Monday, November 02, 2026

Reflection for Monday November 2 The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls): Matthew 25:31-46


Gospel: Matthew 25:31-46
Jesus said to his disciples: "When the Son of Man comes in his glory, and all the angels with him, he will sit upon his glorious throne, and all the nations will be assembled before him. And he will separate them one from another, as a shepherd separates the sheep from the goats. He will place the sheep on his right and the goats on his left.  

Then the king will say to those on his right, 'Come, you who are blessed by my Father. Inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world. For I was hungry and you gave me food, I was thirsty and you gave me drink, a stranger and you welcomed me, naked and you clothed me, ill and you cared for me, in prison and you visited me.'  

Then the righteous will answer him and say, 'Lord, when did we see you hungry and feed you, or thirsty and give you drink? When did we see you a stranger and welcome you, or naked and clothe you? When did we see you ill or in prison, and visit you?' And the king will say to them in reply, 'Amen, I say to you, whatever you did for one of the least brothers of mine, you did for me.'  

Then he will say to those on his left, 'Depart from me, you accursed, into the eternal fire prepared for the devil and his angels. For I was hungry and you gave me no food, I was thirsty and you gave me no drink, a stranger and you gave me no welcome, naked and you gave me no clothing, ill and in prison, and you did not care for me.'  

Then they will answer and say, 'Lord, when did we see you hungry or thirsty or a stranger or naked or ill or in prison, and not minister to your needs?' He will answer them, 'Amen, I say to you, what you did not do for one of these least ones, you did not do for me.' And these will go off to eternal punishment, but the righteous to eternal life."

+ + + + + + +
Reflection:
What do we feel when we sincerely help the poor, the needy, and those who are less fortunate than we are?

We experience an indescribable joy in our hearts. But who gives us this profound joy? It is Jesus, and no one else, because whatever we do for the least of our brothers and sisters, we also do for Him.

In our Gospel, we encounter two groups of people: those on the right and those on the left of the Lord. Those on His right are the ones who helped the hungry, cared for the sick, welcomed strangers, and visited those in prison. They showed love and compassion to those who needed them most. In contrast, those on His left were insensitive to the suffering of others and failed to extend a helping hand when they had the opportunity.

The Lord welcomed those on His right and granted them eternal life. However, those on His left received eternal punishment because they failed to show love and compassion to those in need. Through this Gospel, Jesus reminds us that our love for Him must be reflected in the way we treat our brothers and sisters, especially the poor and the less fortunate.

This Gospel invites us to examine our hearts and reflect on how we treat those who are struggling. Let us be sensitive to their needs and look around us. We may have relatives, neighbors, or friends who are not as financially blessed as we are. Sometimes, we become so preoccupied with our own comfort, possessions, and ambitions that we forget those who are struggling to make ends meet. We may have more than enough while others are wondering where they will get their next meal.

Let us never forget that our blessings are not meant for ourselves alone. God blesses us so that we can also become a blessing to others. We do not need to be wealthy to help someone in need. A simple act of kindness, a meal shared with someone who is hungry, a visit to someone who is lonely, or a sincere expression of concern can become a powerful expression of God's love. When we serve others with humble and loving hearts, we are also serving Jesus.

Today, as we commemorate All Souls' Day, we remember our departed loved ones. We offer Holy Mass for the repose of their souls, pray for them, and, whenever possible, visit their graves. We reminisce about the moments we shared with them, especially the beautiful memories that continue to live in our hearts. We thank God for the gift of their lives and for the love they shared with us.

As we remember those who have gone before us, let us also reflect on the lives we are living today. Our time on earth is limited, and we do not know when the Lord will call us home. What matters most is not how much wealth we accumulate or how many possessions we leave behind, but how much love we have shared and how many lives we have touched through our kindness and generosity.

Someday, we, too, will stand before the Lord. May we be able to look back on our lives with grateful hearts, knowing that we did not turn away from those who needed our help. May Jesus find in us hearts that are compassionate, hands that are willing to serve, and lives that reflect His love.

As we remember our departed loved ones today, let us ask ourselves: If Jesus were to stand before us now in the person of someone who is poor, hungry, lonely, or suffering, would we recognize Him, open our hearts to Him, and lovingly extend our helping hands—or would we simply turn away and walk past Him?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Lunes Nobyembre 2 Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano: Mateo 25:31-46


Mabuting Balita: Mateo 25:31-46
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila'y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ng mga kambing. 

At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako'y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. ako'y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako'y nabilanggo at ako'y inyong pinuntahan.' 

Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?' Sasagutin ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.'

"At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! kayo'y pasa-apoy na di-mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako'y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako'y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako'y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan, ako'y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.' 

At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?' At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang pinagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan."

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Ano ang nadarama natin sa tuwing taos-puso tayong tumutulong sa mga mahihirap, nangangailangan, at kapus-palad?

Nakadarama tayo ng di-mailarawang kagalakan sa ating mga puso. Ngunit sino ang nagbibigay sa atin ng ganitong kagalakan? Walang iba kundi si Hesus! Sapagkat anumang kabutihang ginagawa natin para sa pinakamaliit sa ating mga kapatid ay ginagawa rin natin para sa Kanya.

Sa ating Ebanghelyo, makikita natin ang dalawang pangkat ng mga tao: ang mga nasa kanan ng Panginoon at ang mga nasa kaliwa Niya. Ang mga nasa Kanyang kanan ay yaong mga tumulong sa mga nagugutom, nag-alaga sa mga maysakit, tumanggap sa mga dayuhan, at dumalaw sa mga nakabilanggo.

Nagpakita sila ng pagmamahal at habag sa mga taong higit na nangangailangan ng kanilang tulong. Samantala, ang mga nasa Kanyang kaliwa ay naging manhid sa pagdurusa ng kanilang kapwa at hindi nag-abot ng tulong kahit may pagkakataon silang gawin ito.

Tinanggap ng Panginoon ang mga nasa Kanyang kanan at pinagkalooban sila ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga nasa Kanyang kaliwa ay tumanggap ng kaparusahang walang hanggan dahil hindi nila ipinakita ang pagmamahal at habag sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng Ebanghelyong ito, ipinapaalala sa atin ni Hesus na ang pagmamahal natin sa Kanya ay dapat makita sa paraan ng pakikitungo natin sa ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap at kapus-palad.

Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyong ito na suriin ang ating mga puso at pagnilayan kung paano natin tinatrato ang mga taong dumaranas ng paghihirap. Maging sensitibo tayo sa kanilang mga pangangailangan at matutong tumingin sa ating paligid. Maaaring may mga kamag-anak, kapitbahay, o kaibigan tayo na hindi kasing-ginhawa ng ating kalagayan sa buhay.

Kung minsan, masyado tayong abala sa paghahangad ng kaginhawahan, pagtatamo ng mga ari-arian, at pagtupad sa sarili nating mga ambisyon kaya nakakalimutan natin ang mga taong nahihirapan. Maaaring sagana tayo sa buhay samantalang ang iba ay hindi alam kung saan kukuha ng kanilang susunod na pagkain.

Huwag nating kalilimutan na hindi lamang para sa ating sarili ang mga biyayang ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Pinagpapala Niya tayo upang maging daluyan din tayo ng Kanyang mga pagpapala sa iba. Hindi natin kailangang maging mayaman upang makatulong sa mga nangangailangan.

Ang isang simpleng kabutihan, ang pagbabahagi ng pagkain sa nagugutom, ang pagdalaw sa isang taong nalulungkot, o ang taos-pusong pagpapakita ng malasakit ay maaaring maging makapangyarihang pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Sa tuwing naglilingkod tayo sa ating kapwa nang may kababaang-loob at pagmamahal, naglilingkod din tayo kay Hesus.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Kaluluwa o All Souls’ Day, inaalala natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Nag-aalay tayo ng Banal na Misa para sa kapahingahan ng kanilang mga kaluluwa, nananalangin para sa kanila, at, kung may pagkakataon, dumadalaw tayo sa kanilang mga puntod.

Binabalikan natin sa ating alaala ang mga sandaling pinagsaluhan natin, lalo na ang magagandang karanasan. Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagkakaloob Niya sa atin ng kanilang buhay at sa pagmamahal na ibinahagi nila sa atin.

Habang inaalala natin ang mga nauna nang pumanaw, pagnilayan din natin ang uri ng buhay na ating isinasabuhay ngayon. May hangganan ang ating panahon sa mundong ito, at hindi natin alam kung kailan tayo tatawagin ng Panginoon. Ang pinakamahalaga ay hindi kung gaano karaming kayamanan ang ating naipon o kung gaano karaming ari-arian ang ating maiiwan, kundi kung gaano kalaki ang pagmamahal na naibahagi natin at kung ilang buhay ang napasaya, napagaan, at naantig natin sa pamamagitan ng ating kabutihan at pagkabukas-palad.

Darating ang araw na tayo rin ay haharap sa Panginoon. Nawa, sa araw na iyon, ay makabalik-tanaw tayo nang may pusong puno ng pasasalamat, sapagkat hindi natin tinalikuran ang mga taong nangangailangan ng ating tulong. Nawa, matagpuan ni Hesus sa atin ang mga pusong mahabagin, mga kamay na handang maglingkod, at mga buhay na sumasalamin sa Kanyang pagmamahal. 

Sa paggunita natin ngayon sa ating mga yumaong mahal sa buhay, tanungin natin ang ating mga sarili: Kung si Hesus ay tumayo sa harapan natin ngayon sa katauhan ng isang mahirap, nagugutom, nag-iisa, o nagdurusang kapwa, makikilala ba natin Siya, bubuksan ba natin ang ating mga puso sa Kanya, at buong pagmamahal na iaabot ang ating mga kamay upang tumulong—o tatalikuran lamang natin Siya at magpapatuloy sa ating paglalakad na para bang wala tayong nakita?—Marino J. Dasmarinas