Thursday, September 11, 2025

Reflection for September 12 Friday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:39-42


Gospel: Luke 6:39-42
Jesus told his disciples a parable: “Can a blind person guide a blind person? Will not both fall into a pit? No disciple is superior to the teacher; but when fully trained, every disciple will be like his teacher. Why do you notice the splinter in your brother’s eye, but do not perceive the wooden beam in your own? 

How can you say to your brother, ‘Brother, let me remove that splinter in your eye,’ when you do not even notice the wooden beam in your own eye? You hypocrite! Remove the wooden beam from your eye first; then you will see clearly to remove the splinter in your brother’s eye.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are you self-righteous?

Every once in a while, we all become guilty of this offense called self-righteousness. We see ourselves as being above others; hence, we are quick to point out the offenses of our fellowmen. Why is this so? Is it brought about by our self-serving perception that we are closer to God than anyone else? Is it brought about by our social or economic status?

It’s all of the above and more. But the problem with self-righteous individuals is that they see only the shortcomings of others, not their own. They are very quick to judge the wrongs of others but blind to their own.

The moment we judge others, we also open ourselves to judgment. By judging them, we also invite them to judge us. If we don’t want others to judge us, then let us stop being judgmental and abhor condemnation.

Instead of judging, why not motivate? Why not apply gentle correction? Why not give advice? True followers of Christ are called not to condemn but to lift up, not to wound but to heal, not to push away but to embrace in love.

When we stop looking down on others and start looking into our own hearts, we begin to see that we too are sinners in need of mercy. And if God, in His boundless compassion, forgives us again and again, who are we to withhold mercy from others?

Do we spend more time pointing out the faults of others, or do we humbly bring our own faults before God in repentance? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 12 Biyernes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:39-42


Mabuting Balita: Lucas 6:39-42
Noong panahong iyon, tinanong sila ni Jesus ng patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya'y magiging katulad ng kanyang guro. 
 
"Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, bayaan kong alisin mo ang iyong puwing,' gayong hindi mo nakikita ang tahilan sa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid." 
 + + + + + + +
Repleksyon:
Mataas ba ang iyong tingin sa iyong sarili? 

Paminsan-minsan, tayo’y nahuhulog sa patibong na ito na tinatawag na pagmamataas. Nakikita natin ang ating sarili na mas mataas kaysa iba; kaya’t mabilis nating nakikita ang pagkukulang ng ating kapwa. Bakit nga ba ganito? Dahil ba sa ating pag-iisip na tayo ay mas malapit sa Diyos kaysa sa iba? Dahil ba ito sa ating katayuan sa lipunan o sa ating kayamanan? Marahil lahat ng tatlong ito ay kabilang. 

Ngunit ang problema sa mga taong mapanghusga ay nakikita lamang nila ang pagkukulang ng iba at hindi ang sarili. Mabilis silang humusga sa pagkakamali ng kanilang kapwa ngunit bulag sila sa sarili nilang pagkakasala. 

Sa sandaling tayo’y humusga, binubuksan din natin ang ating sarili sa paghuhusga ng iba. Sa paghuhusga natin sa kanila, inaanyayahan din natin silang husgahan tayo. Kung ayaw nating husgahan tayo ng iba, tigilan na natin ang pagiging mapaghusga at iwasan ang anumang uri ng pagmamataas. 

Sa halip na humusga, bakit hindi magbigay-motibasyon? Bakit hindi magbigay ng banayad na pagtutuwid? Bakit hindi magbigay ng payo? Ang tunay na tagasunod ni Jesus ay hindi nanunumbat kundi nagpapayo ng mahinahon, hindi nag bibigay ng masasakit na mga salita kundi nag bibigay ng mga salitang nagpapagaling, hindi nagtutulak ng palayo sa Diyos kundi inilalapit ang kanyang kapwa sa Diyos. 

Kapag kapag tayo po ay nag suri ng mabuti sa ating mga puso, mauunawaan natin na tayo rin ay makasalanang nangangailangan ng awa at pang unawa. At kung ang Diyos, sa Kanyang walang hanggang habag, ay paulit-ulit tayong pinatatawad, sino tayo para ipagkait ang awa sa iba? 

Kaya marapat na itanong natin sa ating mga sarili—mas inuukol ko ba ang aking oras sa pag pupuna ng pagkukulang ng aking kapwa, o sa pag susuri sa aking mga sariling pagkukulang sa Diyos at sa aking kapwa? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 11 Thursday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:27-38


Gospel: Luke 6:27-38
Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. 

To the person who strikes you on one cheek, offer the other one as well, and from the person who takes your cloak, do not withhold even your tunic. Give to everyone who asks of you, and from the one who takes what is yours do not demand it back.  

Do to others as you would have them do to you. For if you love those who love you what credit is that to you? Even sinners love those who love them. And if you do good to those who do good to you, what credit is that to you? Even sinners do the same. If you lend money to those from whom you expect repayment, what credit is that to you?

Even sinners lend to sinners, and get back the same amount. But rather, love your enemies and do good to them, and lend expecting nothing back; then your reward will be great and you will be children of the Most High, for he himself is kind to the ungrateful and the wicked. Be merciful, just as also your Father is merciful.  

“Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven. Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you.
+ + + + + + +
Reflection:
The story is told about a man who died and was refused entry into the pearly gates. He asked the angel manning the gates for the reason, and the angel told him that he had been very judgmental while he was alive. With a heavy heart and a forlorn face, the man turned away from the gates of heaven. 

Why do we so easily judge others? Perhaps it is because we lack love and forgiveness in our hearts. If there were plenty of love and forgiveness, we would not dare judge anyone—for the moment we judge, we also invite judgment upon ourselves. 

What then would it take for us not to be judgmental toward those who have wronged us? We must love as the Lord has loved us. This love is not ordinary; it is a radical love. Radical love means unconditional love, a love unmoved by the possibility of reciprocation or reward. It is a love set aflame by forgiveness, compassion, and understanding. 

Such love requires us not to fixate on the faults and shortcomings of others. Instead, it leads us to remember their good qualities, which they surely have in abundance—though we often refuse to acknowledge them because we are enslaved by hate. 

The next time we are tempted to pull out the dangerous sword of judgment, let us pause. Let us quiet our hearts and recall the many good qualities of the person we are judging. In doing so, we imitate Christ, who looks beyond our sins and sees the goodness He Himself planted within us. 

Judging others is easy, but loving them as Christ loves us is the true challenge. Will you continue to be quick to judge, or will you choose the radical path of love and forgiveness that opens the gates of heaven? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 11 Huwebes sa Ika-23 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:27-38


Mabuting Balita: Lucas 6:27-38
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. 

Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. 

“Kung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? 

Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito’y makababayad! 

Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayun, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya’y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.”  

“Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
May  kuwento tungkol sa isang lalaki na namatay at hindi pinayagang makapasok sa pintuan ng langit. Tinanong niya ang anghel na nagbabantay doon kung bakit, at sinabi ng anghel na noong siya ay nabubuhay pa, siya ay naging masyadong mapanghusga. Kaya’t siya ay tumalikod at umalis na malungkot ang mukha mula sa pintuan ng langit. 

Bakit ba tayo madaling humusga sa ating kapwa? Marahil dahil kulang ang ating puso sa pag-ibig at pagpapatawad. Kung puno ang ating puso ng pag-ibig at pagpapatawad, hindi natin magagawang humusga, sapagkat alam natin na sa sandaling tayo ay humusga, tayo rin ay huhusgahan. 

Ano ang kailangan upang hindi tayo maging mapanghusga sa mga nagkamali laban sa atin? Dapat tayong magmahal gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. At ang pag mamahal  na ito ay hindi karaniwang pag mamahal; ito ay isang radikal na pagmamahal. Ang radikal na pag mamahal ay walang kundisyon—bagkus ito ay pagmamahal na hindi umaasa ng kapalit o gantimpala. Ito ay pag mamahal na nag pagpapatawad. 

Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagtuturo sa atin na huwag tumingin sa mga pagkakamali at kakulangan ng iba. Sa halip, itinuturo nitong alalahanin ang kanilang kabutihan sa atin na tiyak na napakadami—ngunit madalas nating ayaw isipin ang mga ginawa sa atin dahil tayo ay alipin  ng poot. 

Sa susunod na tayo ay matuksong bunutin ang mapanganib na espada ng paghatol, huminto muna tayo. Patahimikin natin ang ating puso at alalahanin ang mga mabubuting katangian ng taong ating hinuhusgahan. Sa ganitong paraan, ginagaya natin si Cristo na hindi nakatingin sa ating mga kasalanan, kundi sa kabutihang itinanim Niya mismo sa ating puso. 

Madaling humusga, ngunit ang magmahal gaya ng pagmamahal ni Cristo ang tunay na napaka hirap. Pipiliin mo ba ang maging mapang husga, o tatanggapin mo ang radikal na pag-ibig at pagpapatawad na itinuturo ni Jesus? – Marino J. Dasmarinas

Tuesday, September 09, 2025

Reflection for September 10 Wednesday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:20-26


Gospel: Luke 6:20-26
Raising his eyes toward his disciples Jesus said: 

“Blessed are you who are poor, for the Kingdom of God is yours. Blessed are you who are now hungry, for you will be satisfied. Blessed are you who are now weeping, for you will laugh. Blessed are you when people hate you, and when they exclude and insult you, and denounce your name as evil on account of the Son of Man. 

Rejoice and leap for joy on that day! Behold, your reward will be great in heaven. For their ancestors treated the prophets in the same way. 

But woe to you who are rich, for you have received your consolation. But woe to you who are filled now, for you will be hungry. Woe to you who laugh now, for you will grieve and weep. Woe to you when all speak well of you, for their ancestors treated the false prophets in this way.
+ + + + + + +
Reflection:
Imagine Jesus reading the Gospel to you today. How would you feel? Would you feel blessed? 

The poor, hungry, weeping, hated, and insulted are blessed by Jesus. No matter what others may say about them, they are blessed by Him. But human as we are, we hunger for the luxuries and adulations of life. Who would not want worldly luxuries and adulations? 

Yet if these luxuries and adulations bring us away from Jesus and lead us to embrace this world and eventually sin, what benefit would they give us? Would we still embrace them? We must be discerning at all times, for the devil is always actively seeking to snatch us away from the love of Jesus through worldly things. 

If you are poor in the eyes of this world yet have Jesus in your heart, then you are the richest and most blessed person in this world. Why? Because you choose to center your life on Jesus—the same Jesus who will one day bring you to heaven. 

True blessedness does not lie in what we possess, but in whom we belong to. The world may mock or look down on us, but if our heart beats for Christ, we carry a treasure no wealth can buy and no power can take away. 

Will you choose fleeting luxuries and adulations that fade, or will you embrace the eternal richness of a life centered on Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Setyembre 10 Miyerkules sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:20-26


Mabuting Balita: Lucas 6:20-26
Noong panahong iyon, tumingin si Jesus sa mga alagad, at kanyang sinabi, "Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!" "Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin!" 

"Mapalad kayong tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak!" "Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit-- gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.  

"Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!" "Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom!" "Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!" "Sa aba, ninyo kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Isipin natin na binabasa mismo ni Jesus sa atin ang Mabuting Balita ngayong araw. Ano ang mararamdaman natin? Mararamdaman ba natin na tayo ay tunay na pinagpala? 

Ang mga dukha, nagugutom, tumatangis, kinapopootan, at iniinsulto ay mga pinagpala ni Jesus. Kahit ano pa man ang sabihin ng iba tungkol sa kanila, sila ay Kanyang pinagpala. Subalit bilang tao, tayo’y naghahangad ng mga karangyaan sa buhay, naghahangad din tayo na tingalain o hangaan ng ating kapwa. Sino ba ang ayaw ng mga bagay na marangya sa mundong ito? Sino ba ang ayaw na tingalain o hangaan? Diba gusto natin ang mga ito? 

Ngunit kung ang mga ito ay maglalayo sa atin kay Jesus at magtutulak sa atin na yakapin ang makamundong pamumuhay na magdadala sa atin sa kasalanan, anong pakinabang ang maidudulot nito? Yayakapin pa ba natin ito? Kailangang tayo ay laging mapagmatyag, sapagkat si Satanas ay walang tigil na kumikilos upang ilayo tayo ng tuluyan sa pag-ibig ni Jesus sa pamamagitan ng mga makasalanang pamumuhay. 

Kung tayo man ay dukha sa paningin ng mundong ito ngunit nasa puso natin si Jesus, tayo ang dukhang walang katulad at tunay na pinagpalang tao sa mundo. Bakit? Sapagkat pinili nating isentro ang ating buhay kay Jesus—ang parehong Jesus na magdadala sa atin sa langit balang araw. 

Ang tunay na pagpapala ay hindi nasusukat sa kung gaano tayo kayaman,  kundi kung sino ang nasa puso natin. Maaaring hamakin tayo ng mundo, ngunit kung ang ating puso ay para kay Jesus, taglay natin ang isang kayamanang hindi mabibili ng salapi at hindi matutumbasan ng kapangyarihan ng mundo. 

Ano ang pipiliin mo ang panandaliang luho, kayamanan at kapangyarihan ng mundo na naglalaho, o ang walang hanggang kayamanan ng buhay na nakasentro kay Jesus? — Marino J. Dasmarinas 

Monday, September 08, 2025

Reflection for Tuesday September 9 Memorial of Saint Peter Claver, Priest: Luke 6:12-19


Gospel: Luke 6:12-19
Jesus departed to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles: Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus, Simon who was called a Zealot, and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor. 

And he came down with them and stood on a stretch of level ground. A great crowd of his disciples and a large number of the people  from all Judea and Jerusalem and the coastal region of Tyre and Sidon came to hear him and to be healed of their diseases; and even those who were tormented by unclean spirits were cured. Everyone in the crowd sought to touch him because power came forth from him and healed them all.
 + + + +  + + +
Reflection:
Is prayer part of your daily life? Before making the very important decision of choosing His twelve apostles, Jesus first went to a mountain to pray. There, He spent the night in prayer to God (Luke 6:12). 

Prayer is our hotline to God; it is our means to connect with Him. Through prayer, we invite God to come into our lives. With a regular habit of prayer, the God who seems distant now becomes the God who is with us and the God who walks beside us. 

What does prayer bring us? Through prayer, we connect with God. Through prayer, He calms us, comforts us, guides us, and gives us wisdom to make the right decisions in life, to name a few. 

Who among us wouldn’t want God to be with us and to walk with us? Of course, we all long for the presence of God in our lives. This is the reason why we must always have time for Him through prayer. Our prayer life must not take a back seat to our worldly undertakings; it must always be prayer first before our many worldly activities. 

What would our worldly riches mean to us if we don’t pray? What is the use of wealth and power if God is just a superficial entity in our lives—or if we are without Him altogether? 

Someday we will die, and everything that we have accumulated in this world will no longer matter. What will matter at that time is our relationship with God, built through an active and fervent prayer life. 

Prayer is not just a duty—it is the lifeline that keeps us close to the heart of God. It transforms our weakness into strength, our confusion into clarity, and our emptiness into fullness. The more we pray, the more we experience His presence and the more we live according to His will. 

Do you make prayer the first priority of your day, or do you allow the world to drown out God’s gentle voice calling you to be with Him? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 9 Paggunita kay San Pedro Claver, pari: Lucas 6:12-19


Mabuting Balita: Lucas 6:12-19
Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. 

Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.  

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 

Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bahagi ba ng iyong pang-araw-araw na buhay ang panalangin? Bago gawin ni Jesus ang napakahalagang pasya ng pagpili sa Kanyang labindalawang apostol, Siya muna’y umahon sa bundok upang manalangin. Doon, ginugol Niya ang magdamag sa pananalangin sa Diyos (Lucas 6:12).

Ang panalangin ay tila hotline natin sa Diyos; ito ang ating paraan upang makipag-ugnayan sa Kanya. Sa pamamagitan ng panalangin, inaanyayahan natin ang Diyos na makipaglakbay sa ating buhay. Kapag nakasanayan natin ang pananalangin, ang Diyos na tila malayo ay nagiging Diyos na kasama natin.

Ano ang naidudulot ng panalangin? Sa panalangin, tayo ay nakikipag-ugnay sa Diyos. Sa panalangin, pinapawi Niya ang ating pangamba, pinapalakas ang ating loob, ginagabayan tayo, at binibigyan ng karunungan upang makagawa ng tamang desisyon sa buhay, at marami pang iba.

Sino ba sa atin ang hindi magnanais na kasama ang Diyos at Siya’y lumakad kasama natin? Tiyak na lahat tayo ay nagnanais ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Kaya naman nararapat lamang na laging may oras tayo para sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Ang ating buhay-pananalangin ay hindi dapat naisasantabi dahil sa makamundong gawain; dapat laging unahin ang panalangin bago ang anumang bagay sa mundong ito.

Ano ang halaga ng kayamanan at kapangyarihan kung hindi tayo nananalangin? Ano ang pakinabang ng lahat ng ating tinatamasa kung ang Diyos ay walang bahahgi sa ating buhay—o kung wala Siya sa atin? 

Darating ang araw na tayo’y mamamatay, at lahat ng ating naipon at naipundar sa mundong ito ay mawawalan ng saysay. Ang tanging mahalaga sa panahong iyon ay ang ating relasyon sa Diyos na nahubog at pinatatag sa pamamagitan ng masigasig at mataimtim na panalangin.

Mga minamahal kay Kristo, ang panalangin ay hindi lamang tungkulin—ito ang nag uugnay upang mapalapit tayo sa Diyos. Sa panalangin, ang ating kahinaan ay nagiging kalakasan, ang kadiliman ay nagiging kaliwanagan, at ang ating nanghihinang katawan ay nagkakaroon ng sigla at kalakasan. Habang mas pinagbubuhusan natin ng oras ang pananalangin, mas nararanasan natin ang Kanyang presensya at mas natututo tayong mamuhay ayon sa Kanyang kalooban.

Ginagawa mo ba ang panalangin bilang pangunahing priyoridad ng iyong araw, o hinahayaan mong lunurin ng mga kalamidad at baha ng mundo ang banayad na tinig ng Diyos na humihimok sa atin na makapiling Siya? – Marino J. Dasmarinas 

Sunday, September 07, 2025

Reflection for Monday September 8 Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary: Matthew 1:1-16, 18-23


Gospel: Matthew 1:1-16, 18-23
The Book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham. Abraham became the father of Isaac, Isaac the father of Jacob, Jacob the father of Judah and his brothers. Judah became the father of Perez and Zerah, whose mother was Tamar. 

Perez became the father of Hezron, Hezron the father of Ram, Ram the father of Amminadab. Amminadab became the father of Nahshon, Nahshon the father of Salmon, Salmon the father of Boaz, whose mother was Rahab. Boaz became the father of Obed, whose mother was Ruth. Obed became the father of Jesse, Jesse the father of David the king. 

David became the father of Solomon, whose mother had been the wife of Uriah. Solomon became the father of Rehoboam, Rehoboam the father of Abijah, Abijah the father of Asaph. Asaph became the father of Jehoshaphat, Jehoshaphat the father of Joram, Joram the father of Uzziah. 

Uzziah became the father of Jotham, Jotham the father of Ahaz, Ahaz the father of Hezekiah. Hezekiah became the father of Manasseh, Manasseh the father of Amos Amos the father of Josiah. Josiah became the father of Jechoniah and his brothers at the time of the Babylonian exile. 

After the Babylonian exile, Jechoniah became the father of Shealtiel, Shealtiel the father of Zerubbabel, Zerubbabel the father of Abiud. Abiud became the father of Eliakim, Eliakim the father of Azor, Azor the father of Zadok. Zadok became the father of Achim, Achim the father of Eliud, Eliud the father of Eleazar. Eleazar became the father of Matthan, Matthan the father of Jacob, Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. Of her was born Jesus who is called the Christ. 

Now this is how the birth of Jesus Christ came about.  When his mother Mary was betrothed to Joseph, but before they lived together, she was found with child through the Holy Spirit. Joseph her husband, since he was a righteous man, yet unwilling to expose her to shame, decided to divorce her quietly. 

Such was his intention when, behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream and said, “Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home. For it is through the Holy Spirit that this child has been conceived in her. She will bear a son and you are to name him Jesus, because he will save his people from their sins. All this took place to fulfill what the Lord had said through the prophet: 

Behold, the virgin shall be with child and bear a son, and they shall name him Emmanuel, which means “God is with us.”
+ + + + + + +
Reflection:
Today, we celebrate the feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. 

Who brought us into this world? It’s our mothers. Who formed us during our younger years? It’s our mothers as well. To whom do we largely attribute who we are today? We attribute it to our mothers. 

Throughout His lifetime, Jesus was guided by the Blessed Mother. From His birth up to His death on the cross, the Blessed Mother was there for Him. She is the ever-present and patient mother who nurtured Him, guided Him, and never left His side until His last breath. 

This is primarily the reason why we give so much honor to the Blessed Mother; this is also why we ask her to bring our prayers before Jesus, for we firmly believe that she can intercede with Him on our behalf. 

Any righteous son will listen to his mother’s request. This is what we believe; that’s why, even until now, our devotion to the Blessed Mother remains as strong as ever. On this birthday of the Blessed Mother, let us continue to honor her and to spread our devotion to her. 

Let us also take a closer look at our own mothers. They are growing old, their once-nimble bodies becoming slower and weaker by the day. Let us care for them, honor them, and love them, for they are the mirror image of the Blessed Mother. 

The Blessed Virgin Mary reminds us that motherhood is not only about giving life, but also about selfless love, patient guidance, and unwavering presence. When we honor her, we honor the heart of every mother who silently sacrifices for her children. 

How is your devotion to the Blessed Mother? And how are you showing your love and gratitude to your own mother? On this feast day, will you choose to deepen your devotion to Mary and express your love to your mother before it’s too late? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Lunes Setyembre 8 Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria: Matthew 1:1-16, 18-23


Mabuting Balita: Mateo 1:1-16, 18-23
Ito ang lahi ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. 

Si Esrom ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang anak ni Jesse na ama ni Haring David.  

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam, si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya naman ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ng kanyang mga kapatid. Panahon noon nang pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.  

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Cristo.  

Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda ng pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang nagdadalang-tao. Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan ito ng lihim. 

Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya'y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 

Manganganak siya ng isang lalaki at ito'y pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, At tatawagin itong Emmanuel" Ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos" 
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. 

Sino ang nagdala sa atin sa mundong ito? Ang ating mga ina. Sino ang humubog sa atin noong kabataan natin? Sila rin ang ating mga ina. Kanino natin higit na iniuugnay kung sino tayo ngayon? Sa ating mga ina. 

Sa buong buhay ni Jesus, Siya ay ginabayan ng Mahal na Birheng Maria. Mula sa Kanyang pagsilang hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus, naroon ang Mahal na Birhen para sa Kanya. Siya ang ina na laging naroroon, matiisin at mapag-alaga; Siya ang nag-aruga kay Jesus, gumabay sa Kanya, at hindi kailanman iniwan ang Kanyang tabi hanggang sa huling kanyang hininga. 

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit natin lubos na pinararangalan ang Mahal na Birheng Maria; at ito rin ang dahilan kung bakit hinihiling natin sa Kanya na ipanalangin nya tayo at dalhin nya ang ating mga panalangin kay Jesus. Sapagkat matibay ang ating paniniwala na Siya ay makapamamagitan sa harap ng Kanyang Anak alang-alang sa atin. 

Ang bawat mabuting anak ay nakikinig sa kahilingan ng kanyang ina. Ito ang ating pinaniniwalaan; kaya’t hanggang ngayon, nananatiling matatag ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Sa kapanganakang ito ng Mahal na Birhen, patuloy natin Siyang parangalan at ipalaganap ang debosyon sa Kanya. 

Tignan din natin ang ating sariling mga ina. Sila ay tumatanda na, ang kanilang dating maliksi at masiglang katawan ay unti-unting bumabagal at nanghihina sa bawat araw. Alagaan natin sila, parangalan natin sila, at mahalin natin sila, sapagkat sila ay larawan ng Mahal na Birheng Maria. 

Ang Mahal na Birhen Maria ay nagpapaalala sa atin na ang pagiging ina ay hindi lamang pagbibigay-buhay, kundi kasama rin ang walang hangang pag-ibig, paggabay, at pagdamay. Kapag ating pinararangalan ang Mahal na Birheng Maria, pinararangalan din natin ang lahat ng ina na tahimik na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak. 

Kumusta ang iyong debosyon sa Mahal na Birhen? At kumusta ang iyong pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa iyong sariling ina? Sa kapistahang ito, pipiliin mo ba na higit pang palalimin ang iyong debosyon kay Maria at ipakita ang iyong pagmamahal sa iyong ina—bago pa mahuli ang lahat? — Marino J. Dasmarinas

Friday, September 05, 2025

Reflection for September 7, 23rd Sunday in Ordinary Time: Luke 14:25-33


Gospel: Luke 14:25-33
Great crowds were travelling with Jesus, and he turned and addressed them “If anyone comes to me without hating his father and mother, wife and children, brothers and sisters, and even his own life, he cannot be my disciple. Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple. 

Which of you wishing to construct a tower does not first sit down and calculate the cost to see if there is enough for its completion? Otherwise, after laying the foundation and finding himself unable to finish the work the onlookers should laugh at him and say, ‘This one began to build but did not have the resources to finish.’ 

Or what king marching into battle would not first sit down and decide whether with ten thousand troops he can successfully oppose another king advancing upon him with twenty thousand troops? 

But if not, while he is still far away, he will send a delegation to ask for peace terms. In the same way, everyone of you who does not renounce all his possessions cannot be my disciple.”
+ + + + + + +
Reflection:
Have you already watched or listened to a life testimony about Jesus? Most of these testimonies speak of the countless blessings people have received from the Lord. Yet, woven into these stories are also their sufferings and crosses—and how Jesus faithfully helped them carry these burdens. 

In our Gospel today, Jesus speaks directly to us about the reality of suffering and the crosses that come with following Him. He tells us: “Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple.” These words are not meant to discourage, but to awaken us to the true cost—and the deeper joy—of authentic discipleship. 

To follow Jesus is to be ready to carry our own crosses and endure our share of trials. It is in these very struggles that we experience the closest companionship with Him. If we believe that following Christ means living only in comfort—as though life is a bed of roses—we miss the deeper truth: Jesus walks with us most intimately when we bear our crosses for His sake. 

True discipleship in Christ is not measured by ease or blessings alone, but by our willingness to suffer for Him, to carry our cross for Him, and even to lay down our very lives so that others may encounter His saving love. This is the essence of what it means to be a true follower of Jesus.

In the silence of our hearts, let us pause and reflect on our journey with the Lord. Do we always pray to the Lord to help us carry our cross? - Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Ssetyembre 7, Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:25-33


Mabuting Balita: Lucas 14:25-33
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, "Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 

Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? 

O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? 

At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nakapakinig o nakapanood ka na ba ng isang patotoo tungkol kay Jesus? Kadalasan, ang mga patotoong ito ay nagsasalaysay ng napakaraming biyayang tinanggap ng tao mula sa Panginoon. Subalit, kalakip din ng mga kuwentong ito ang kanilang mga paghihirap at krus—at kung paanong si Jesus mismo ang tumulong sa kanila upang pasanin ang mga ito. 

Sa ating pong Mabuting Balita ay, tuwirang nagsasalita sa atin si Jesus tungkol sa katotohanan ng paghihirap at krus na kaakibat ng pagsunod sa Kanya. Sabi Niya: “Ang sinumang hindi magpasan ng kanyang sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.” Hindi ito mga salitang upang takutin tayo, kundi upang gisingin tayo sa tunay na halaga—at higit na kagalakan—ng ganap na pagsunod kay Jesus. 

Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang handa tayong pasanin ang ating mga sariling krus at tiisin ang ating bahagi ng mga pagsubok. Sapagkat sa mismong mga sandaling ito natin nararanasan ang kanyang pag gabay sa atin. Kung iisipin natin na ang pagsunod kay Kristo ay puro kaginhawahan—na para bang ang buhay ay puro rosas—hindi natin tunay na madadama ang Kanyang pakikisama sa ating buhay. 

Ang tunay na pagsunod kay Kristo ay hindi nasusukat sa gaan o sa dami ng biyayang tinatanggap, kundi sa ating kahandaang dumaan sa mga pagsubok at mag pasan ng ating krus para sa Kanya. Dahil ito ang tunay na tanda ng pagiging isang tunay na alagad ni Jesus. 

Sa katahimikan ng ating puso, magnilay po tayo sa ating sariling paglalakbay kasama Siya. Niyayakap ba natin ang krus ng mga pagsubok  na dumadaan sa ating mga buhay? Hinihiling ba natin kay Jesus na tulungan tayong mag pasan ng mga krus na ito? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 6 Saturday of the 22nd Week in Ordinary Time: Luke 6:1-5


Gospel: Luke 6:1-5
While Jesus was going through a field of grain on a sabbath, his disciples were picking the heads of grain, rubbing them in their hands, and eating them. Some Pharisees said, “Why are you doing what is unlawful on the sabbath?”  

Jesus said to them in reply, “Have you not read what David did when he and those who were with him were hungry? How he went into the house of God, took the bread of offering, which only the priests could lawfully eat, ate of it, and shared it with his companions?” Then he said to them, “The Son of Man is lord of the sabbath.”
+ + + + + + +
Reflection:
What kind of God is Jesus? He is a loving and caring God. He will always ensure that His people are cared for, no matter the circumstances. For Jesus, the needs of His people always take precedence over the observance of laws and traditions. 

When Jesus defended His disciples from the rebuke of the Pharisees (for picking and eating grain on a Sabbath day), He was showing that the needs of His disciples take precedence over any observance of the Jewish laws. 

In doing this, Jesus was teaching His critics—and us—that there are moments when we must be flexible for the sake of love and compassion. The disciples were hungry, and that was enough reason for Jesus to permit them to satisfy their basic human need. 

Here we discover the heart of Jesus: He faithfully takes care of His people. He is even willing to set aside the sacred Sabbath law when a valid need arises, for His love is always greater than mere ritual. We may not always be faithful to Him, yet His unconditional love, care, and concern remain with us in every season of our lives. 

This is the God we serve—a God who chooses mercy over sacrifice, compassion over legalism, and love over ritual. Knowing this, how do you respond to Jesus who never fails to put your deepest needs above all else? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 6 Sabado sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:1-5


Mabuting Balita: Lucas 6:1-5
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Jesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. "Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?" tanong ng ilang Pariseo.  

Sinagot sila ni Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang mga kasama, bagama't ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon." At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Anong uri ng Diyos si Jesus? Siya ay Diyos na mapagmahal at mapagkalinga. Lagi Niyang tinitiyak na ang Kanyang mga tagasunod ay naaalagaan, anuman ang sitwasyon. Para kay Jesus, ang pangangailangan ng Kanyang mga minamahal ay laging higit na mahalaga kaysa sa pagsunod sa mga batas at tradisyon. 

Nang ipagtanggol ni Jesus ang Kanyang mga alagad mula sa panunumbat ng mga Pariseo (dahil sa pagpitas at pagkain ng butil sa Araw ng Pamamahinga), ipinakita Niya na mas nangingibabaw ang pangangailangan ng Kanyang mga alagad kaysa sa anumang pagsunod sa batas ng mga Hudyo. 

Sa ginawa Niyang ito, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga kritiko—at maging sa atin—na may mga sandali na kailangan nating maging bukas at mapagbigay alang-alang sa higit na kabutihan. Ang mga alagad ay gutom, at sapat na itong dahilan upang hayaan Niya silang punan ang kanilang pangunahing pangangailangan bilang tao. 

Dito natin nakikita ang tunay na puso ni Jesus: Siya ay tapat na nagmamalasakit at kumakalinga sa atin. Handa Siyang isantabi ang banal na batas ng Araw ng Pamamahinga kung may makatwirang dahilan, sapagkat ang Kanyang pag-ibig ay higit kaysa sa anumang ritwal. Maaaring hindi tayo laging tapat sa Kanya, subalit ang Kanyang walang hanggang pagmamahal, pagkalinga, at malasakit ay laging nananatili sa lahat ng panahon ng ating buhay. 

Ganito ang Diyos na ating minamahal at pinaglilingkuran—isang Diyos na inuuna ang habag kaysa sakripisyo, ang malasakit kaysa legalismo, at ang pag-ibig kaysa ritwal. Kung alam mong ganito ang puso ni Jesus para sa iyo, paano ka tutugon sa Kanya na laging inuuna ang iyong pangangailangan? — Marino J. Dasmarinas