Thursday, December 04, 2025

Reflection for December 5 Friday of the First Week of Advent: Matthew 9:27-31


Gospel: Matthew 9:27-31
As Jesus passed by, two blind men followed him, crying out, “Son of David, have pity on us!” When he entered the house, the blind men approached him and Jesus said to them, “Do you believe that I can do this?” “Yes, Lord,” they said to him.

Then he touched their eyes and said, “Let it be done for you according to your faith.” And their eyes were opened. Jesus warned them sternly, “See that no one knows about this.” But they went out and spread word of him through all that land.

+ + + + + + +
Reflection:
What causes spiritual blindness?

Often, it is our love affair with this world. When we are too attached to worldly things, we become overly concerned about how we look in the eyes of others. We worry too much about the external impressions people have of us. We become fixated on chasing material wealth, power, status, and other worldly attachments. Slowly and almost unnoticed, these things cloud our vision and lead us into spiritual blindness.

In the Gospel, we encounter two men who are physically blind but spiritually insightful. Though they could not see with their eyes, they recognized the presence of Jesus as He passed by. With unwavering faith and deep longing, they cried out, “Son of David, have pity on us!” Their hearts saw what their eyes could not—and Jesus did not disappoint them.

This Gospel scene invites us to reflect on our own lives. We must be careful not to allow this world to rob us of our spiritual vision, for it is through spiritual sight that we discover the true essence and meaning of life. Life is not about earthly riches, influence, or achievements. What good are wealth and power if our hearts are empty of Jesus?

The moment we decide to follow Jesus faithfully, our spiritual blindness begins to heal. We start to see differently—very differently from how we once saw. We come to realize that nothing in this world truly matters except the love and light of Christ shining in our lives and guiding our paths.

Jesus Himself assures us: “I am the light of the world. Whoever follows Me will not walk in darkness, but will have the light of life” (John 8:12).

As we reflect on these words, let us ask ourselves with sincerity and courage: Are we willing to let go of whatever blinds us and cry out to Jesus with faith, so that we may see clearly and walk in His light today and always? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 5 Biyernes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 9:27-31


Mabuting Balita: Mateo 9:27-31
Noong panahong iyon, pag-alis ni Hesus sa lugar na iyon, sinundan-sundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila na ang wika, “Anak ni David, mahabag kayo sa amin!” Pagpasok ni Hesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Hesus, “Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?”

“Opo, Panginoon,” sagot nila. At hinipo niya ang kanilang mga mata, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong paniniwala.” At nakakita na sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Hesus na huwag sasabihin ito kaninuman. Ngunit nang sila’y makaalis, ibinalita nila sa buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni Hesus.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang sanhi ng espirituwal na pagkabulag?

Madalas, ito ay nagmumula sa ating “relasyon” sa mundong ito. Kapag labis tayong nahuhumaling sa mga bagay na makamundo, nagiging abala tayo sa kung ano ang hitsura natin sa paningin ng iba. Labis tayong nababahala sa impresyon na iniiwan natin sa ating kapwa. Nahuhumaling tayo sa paghabol sa materyal na kayamanan, kapangyarihan, katayuan, at iba pang makalupang bagay. At sa pagdaan ng panahon, unti-unti nitong pinapalalabo ang ating paningin at dinadala tayo sa espirituwal na pagkabulag.

Sa Mabuting Balita, nakatagpo tayo ng dalawang lalaking bulag sa paninging pisikal ngunit malinaw ang mata ng pananampalataya. Bagama’t hindi sila nakakakita nang pisikal, nakilala nila ang presensya ni Hesus na dumaraan. Kaya buong tapang at puno ng pananampalataya silang sumigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!” Ang kanilang mga puso ang nakakita ng hindi makita ng kanilang mga mata at hindi sila binigo ni Hesus.

Inaanyayahan tayo ng tagpong ito na magnilay sa ating sariling buhay. Hindi natin dapat hayaan na agawan tayo ng mundong ito ng ating espirituwal na paningin, sapagkat dito natin natatagpuan ang tunay na diwa at kahulugan ng buhay. Ang buhay ay hindi tungkol sa yaman, kapangyarihan, o tagumpay sa mundo. Sapagkat ano ang silbi ng lahat ng ito kung wala naman si Hesus sa ating mga buhay?

Sa sandaling magpasya tayong sumunod kay Hesus nang buong katapatan, unti-unti nitong napapagaling ang ating espirituwal na pagkabulag. Nagbabago ang ating pananaw na lubos na naiiba sa dati. Unti-unti nating nauunawaan na wala nang hihigit pa sa mundong ito kundi ang pag-ibig at liwanag ni Hesus na gumagabay sa atin.

Tunay ngang sinabi ni Hesus: “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay” (Juan 8:12).

Sa ating pagninilay, hayaan nating sumagi sa ating mga puso ang tanong na ito: Ano ang humahadlang sa atin upang makita nang malinaw si Hesus, at handa ba tayong iwan ito at sumigaw sa Kanya nang may pananampalataya—upang makalakad tayo sa Kanyang liwanag araw-araw ng ating buhay? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, December 03, 2025

Reflection for December 4 Thursday of the First Week of Advent: Matthew 7:21, 24-27


Gospel: Matthew 7:21, 24-27
Jesus said to his disciples: "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the Kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father in heaven. 

"Everyone who listens to these words of mine and acts on them will be like a wise man who built his house on rock. The rain fell, the floods came, and the winds blew and buffeted the house. But it did not collapse; it had been set solidly on rock. 

And everyone who listens to these words of mine but does not act on them will be like a fool who built his house on sand. The rain fell, the floods came, and the winds blew and buffeted the house. And it collapsed and was completely ruined."

+ + + + + + +
Reflection:
Is Jesus truly the foundation of our lives?

When we choose Jesus as our foundation, nothing in this world can ultimately bring us down—not even the heaviest problem we will ever face. Storms will surely come, but when our lives are built on Him, we are not shaken beyond hope. This is the grace of having Jesus at the center of our lives: He is our impregnable rock, our refuge and fortress, always ready to protect, sustain, and defend us.

And yet, if we are honest, many of us allow worldliness to become our foundation. We unconsciously place our security in things that promise stability but cannot truly sustain us. So what happens when trials, disappointments, or losses come our way? We begin to crumble. We find ourselves overwhelmed by the dilemmas of this world—burdens that could have been carried more lightly had we rooted our lives in Christ.

When we build our lives on power, status, or money, we forget that these things do not last. Sooner or later, they fade, slip away, or fail us. And when they do, what remains? Too often, we are left broken, helpless, and empty—not because Jesus abandoned us, but because we slowly drifted away, choosing the world over Him.

Still, the Good News remains: Jesus continues to offer Himself to us. Even now, He invites us to make Him the true center of our lives—the gravitational force that orders our choices, our values, and our hopes. We need not be afraid to come to Him. He does not interrogate us about our sinful past. What matters to Him is our openness today, our willingness now, and our future with Him.

So let us pause and reflect: What or who is really the foundation of our lives? Are we building on what passes away, or are we ready to entrust everything to Jesus, the rock that will never fail us? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 4 Huwebes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 7:21, 24-27


Mabuting Balita: Mateo 7:21, 24-27
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. 

“Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. 

Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Si Hesus ba ang tunay na pundasyon ng ating buhay?

Kapag si Hesus ang pinili nating maging pundasyon ng ating buhay, wala sa mundong ito ang kayang tuluyang magpabagsak sa atin—kahit pa ang pinakamabigat na problemang ating haharapin. Darating ang mga unos, ngunit kung nakatayo ang ating buhay sa Kanya, hindi tayo masisira. Ito ang biyaya ng pagkakaroon ni Hesus sa sentro ng ating buhay: Siya ang ating matibay na bato, ating kanlungan at tanggulan, laging handang umakay, magtanggol, at magligtas sa atin.

Ngunit kung magiging totoo tayo sa ating sarili, marami sa atin ang hinahayaan ang makamundong bagay na maging pundasyon ng ating buhay. Unti-unti, inilalagay natin ang ating seguridad sa mga bagay na may pangakong katiyakan ngunit hindi naman kayang tumagal.

Kaya ano ang nangyayari kapag dumating ang mga pagsubok, kabiguan, at pagkawala? Unti-unti tayong nadudurog. Pinapabagsak tayo ng mga suliranin ng mundong ito—mga pasaning magiging magaan sana kung si Kristo lamang ang ating sandigan.

Kapag kapangyarihan, katanyagan, o pera ang ginagawa nating saligan ng ating buhay, nalilimutan nating lahat ng ito ay pansamantala. Darating ang panahon na maglalaho ang mga ito. At kapag nawala na, ano ang matitira sa atin? Kadalasan, tayo’y sugatan, walang lakas, at hungkag—hindi dahil iniwan tayo ni Hesus, kundi dahil tayo mismo ang lumayo at pinili ang mundo kaysa sa Kanya.

Gayunman, nananatili ang Mabuting Balita: patuloy na iniaalok ni Hesus ang Kanyang sarili sa atin. Sa mismong sandaling ito, inaanyayahan Niya tayong gawin Siyang sentro ng ating buhay—ang puwersang humuhubog sa ating mga pasya, pagpapahalaga, at pag-asa. Hindi tayo kailangang matakot na lumapit sa Kanya. Hindi Niya tayo inuusisa tungkol sa ating makasalanang nakaraan. Ang mahalaga sa Kanya ay ang ating “ngayon,” ang bukas nating loob sa kasalukuyan, at ang hinaharap na handa nating tahakin kasama Siya.

Kaya sandali tayong huminto at magnilay: Ano nga ba ang tunay na pundasyon ng ating buhay?

Nakaugat ba tayo sa mga bagay na lilipas, o handa na ba nating ialay kay Hesus ang lahat—siya na ang batong pundasyon na kailanman ay hindi bibiguin ang sinumang magtitiwala? – Marino J. Dasmarinas

Tuesday, December 02, 2025

Reflection for Wednesday December 3 Memorial of Saint Francis Xavier, Priest: Matthew 15:29-37


Gospel: Matthew 15:29-37
At that time: Jesus walked by the Sea of Galilee, went up on the mountain, and sat down there. Great crowds came to him, having with them the lame, the blind, the deformed, the mute, and many others. They placed them at his feet, and he cured them. The crowds were amazed when they saw the mute speaking, the deformed made whole, the lame walking, and the blind able to see, and they glorified the God of Israel.

Jesus summoned his disciples and said, “My heart is moved with pity for the crowd, for they have been with me now for three days and have nothing to eat. I do not want to send them away hungry, for fear they may collapse on the way.” The disciples said to him, “Where could we ever get enough bread in this deserted place to satisfy such a crowd?”

Jesus said to them, “How many loaves do you have?” “Seven,” they replied, “and a few fish.” He ordered the crowd to sit down on the ground. Then he took the seven loaves and the fish, gave thanks, broke the loaves, and gave them to the disciples, who in turn gave them to the crowds. They all ate and were satisfied. They picked up the fragments left over–seven baskets full.

+ + + + + + +
Reflection:
What do we do when we see the poor? Do we go out of our way to give something to those who hunger—not only for food, but also for dignity, compassion, and hope? Jesus summoned His disciples and said, “My heart is moved with pity for the crowd, for they have been with Me now for three days and have nothing to eat.”

Let us take a moment to be still. Let us close our eyes and place ourselves among the disciples. Let us listen closely and allow the words of Jesus to sink deeply into our hearts. As He speaks, let us imagine that He is looking at us and entrusting us with His compassion. Do we discern that the Lord is calling us to be His instruments in feeding, helping, and uplifting those who have nothing in life?

In these difficult times, when hunger has become commonplace Jesus continues to speak to us today. He reminds us, “Let your hearts be moved with pity for the poor and the hungry—for those who have nothing, for those who are oppressed, and for those who feel weak, forgotten, and abandoned.” His words are not only meant to be heard; they are meant to be lived.

It is easy for us to say, “We want to help,” or “We will do something for the poor.” But the true test of discipleship is not found in words alone. It is revealed in our actions—when what we do becomes concrete and tangible. Let us not be afraid to help, for this is precisely what the Lord asks of us. Let us not be anxious or doubtful, for every act of love we give—from a sincere and generous heart—will return to us in blessings beyond measure.

As followers of Christ, we are invited to allow our hearts to be moved as His heart was moved. The question now is this: in these challenging times, how are we allowing ourselves to become the compassionate hands and loving heart of Jesus for the poor and the hungry today? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Disyembre 3 Paggunita kay San Francisco Javier, pari: Mateo 15:29-37


Mabuting Balita: Mateo 15:29-37
Noong panahong iyon, nagbalik si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Hesus at kanyang pinagaling sila.

Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.

Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alaga, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus sa kanila.

 “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ginagawa natin kapag nakikita natin ang mga dukha o mahihirap? Lumalabas ba tayo sa ating comfort zone upang magbigay nang kahit kaunti sa mga nagugutom—hindi lamang sa pagbibigay ng pagkain, kundi pati narin ang pag mamalasakit sa kanila? Tinipon ni Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ang aking puso sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na silang kasama ko at wala silang makain.”

Maglaan tayo ng sandaling katahimikan. Ipikit natin ang ating mga mata at ilagay ang ating sarili sa piling ng mga alagad. Pakinggan nating mabuti ang mga salitang ito ng Panginoon at hayaang tumimo ang mga ito sa ating mga puso. Isipin natin na si Jesus ay tumitingin at nagsasalita mismo sa atin. Nararamdaman ba natin na tinatawag tayo ng Panginoon upang maging Kanyang mga kasangkapan sa pagpapakain, pagtulong, at pag-aaruga sa mga taong halos wala na sa buhay?

Sa mga panahong ito ng paghihirap, kung saan laganap ang gutom dahil kurapsyon sa gobyerno patuloy na nagsasalita sa atin si Jesus. Ipinapaalala Niya sa atin: “Mahabag din ang inyong mga puso sa mga dukha at nagugutom—sa mga walang-wala, sa mga naaapi, at sa mga mahihina at nakalimutan ng lipunan.” Ang Kanyang mga salita ay hindi lamang dapat pakinggan; ang mga ito ay dapat isabuhay.

Madali para sa atin ang magsabi, “Tutulong tayo,” o “May gagawin tayo para sa mahihirap.” Ngunit ang tunay na pagsubok ng pagiging alagad ni Kristo ay hindi nasusukat sa mga salita. Ito ay nasusukat sa gawa—sa mga kongkreto at tunay na hakbang ng pagmamahal. Huwag tayong matakot na tumulong, sapagkat ito ang malinaw na kalooban ng Panginoon. Huwag din tayong mangamba, sapagkat anumang tulong na ibinibigay natin nang taos-puso ay nagbabalik sa atin ng pagpapala sa maraming paraan.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, inaanyayahan tayong isabuhay ang kanyang utos ng pag tulong. Sa gitna ng mga hamon ng ating panahon, paano tayo ngayon nagiging mga kamay at puso ni Jesus para sa mga dukha, nangangailagan at nagugutom? – Marino J. Dasmarinas  

Monday, December 01, 2025

Reflection for December 2 Tuesday of the First Week of Advent: Luke 10:21-24


Gospel: Luke 10:21-24
Jesus rejoiced in the Holy Spirit and said, “I give you praise, Father, Lord of heaven and earth, for although you have hidden these things from the wise and the learned you have revealed them to the childlike. Yes, Father, such has been your gracious will. All things have been handed over to me by my Father.

No one knows who the Son is except the Father, and who the Father is except the Son and anyone to whom the Son wishes to reveal him.” Turning to the disciples in private he said, “Blessed are the eyes that see what you see. For I say to you, many prophets and kings desired to see what you see, but did not see it, and to hear what you hear, but did not hear it.

+ + + + + + +
Reflection:
Do we have a regular time of communication and prayer with God?

Communication is at the heart of our relationship with God. The more time we spend speaking with Him in prayer and silence, the closer our hearts are drawn to His. It is through this constant communication that our friendship with God deepens and our relationship with Him is strengthened.

In today’s Gospel, we witness Jesus in prayer, communicating intimately with God our Father. He lifts His voice in praise, yet His prayer goes beyond words of thanksgiving. Jesus prays because He longs for the Father. From this longing flows a deep and loving oneness—a communion that nurtures His mission and sustains His life.

We, too, are called to live with this same longing and thirst for God in every moment of our lives. Prayer is not merely a religious act; it is our lifeline. When we stop communicating with God, we slowly grow empty within. We may appear strong and composed on the outside, yet deep in our hearts, our faith becomes shallow and fragile.

That is why we are invited to return—again and again—to regular moments of prayer each day. Let us make space in our lives to praise God, to thank Him, and to entrust everything we are and everything we hold dear into His loving hands. Let us not wait for moments of crisis or desperation before we seek Him. God longs to be with us not only in our need, but in every ordinary moment of our lives.

So let us pause and reflect: Are we truly making time each day to be with God, or are we only turning to Him when everything else has already failed? How willing are we to allow prayer to shape our lives, deepen our love, and draw us into a living, personal relationship with Him? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 2 Martes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Lucas 10:21-24


Mabuting Balita: Lucas 10:21-24
Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita Ama. Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. 

Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.” Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Nag lalaan ba tayo ng oras ng pakikipag-ugnayan at panalangin sa Diyos?

Ang komunikasyon ang puso ng ating ugnayan sa Diyos. Habang mas madalas tayong nakikipag-usap at nananatili sa Kanya sa panalangin at katahimikan, mas lalo Niyang inilalapit ang ating mga puso sa Kanyang pag-ibig. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan, lalalim ang ating pagkakaibigan at relasyon sa Diyos.

Sa Mabuting Balita ngayon, nasasaksihan natin si Jesus na taimtim na nakikipag-ugnayan sa Diyos Ama sa pamamagitan ng panalangin. Siya’y nagpupuri, ngunit ang Kanyang panalangin ay hindi lamang pagbigkas ng papuri. Siya’y nananalangin dahil sa Kanyang pananabik sa Ama. At mula sa pananabik na ito ay nabubuo ang mas malalim na pagkakaisa at pakikipag-isa sa Kanya—isang ugnayang nagbibigay-buhay at lakas sa Kanyang misyon.

Tayo rin ay inaanyayahang mamuhay na may ganitong pananabik at uhaw sa Diyos sa bawat sandali ng ating buhay. Ang panalangin ay hindi lamang isang gawi sa relihiyon; ito ang ating hininga, ang ating sandigan. Kapag tumigil tayo sa pakikipag-usap sa Diyos, unti-unti tayong kakainin tayo ng mundong ito. Maaaring matatag ang ating anyo sa panlabas, ngunit sa kaibuturan, nagiging mababaw at marupok ang ating pananampalataya hangang sa ito ay mawala ng tuluyan.

Kaya’t inaanyayahan tayong magbalik—araw-araw—sa ating regular na sandali ng panalangin. Maglaan tayo ng oras upang purihin Siya, pasalamatan Siya, at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng tayo’y mayroon at tinataglay. Huwag nating hintayin ang mga sandali ng matinding pangangailangan at pagsubok bago tayo makipagugnay sa Diyos. Inaanyayahan Niya tayong makasama hindi lamang sa oras ng problema, kundi maging sa karaniwan at tahimik na mga sandali ng ating buhay.

Kaya ngayon, magmuni-muni tayo: Tunay ba nating binibigyan ng oras ang Diyos araw-araw, o hinahanap lamang natin Siya kapag wala na tayong ibang masandalan? Handa ba tayong hayaang ang panalangin ang humubog sa ating buhay, magpalalim sa ating pananampalataya, at magdala sa atin sa isang buhay at personal na pakikipag-ugnayan sa Kanya? — Marino J. Dasmarinas