Friday, November 14, 2025

Reflection for Sunday November 16 Thirty-third Sunday in Ordinary Time: Luke 21:5-19


Gospel: Luke 21:5-19
While some people were speaking about how the temple was adorned with costly stones and votive offerings, Jesus said, “All that you see here the days will come when there will not be left a stone upon another stone that will not be thrown down.

Then they asked him, “Teacher, when will this happen? And what sign will there be when all these things are about to happen?” He answered, “See that you not be deceived, for many will come in my name, saying, ‘I am he,’ and ‘The time has come.’ Do not follow them!

When you hear of wars and insurrections, do not be terrified; for such things must happen first, but it will not immediately be the end.” Then he said to them, “Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom. There will be powerful earthquakes, famines, and plagues from place to place; and awesome sights and mighty signs will come from the sky.

“Before all this happens, however, they will seize and persecute you, they will hand you over to the synagogues and to prisons, and they will have you led before kings and governors because of my name. It will lead to your giving testimony. Remember, you are not to prepare your defense beforehand, for I myself shall give you a wisdom in speaking that all your adversaries will be powerless to resist or refute.

You will even be handed over by parents, brothers, relatives, and friends, and they will put some of you to death. You will be hated by all because of my name, but not a hair on your head will be destroyed. By your perseverance you will secure your lives.

+ + + + + + +
Reflection:
There is a story about a man who lived each day burdened with cynicism, fear, and worry. His thoughts were filled with nothing else but these three. One day, a friend asked him if he believed in God. He replied, “No, I don’t believe in God.” When asked why, he said, “Because no one has ever introduced me to your God or told me anything about Him.”

Nearby was another friend named Jessie, a practicing Catholic, who overheard their conversation. Moved with compassion, he approached the anxious man and asked if he could spare an hour every Sunday evening so he could share Jesus and his Catholic faith with him. The man said, “Yes, I can give you my hour—or perhaps even more than an hour. Let’s begin as soon as possible.”

And so it happened: on a Sunday, Jessie visited his friend’s home and shared everything he knew about Jesus and the Catholic faith. The man listened eagerly; he absorbed every word, and soon a deep thirst for Jesus began to grow within him.

He started reading books about Jesus and the Catholic Church, and this journey eventually led him to baptism. After his baptism, the fear and worry that once dominated his life faded away. He was no longer the same, for he now had Jesus living within him.

In today’s Gospel, Jesus speaks about the end times—He reminds us of the fragility of life, the fading nature of material things, and the reality of persecution and even death. Yet in the midst of these troubling images, He gently tells us not to fear, for He Himself will care for us.

End-time-like experiences are real. Many people around us are facing hopelessness, distress, and inner darkness at this very moment. And what is often the root of their despair? They do not yet know that there is Someone—Jesus—who saves, who comforts, who strengthens, who heals, and who gives a peace that surpasses all understanding.

As followers of Christ, we are called to make a difference in the lives of those who do not yet know Him. We are invited to be like Jessie—to introduce Jesus to others, to walk with them patiently, lovingly, gently. For countless lives have been changed because someone courageously shared Jesus with them. Yet many more around us remain lost, restless, and desperate for hope.

We must therefore act. We must love boldly, speak gently, and witness faithfully—without fear of the consequences. For Jesus Himself assures us: “You will be hated by all because of My name, but not a hair on your head will be destroyed. By your perseverance you will secure your lives.” (Luke 21:17–19) – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Nobyembre 16 Ika-33 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 21:5-19


Mabuting Balita: Lucas 21:5-19
Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilan sa mga tao ang templo -- ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi ni Jesus, "Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato." 

Tinanong nila si Jesus, "Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito'y magaganap na?"

Sumagot siya, "Mag-ingat kayo ng hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, 'Ako ang Mesias!' at, 'Dumating na ang panahon!' Huwag kayong susunod sa kanila. 

Huwag kayong mabagabag kung makakita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating kara-karaka ang wakas." At sinabi pa niya, "Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na mga bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit. 

"Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayo't uusigin. Kayo'y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin.

Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili, sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at nang pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. 

Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin. ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang lalaki na araw-araw ay nabubuhay na pasan ang bigat ng pagdududa, takot, at pag-aalala. Wala nang ibang laman ang kanyang isip kundi ang tatlong ito. Isang araw, tinanong siya ng isang kaibigan kung naniniwala siya sa Diyos.

Sumagot siya, “Hindi, hindi ako naniniwala sa Diyos.” Nang tanungin kung bakit, sinabi niya, “Dahil wala pang nagpakilala sa akin sa Diyos na sinasabi ninyo, at wala pang nagsabi sa akin ng kahit ano tungkol sa Kanya.”

Malapit sa kanilang dalawa ay ang isa pa nilang kaibigan na si Jessie, isang masigasig at nagsasabuhay na Katoliko, na narinig ang kanilang pag-uusap. Naantig ang kanyang puso kaya nilapitan niya ang lalaking balisa at tinanong kung maaari siyang maglaan ng isang oras tuwing Linggo ng gabi, upang maibahagi niya rito si Jesus at ang kanyang pananampalatayang Katoliko. Sagot ng lalaki, “Oo, maaari kong ibigay sa iyo ang isang oras—o baka higit pa sa isang oras. Simulan na natin ito sa lalong madaling panahon.”

At ganoon nga ang nangyari: isang Linggo, bumisita si Jessie sa bahay ng kaibigan at ibinahagi ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol kay Jesus at sa pananampalatayang Katoliko. Masigasig na nakinig ang lalaki; inisip niya ang bawat salita, at hindi nagtagal, isang malalim na pagkauhaw kay Jesus ang sumibol sa kanyang puso.

Nagsimula siyang magbasa ng mga aklat tungkol kay Jesus at sa Simbahang Katolika, at ang paglalakbay na ito ay nagdala sa kanya sa Sakramento ng Binyag. Pagkatapos mabinyagan, ang takot at pag-aalalang matagal nang nananahan sa kanyang buhay ay nawala. Hindi na siya katulad ng dati, sapagkat si Jesus ay naninirahan na sa kanyang puso.

Sa ating Mabuting Balita, nagsasalita si Jesus tungkol sa mga huling araw—ipinapaalala Niya sa atin ang kawalang kasiguruhan ng buhay, ang paglipas ng mga materyal na bagay, at maging ang kamatayan. Gayunman, sa gitna ng mga nakakatakot na larawang ito, puno ng pagmamahal Niyang sinasabi sa atin na huwag tayong matakot, sapagkat Siya mismo ang mag-iingat sa atin.

Maraming  tao ngayon ang tila nakararanas ng tila ba “katapusan” sa kanilang buhay. Marami sa paligid natin ang nakararanas ng kawalan ng pag-asa, pagkabalisa, at kadiliman sa kalooban. At ano ang ugat ng kanilang paghihirap? Hindi pa nila nakikilala ang Isang— Jesus—na nagliligtas, nagmamahal, nagpapagaling, umaakay, at nagbibigay ng kapayapaang hindi kayang ipaliwanag ng mundo.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, tinatawag tayong ibahagi si Jesus sa buhay ng mga hindi pa Siya nakikilala. Inaanyayahan tayong maging tulad ni Jessie—magpakilala ng Panginoon sa iba, makipaglakbay sa kanila nang may pasensya, pagmamahal, at kababaang-loob. Marami nang buhay ang nabago dahil may isang taong nagmalasakit na magbahagi tungkol kay Jesus. Ngunit marami pa rin sa ating paligid ang ligaw, balisa, at nauuhaw kay Jesus.

Kaya kailangan nating kumilos. Kailangan nating magmahal, magsalita nang may kabaitan, at sumaksi nang tapat—nang hindi natatakot sa maaaring kahihinatnan. Sapagkat sinabi mismo ni Jesus: “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa Aking pangalan, ngunit walang isang buhok man sa inyong ulo ang mawawala. Sa pamamagitan ng inyong pagtitiyaga ay makakamtan ninyo ang kaligtasan.”(Lucas 21:17–19) – Marino J. Dasmarinas

Reflection for November 15 Saturday of the 32nd Week in Ordinary Time: Luke 18:1-8


Gospel: Luke 18:1-8
Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary. He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being. And a widow in that town used to come to him and say, ‘Render a just decision for me against my adversary. 

For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’ 

The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night? Will he be slow to answer them? I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily. But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”

+ + + + +  + +
Reflection:
Do we always pray with persistence? Do we truly pray and pray without losing heart until we receive what we have been asking for from God? Jesus, in our Gospel, teaches us that we must remain steadfast in prayer. Even when what we seek seems impossible, we are called to pray persistently, because what is impossible for us becomes possible through Jesus.

In our Gospel today, we encounter a heartless judge—someone who neither feared God nor respected anyone. And yet, when the widow tirelessly approached him for a just decision, he eventually granted her request. Why? Because she refused to give up.

If we were in the place of the widow, knowing that the judge was impertinent and unkind, would we still persevere in presenting our request? Or would we simply walk away and surrender to discouragement?

When we bring our petitions before God, we are invited to cultivate a heart that does not tire of praying. We are urged to humbly ask Him again and again to grant what we seek, trusting that His timing is perfect and His wisdom far greater than ours. Never mind if His answer seems delayed; what truly matters is that we continue to pray, continue to trust, and never give up.

Life reminds us again and again that those who persevere—those who refuse to surrender despite trials, delays, or setbacks—eventually receive what they seek. This truth shines brightly in the persistence of the widow in our Gospel.

May we, like her, hold firmly to our faith and persist in prayer even when God seems silent, knowing that His love for us never wavers.

As we reflect today, we ask ourselves: When God seems slow to answer, do we persevere in faith-filled prayer, or do we quietly give up on the miracle He may be preparing for us? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Nobyembre 15 Sabado sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 18:1-8


Mabuting Balita: Lucas 18:1-8
Noong panahong iyon, isinaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa."Sa isang lunsod," wika niya, "may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding yaon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. 

Ngunit ng malaunan ay nasabi nito sa sarili: 'Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala-- baka pa ako mainis sa kapaparito niya.'" 

At sinabi ng Panginoon, "Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagama't tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?"

+ + + + + + +
Repleksyon:
Tayo ba ay palaging nananalangin nang may pagtitiyaga? Ibig sabihin, tayo ba ay patuloy na nananalangin nang hindi pinanghihinaan ng loob hanggang sa matanggap natin ang ating hinihiling sa Diyos?

Itinuturo sa atin ni Jesus sa ating Ebanghelyo na dapat tayong maging matiyaga at matatag sa panalangin. Sapagkat kahit tila imposibleng matanggap ang ating hinihingi, kailangan pa rin nating magpatuloy sa panalangin—dahil ang imposibleng hindi natin kayang abutin ay nagiging ganap na posible kay Jesus.

Sa ating Mabuting Balita, may isang hukom na walang puso—isang taong walang takot sa Diyos at walang galang sa sinuman. Ngunit kahit ganoon siya, ibinigay niya ang hinihinging katarungan ng balo dahil hindi ito tumigil sa pangungulit at paghahayag ng kanyang hinaing. Bakit niya ito ibinigay? Sapagkat ang balo ay hindi sumuko.

Kung tayo kaya ang nasa kalagayan ng balo, at alam nating ang hukom ay walang malasakit at impertinente, magpapatuloy pa kaya tayong magharap ng ating kahilingan? O agad na lamang ba tayong aatras, susuko at panghihina ng loob?

Kapag tayo ay may idinadalang panalangin sa Diyos, inaanyayahan Niya tayong magkaroon ng pusong hindi napapagod manalangin—pusong patuloy na nagmamakaawa, nagtitiwala, at naghihintay sa Kanyang perpektong oras  na pagsagot. Huwag nating alalahanin kung tila natatagalan ang tugon ng Diyos; ang pinakamahalaga ay ang pagpapatuloy natin sa panalangin, pagtitiwala, at hindi pagsuko.

Muli at muli tayong pinaaalalahanan ng buhay na ang mga taong hindi sumusuko—sa panalangin man o sa anumang pagsubok ng buhay—ay sa huli tumatanggap ng biyayang kanilang hinahanap. Ito ang aral na malinaw na ipinakita ng matiyagang balo sa ating Ebanghelyo.

Nawa’y katulad ng balo, magtaglay tayo ng pananampalatayang hindi natitinag at panalanging hindi napapagod, kahit tila tahimik ang Diyos—dahil kailanman ay hindi Siya tumatalikod sa atin.

Kaya, tanungin natin ang ating sarili: Kapag tila tahimik ang Diyos at mabagal ang tugon sa ating panalangin, nagpapatuloy ba tayong manalig at manalangin, o unti-unti na ba tayong sumusuko bago dumating ang biyayang inihahanda Niya para sa atin? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, November 13, 2025

Reflection for November 14 Friday of the 32nd Week in Ordinary Time: Luke 17:26-37


Gospel: Luke 17:26-37
Jesus said to his disciples: “As it was in the days of Noah, so it will be in the days of the Son of Man; they were eating and drinking, marrying and giving in marriage up to the day that Noah entered the ark, and the flood came and destroyed them all.

Similarly, as it was in the days of Lot: they were eating, drinking, buying, selling, planting, building; on the day when Lot left Sodom, fire and brimstone rained from the sky to destroy them all.

So it will be on the day the Son of Man is revealed. On that day, someone who is on the housetop and whose belongings are in the house must not go down to get them, and likewise one in the field must not return to what was left behind. Remember the wife of Lot.

Whoever seeks to preserve his life will lose it, but whoever loses it will save it. I tell you, on that night there will be two people in one bed; one will be taken, the other left. And there will be two women grinding meal together; one will be taken, the other left.”  They said to him in reply, “Where, Lord?” He said to them, “Where the body is, there also the vultures will gather.

+ + + + + + +
Reflection:
Why does the Church perpetually call us to leave behind our sinfulness? From the beginning of time, the Church has never ceased to remind us to live a life worthy in the eyes of the Lord. But why does she make this call?

It is because the Church, like a loving mother, wants to prepare us for the coming Judgment Day — a day we do not know when it will arrive. Therefore, the sooner we respond to this call for repentance, the better it will be for us, for genuine conversion will save us from unspeakable punishment and lead us toward eternal peace.

During the time of Noah and Lot, people were so absorbed in worldly pleasures and immoral pursuits that they ignored God’s warnings. Without any sign or warning, catastrophe struck. Why did it happen? It happened because they were consumed by their desires — their lust, their greed, and their love for sin.

Sadly, we often fail to learn from these lessons of the past. Even today, many of us still allow sin to dominate our hearts and decisions. We continue to harbor the presence of evil in our midst, often without realizing how it weakens our relationship with God.

We ought to stop these sinful ways while we still have time. Sin will never bring us true happiness; it only leads to restlessness, confusion, and despair. The more we give in to sin, the more our lives lose peace and direction. But if we turn back to God, His mercy will embrace us, and His grace will renew our hearts.

So today, let us reflect deeply: Are we still clinging to the things that separate us from God, or are we ready to let go and allow His transforming love to change us completely? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Nobyembre 14 Biyernes sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 17:26-37


Mabuting Balita: Lucas 17:26-37
Noong panahong iyon, sinabi nin Hesus sa kanyang mga alagad, "Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat.

Gayon din noong panahon ni Lot -- ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim, at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayon din sa pagdating ng Anak ng Tao.  

"Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag ng bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito.  

Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa.

May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa." "Saan po, Panginoon,?" tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, "Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit ba tayo patuloy na tinatawagan ng Simbahan na talikuran ang ating mga kasalanan? Mula pa noong unang panahon, hindi tumitigil ang Simbahan sa paanyaya na mamuhay tayo nang karapat-dapat sa paningin ng Panginoon. Ngunit bakit nga ba paulit-ulit ang tawag na ito?

Sapagkat tulad ng isang mapagmahal na ina, nais ng Simbahan na ihanda tayo para sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom—isang araw na hindi natin alam kung kailan darating. Kaya’t habang may panahon pa, mas mabuting tugunan na natin ang panawagang ito ng pagsisisi. Sapagkat ang tunay na pagbabalik-loob ay magliligtas sa atin mula sa di-masukat na kaparusahan at maghahatid sa atin sa walang hanggang kapayapaan.

Noong panahon nina Noe at Lot, abala ang mga tao sa makamundo at imoral na gawain. Wala sa kanilang isipan ang Diyos. At nang walang anumang babala, dumating ang sakuna. Bakit ito nangyari? Sapagkat lubos silang nabighani sa kanilang pita ng laman, kasakiman, at pagnanais na gumawa ng kasalanan.

Sa kasamaang-palad, tila hindi tayo natututo mula sa mga pangyayaring ito. Hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang patuloy na nagpapasakop sa kasalanan, halimbawa ay ang kurupsyon sa flood control na maraming politiko at mga nagtratrabaho sa gobyerno ang sangkot. Patuloy nating pinapayagang manahan ang kasalanan—minsan pa nga, sa loob mismo ng ating puso.

Kaya’t nararapat lamang na talikuran na natin ang mga makasalanang gawa habang may oras pa. Ang kasalanan ay kailanman hindi magdudulot ng kabutihan; bagkus, ito’y nagdadala ng kaguluhan, problema, at kawalan ng kapayapaan. Ngunit kung tayo’y tatalikod sa kasalanan at babalik sa Diyos, yayakapin tayo ng Kanyang awa at babaguhin ng Kanyang biyaya ang ating mga puso.

Kaya ngayon, tayo’y magnilay: Patuloy pa rin ba nating hinahawakan ang mga bagay na humahadlang sa atin sa Diyos, o handa na ba tayong bitiwan ang mga ito upang tuluyang maranasan ang Kanyang mapagpatawad na pag-ibig? — Marino J. Dasmarinas

Wednesday, November 12, 2025

Reflection for November 13 Thursday of the 32nd Week in Ordinary Time: Luke 17:20-25


Gospel: Luke 17:20-25
Asked by the Pharisees when the Kingdom of God would come, Jesus said in reply, “The coming of the Kingdom of God cannot be observed, and no one will announce, ‘Look, here it is,’ or, ‘There it is.’ For behold, the Kingdom of God is among you.” 

Then he said to his disciples, “The days will come when you will long to see one of the days of the Son of Man, but you will not see it. There will be those who will say to you, ‘Look, there he is,’ or ‘Look, here he is.’

Do not go off, do not run in pursuit. For just as lightning flashes and lights up the sky from one side to the other, so will the Son of Man be in his day. But first he must suffer greatly and be rejected by this generation.

+ + + + + + +
Reflection:
Do we already have an awareness of the Kingdom of God?

Each one of us has a different level of awareness of the Kingdom of God. For some of us, it is already here and now — alive and active in our hearts. This deep awareness often springs from a rock-solid faith and a close intimacy with God — a faith that is constantly nourished through prayer, reflection, and obedience to His will.

Yet, there are also times when we become less sensitive to God’s Kingdom in our lives. Some among us may even live as though life ends with death — without realizing that God’s Kingdom is real and eternal. Here lies our challenge: what can we do so that others may come to know and experience the Kingdom of God?

Should we preach about it? Should we teach about it? Yes — but beyond words, we are called to live it. We must preach it, teach it, and most importantly, embody it in the way we love, forgive, and serve. Otherwise, we may lose sight of it ourselves and continue to live without the holy awareness that keeps us away from sin.

The Kingdom of God is already within us — we who know and love Jesus, and we who seek to follow Him daily. Therefore, our mission is clear: to share and live out the teachings of Jesus so that others may also awaken to His Kingdom and discover its life-giving power.

Do we truly live and share the Kingdom of God in our daily lives — or have we allowed the noise of the world to silence the voice of His presence within us? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Nobyembre 13 Huwebes sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 17:20-25


Mabuting Balita: Lucas 17:20-25
Noong panhong iyon, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, "Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. at wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini.

Sapagkat ang totoo'y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya."

At sinabi niya sa mga alagad, "Darating ang panahong hahangarin ninyong ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. at may magsasabi sa inyo, "Naroon siya! o, 'Narini siya!'

Huwag kayong pumunta upang siya'y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao'y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May kamalayan na ba tayo sa kaharian ng Diyos?

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang antas ng kamalayan tungkol sa Kaharian ng Diyos. Para sa ilan sa atin, ang Kaharian ng Diyos ay naririto na — buhay at kumikilos sa ating mga puso. Ang ganitong kamalayan ay nagmumula sa matatag na pananampalataya at malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos — isang pananampalatayang patuloy na pinagyayaman ng taimtim na panalangin, pagninilay, at pagsunod sa Kanyang kalooban.

Subalit may mga sandali rin na tayo ay nagiging manhid sa presensya ng Kaharian ng Diyos sa ating buhay. May ilan sa atin na namumuhay na para bang ang buhay ay nagtatapos sa kamatayan, na hindi nauunawaan na ang Kaharian ng Diyos ay tunay at walang hanggan. Dito pumapasok ang hamon para sa ating lahat: ano ang maaari nating gawin upang makilala rin nila at maranasan ang Kaharian ng Diyos?

Dapat ba nating ipangaral ito? Dapat ba nating ituro ito? Oo — ngunit higit pa sa mga salita, tinatawag tayong isabuhay ito. Kailangang ipangaral natin, ituro natin, at higit sa lahat, ipakita natin ito sa pamamagitan ng ating pag-ibig, pagpapatawad, at paglilingkod. Kung hindi natin ito isasabuhay, baka tuluyan nating makalimutan ang presensya ng Kaharian ng Diyos at mamuhay nang walang takot sa kasalanan.

Ang Kaharian ng Diyos ay nasa loob na natin — tayo na kumikilala, nagmamahal, at sumusunod kay Jesus araw-araw. Kaya’t malinaw ang ating misyon: ibahagi at isabuhay ang mga turo ni Jesus upang ang iba rin ay magkaroon ng kamalayan at karanasan ng Kanyang Kaharian na nagbibigay-buhay.

Tunay nga ba nating isinasabuhay at ibinabahagi ang Kaharian ng Diyos sa ating araw-araw na pamumuhay, o hinayaan na nating matabunan ito ng ingay at kasamaan ng mundong ating ginagalawan?  — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, November 11, 2025

Reflection for Wednesday November 12 Memorial of Saint Josaphat, Bishop and Martyr: Luke 17:11-19


Gospel: Luke 17:11-19
As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying, "Jesus, Master! Have pity on us!" And when he saw them, he said, "Go show yourselves to the priests."

As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, "Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?" Then he said to him, "Stand up and go; your faith has saved you."

+ + + + + + +
Reflection:
What does God require of us to be healed of our physical and emotional sickness? God requires faith, humility, and gratefulness.

In our Gospel today, while Jesus was on His way to Jerusalem, His attention was caught from afar by ten men who were shouting with faith, “Jesus, Master! Have pity on us!” It was not their loud voices that caught the Lord’s attention; it was their faith-filled hearts that moved Him with compassion. Jesus saw beyond their wounds and pain—He saw their trust in Him.

As a result, all ten were healed. Yet not all of them were humble and grateful enough to return and acknowledge the One who made them whole. Only one man—a Samaritan, a foreigner—went back to thank Jesus. His act of gratitude revealed not just a healed body but a transformed heart.

Then Jesus said, “Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine?” Why did He ask this? Was He longing to be praised? Of course not. Jesus sought the others because He wanted to see if they carried the virtues of humility and gratefulness. Sadly, they did not return. Their healing was complete in the flesh, but incomplete in spirit.

From this Gospel, we can draw three life-giving lessons that speak to our journey of faith:

 First, we must always have faith in Jesus. No matter the storms that batter our lives, we must never let go of our trust in Him. Our faith is the anchor that steadies us when everything else feels uncertain.

Second, we must always humble ourselves before God by submitting to His will, not our own. God’s plan for us is always greater and wiser than what we could ever design for ourselves. True humility allows us to surrender control and let His grace lead our steps.

Third, we must always be grateful. Every day, God showers us with countless blessings—some small, some great, all precious. The food on our table, the health we enjoy, the breath we take each morning—these may seem ordinary, but they are extraordinary gifts from a loving Father. Gratitude opens our eyes to see His miracles in the most ordinary moments.

Therefore, let us always nurture hearts filled with faith, humility, and gratitude. Let us trust in God no matter what challenges we face. Let us humble ourselves before Him and others, for humility is the doorway through which more blessings flow. And let us live each day with thankful hearts, recognizing the small and great miracles that God works in our lives.

Have we become like the Samaritan—faithful, humble, and grateful—or have we, perhaps unknowingly, walked away without returning to thank the Lord who heals and blesses us each day? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Nobyembre 12 Paggunita kay San Josafat, Obispo at martir: Lucas 17:11-19


Mabuting Balita: Lucas 17:11-19
Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”

At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano.

“Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano nga ba ang hinihingi ng Diyos sa atin upang tayo ay gumaling—hindi lamang sa ating pisikal na karamdaman, kundi maging sa ating mga sugat na emosyonal at espirituwal? Ang hinihingi ng Diyos ay pananampalataya, kababaang-loob, at pusong mapagpasalamat.

Sa ating Mabuting Balita ngayon, habang si Jesus ay naglalakbay patungong Jerusalem, napansin Niya mula sa malayo ang sampung lalaking may ketong na sumisigaw, “Jesus, maawa ka sa amin!” Hindi ang lakas ng kanilang tinig ang umantig sa Kanya, kundi ang pananampalatayang nagmumula sa kanilang mga pusong umaasa. Nakita ni Jesus hindi lamang ang kanilang sugatang katawan, kundi ang paniniwalang kumikislap sa kanilang kaluluwa.

Agad silang pinagaling ni Jesus. Subalit hindi lahat ay nagpakita ng kababaang-loob at pasasalamat. Isa lamang — ang Samaritano, isang dayuhan — ang bumalik upang magpasalamat kay Jesus. Ang kanyang pagbabalik ay tanda ng pusong hindi lamang gumaling, kundi nabago ng lubusan.

At sinabi ni Jesus, “Hindi ba sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam?” Bakit Niya ito tinanong? Dahil ba gusto Niyang purihin Siya? Hindi. Nais lamang ni Jesus makita kung taglay din ng iba ang kababaang-loob at pusong mapagpasalamat. Nakalulungkot, hindi sila nagbalik. Gumaling nga ang kanilang katawan, ngunit ang kanilang espiritu ay nanatiling may karamdaman.

Mula sa Mabuting Balitang ito, tatlong mahahalagang aral ang ating matututunan:

Una, tayo ay dapat laging manampalataya kay Jesus. Sa gitna ng mga unos ng buhay, huwag tayong mawawalan ng tiwala sa Kanya. Ang pananampalataya ang ating sandigan kapag tila walang katiyakan ang lahat.

Ikalawa, tayo ay dapat maging mapagpakumbaba sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kalooban, hindi sa ating sariling kagustuhan. Sa kababaang-loob natin tunay na nasusumpungan ang biyaya ng Diyos, sapagkat Siya ay malapit sa mga pusong marunong yumuko at magtiwala.

Ikatlo, tayo ay dapat laging magpasalamat. Araw-araw, binubuhusan tayo ng Diyos ng Kanyang mga biyaya—malalaki man o maliliit. Ang pagkain sa ating hapag, ang kalusugang ating tinatamasa, at ang panibagong buhay na ibinibigay Niya tuwing umaga—lahat ng ito ay mga patunay ng Kanyang pagmamahal. Kung minsan ay hindi natin ito napapansin, ngunit ito ang mga himalang tahimik Niyang ibinubulong sa ating pang-araw-araw na buhay.

Kaya’t sikapin nating palaging taglayin ang pusong may pananampalataya, kababaang-loob, at pasasalamat. Tayo ay magtiwala sa Diyos sa gitna ng anumang pagsubok. Tayo ay magpakumbaba sa Kanyang harapan at sa ating kapwa, sapagkat sa kababaang-loob dumadaloy ang masaganang biyaya. At tayo ay laging magpasalamat sa bawat maliit o malaking himalang Kanyang ginagawa sa ating buhay araw-araw.

Tayo ba ay katulad ng Samaritano—may pusong puno ng pananampalataya, kababaang-loob, at pasasalamat—o tayo ba, tulad ng siyam, ay nakalimot bumalik upang pasalamatan ang Panginoong patuloy na nagpapagaling at nagmamahal sa atin? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for Tuesday November 11 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop: Luke 17:7-10


Gospel: Luke 17:7-10
Jesus said to the Apostles: “Who among you would say to your servant who has just come in from plowing or tending sheep in the field, ‘Come here immediately and take your place at table’? Would he not rather say to him, ‘Prepare something for me to eat. Put on your apron and wait on me while I eat and drink. You may eat and drink when I am finished’? 

Is he grateful to that servant because he did what was commanded? So should it be with you. When you have done all you have been commanded, say, ‘We are unprofitable servants; we have done what we were obliged to do.

+ + + + + + +
Reflection:
What characterizes a meaningful life?

It is a life of loving service to God and to our fellowmen and women. God brought us into this world not to be served but to serve. Yet if we are honest, serving God is not always easy. It can be tiring, demanding, and even misunderstood. Still, we are called to serve—no matter how difficult—so that we may help Jesus spread His saving love and living faith.

But what does it truly take to become genuine servants of the Lord? It requires humility—deep, sincere, and constant humility. For only a humble heart can serve without seeking applause, recognition, or validation. But do we truly have humility when we serve? Many of us, oftentimes, are tempted to look good in the eyes of others. Many times, even our desire to serve the poor can be influenced by how we want Jesus or other people to see us.

Yet Jesus cannot be fooled. We may impress people, but we can never hide from Him the real motives of our hearts. He sees everything—the intentions behind our actions, the thoughts behind our smiles, the reasons behind our service.

And still, in His mercy, the moment we choose to follow or serve God, He will surely reward us. The first reward is peace—deep peace that the world cannot give. And many other rewards will follow. These may not be the rewards we expect or desire from this world, but they will be far greater, far deeper, far more lasting than anything earthly recognition can offer. Some of these rewards may not even come in our lifetime, but they will surely come in God’s perfect time—even beyond our earthly life.

Because God never forgets the love we give, the sacrifices we make, and the small, hidden acts of service we offer in His name.

Are we serving to be seen—or serving because we have seen and experienced the love of Jesus? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Martes Nobyembre 11 Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo: Lucas 17:7-10


Mabuting Balita: Lucas 17:7-10
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, "Ipalagay nating kayo'y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain. 

Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.'"

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ba ang tunay na nagpapakilala ng isang makahulugang buhay?

Ito ay ang buhay na naglilingkod nang may pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. Dinala tayo ng Diyos sa mundong ito hindi upang paglingkuran, kundi upang tayo ang maglingkod. Ngunit kung tayo ay magiging tapat, ang paglilingkod sa Diyos ay hindi laging madali.

Madalas itong nakapapagod, nakakaubos, at minsan ay hindi nauunawaan ng iba. Gayunman, tinatawag pa rin tayo na maglingkod—anumang hirap ang kaharapin—upang maibahagi natin  ang pag-ibig ni Jesus.

Ngunit ano nga ba ang kailangan upang maging tunay na lingkod ng Panginoon?

Kinakailangan nito ng kababaang-loob—malalim, tapat, at palagian. Sapagkat ang pusong mapagpakumbaba lamang ang nakakayanan ang maglingkod nang hindi naghahanap ng papuri o pagkilala.

Ngunit tayo ba ay may tunay na kababaang-loob kapag tayo ay naglilingkod? Marami sa atin, madalas, ay natutuksong maglingkod upang magmukhang mabuti sa paningin ng iba. Minsan pa nga, pati ang paglilingkod natin sa mga dukha ay naaapektuhan ng kagustuhan nating magmukhang kalugod-lugod sa paningin ni Jesus.

Ngunit hindi natin kayang lokohin si Jesus. Maaari nating mapahanga ang tao, ngunit ang Diyos? Hindi kailanman. Nakikita Niya ang lahat—ang nilalaman ng ating puso, ang motibo ng ating gawa, at ang maliliit na lihim sa likod ng ating mga kilos.

At sa kabila nito, sa sandaling piliin natin na sundin at paglingkuran ang Diyos, tiyak Niya tayong gagantimpalaan. Ang unang gantimpala ay kapayapaan—malalim at tahimik na kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo. Susundan ito ng marami pang biyaya.

Maaaring hindi ito ang gantimpalang hinihintay o inaasahan natin mula sa mundong ito, ngunit tiyak na mas malalim, mas dakila, at mas panghabang-buhay ang mga gantimpalang nagmumula sa Diyos. Maaaring hindi natin ito matanggap habang tayo ay nabubuhay, ngunit darating ito sa tamang oras—kahit lampas pa sa buhay na ito.

Sapagkat hindi kailanman nakakalimot ang Diyos sa bawat pag-ibig na ibinibigay natin, sa bawat sakripisyong tinitiis natin, at sa bawat tahimik at tagong paglilingkod na inaalay natin para sa Kanya.

Naglilingkod ba tayo upang makita ng iba—o naglilingkod tayo dahil nakita at naranasan na natin ang walang hanggang pag-ibig ni Jesus? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for Monday November 10 Memorial of Saint Leo the Great, Pope and Doctor of the Church: Luke 17:1-6


Gospel: Luke 17:1-6
Jesus said to his disciples, “Things that cause sin will inevitably occur, but woe to the one through whom they occur. It would be better for him if a millstone were put around his neck and he be thrown into the sea than for him to cause one of these little ones to sin.

Be on your guard! If your brother sins, rebuke him; and if he repents, forgive him. And if he wrongs you seven times in one day and returns to you seven times saying, ‘I am sorry, you should forgive him.”  

And the Apostles said to the Lord, “Increase our faith.” The Lord replied, “If you have faith the size of a mustard seed, you would say to this mulberry tree, ‘Be uprooted and planted in the sea,’ and it would obey you.

+ + + + +  + +
Reflection:
Why do we sin?

We sin because we sometimes allow sin to envelop us, and we sin because our faith in Jesus weakens and becomes easily defeated by temptations. The devil is like a drone hovering above us—watching, observing, waiting for the moment our faith falters. And the very instant he detects that our faith is weak, he quickly sends his servants to entice us with sin and lure us away from God.

But what is the antidote to sin?

It is something simple, and yet something we often fail to fully embrace—our faith in Jesus. This is what conquers the devil. This is what shields us from temptation. And the moment we ask Jesus to strengthen our faith, He will lovingly and generously grant us the grace we need.

But do we sincerely and prayerfully ask Him?

Are we faithful Mass-goers?

Do we spend time with the Word of God?

Do we pray the Holy Rosary with devotion and love?

If we truly desire an increase of faith, we must not only ask Jesus—we must also show Him, through our daily choices and our way of life, that we are ready to receive this precious gift. When we do so, we will begin to notice a meaningful transformation in our faith journey and in our walk with Jesus.

Faith is a gift—but it is also given by Jesus to those who seek it earnestly, and to those who are willing to walk away from anything that leads them into sin. A person worthy of this gift is someone who continues to grow in the knowledge of Jesus, and someone who shares their faith with others so that more hearts may encounter His love.

So if we want our faith to grow, let us desire to know Jesus more deeply, let us share Him more boldly, and let us courageously turn our backs on anything that separates us from His love. - Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Lunes Nobyembre 10 Paggunita kay San Leon Magno, papa at pantas ng simbahan : Lucas 17:1-6


Mabuting Balita: Lucas 17:1-6
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya’t mag-ingat kayo! 

“Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.” 

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit ba tayo nagkakasala?

Nagkakasala tayo dahil minsan hinahayaang natin na alipinin tayo ng kasalanan; nagkakasala tayo dahil humihina ang ating pananampalataya kay Jesus at madali tayong natatangay ng tukso.

Ang diyablo ay parang isang drone na palutang-lutang sa ibabaw natin—nakamasid, nagmamatyag, naghihintay ng sandaling manghina ang ating pananampalataya. At sa mismong oras na makita niyang mahina na tayo, mabilis niyang ipinadadala ang kanyang mga alipin upang tuksuhin tayo at ilayo tayo sa Diyos.

Ngunit ano ba ang lunas sa kasalanan?

Ito ay isang bagay na simple, ngunit madalas ay hindi natin lubos na niyayakap—ang ating pananampalataya kay Jesus. Ito ang tumatalo sa diyablo. Ito ang nagiging panangga natin laban sa tukso. At sa sandaling hilingin natin kay Jesus na palakasin ang ating pananampalataya, buong pagmamahal Niya itong ibibigay at pagkakalooban Niya tayo ng biyayang kailangan natin.

Ngunit taimtim ba talaga tayong humihiling?

Tapat ba tayong dumadalo sa Banal na Misa?

Naglalaan ba tayo ng oras para sa Kanyang Salita?

Nagdarasal ba natin ang Banal na Rosaryo nang may debosyon at pag-ibig?

Kung tunay nating nais na lumago ang ating pananampalataya, hindi lang tayo dapat humingi kay Jesus—dapat din nating ipakita sa Kanya, sa pamamagitan ng ating araw-araw na mga pagpili at pamumuhay, na handa tayong tanggapin ang mahalagang kaloob na ito. Kapag ginawa natin ito, mapapansin natin ang makabuluhang pagbabago sa ating paglalakbay ng pananampalataya at sa ating pakikipaglakad kay Jesus.

Ang pananampalataya ay isang kaloob—ngunit ito rin ay ibinibigay ni Jesus sa mga tao na buong sigasig na naghahanap nito, at handang talikuran ang anumang naglalayo sa kanila sa Kanyang pag-ibig. Ang taong karapat-dapat sa kaloob na ito ay yaong patuloy na lumalago sa pagkilala kay Jesus, at nagbabahagi ng kanilang pananampalataya upang mas maraming puso ang makaranas ng Kanyang pagmamahal.

Kaya kung nais talaga nating lumalim ang ating pananampalataya, sikapin nating makilala si Jesus nang mas malalim, ibahagi Siya nang mas buong kasipagan, at talikuran nang may lakas ng loob ang anumang humahadlang sa atin na tangapin ang Kanyang pag-ibig.

Handa ba tayong hayaan ang ating puso na sumunod kay Jesus, upang tuluyan tayong mahubog ng Kanyang pag-ibig? – Marino J. Dasmarinas