Tuesday, September 09, 2025

Reflection for September 10 Wednesday of the 23rd Week in Ordinary Time: Luke 6:20-26


Gospel: Luke 6:20-26
Raising his eyes toward his disciples Jesus said: 

“Blessed are you who are poor, for the Kingdom of God is yours. Blessed are you who are now hungry, for you will be satisfied. Blessed are you who are now weeping, for you will laugh. Blessed are you when people hate you, and when they exclude and insult you, and denounce your name as evil on account of the Son of Man. 

Rejoice and leap for joy on that day! Behold, your reward will be great in heaven. For their ancestors treated the prophets in the same way. 

But woe to you who are rich, for you have received your consolation. But woe to you who are filled now, for you will be hungry. Woe to you who laugh now, for you will grieve and weep. Woe to you when all speak well of you, for their ancestors treated the false prophets in this way.
+ + + + + + +
Reflection:
Imagine Jesus reading the Gospel to you today. How would you feel? Would you feel blessed? 

The poor, hungry, weeping, hated, and insulted are blessed by Jesus. No matter what others may say about them, they are blessed by Him. But human as we are, we hunger for the luxuries and adulations of life. Who would not want worldly luxuries and adulations? 

Yet if these luxuries and adulations bring us away from Jesus and lead us to embrace this world and eventually sin, what benefit would they give us? Would we still embrace them? We must be discerning at all times, for the devil is always actively seeking to snatch us away from the love of Jesus through worldly things. 

If you are poor in the eyes of this world yet have Jesus in your heart, then you are the richest and most blessed person in this world. Why? Because you choose to center your life on Jesus—the same Jesus who will one day bring you to heaven. 

True blessedness does not lie in what we possess, but in whom we belong to. The world may mock or look down on us, but if our heart beats for Christ, we carry a treasure no wealth can buy and no power can take away. 

Will you choose fleeting luxuries and adulations that fade, or will you embrace the eternal richness of a life centered on Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Setyembre 10 Miyerkules sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:20-26


Mabuting Balita: Lucas 6:20-26
Noong panahong iyon, tumingin si Jesus sa mga alagad, at kanyang sinabi, "Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!" "Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin!" 

"Mapalad kayong tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak!" "Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit-- gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.  

"Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!" "Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom!" "Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!" "Sa aba, ninyo kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Isipin natin na binabasa mismo ni Jesus sa atin ang Mabuting Balita ngayong araw. Ano ang mararamdaman natin? Mararamdaman ba natin na tayo ay tunay na pinagpala? 

Ang mga dukha, nagugutom, tumatangis, kinapopootan, at iniinsulto ay mga pinagpala ni Jesus. Kahit ano pa man ang sabihin ng iba tungkol sa kanila, sila ay Kanyang pinagpala. Subalit bilang tao, tayo’y naghahangad ng mga karangyaan sa buhay, naghahangad din tayo na tingalain o hangaan ng ating kapwa. Sino ba ang ayaw ng mga bagay na marangya sa mundong ito? Sino ba ang ayaw na tingalain o hangaan? Diba gusto natin ang mga ito? 

Ngunit kung ang mga ito ay maglalayo sa atin kay Jesus at magtutulak sa atin na yakapin ang makamundong pamumuhay na magdadala sa atin sa kasalanan, anong pakinabang ang maidudulot nito? Yayakapin pa ba natin ito? Kailangang tayo ay laging mapagmatyag, sapagkat si Satanas ay walang tigil na kumikilos upang ilayo tayo ng tuluyan sa pag-ibig ni Jesus sa pamamagitan ng mga makasalanang pamumuhay. 

Kung tayo man ay dukha sa paningin ng mundong ito ngunit nasa puso natin si Jesus, tayo ang dukhang walang katulad at tunay na pinagpalang tao sa mundo. Bakit? Sapagkat pinili nating isentro ang ating buhay kay Jesus—ang parehong Jesus na magdadala sa atin sa langit balang araw. 

Ang tunay na pagpapala ay hindi nasusukat sa kung gaano tayo kayaman,  kundi kung sino ang nasa puso natin. Maaaring hamakin tayo ng mundo, ngunit kung ang ating puso ay para kay Jesus, taglay natin ang isang kayamanang hindi mabibili ng salapi at hindi matutumbasan ng kapangyarihan ng mundo. 

Ano ang pipiliin mo ang panandaliang luho, kayamanan at kapangyarihan ng mundo na naglalaho, o ang walang hanggang kayamanan ng buhay na nakasentro kay Jesus? — Marino J. Dasmarinas 

Monday, September 08, 2025

Reflection for Tuesday September 9 Memorial of Saint Peter Claver, Priest: Luke 6:12-19


Gospel: Luke 6:12-19
Jesus departed to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles: Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus, Simon who was called a Zealot, and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor. 

And he came down with them and stood on a stretch of level ground. A great crowd of his disciples and a large number of the people  from all Judea and Jerusalem and the coastal region of Tyre and Sidon came to hear him and to be healed of their diseases; and even those who were tormented by unclean spirits were cured. Everyone in the crowd sought to touch him because power came forth from him and healed them all.
 + + + +  + + +
Reflection:
Is prayer part of your daily life? Before making the very important decision of choosing His twelve apostles, Jesus first went to a mountain to pray. There, He spent the night in prayer to God (Luke 6:12). 

Prayer is our hotline to God; it is our means to connect with Him. Through prayer, we invite God to come into our lives. With a regular habit of prayer, the God who seems distant now becomes the God who is with us and the God who walks beside us. 

What does prayer bring us? Through prayer, we connect with God. Through prayer, He calms us, comforts us, guides us, and gives us wisdom to make the right decisions in life, to name a few. 

Who among us wouldn’t want God to be with us and to walk with us? Of course, we all long for the presence of God in our lives. This is the reason why we must always have time for Him through prayer. Our prayer life must not take a back seat to our worldly undertakings; it must always be prayer first before our many worldly activities. 

What would our worldly riches mean to us if we don’t pray? What is the use of wealth and power if God is just a superficial entity in our lives—or if we are without Him altogether? 

Someday we will die, and everything that we have accumulated in this world will no longer matter. What will matter at that time is our relationship with God, built through an active and fervent prayer life. 

Prayer is not just a duty—it is the lifeline that keeps us close to the heart of God. It transforms our weakness into strength, our confusion into clarity, and our emptiness into fullness. The more we pray, the more we experience His presence and the more we live according to His will. 

Do you make prayer the first priority of your day, or do you allow the world to drown out God’s gentle voice calling you to be with Him? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Martes Setyembre 9 Paggunita kay San Pedro Claver, pari: Lucas 6:12-19


Mabuting Balita: Lucas 6:12-19
Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. 

Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.  

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 

Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bahagi ba ng iyong pang-araw-araw na buhay ang panalangin? Bago gawin ni Jesus ang napakahalagang pasya ng pagpili sa Kanyang labindalawang apostol, Siya muna’y umahon sa bundok upang manalangin. Doon, ginugol Niya ang magdamag sa pananalangin sa Diyos (Lucas 6:12).

Ang panalangin ay tila hotline natin sa Diyos; ito ang ating paraan upang makipag-ugnayan sa Kanya. Sa pamamagitan ng panalangin, inaanyayahan natin ang Diyos na makipaglakbay sa ating buhay. Kapag nakasanayan natin ang pananalangin, ang Diyos na tila malayo ay nagiging Diyos na kasama natin.

Ano ang naidudulot ng panalangin? Sa panalangin, tayo ay nakikipag-ugnay sa Diyos. Sa panalangin, pinapawi Niya ang ating pangamba, pinapalakas ang ating loob, ginagabayan tayo, at binibigyan ng karunungan upang makagawa ng tamang desisyon sa buhay, at marami pang iba.

Sino ba sa atin ang hindi magnanais na kasama ang Diyos at Siya’y lumakad kasama natin? Tiyak na lahat tayo ay nagnanais ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Kaya naman nararapat lamang na laging may oras tayo para sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Ang ating buhay-pananalangin ay hindi dapat naisasantabi dahil sa makamundong gawain; dapat laging unahin ang panalangin bago ang anumang bagay sa mundong ito.

Ano ang halaga ng kayamanan at kapangyarihan kung hindi tayo nananalangin? Ano ang pakinabang ng lahat ng ating tinatamasa kung ang Diyos ay walang bahahgi sa ating buhay—o kung wala Siya sa atin? 

Darating ang araw na tayo’y mamamatay, at lahat ng ating naipon at naipundar sa mundong ito ay mawawalan ng saysay. Ang tanging mahalaga sa panahong iyon ay ang ating relasyon sa Diyos na nahubog at pinatatag sa pamamagitan ng masigasig at mataimtim na panalangin.

Mga minamahal kay Kristo, ang panalangin ay hindi lamang tungkulin—ito ang nag uugnay upang mapalapit tayo sa Diyos. Sa panalangin, ang ating kahinaan ay nagiging kalakasan, ang kadiliman ay nagiging kaliwanagan, at ang ating nanghihinang katawan ay nagkakaroon ng sigla at kalakasan. Habang mas pinagbubuhusan natin ng oras ang pananalangin, mas nararanasan natin ang Kanyang presensya at mas natututo tayong mamuhay ayon sa Kanyang kalooban.

Ginagawa mo ba ang panalangin bilang pangunahing priyoridad ng iyong araw, o hinahayaan mong lunurin ng mga kalamidad at baha ng mundo ang banayad na tinig ng Diyos na humihimok sa atin na makapiling Siya? – Marino J. Dasmarinas 

Sunday, September 07, 2025

Reflection for Monday September 8 Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary: Matthew 1:1-16, 18-23


Gospel: Matthew 1:1-16, 18-23
The Book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham. Abraham became the father of Isaac, Isaac the father of Jacob, Jacob the father of Judah and his brothers. Judah became the father of Perez and Zerah, whose mother was Tamar. 

Perez became the father of Hezron, Hezron the father of Ram, Ram the father of Amminadab. Amminadab became the father of Nahshon, Nahshon the father of Salmon, Salmon the father of Boaz, whose mother was Rahab. Boaz became the father of Obed, whose mother was Ruth. Obed became the father of Jesse, Jesse the father of David the king. 

David became the father of Solomon, whose mother had been the wife of Uriah. Solomon became the father of Rehoboam, Rehoboam the father of Abijah, Abijah the father of Asaph. Asaph became the father of Jehoshaphat, Jehoshaphat the father of Joram, Joram the father of Uzziah. 

Uzziah became the father of Jotham, Jotham the father of Ahaz, Ahaz the father of Hezekiah. Hezekiah became the father of Manasseh, Manasseh the father of Amos Amos the father of Josiah. Josiah became the father of Jechoniah and his brothers at the time of the Babylonian exile. 

After the Babylonian exile, Jechoniah became the father of Shealtiel, Shealtiel the father of Zerubbabel, Zerubbabel the father of Abiud. Abiud became the father of Eliakim, Eliakim the father of Azor, Azor the father of Zadok. Zadok became the father of Achim, Achim the father of Eliud, Eliud the father of Eleazar. Eleazar became the father of Matthan, Matthan the father of Jacob, Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. Of her was born Jesus who is called the Christ. 

Now this is how the birth of Jesus Christ came about.  When his mother Mary was betrothed to Joseph, but before they lived together, she was found with child through the Holy Spirit. Joseph her husband, since he was a righteous man, yet unwilling to expose her to shame, decided to divorce her quietly. 

Such was his intention when, behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream and said, “Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home. For it is through the Holy Spirit that this child has been conceived in her. She will bear a son and you are to name him Jesus, because he will save his people from their sins. All this took place to fulfill what the Lord had said through the prophet: 

Behold, the virgin shall be with child and bear a son, and they shall name him Emmanuel, which means “God is with us.”
+ + + + + + +
Reflection:
Today, we celebrate the feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. 

Who brought us into this world? It’s our mothers. Who formed us during our younger years? It’s our mothers as well. To whom do we largely attribute who we are today? We attribute it to our mothers. 

Throughout His lifetime, Jesus was guided by the Blessed Mother. From His birth up to His death on the cross, the Blessed Mother was there for Him. She is the ever-present and patient mother who nurtured Him, guided Him, and never left His side until His last breath. 

This is primarily the reason why we give so much honor to the Blessed Mother; this is also why we ask her to bring our prayers before Jesus, for we firmly believe that she can intercede with Him on our behalf. 

Any righteous son will listen to his mother’s request. This is what we believe; that’s why, even until now, our devotion to the Blessed Mother remains as strong as ever. On this birthday of the Blessed Mother, let us continue to honor her and to spread our devotion to her. 

Let us also take a closer look at our own mothers. They are growing old, their once-nimble bodies becoming slower and weaker by the day. Let us care for them, honor them, and love them, for they are the mirror image of the Blessed Mother. 

The Blessed Virgin Mary reminds us that motherhood is not only about giving life, but also about selfless love, patient guidance, and unwavering presence. When we honor her, we honor the heart of every mother who silently sacrifices for her children. 

How is your devotion to the Blessed Mother? And how are you showing your love and gratitude to your own mother? On this feast day, will you choose to deepen your devotion to Mary and express your love to your mother before it’s too late? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Lunes Setyembre 8 Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria: Matthew 1:1-16, 18-23


Mabuting Balita: Mateo 1:1-16, 18-23
Ito ang lahi ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. 

Si Esrom ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang anak ni Jesse na ama ni Haring David.  

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam, si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya naman ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ng kanyang mga kapatid. Panahon noon nang pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.  

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Cristo.  

Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda ng pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang nagdadalang-tao. Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan ito ng lihim. 

Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya'y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 

Manganganak siya ng isang lalaki at ito'y pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, At tatawagin itong Emmanuel" Ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos" 
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. 

Sino ang nagdala sa atin sa mundong ito? Ang ating mga ina. Sino ang humubog sa atin noong kabataan natin? Sila rin ang ating mga ina. Kanino natin higit na iniuugnay kung sino tayo ngayon? Sa ating mga ina. 

Sa buong buhay ni Jesus, Siya ay ginabayan ng Mahal na Birheng Maria. Mula sa Kanyang pagsilang hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus, naroon ang Mahal na Birhen para sa Kanya. Siya ang ina na laging naroroon, matiisin at mapag-alaga; Siya ang nag-aruga kay Jesus, gumabay sa Kanya, at hindi kailanman iniwan ang Kanyang tabi hanggang sa huling kanyang hininga. 

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit natin lubos na pinararangalan ang Mahal na Birheng Maria; at ito rin ang dahilan kung bakit hinihiling natin sa Kanya na ipanalangin nya tayo at dalhin nya ang ating mga panalangin kay Jesus. Sapagkat matibay ang ating paniniwala na Siya ay makapamamagitan sa harap ng Kanyang Anak alang-alang sa atin. 

Ang bawat mabuting anak ay nakikinig sa kahilingan ng kanyang ina. Ito ang ating pinaniniwalaan; kaya’t hanggang ngayon, nananatiling matatag ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Sa kapanganakang ito ng Mahal na Birhen, patuloy natin Siyang parangalan at ipalaganap ang debosyon sa Kanya. 

Tignan din natin ang ating sariling mga ina. Sila ay tumatanda na, ang kanilang dating maliksi at masiglang katawan ay unti-unting bumabagal at nanghihina sa bawat araw. Alagaan natin sila, parangalan natin sila, at mahalin natin sila, sapagkat sila ay larawan ng Mahal na Birheng Maria. 

Ang Mahal na Birhen Maria ay nagpapaalala sa atin na ang pagiging ina ay hindi lamang pagbibigay-buhay, kundi kasama rin ang walang hangang pag-ibig, paggabay, at pagdamay. Kapag ating pinararangalan ang Mahal na Birheng Maria, pinararangalan din natin ang lahat ng ina na tahimik na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak. 

Kumusta ang iyong debosyon sa Mahal na Birhen? At kumusta ang iyong pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa iyong sariling ina? Sa kapistahang ito, pipiliin mo ba na higit pang palalimin ang iyong debosyon kay Maria at ipakita ang iyong pagmamahal sa iyong ina—bago pa mahuli ang lahat? — Marino J. Dasmarinas

Friday, September 05, 2025

Reflection for September 7, 23rd Sunday in Ordinary Time: Luke 14:25-33


Gospel: Luke 14:25-33
Great crowds were travelling with Jesus, and he turned and addressed them “If anyone comes to me without hating his father and mother, wife and children, brothers and sisters, and even his own life, he cannot be my disciple. Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple. 

Which of you wishing to construct a tower does not first sit down and calculate the cost to see if there is enough for its completion? Otherwise, after laying the foundation and finding himself unable to finish the work the onlookers should laugh at him and say, ‘This one began to build but did not have the resources to finish.’ 

Or what king marching into battle would not first sit down and decide whether with ten thousand troops he can successfully oppose another king advancing upon him with twenty thousand troops? 

But if not, while he is still far away, he will send a delegation to ask for peace terms. In the same way, everyone of you who does not renounce all his possessions cannot be my disciple.”
+ + + + + + +
Reflection:
Have you already watched or listened to a life testimony about Jesus? Most of these testimonies speak of the countless blessings people have received from the Lord. Yet, woven into these stories are also their sufferings and crosses—and how Jesus faithfully helped them carry these burdens. 

In our Gospel today, Jesus speaks directly to us about the reality of suffering and the crosses that come with following Him. He tells us: “Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple.” These words are not meant to discourage, but to awaken us to the true cost—and the deeper joy—of authentic discipleship. 

To follow Jesus is to be ready to carry our own crosses and endure our share of trials. It is in these very struggles that we experience the closest companionship with Him. If we believe that following Christ means living only in comfort—as though life is a bed of roses—we miss the deeper truth: Jesus walks with us most intimately when we bear our crosses for His sake. 

True discipleship in Christ is not measured by ease or blessings alone, but by our willingness to suffer for Him, to carry our cross for Him, and even to lay down our very lives so that others may encounter His saving love. This is the essence of what it means to be a true follower of Jesus.

In the silence of our hearts, let us pause and reflect on our journey with the Lord. Do we always pray to the Lord to help us carry our cross? - Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Ssetyembre 7, Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:25-33


Mabuting Balita: Lucas 14:25-33
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, "Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 

Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? 

O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? 

At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nakapakinig o nakapanood ka na ba ng isang patotoo tungkol kay Jesus? Kadalasan, ang mga patotoong ito ay nagsasalaysay ng napakaraming biyayang tinanggap ng tao mula sa Panginoon. Subalit, kalakip din ng mga kuwentong ito ang kanilang mga paghihirap at krus—at kung paanong si Jesus mismo ang tumulong sa kanila upang pasanin ang mga ito. 

Sa ating pong Mabuting Balita ay, tuwirang nagsasalita sa atin si Jesus tungkol sa katotohanan ng paghihirap at krus na kaakibat ng pagsunod sa Kanya. Sabi Niya: “Ang sinumang hindi magpasan ng kanyang sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.” Hindi ito mga salitang upang takutin tayo, kundi upang gisingin tayo sa tunay na halaga—at higit na kagalakan—ng ganap na pagsunod kay Jesus. 

Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang handa tayong pasanin ang ating mga sariling krus at tiisin ang ating bahagi ng mga pagsubok. Sapagkat sa mismong mga sandaling ito natin nararanasan ang kanyang pag gabay sa atin. Kung iisipin natin na ang pagsunod kay Kristo ay puro kaginhawahan—na para bang ang buhay ay puro rosas—hindi natin tunay na madadama ang Kanyang pakikisama sa ating buhay. 

Ang tunay na pagsunod kay Kristo ay hindi nasusukat sa gaan o sa dami ng biyayang tinatanggap, kundi sa ating kahandaang dumaan sa mga pagsubok at mag pasan ng ating krus para sa Kanya. Dahil ito ang tunay na tanda ng pagiging isang tunay na alagad ni Jesus. 

Sa katahimikan ng ating puso, magnilay po tayo sa ating sariling paglalakbay kasama Siya. Niyayakap ba natin ang krus ng mga pagsubok  na dumadaan sa ating mga buhay? Hinihiling ba natin kay Jesus na tulungan tayong mag pasan ng mga krus na ito? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for September 6 Saturday of the 22nd Week in Ordinary Time: Luke 6:1-5


Gospel: Luke 6:1-5
While Jesus was going through a field of grain on a sabbath, his disciples were picking the heads of grain, rubbing them in their hands, and eating them. Some Pharisees said, “Why are you doing what is unlawful on the sabbath?”  

Jesus said to them in reply, “Have you not read what David did when he and those who were with him were hungry? How he went into the house of God, took the bread of offering, which only the priests could lawfully eat, ate of it, and shared it with his companions?” Then he said to them, “The Son of Man is lord of the sabbath.”
+ + + + + + +
Reflection:
What kind of God is Jesus? He is a loving and caring God. He will always ensure that His people are cared for, no matter the circumstances. For Jesus, the needs of His people always take precedence over the observance of laws and traditions. 

When Jesus defended His disciples from the rebuke of the Pharisees (for picking and eating grain on a Sabbath day), He was showing that the needs of His disciples take precedence over any observance of the Jewish laws. 

In doing this, Jesus was teaching His critics—and us—that there are moments when we must be flexible for the sake of love and compassion. The disciples were hungry, and that was enough reason for Jesus to permit them to satisfy their basic human need. 

Here we discover the heart of Jesus: He faithfully takes care of His people. He is even willing to set aside the sacred Sabbath law when a valid need arises, for His love is always greater than mere ritual. We may not always be faithful to Him, yet His unconditional love, care, and concern remain with us in every season of our lives. 

This is the God we serve—a God who chooses mercy over sacrifice, compassion over legalism, and love over ritual. Knowing this, how do you respond to Jesus who never fails to put your deepest needs above all else? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 6 Sabado sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 6:1-5


Mabuting Balita: Lucas 6:1-5
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Jesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. "Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?" tanong ng ilang Pariseo.  

Sinagot sila ni Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang mga kasama, bagama't ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon." At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."
+ + + + + + +
Repleksyon:
Anong uri ng Diyos si Jesus? Siya ay Diyos na mapagmahal at mapagkalinga. Lagi Niyang tinitiyak na ang Kanyang mga tagasunod ay naaalagaan, anuman ang sitwasyon. Para kay Jesus, ang pangangailangan ng Kanyang mga minamahal ay laging higit na mahalaga kaysa sa pagsunod sa mga batas at tradisyon. 

Nang ipagtanggol ni Jesus ang Kanyang mga alagad mula sa panunumbat ng mga Pariseo (dahil sa pagpitas at pagkain ng butil sa Araw ng Pamamahinga), ipinakita Niya na mas nangingibabaw ang pangangailangan ng Kanyang mga alagad kaysa sa anumang pagsunod sa batas ng mga Hudyo. 

Sa ginawa Niyang ito, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga kritiko—at maging sa atin—na may mga sandali na kailangan nating maging bukas at mapagbigay alang-alang sa higit na kabutihan. Ang mga alagad ay gutom, at sapat na itong dahilan upang hayaan Niya silang punan ang kanilang pangunahing pangangailangan bilang tao. 

Dito natin nakikita ang tunay na puso ni Jesus: Siya ay tapat na nagmamalasakit at kumakalinga sa atin. Handa Siyang isantabi ang banal na batas ng Araw ng Pamamahinga kung may makatwirang dahilan, sapagkat ang Kanyang pag-ibig ay higit kaysa sa anumang ritwal. Maaaring hindi tayo laging tapat sa Kanya, subalit ang Kanyang walang hanggang pagmamahal, pagkalinga, at malasakit ay laging nananatili sa lahat ng panahon ng ating buhay. 

Ganito ang Diyos na ating minamahal at pinaglilingkuran—isang Diyos na inuuna ang habag kaysa sakripisyo, ang malasakit kaysa legalismo, at ang pag-ibig kaysa ritwal. Kung alam mong ganito ang puso ni Jesus para sa iyo, paano ka tutugon sa Kanya na laging inuuna ang iyong pangangailangan? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, September 04, 2025

Reflection for September 5 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time: Luke 5:33-39


Gospel: Luke 5:33-39
The scribes and Pharisees said to Jesus, “The disciples of John the Baptist fast often and offer prayers, and the disciples of the Pharisees do the same; but yours eat and drink.” Jesus answered them, “Can you make the wedding guests fast while the bridegroom is with them? But the days will come, and when the bridegroom is taken away from them, then they will fast in those days.”  

And he also told them a parable. “No one tears a piece from a new cloak to patch an old one. Otherwise, he will tear the new and the piece from it will not match the old cloak. Likewise, no one pours new wine into old wineskins. 

Otherwise, the new wine will burst the skins, and it will be spilled, and the skins will be ruined. Rather, new wine must be poured into fresh wineskins. And no one who has been drinking old wine desires new, for he says, ‘The old is good.
+ + + + + + +
Reflection:
Could you truly discover the purity of a person’s heart by simply observing traditions or rituals such as fasting? The answer is no. These external acts, though visible, remain superficial, for what is outward does not always reveal the depths of the inner being.

Take for instance a person who is always present in church. Can we immediately conclude that he or she is holy? Of course not! Holiness is not measured by mere presence in sacred places but by the authenticity of one’s heart and actions. We need to look deeper to understand a person’s character.

The scribes and Pharisees once questioned Jesus about why His disciples were not fasting like them and the followers of John the Baptist. Jesus responded simply: “They cannot fast while the Bridegroom is with them.” In other words, the presence of Jesus among His disciples was more important than outward acts of ritual.

Fasting, by itself, is good. It disciplines the body and can purify the soul. But what is the use of fasting if sin still dominates our lives? What is the use of fasting if we use it to judge others who do not practice it? What is the use of fasting if it does not lead to inner transformation and true conversion of heart?

Life with God is not about legalistic observance of traditions but about genuine change from within. Inner conversion is greater than fasting. A humble heart is greater than fasting. Mercy, love, and forgiveness are greater than fasting. And most of all, a life rooted in Jesus is infinitely greater than fasting.

Let us then not focus merely on outward practices but on the inward renewal of our hearts. For only in Jesus do we find true holiness, true purity, and true life. — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 5 Biyernes sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 5:33-39


Mabuting Balita: Lucas 5:33-39
Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Jesus: "Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin. Gayon din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo'y patuloy ang pagkain at pag-inom." Sumagot si Jesus, "Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kung wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno."  

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga; "Walang pumiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan.  

Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. at walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, 'Masarap ang inimbak.
 + + + + + + +
Repleksyon:
Masusukat ba natin ang kadalisayan ng puso ng isang tao sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga tradisyon o ritwal gaya ng pag-aayuno? Ang sagot ay hindi. Sapagkat ang mga panlabas na gawaing ito, bagama’t nakikita, ay nananatiling mababaw; hindi nito ganap na naipapakita ang tunay na laman ng kalooban.

Halimbawa, kung ang isang tao ay palaging nasa simbahan, masasabi ba agad nating siya ay banal? Hindi! Sapagkat ang kabanalan ay hindi nasusukat sa madalas na pagpunta sa banal na lugar kundi sa kadalisayan ng puso at sa kabutihan ng kanyang mga gawa. Kinakailangan nating suriin nang mas malalim ang ating kapwa upang makilala natin ang tunay nyang pagkatao.

Minsan, tinanong si Jesus ng mga eskriba at Pariseo kung bakit hindi nag-aayuno ang Kanyang mga alagad gaya nila at ng mga tagasunod ni Juan Bautista. Simple ang sagot ni Jesus: “Hindi sila maaaring mag-ayuno habang kasama pa nila ako.” Ipinahihiwatig Niya na ang Kanyang presensya ay higit na mahalaga kaysa panlabas na ritwal.

Tunay na mabuti ang pag-aayuno. Nakapaglilinis ito ng katawan at nakatutulong upang mapadalisay ang kaluluwa. Ngunit ano ang saysay ng pag-aayuno kung patuloy pa rin tayong nagkakasala? Ano ang silbi ng pag-aayuno kung ginagawa lamang natin itong pamantayan upang husgahan ang iba? Ano ang kabuluhan ng pag-aayuno kung hindi naman ito nagdudulot ng pagbabagong-buhay at pagbabalik loob sa Diyos?

Ang buhay kasama ang Panginoon ay hindi umiikot lamang sa panlabas na pagsunod sa tradisyon, kundi higit sa lahat, sa pagbabagong nagmumula sa ating kalooban. Ang pagbabagong-loob ay higit na mahalaga kaysa pag-aayuno. Ang kababaang-loob ay higit na mahalaga kaysa pag-aayuno. Ang awa, pagmamahal, at pagpapatawad ay higit na mahalaga kaysa pag-aayuno. At higit sa lahat, ang buhay na nakaugat kay Jesus ay higit na mahalaga kaysa pag-aayuno. 

Kaya’t huwag lamang tayong tumingin sa panlabas na kaanyuan o ginagawa, kundi sikapin natin na magkaroon tayo ng tunay na pagbabago ng ating mga puso. Sapagkat ito ang gusto ni Jesus at sa piling lamang Nya natin matatagpuan ang tunay na kabanalan. — Marino J. Dasmarinas

Wednesday, September 03, 2025

Reflection for September 4 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time: Luke 5:1-11


Gospel: Luke 5:1-11
While the crowd was pressing in on Jesus and listening to the word of God, he was standing by the Lake of Gennesaret. He saw two boats there alongside the lake; the fishermen had disembarked and were washing their nets. Getting into one of the boats, the one belonging to Simon, he asked him to put out a short distance from the shore.   

Then he sat down and taught the crowds from the boat. After he had finished speaking, he said to Simon, “Put out into deep water and lower your nets for a catch.” Simon said in reply, “Master, we have worked hard all night and have caught nothing, but at your command I will lower the nets.” When they had done this, they caught a great number of fish and their nets were tearing.  

They signaled to their partners in the other boat to come to help them. They came and filled both boats so that the boats were in danger of sinking. When Simon Peter saw this, he fell at the knees of Jesus and said, “Depart from me, Lord, for I am a sinful man.” 

For astonishment at the catch of fish they had made seized him and all those with him, and likewise James and John, the sons of Zebedee, who were partners of Simon. Jesus said to Simon, “Do not be afraid; from now on you will be catching men.” When they brought their boats to the shore, they left everything and followed him.
+ + + + + + +
Reflection:
A married couple was once being invited by their neighbor to join them in their weekly Bible sharing. The couple humbly replied that they were not worthy to be with them because they were sinners. But their persistent neighbor lovingly reminded them: “Nobody is perfect. We are all sinners, for we have offended God so many times. Yet in His infinite love and mercy, God is still calling us to follow Him and to serve Him.” 

In today’s Gospel, Jesus told Simon to put out into the deep and lower their nets. Simon, weary from a long night of fruitless labor, said, “Master, we have worked hard all night and have caught nothing, but at your command I will lower the nets.” 

Obedient to the Lord’s word, they were blessed with such an abundant catch that their nets began to break. Overwhelmed by this miracle, Simon fell to his knees and confessed his unworthiness: “Depart from me, Lord, for I am a sinful man.” 

And here lies the truth for us all: Who is truly worthy before the Lord? Who among us is qualified to follow Him? None of us, for we are all sinners. Yet our sinfulness should never be an excuse to turn away from God. Instead, it should be the very reason we draw closer to Him and leave behind our life of sin. 

Jesus is the One who qualifies the unqualified. He is the One who purifies the impure. He is the One who makes the unworthy worthy in His sight. His infinite love and mercy are always waiting for us—ready to embrace us, to heal us, and to transform us no matter who we are or how far we have fallen. 

So let us not be afraid to follow Him. Let us come before Him just as we are, trusting that His grace is greater than our sins. For in His eyes, even the most broken can be made whole, and the most unworthy can be made worthy. 

Will you follow the Lord? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Setyembre 4 Huwebes sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 5:1-11


Mabuting Balita: Lucas 5:1-11
Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Generaset. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.  

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat.  

Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.”  

Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.
 + + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa mag-asawa na inimbitahan ng kanilang kapitbahay upang sumama sa kanilang lingguhang Bible sharing. Pero sumagot sila na hindi sila karapat-dapat dahil sila ay makasalanan. 

Ngunit ang kanilang masigasig na kapitbahay ay mahinahong nagpapaalala: “Walang sinuman ang perpekto. Tayong lahat ay makasalanan, sapagkat napakaraming beses na nating nasaktan ang Diyos. Subalit sa Kanyang walang hanggang pag-ibig at awa, patuloy Niya tayong tinatawag upang sumunod at maglingkod sa Kanya.” 

Sa atin pong Mabuting Balita, inutusan ni Jesus si Simon na pumalaot at ibaba ang kanilang mga lambat. Pero pagod na pagod na sila mula sa magdamagang pangingisda na walang nahuli, kaya sumagot si Simon: “Guro, magdamag kaming nagsikap at wala kaming nahuli, ngunit sa iyong salita ibababa ko ang mga lambat.” 

At sa kanilang pagsunod, sila ay pinagpala ng napakaraming isda—higit pa sa kanilang inaasahan—hanggang sa halos mapunit ang kanilang mga lambat. Nabigla si Simon at bumagsak sa paanan ni Jesus, nagsasabing: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y isang makasalanang tao.” 

Sino ba ang tunay na karapat-dapat sa Panginoon? Sino ba ang ganap na kwalipikadong sumunod sa Kanya? Wala ni isa. Sapagkat tayong lahat ay makasalanan. Ngunit hindi kailanman dapat maging dahilan ang ating pagiging makasalanan upang iwasan natin ang Diyos. Sa halip, ito ang dapat maging dahilan upang lalo tayong lumapit sa Kanya at talikuran ang ating buhay ng kasalanan. 

Pag sumunod tayo kay Jesus at tuluyan ng iwan ang ating buhay ng pagkakasala tayo po ay lilinisin nya. Kalilimutan nya ang ating madilim na nakaraan. 

Kaya’t huwag tayong matakot na sumunod kay Jesus. Lumapit tayo nang may pagpapakumbaba sapagkat higit ang Kanyang biyaya at awa para sa atin kaysa ating mga kasalanan. 

Susunod kaba kay Jesus? – Marino J. Dasmarinas