom within your soul? 

And when you hear the Word of God proclaimed during Holy Mass, how do you respond? Do you allow yourself to be moved by it so that it stirs you to live your faith more fully, to do good, and to make a lasting impact on the lives of your fellowmen? 

The words of Jesus are the seeds He lovingly plants in our hearts. His expectation is clear: that we become fruit-bearing followers, living witnesses from whom others can discover His presence and the beauty of our faith. We are not called to be Christians in name only, passively absorbing the Word of God without action. We are called to bear fruit. 

That is why we must share the words of Jesus. The time, effort, and resources we spend in doing so are never wasted, for He Himself promised that whatever we invest for the spread of His teachings will be returned to us a hundredfold. 

The Word of God is alive, powerful, and life-changing—but only if we let it transform us. Will you allow the seeds of His Word to take root in your heart today and bear fruit in your life, or will you let them wither away in silence? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Setyembre 20 Paggunita San Andres Kim Taegon, pari, San Pablo Chong Hasang at mga kasama, mga martir: Lucas 8:4-15


Mabuting Balita: Lucas 8:4-15
Noong panahong iyon, datingan ng datingan ang mga taong naggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Jesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghaggang ito:"May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito'y tinuka ng mga ibon. May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. 

May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. Ang iba'y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-iisangdaang butil." At malakas niyang idinugtong, "Makinig ang may pandinig!"
  
Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. Sumagot si Jesus, "Sa inyo'y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba'y sa pamamagitan ng talinghaga, upang: 'Tumingin man sila'y hindi makakita; At makinig man sila'y di makaunawa.'"  

"Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ng salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso.  

Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya't hindi nahinog ang kanilang mga bunga. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa'y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila'y nagtitiyaga hanggang sa mamunga."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Paano ba natin tinatanggap ang Salita ng Diyos? Kapag binubuksan natin ang Biblia at nababasa ang mga salita ni Jesus, pinagninilayan ba natin ito, at hinahayaan na tumimo sa ating mga puso—hanggang sa maramdaman nating kailangan itong ibahagi? O binabasa lamang natin ito at pagkatapos ay nagwawakas na sa pagbabasa, na tila walang nangyaring makabuluhan sa ating pagkatao? 

Kapag naririnig natin ang Salita ng Diyos na ipinapahayag sa Banal na Misa, paano po tayo tumutugon? Hinahayaan ba nating pukawin tayo nito para isabuhay ang ating  pananampalataya, gumawa ng mabuti, at mag-iwan ng positibong bakas sa buhay ng ating kapwa? 

Ang mga salita ni Jesus ay mga binhi na Kanyang inihahasik sa ating mga puso. Malinaw ang Kanyang inaasahan: na tayo ay maging mga tagasunod na namumunga at nagiging mga buhay na saksi kung saan matutuklasan ng iba ang Kanyang presensya sa ating pagkatao. Hindi tayo tinawag upang maging Kristiyano sa pangalan lamang—tinawag tayo upang magsabuhay ng ating pananampalataya. 

Kaya’t kailangan nating ibahagi ang mga salita ni Jesus. Ang oras, pagsisikap, at yaman na ating ginugugol ay hindi masasayang, sapagkat Siya mismo ang nangakong ibabalik sa atin nang masagana, maging isang daang ulit, ang anumang ating inalay para sa pagpapalaganap ng Kanyang mga aral. 

Ang Salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan kung hahayaan natin itong mamunga sa ating pagkatao at puso. Hahayaan mo ba ang mga binhi ng Kanyang Salita na mag-ugat at mamunga sa iyong buhay ngayon, o pababayaan mong ito’y matuyo at tuluyang mawala na lamang na parang bula? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, September 18, 2025

Reflection for September 19 Friday of the 24th Week in Ordinary Time: Luke 8:1-3


Gospel: Luke 8:1-3 
Jesus journeyed from one town and village to another, preaching and proclaiming the good news of the Kingdom of God. 

Accompanying him were the twelve and some women who had been cured of evil spirits and infirmities, Mary, called Magdalene, from whom seven demons had gone out, Joanna, the wife of Herod’s steward Chuza, Susanna, and many others who provided for them out of their resources.
+ + + + + + +
Reflection:
Do you want to follow Jesus?

As an itinerant preacher and healer, Jesus was always with a group of people: they were His followers and perhaps His logistical and emotional support system as well. They were always there for Jesus, ever ready to help and support Him in whatever way possible.

Who does Jesus represent today? He is represented by anyone who humbly, effectively, and truthfully proclaims His teachings. He could be your friend, father, mother, brother, priest, pastor, or anyone who faithfully follows Him.

Any one of us can follow Jesus. Nobody, in fact, is being prevented from following Him. Why? Because when you decide to follow Jesus, your life will begin to have direction. Your perspective about life will change as well. This is the miracle that occurs when someone decides to follow the Lord.

Some of your ailments will also be cured—most especially ailments of the mind, spirit, and emotions. This is the miracle that happens when a person decides to faithfully follow Jesus.

Following Jesus is not about perfection; it is about surrender. It is about walking with Him daily, even when life feels heavy, uncertain, or painful. To follow Jesus is to allow Him to transform your heart, guide your steps, and use your life as a light for others.

Would you faithfully follow the Lord—not only when it is convenient, but even when it requires sacrifice and trust? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 19 Biyernes sa Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 8:1-3


Mabuting Balita: Lucas 8:1-3
Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.

Kasama niya ang Labindalawa, at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Maria Magdalena mula sa kanya'y pitong demonyo ang pinalayas; si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nais mo bang sumunod kay Jesus? 

Bilang isang naglalakbay na mangangaral at manggagamot, si Jesus ay laging may kasamang mga tao: sila ang Kanyang mga tagasunod. Lagi silang naroroon para kay Jesus—laging handa upang tumulong at umalalay sa anumang paraan. 

Sino ang kumakatawan kay Jesus sa panahon ngayon? Sila’y ang mga taong mapagpakumbaba, tapat, at totoong ipinahahayag ang Kanyang mga turo. Maaaring siya’y iyong kaibigan, ama, ina, kapatid, pari, pastor, o sinumang tapat na sumusunod kay Jesus. 

Kahit sino sa atin ay maaaring sumunod kay Jesus. Walang sinuman ang pinipigilan upang sumunod sa Kanya. Bakit? Sapagkat kapag pinili mong sumunod kay Jesus, ang iyong buhay ay magkakaroon ng malinaw na direksyon. Magbabago rin ang iyong pananaw sa buhay. Ito ang himalang nangyayari kapag ang isang tao ay nagpapasya na sundan ang Panginoon ng tapat. 

Pagagalingin din ng Panginoon ang karamihan ng iyong mga sakit—lalo na ang mga sakit ng espiritu at damdamin. Ito ang himalang nagaganap kapag ang isang tao ay tapat na sumusunod kay Jesus. 

Ang pagsunod kay Jesus ay hindi tungkol sa pagiging perpekto, kundi tungkol sa buong pusong pagsuko. Ito ay tungkol sa paglalakad kasama Niya araw-araw—kahit sa oras ng mga problema , panghihina ng kalooban, o sakit. Ang pagsunod kay Jesus ay pagbibigay-daan sa Kanya na baguhin ang iyong puso, patnubayan ang iyong mga hakbang, at gamitin ang iyong buhay bilang liwanag para sa iba. 

Handa ka bang tapat na sumunod sa Panginoon—hindi lamang kapag madali at maginhawa, kundi maging sa oras na ito’y mangailangan ng sakripisyo at pagtitiwala? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, September 17, 2025

Reflection for September 18 Thursday of the 24th Week in Ordinary Time: Luke 7:36-50


Gospel: Luke 7:36-50
A certain Pharisee invited Jesus to dine with him, and he entered the Pharisee’s house and reclined at table. Now there was a sinful woman in the city who learned that he was at table in the house of the Pharisee. 

Bringing an alabaster flask of ointment, she stood behind him at his feet weeping and began to bathe his feet with her tears. Then she wiped them with her hair, kissed them, and anointed them with the ointment. 

When the Pharisee who had invited him saw this he said to himself, “If this man were a prophet, he would know who and what sort of woman this is who is touching him, that she is a sinner.” 

Jesus said to him in reply, “Simon, I have something to say to you.” “Tell me, teacher,” he said. “Two people were in debt to a certain creditor; one owed five hundred days’ wages and the other owed fifty. Since they were unable to repay the debt, he forgave it for both. 

Which of them will love him more?” Simon said in reply, “The one, I suppose, whose larger debt was forgiven.” He said to him, “You have judged rightly.” Then he turned to the woman and said to Simon, “Do you see this woman? 

When I entered your house, you did not give me water for my feet, but she has bathed them with her tears and wiped them with her hair. You did not give me a kiss, but she has not ceased kissing my feet since the time I entered. You did not anoint my head with oil, but she anointed my feet with ointment. 

So I tell you, her many sins have been forgiven; hence, she has shown great love. But the one to whom little is forgiven, loves little.” He said to her, “Your sins are forgiven.” The others at table said to themselves, “Who is this who even forgives sins?” But he said to the woman, “Your faith has saved you; go in peace.”
+ + + + + + +
Reflection:
What compelled the woman to wet the feet of Jesus with her tears? What moved her to wipe His feet with her hair, kiss them, and anoint them with ointment? 

It was her deep awareness of her sinfulness. She had grown weary of living in darkness, and when she heard that Jesus was in Simon’s house, her heart could no longer resist. She did everything she could to draw near to Him, offering the only thing she had—her humble, broken self—expressed in simple yet profound acts of love. 

The repentant woman never uttered a word of request. She did not verbally ask Jesus for forgiveness, yet her actions spoke more powerfully than any words. Her tears, her kisses, her gesture of anointing were silent cries of a contrite heart longing for mercy and renewal—something only Jesus could give. And by her actions, Jesus recognized her desire for forgiveness. In His boundless compassion, He granted her the gift she most longed for: pardon and new life. 

She never feared condemnation or judgment. Her gaze was fixed only on the merciful love of Jesus. This is the same Jesus who meets us today: the God who does not condemn us, no matter how heavy our sins; the God who does not judge us according to our past but who welcomes us with open arms when we humbly return. 

What matters most to Jesus is not the weight of our past but the choice we make today—to walk away from sin and live in the freedom of His grace. The past is no longer important once we bring it before His mercy. What He looks for is the humility of a repentant heart and the courage to begin anew. 

The woman’s humble act was her prayer, her plea for forgiveness, her surrender of her past. She spoke to Jesus not with her lips but with her heart, and Jesus heard the cry of her soul 

And so, we are invited to ask ourselves: When was the last time we poured out our hearts before Jesus in true humility? Will we, like the repentant woman, come before Him—not with excuses, but with tears of repentance and the courage to leave behind our sins—so that He may heal us and make us new? —Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 18 Huwebes sa Ika-24 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 7:36-50


Mabuting Balita: Lucas 7:36-50
Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya’t nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 

At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya — isang makasalanan!” 

Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot siya, “Ano po iyon, Guro?” Sinabi ni Hesus, “May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa’y limandaang denaryo at ang isa nama’y limampu. Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?” Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po’y ang pinatawad ng malaking halaga.” 

“Tama ang sagot mo,” ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. 

Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok siya ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. 

Kaya’t sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.” Saka sinabi sa babae, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 

At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili,

“Sino ba itong pati pagpapatawad sa kasalanan ay pinangangahasan?” Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang nagtulak sa babae upang basain ng luha ang mga paa ni Jesus? Ano ang nag-udyok sa kanya upang punasan ang mga ito ng kanyang buhok, halikan, at pahiran ng pabango? 

Ito ay ang kanyang malalim na pagkilala sa sariling mga kasalanan. Sawang-sawa na siyang mamuhay sa dilim ng kasalanan, at nang marinig niyang si Jesus ay nasa bahay ni Simon, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. 

Ginawa niya ang lahat upang makalapit kay Jesus, iniaalay ang tanging mayroon siya—ang kanyang mapagpakumbabang pusong sugatan—na ipinakita sa mga payak ngunit taos-pusong gawa ng pag-ibig at pagsisisi. 

Hindi humingi ng kapatawaran ang babaeng makasalanan sa pamamagitan ng salita. Ngunit ang kanyang mga luha, ang kanyang mga halik, at ang kanyang pagpapahid ng pabango ay nagsilbing tahimik na sigaw ng isang pusong nagsisisi, nananabik sa awa at pagbabagong tanging si Jesus lamang ang makapagbibigay. 

At sa kanyang mga kilos, nakita ni Jesus ang kanyang hangarin na mapatawad. Sa Kanyang walang hanggang habag, ipinagkaloob Niya ang kaloob na pinakaninais ng babae: kapatawaran at bagong buhay. 

Hindi siya natakot na siya ay hatulan o kondenahin. Nakatutok lamang ang kanyang puso sa mapagpalang awa ni Jesus. Ganito rin ang Jesus na nakikilala natin ngayon: isang Diyos na hindi kumokondena gaano man kabigat ang ating mga kasalanan; isang Diyos na hindi humahatol batay sa ating nakaraan, kundi patuloy na umaakay sa atin kapag tayo’y taos-pusong nagbabalik-loob sa kanya. 

Para kay Jesus, ang pinakamahalaga ay hindi ang bigat ng ating mga kasalanan noon kundi ang desisyon natin ngayon—ang iwanan ang ating buhay makasalanan at mamuhay sa kalayaan ng Kanyang biyaya. Hindi na mahalaga ang nakaraan kapag ito’y ating boung pusong ihingi ng tawad sa kanya. Ang tinitingnan ni Jesus ay ang kababaang-loob ng pusong nagsisisi na handing magsimulang muli. 

Angboung kababaang loob na ginawa ng babae ay kanyang panalangin, ang kanyang pagsusumamo ng kapatawaran, ang kanyang pagtalikod sa kanyang madilim na nakaraan. Nagsalita siya kay Jesus hindi sa pamamagitan ng labi kundi sa pamamagitan ng kanyang puso—at narinig ni Jesus ang daing ng kanyang kaluluwa. 

Kailan ba ang huling pagkakataon na ibinuhos natin ang ating puso kay Jesus sa tunay na pagpapakumbaba? Handa ba tayong lumapit sa Kanya—hindi dala ang mga dahilan, kundi may luha ng pagsisisi at tapang na iwan ang kasalanan—upang tayo’y Kanyang patawarin at bigyan ng bagong buhay? —Marino J. Dasmarinas