Wednesday, August 27, 2025

Reflection for Thursday August 28 Memorial of Saint Augustine, Bishop and Doctor of the Church: Matthew 24:42-51


Gospel: Matthew 24:42-51
(Jesus said to his disciples) “Stay awake! For you do not know on which day your Lord will come. Be sure of this: if the master of the house had known the hour of night when the thief was coming, he would have stayed awake and not let his house be broken into. So too, you also must be prepared, for at an hour you do not expect, the Son of Man will come.  

“Who, then, is the faithful and prudent servant, whom the master has put in charge of his household to distribute to them their food at the proper time? Blessed is that servant whom his master on his arrival finds doing so.   

Amen, I say to you, he will put him in charge of all his property. But if that wicked servant says to himself, ‘My master is long delayed,’ and begins to beat his fellow servants, and eat and drink with drunkards, the servant’s master will come on an unexpected day and at an unknown hour and will punish him severely and assign him a place with the hypocrites, where there will be wailing and grinding of teeth.”

 + + + +  + +

What are you going to do if you’re assigned a responsibility? 

Naturally, when something is entrusted to us, we do our best to fulfill it without delay. We do not waste time with excuses or hesitation; instead, we act immediately, knowing that it is our duty and privilege to carry it out faithfully. 

In today’s Gospel, Jesus reminds His disciples: “Be prepared, for the Son of Man will come at an hour you do not expect.” This is not simply a call to watchfulness, but an invitation to live our lives in a way that reflects His own. 

What kind of preparation does Jesus want from His disciples? It is not complicated—He calls us to live with humility, to show genuine concern for the poor, and to dedicate our lives in service to others. In this way, our daily actions become our preparation for His return. 

But how do we prepare for Jesus in our own lives? Is it by working endlessly to increase our wealth or satisfy our earthly desires? Of course not. The preparation Jesus speaks of is far deeper. It is about opening our hearts so that when He knocks, we are ready to welcome Him in. 

Therefore, let us not spend all our energy chasing after what perishes—riches, possessions, or worldly pleasures. These are not the be-all and end-all of life. True preparation for the coming of Jesus is found in setting aside time for Him—in prayer, in service, in acts of love—no matter how busy we may be. For it is only in making room for Jesus that our lives gain true meaning and eternal purpose. 

How are you preparing for Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Huwebes Agosto 28 Paggunita kay San Agustin, Obispo at pantas ng Simbahan: Mateo 24:42-51


Mabuting Balita: Mateo 24:42-51
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya'y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan."   

"Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.  

Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.

+ + + + + + +

Repleksyon:

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay bibigyan ng isang responsibilidad? 

Siyempre, kapag may ipinagkatiwala sa atin, ginagawa natin ang lahat upang ito ay agad at tapat  na maisakatuparan. Hindi tayo nag-aaksaya ng oras sa mga dahilan o pag-aalinlangan; bagkus, kumikilos tayo kaagad, sapagkat alam natin na tungkulin at karangalan ang pagtupad dito nang tapat. 

Sa Ebanghelyo ngayong araw, pinaaalalahanan ni Jesus ang Kanyang mga alagad: “Maging handa kayo sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.” Ito ay hindi lamang panawagan upang maging mapagmasid, kundi isang paanyaya na mamuhay ayon sa pamumuhay ni Jesus mismo. 

Ano ba ang uri ng paghahandang nais ni Jesus mula sa Kanyang mga alagad? Simple lamang—ang mamuhay nang may kababaang-loob, magpakita ng tunay na malasakit sa mga mahihirap, at ialay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa. Sa ganitong paraan, ang bawat araw ay nagiging paghahanda para sa Kanyang muling pagdating. 

Ngunit paano ba natin paghahandaan si Jesus sa ating sariling buhay? Sa pamamagitan ba ng patuloy na pag-iipon ng kayamanan o pagtupad lamang sa mga pansariling hangarin? Siyempre hindi. Ang tunay na paghahanda na nais ni Jesus ay higit pa rito—ito ay ang pagbubukas ng ating mga puso upang, kapag Siya ay kumatok, handa tayong papasukin Siya sa ating buhay. 

Kaya’t huwag nating ilaan ang lahat ng ating lakas at oras sa paghahabol ng mga bagay na panandalian lamang—kayamanan, ari-arian, at kalayawan sa mundo. Sapagkat  hindi ito ang totoong buhay. Ang pinakamainam na paghahanda para sa pagdating ni Jesus ay ang pagbibigay ng oras para sa Kanya—sa panalangin, sa paglilingkod, at sa pag gawa ng mabubuting bagay. Sapagkat sa paglalaan ng puwang para kay Jesus, natatagpuan natin ang tunay na kahulugan at layunin ng ating buhay. 

Paano ka naghahanda para kay Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, August 26, 2025

Reflection for Wednesday August 27 Memorial of Saint Monica: Matthew 23:27-32


Gospel: Matthew 23:27-32
Jesus said, "Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You are like whitewashed tombs, which appear beautiful on the outside, but inside are full of dead men's bones and every kind of filth. Even so, on the outside you appear righteous, but inside you are filled with hypocrisy and evildoing. 

"Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You build the tombs of the prophets and adorn the memorials of the righteous, and you say, 'If we had lived in the days of our ancestors, we would not have joined them in shedding the prophets' blood.' Thus you bear witness against yourselves that you are the children of those who murdered the prophets; now fill up what your ancestors measured out!"

 + + + +  + + +

Reflection:
The story is told about a politician who seemed to have an extraordinary gift of resonating with the pulse of the people. He spoke their language, touched their emotions, and promised them help if they would elect him to office. To make a long story short, he was voted into office because of his glib tongue and the image he projected. But sadly, once in power, he failed to fulfill the promises he had made. 

In the Gospel, Jesus denounces the hypocrisy of the scribes and Pharisees, who were overly concerned with appearances but neglected what truly matters—interior purity and transformation of the heart. 

Jesus would not have been displeased if the scribes and Pharisees had struggled with their own man-made external standards, as long as they had sincerely pursued cleansing within. What He desired was their conversion, their willingness to eradicate sin and allow God’s grace to renew them. Yet, instead of accepting His loving correction, they hardened their hearts, took offense at Him, and eventually conspired to put Him to death. 

When we reflect honestly, we realize that we, too, are not strangers to such behavior. We sometimes wear a mask of righteousness—looking respectable outwardly while neglecting the deeper call to cleansing, renewal, and transformation of the heart. 

But here lies our hope: God still gives us time. Time to cast aside all fakery, self-promotion, and manipulation. Time to open ourselves to His mercy, to be washed clean, and to live in authenticity. 

May we choose to walk the path of humility and truth, and may we strive to become more like Jesus.—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Agosto 27 Paggunita kay Santa Monica: Mateo 23:27-32


Mabuting Balita: Mateo 23:27-32
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punong-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan." 

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, 'Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.' 

Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo'y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!  
+ + + + + + +
Repleksyon:
 May isang kuwento tungkol sa isang politiko na may pambihirang kakayahang makaantig sa damdamin ng mga tao. Marunong siyang magsalita ng wika ng karaniwang tao, nahuhuli nya ang kanilang simpatiya, at nangako ng tulong kung siya ay ihahalal sa puwesto.

Sa madaling salita, siya ay nahalal hindi dahil sa gawa, kundi dahil sa kanyang matamis na pananalita at imahe na ipinakita. Subalit sa kasamaang palad, nang siya ay makaupo na sa kapangyarihan, hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako.

Sa Ebanghelyo, kinondena ni Jesus ang pagkukunwari ng mga eskriba at Pariseo. Labis silang nakatuon sa panlabas na anyo at anyong kabanalan, ngunit nakalimutan nila ang higit na mahalaga—ang kalinisan ng puso at ang tunay na pagbabagong-loob.

Hindi sana ikinagalit ni Jesus kung sila man ay nahirapang sundin ang sarili nilang itinakdang pamantayan, basta’t buong puso silang nagsikap na magpakabanal at magkaroon ng malinis kaisipan at konsyensya.

Ang nais ni Jesus ay ang kanilang pagbabalik-loob, ang pag iwas sa kasalanan, at ang pagpapahintulot sa biyaya ng Diyos na magpabago sa kanila. Ngunit sa halip na tanggapin ang mapagmahal na pagtutuwid ni Jesus, pinatigas nila ang kanilang mga puso, sila’y na-offend pa, at sa huli’y nagplano ng masama laban kay Jesus.

Kung ating susuriin nang tapat ang ating sarili, makikita natin na hindi rin tayo malayo sa ganitong ugali. May mga pagkakataong nagtatakip tayo ng anyo ng kabanalan—maayos sa panlabas—ngunit pinababayaan ang mas mahalagang panawagan: ang paglilinis, pagbabagong-loob, at pagbabalik kay Kristo mula sa ating kalooban.

Subalit  may pag-asa parin dahil binibigyan tayo ng Diyos ng panahon. Panahon upang iwaksi ang lahat ng pagkukunwari, pagyayabang, at pagmamanipula. Panahon upang buksan ang ating sarili sa Kanyang habag at pagtuturo.

Hinihikayat Niya tayong mamuhay nang tapat, mapagpakumbaba at mapuspos ng pag-ibig. Nawa’y piliin nating sundan si Jesus at hindi ang mga huwad mga makapangyarihang tao ng mundo na walang hangad kundi ang kanilang pansariling kapakanan.  —Marino J. Dasmarinas

Monday, August 25, 2025

Reflection for August 26 Tuesday of the 21st Week in Ordinary Time: Matthew 23:23-26


Gospel: Matthew 23:23-26
Jesus said: “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You pay tithes of mint and dill and cummin, and have neglected the weightier things of the law: judgment and mercy and fidelity. But these you should have done, without neglecting the others. Blind guides, who strain out the gnat and swallow the camel! 

“Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You cleanse the outside of cup and dish, but inside they are full of plunder and self-indulgence. Blind Pharisee, cleanse first the inside of the cup, so that the outside also may be clean.”

+ + + + + + +

Reflection:

Are we easily taken by physical appearance? 

There was once a lady who became smitten by the handsome appearance of her neighbor. When he asked her to elope with him, she agreed without hesitation. Yet, as weeks and months passed, she began to see his true character—his domineering attitude, his being irresponsible, and many other hidden flaws. What was once attractive on the outside became a source of sorrow when the truth of his inner life was revealed. 

How often do we also fall into this same trap? Many of us are easily drawn to what is pleasing to the eyes. We admire those who are good-looking, or we give honor to those dressed in expensive clothes. But appearances can deceive. What is external does not always reflect the truth of what lies within. 

For Jesus, external beauty is not what matters. He looks far deeper—into the purity of our hearts and the sincerity of our motives. What is unseen by the human eye, yet felt in the depth of the soul, is what matters most to Him. 

This should remind us: not everyone who looks good outwardly carries a good heart within. Some may appear radiant on the outside, yet lack humility and love in the inside. On the other hand, there are those whose faces may not shine with worldly beauty, but whose hearts are filled with kindness, compassion, and a quiet holiness that reflects the light of God. 

Let us therefore strive not for outward beauty, but for the kind of inner radiance that Jesus sees and treasures. For in the end, it is not our looks that will matter before God, but the purity of our hearts, the humility of our spirit, and the love we extend to others. — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Agosto 26 Martes sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon: Mateo 23:23-26


Mabuting Balita: Mateo 23:23-26
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus, Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. 

Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!   

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang tasa at ng pinggan, ngunit ang loob nito'y puno ng nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!
+ + + + + + +
Repleksyon:
Madali ba tayong naaakit ng panlabas na anyo? 

May isang babae na nabighani sa kaakit-akit na hitsura ng kaniyang kapitbahay. Nang siya ay anyayahang magtanan, agad siyang pumayag nang walang pag-aalinlangan. Subalit habang lumilipas ang mga linggo at buwan, unti-unti niyang natuklasan ang tunay nitong pagkatao—ang pagiging mapagdomina, kawalan ng pananagutan, at iba pang mga nakatagong kapintasan. Ang dating kinahumalingan sa panlabas ay nauwi sa dalamhati nang madiskubre ang tunay nyang katauhan. 

Gaano rin kadalas tayong nahuhulog sa ganitong patibong? Marami sa atin ang madaling maakit sa panlabas na ganda. Hinahangaan natin ang mga maganda o makisig, o nagbibigay-papuri tayo sa mga nakasoot ng marangya at mamahalin. Ngunit madaya ang panlabas na anyo. Sapagkat ang nakikita ng mata ay hindi laging sumasalamin sa totoo at malinis na pagkatao. 

Para kay Jesus, ang panlabas na kagandahan ay hindi mahalaga. Ang mas pinahahalagahan Niya ay ang kadalisayan ng ating puso at ang katapatan ng ating mga layunin. Ang mga bagay na hindi nakikita ng mata ngunit nararamdaman sa kalaliman ng kaluluwa—iyan ang higit na mahalaga para sa Kaniya. 

Ito ay paalala sa atin: hindi lahat ng maganda ang anyo ay may mabuting puso. May ilan na tila kaaya-aya sa paningin, subalit kulang sa pagpapakumbaba, kabutihan at pagmamahal. Ngunit mayroon ding mga tao na bagaman payak ang anyo, ang kanilang mga puso ay puspos ng kabutihan, habag, at tahimik na kabanalan na sumasalamin sa liwanag ng Diyos.

Kaya’t pagsikapan natin hindi ang panlabas na ganda, kundi ang panloob na liwanag na tanging si Jesus ang nakakakita at pinahahalagahan. Sapagkat sa huli, hindi ang ating kaanyuan ang mahalaga sa harap ng Diyos, kundi ang kadalisayan ng ating puso, ang kababaang-loob ng ating espiritu, at ang pag-ibig na ipinadadama natin sa ating kapwa. — Marino J. Dasmarinas

Sunday, August 24, 2025

Reflection for August 25 Monday of the 21st Week in Ordinary Time: Matthew 23:13-22


Gospel: Matthew 23:13-22
Jesus said to the crowds and to his disciples: “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You lock the Kingdom of heaven before men. You do not enter yourselves, nor do you allow entrance to those trying to enter. “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You traverse sea and land to make one convert, and when that happens you make him a child of Gehenna twice as much as yourselves.

“Woe to you, blind guides, who say, ‘If one swears by the temple, it means nothing, but if one swears by the gold of the temple, one is obligated.’ Blind fools, which is greater, the gold, or the temple that made the gold sacred? And you say, ‘If one swears by the altar, it means nothing, but if one swears by the gift on the altar, one is obligated.’ 

You blind ones, which is greater, the gift, or the altar that makes the gift sacred? One who swears by the altar swears by it and all that is upon it; one who swears by the temple swears by it and by him who dwells in it; one who swears by heaven swears by the throne of God and by him who is seated on it.” 

+ + + + + + +

Reflection:
Do you allow your faith in Jesus to transform you into a practicing follower? Faith is not just a label we wear—it is a life we are called to live. For example, consider His teaching on forgiveness (Matthew 18:21). Do you embrace this teaching that calls us to forgive always, or do you set conditions before extending forgiveness? Do you sometimes appear to forgive outwardly, but deep within—your heart still harbor a deep-seated resentment toward those who have wronged you? 

In today’s Gospel, Jesus condemns in the strongest terms the scribes and Pharisees because they preached the Law but failed to live it. They converted people to their way, yet after conversion, they imposed burdens and conditions that served only their own interests. By doing so, they led people away from the pure teachings of God and directed them instead toward their own self-serving doctrines and desires. 

But Jesus calls us to something higher and holier. He wants us to lead by example. Our words must flow from lives that are aligned with the Gospel. It is not enough to give lip service to our faith. If we say we follow Jesus, then it is incumbent upon us to live as He lived: in simplicity, humility, mercy, forgiveness, and compassion. 

The world needs not only teachers of the Word but living witnesses who radiate Christ in their actions. Let us ask ourselves: when people look at my life, do they see Jesus? Do my words match my deeds? Do I forgive as He forgives, love as He loves, and serve as He serves? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Agosto 25 Lunes sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon: Mateo 23:13-22


Mabuting Balita: Mateo 23:13-22
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Hinahadlangan ninyo ang mga tao upang hindi sila mapagharian ng Diyos. Ayaw na ninyong pasakop sa paghahari ng Diyos, hinahadlangan pa ninyo ang ibig pasakop! 

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Inuubos ninyo ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkalan ninyo’y ang pagdarasal nang mahaba! Dahil dito’y lalo pang bibigat ang parusa sa inyo! 

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nilalakbay ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig, makahikayat lamang kayo ng kahit isang Hentil sa pananampalatayang Judio. At kung mahikayat na’y ginagawa ninyong masahol pa kaysa inyo, kaya’t nagiging ibayo ang dahilan para siya’y parusahan sa impiyerno. 

“Sa aba ninyo, mga bulag na taga-akay! Itinuturo ninyo na kung ipanumpa ninuman ang templo, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang ginto ng templo, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. 

Mga bulag! Mga hangal! Alin ang mas mahalaga, ang ginto o ang templong nagpapabanal sa ginto? Sinasabi rin ninyo na kung ipanumpa ninuman ang dambana, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tupdin ang kanyang sumpa. 

Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang dambanang nagpapabanal sa handog? Kaya nga, kapag ipinanumpa ninuman ang dambana, ipinanunumpa niya iyon at ang lahat ng handog na naroon. Kapag ipinanumpa ninuman ang templo, ipinanunumpa niya iyon at ang tumatahan doon. At kapag ipinanumpa ninuman ang langit, ipinanunumpa niya ang trono ng Diyos at ang nakaluklok doon.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Isinasabuhay mo ba ang iyong pananampalataya? Ang pananampalataya ay hindi lamang pangalan na ating dala—ito ay buhay na dapat isabuhay. Halimbawa, isipin natin ang turo ni Jesus tungkol sa pagpapatawad (Mateo 18:21).

Tinatanggap mo ba ang turo Niyang ito na nagsasabi na tayo ay dapat laging magpatawad? O naglalagay ka ng mga kundisyon bago ka magpatawad? Minsan ba’y kunwari ay nagpapatawad ka, ngunit sa kaibuturan ng iyong puso’y may kinikimkim ka pa ring matinding hinanakit laban sa mga nagkasala sa iyo?

Sa Mabuting Balita ay kinondena ni Jesus nang buong tindi ang mga eskriba at mga Pariseo sapagkat nagtuturo sila ng mga kautusan ngunit hindi nila ito isinasabuhay. Nagpapalapit sila ng tao sa kanilang pananampalataya, ngunit kapag nandoon na, ipinapasan nila sa kanila ang mabibigat na kundisyon at utos na pabor lamang sa kanilang sariling kapakanan. Dahil dito, ang mga tao ay hindi na sinusunod ang tunay na aral ng Diyos kundi ang makasariling turo at kagustuhan ng kanilang mga pinuno.

Ngunit tinatawag tayo ni Jesus sa isang mas mataas at banal na pamumuhay. Nais Niya na tayo mismo ang maging huwaran. Ang ating mga salita ay dapat sumasalamin sa ating mga gawa. Hindi sapat na puro salita lamang ang ating pananampalataya. Kung sinasabi nating tayo ay sumusunod kay Jesus, tungkulin nating isabuhay ang Kanyang buhay—buhay ng pagpapakumbaba, pagiging simple, habag, pagpapatawad, at malasakit.

Ang mundo ay hindi lamang nangangailangan ng mga guro ng salita kundi higit sa lahat ng mga buhay na saksi na isinasabuhay si Kristo sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Kaya’t tanungin natin ang ating sarili: Nakikita ba ng iba si Jesus sa aking buhay? Isinasabuhay ko ba ang aking mga salita? Nagpapatawad ba ako gaya ng pagpapatawad ni Jesus? Nagmamahal ba ako gaya ng pagmamahal ni Jesus? Naglilingkod ba ako gaya ng paglilingkod Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Thursday, August 21, 2025

Reflection for August 24, 21th Sunday in Ordinary Time: Luke 13:22-30


Gospel: Luke 13:22-30
Jesus passed through towns and villages, teaching as he went and making his way to Jerusalem. Someone asked him, “Lord, will only a few people be saved?” He answered them, “Strive to enter through the narrow gate, for many, I tell you, will attempt to enter but will not be strong enough.  

After the master of the house has arisen and locked the door, then will you stand outside knocking and saying, ‘Lord, open the door for us.’ He will say to you in reply, ‘I do not know where you are from.’ And you will say, ‘We ate and drank in your company and you taught in our streets.’

Then he will say to you, ‘I do not know where you are from. Depart from me, all you evildoers!’ And there will be wailing and grinding of teeth when you see Abraham, Isaac, and Jacob and all the prophets in the Kingdom of God and you yourselves cast out.  

And people will come from the east and the west and from the north and the south and will recline at table in the Kingdom of God. For behold, some are last who will be first, and some are first who will be last.

+ + + + + + +

Reflection:

Where would we end up after our temporary journey in this world is over? This is a question that none of us can answer with certainty. We do not truly know what awaits us; however, Jesus lovingly gives us a glimpse—a promise—of where we may go. If we choose to follow Him faithfully and wholeheartedly, we will find ourselves in His eternal kingdom, in the company of Abraham, Isaac, Jacob, and all the prophets who have gone before us. 

Yet following the path of Jesus is never easy. It demands sacrifice, self-denial, and a heart willing to let go of what the world clings to. Are we willing to part with our wealth—or even a portion of it—so that others may live with dignity? 

 Are we ready to give up a high-paying job if it means we can serve the poor and the marginalized? Can we swallow our pride and extend our hand to those we have hurt or those who have hurt us? Are we prepared to abandon the habits, attachments, or relationships that lead us into sin? These are only a few of the many sacrifices we must embrace if we truly wish to walk in the footsteps of Christ. 

A life with Jesus is not about indulging in earthly trappings or seeking comfort in temporary pleasures. Rather, it is about doing away with whatever is sinful and fleeting, and embracing what draws us closer to Him. It is about discarding anything that distances us from His love. If our circle of friends, our lifestyle, or our desires pull us farther away from Jesus, then we must have the courage to let them go so that we may dwell nearer to Him. 

To follow Christ is to surrender everything at His feet, trusting that in losing ourselves, we gain eternity. In sacrificing what the world holds dear, we discover the true riches of heaven: peace that endures, joy that cannot be taken away, and a love that is everlasting. 

May we never forget that every sacrifice made for Jesus is never wasted. For what we give up in this life, He will return a hundredfold in His kingdom. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Agosto 24, Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 13:22-30


Mabuting Balita: Lucas 13:22-30
Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. 

Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok. “Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ 

At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!  Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ 

Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”

 + + + + + + +

Repleksyon:

Saan kaya tayo mapupunta matapos ang ating paglalakbay dito sa mundo? Isa itong tanong na walang sinuman ang makapagsasabi nang tiyak. Hindi natin tunay na alam kung ano ang naghihintay sa atin; subalit sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, binibigyan tayo ni Jesus ng isang pahiwatig—kung saan tayo patutungo. Kapag pinili nating sumunod at manatiling tapat sa Kanya nang buong puso, makakapasok tayo sa Kanyang walang hanggang kaharian, kasama sina Abraham, Isaac, Jacob, at ang lahat ng mga propeta na nauna na sa atin. 

Ngunit hindi madali ang pagsunod kay Jesus. Ito ay nangangailangan ng sakripisyo at pusong handang bitiwan ang mga bagay na pinapahalagahan ng mundo. Handa ba tayong isuko ang ating kayamanan—o kahit bahagi nito—upang bigyan ng pagkakataong mabuhay nang may dignidad ang iba? 

Handa ba tayong iwan ang trabahong malaki ang kita kung ang kapalit naman ay paglilingkod sa mga dukha at nasa laylayan? Kaya ba nating lunukin ang ating pride at abutin ang kamay ng mga nasaktan natin o ng mga nakasakit sa atin? Kaya ba nating talikuran ang mga bisyo, maling gawi, o relasyon na nagtutulak sa atin sa pagkakasala? Ilan lamang ito sa napakaraming sakripisyong kailangan nating yakapin kung nais nating sumunod sa yapak ni Jesus. 

Ang sumunod kay Jesus ay hindi tungkol sa pagtamasa ng kayamanan, kapangyarihan at kasiyahan sa mga makamundong bagay. Sa halip, ito ay tungkol sa pagtalikod sa anumang makasalanan at panandalian, at sa pagtanggap ng mga bagay na higit na magpapalapit sa atin kay Jesus. 

Ito rin ay tungkol sa pagbitiw sa lahat ng humahadlang sa atin upang madama ang Kanyang wagas na pag-ibig. Kung ang ating mga kaibigan, asal, o relasyon ay lalong nagpapalayo sa atin kay Jesus, kailangan nating magkaroon ng lakas ng loob na iwanan ang mga ito upang mas mapalapit tayo sa Kanya. 

Ang pagsunod kay Cristo ay ang pagsuko ng ating buhay para sa kanya. Sa pagbitiw natin sa mga bagay na pinahahalagahan ng mundo, natutuklasan natin ang tunay na kayamanan ng langit: kapayapaang hindi nawawala, kagalakang hindi kayang agawin sa atin ng kahit sino , at pag-ibig na walang hanggan. 

Nawa’y huwag nating malimutan na ang bawat sakripisyong iniaalay natin para kay Jesus ay hindi kailanman masasayang. Sapagkat ang anumang isinusuko natin dito sa mundo ay Kanyang ibibigay nang higit pa pag dating natin sa Kanyang kaharian. – Marino J. Dasmarinas

Reflection for August 23 Saturday of the 20th Week in Ordinary Time: Matthew 23:1-12


Gospel: Matthew 23:1-12
Jesus spoke to the crowds and to his disciples, saying, “The scribes and the Pharisees have taken their seat on the chair of Moses. Therefore, do and observe all things whatsoever they tell you, but do not follow their example. For they preach but they do not practice. 

They tie up heavy burdens hard to carry and lay them on people’s shoulders, but they will not lift a finger to move them. All their works are performed to be seen. They widen their phylacteries and lengthen their tassels. They love places of honor at banquets, seats of honor in synagogues, greetings in marketplaces, and the salutation ‘Rabbi.’ 

As for you, do not be called ‘Rabbi.’ You have but one teacher, and you are all brothers. Call no one on earth your father; you have but one Father in heaven. Do not be called ‘Master’; you have but one master, the Christ. The greatest among you must be your servant. Whoever exalts himself will be humbled; but whoever humbles himself will be exalted.”

+ + + + + + +

Reflection:

Do you live what you preach? 

“Walk your talk” is more than just a principle of management—it is also a way of Christian living. What does this mean? It means doing what we say and living by example. For instance, if a leader tells his people to do something, he must be the first to act on it. In this way, he leads the way, not only with words but with the witness of his life. 

During the time of Jesus, many of the Pharisees and scribes were regarded as leaders of their communities. Yet their leadership was often reduced to giving orders without showing the example. They remained in their ivory towers, observing from a distance, instead of journeying with the people they were meant to serve. 

But Jesus shows us a different path. For Him, true leadership is always by example. He practiced what He preached. He carried the cross before asking us to carry ours. He humbled Himself before asking us to be humble. 

In the family, for instance, when parents teach their children to live with discipline, honesty, or kindness, their words become powerful only when supported by their own actions. Same goes when parents advice their children to study or read a good book instead of browsing social media.   When parents themselves live these virtues, they inspire respect and obedience from their children—not out of fear, but out of love. 

Isn’t the wisdom of Jesus so relevant in our lives today? If we want others to follow, if we want to gain the respect of those entrusted to us, we must first show them the way through our own example. This is how Jesus lived His life, and this is how He led—through love, humility, and sacrifice. 

So let us pause and ask ourselves: How am I, as an individual, as a parent or perhaps as a leader? Am I content with merely giving instructions, or do I strive to live what I teach? Do I simply speak of faith, or do I show faith in action? 

May we always remember that the most effective preaching is not done with words but with the witness of our lives. And may we, like Jesus, lead others closer to God by walking our talk each day. – Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita Agosto 23 Sabado sa Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon: Mateo 23:1-12


Mabuting Balita: Mateo 23:1-12
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, "Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral.   

Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa, Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila'y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila'y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging guro.   

Ngunit kayo-- huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."

+ + + + + + +

Repleksyon:

Isinasabuhay mo ba ang iyong mga ipinangangaral? 

Ang kasabihang “Gawin mo ang iyong mga sinasabi” ay hindi lamang prinsipyo ng pamamahala—ito rin ay paraan ng pamumuhay ng isang Kristiyano. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin, isinasagawa natin ang ating sinasabi, at tayo mismo ang nagbibigay ng halimbawa. 

Halimbawa, kung ang isang pinuno ay nag-uutos sa kanyang nasasakupan na gumawa ng isang bagay, dapat siya mismo ang unang kumilos. Sa ganitong paraan, hindi lang siya nag-uutos—nagbibigay rin siya ng halimbawa sa pamamagitan ng kanyang sariling buhay. 

Noong panahon ni Jesus, maraming Pariseo at eskriba ang kinikilalang mga pinuno ng kanilang mga komunidad. Ngunit madalas, ang kanilang pamumuno ay nauuwi lamang sa pagbibigay ng mga utos, nang hindi ipinapakita ang sariling halimbawa. Nananatili sila sa kanilang mga luklukan at minamasdan lamang ang mga tao mula sa malayo, imbes na makibahagi sa kanilang mga ginagawa. 

Ngunit si Jesus ay nagpakita ng ibang uri ng pamumuno. Para sa Kanya, ang tunay na pamumuno ay laging nakaugat sa sariling halimbawa. Isinagawa Niya ang Kanyang ipinangaral. Siya mismo ang nagdala ng Krus bago Niya hiniling sa atin na buhatin din natin ang ating krus. 

Siya mismo ang nagpakumbaba bago Niya tayo inutusan na maging mapagpakumbaba. Sa isang pamilya, halimbawa, kapag tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mamuhay nang may disiplina, katapatan, at kabutihan, ang kanilang mga salita ay nagiging makapangyarihan lamang kung ito ay sinusuportahan ng kanilang sariling pagpapakita ng gawa. 

Halimbawa, sasabihin ng magulang sa kanilang mga anak na huwag silang palagin mag facebook, kundi mag basa at mag-aral dahil ito ay mas mabuti. Pero paano sila susunod kung nakikita nilang palaging naka online sa facebook ang kanilang magulang. 

Hindi ba’t napapanahon pa rin ang karunungan ni Jesus sa ating buhay ngayon? Kung nais nating sundin tayo ng iba, kung nais nating magkaroon ng paggalang mula sa mga taong ipinagkatiwala sa atin, kailangan muna nating ipakita ang tamang halimbawa. Ganito namuhay si Jesus, at ganito Siya namuno—sa pamamagitan ng pag-ibig, pagpapakumbaba, at sakripisyo. 

Kaya’t magnilay tayo: Paano ba ako bilang isang indibidwal, magulang o marahil bilang isang pinuno? Kontento na ba ako sa pagbibigay lamang ng mga utos, o nagsisikap ba akong isabuhay ang aking itinuturo? Sinasabi ko lang ba ang tungkol sa pananampalataya, o ipinapakita ko rin ba ito sa aking gawa? 

Nawa’y lagi nating tandaan na ang pinakamabisang pangangaral ay hindi nagmumula sa ating mga salita, kundi sa patotoo ng ating pamumuhay. At nawa, tulad ni Jesus, mapalapit natin ang iba sa Diyos sa pamamagitan ng ating araw-araw na pamumuhay at halimbawa. – Marino J. Dasmarinas

Reflection for Friday August 22 Memorial of the Queenship of the Blessed Virgin Mary: Luke 1:26-38


Gospel: Luke 1:26-38
The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth, to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin’s name was Mary. And coming to her, he said, “Hail, full of grace! The Lord is with you.” But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be.  

Then the angel said to her, “Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God. Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus. He will be great and will be called Son of the Most High, and the Lord God will give him the throne of David his father, and he will rule over the house of Jacob forever and of his Kingdom there will be no end.  

But Mary said to the angel, “How can this be, since I have no relations with a man? And the angel said to her in reply, “The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative has also conceived a son in her old age and this is the sixth month for her who was called barren for nothing will be impossible for God.”  

Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word. Then the angel departed from her.

+ + + + + + +

Reflection:
Today is the Memorial of the Queenship of the Blessed Virgin Mary. It highlights Mary’s role as a Queen who intercedes for her children, and who reflects the majesty of Christ the King. 

The Memorial formally began in 1954 under Pope Pius XII, but its history go back to early Christian devotion. It was later moved to August 22 to highlight Mary’s Assumption and her sharing in her Son’s glory as Queen. 

Was Mary prepared for the Angel Gabriel’s message? No, she was not—and this is evident when she questioned the Angel’s announcement. Yet, despite her uncertainty, she embraced it with all her immaculate heart, trusting fully in God’s divine plan. 

How deep is your love for God? Would you be willing to let go of your own desires and make sacrifices for Him? These are questions worth pondering, for they strike at the very core of our relationship with the Lord. 

When the Blessed Virgin Mary obeyed the will of God to be the mother of Jesus, she surrendered her own comfort and happiness for His greater plan. She set aside her safety and honor, not thinking of herself but of God and of the salvation of humanity. Such was her courage and her unwavering faith. 

When the Blessed Mother proclaimed, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word” (Luke 1:38), joy and peace already filled her heart. She knew that her “yes” was not only for herself, but for God’s glory and for the salvation of the world. Her humility and obedience became the doorway through which Jesus entered human history. 

Every day, God also calls us to echo Mary’s faithful “yes.” He invites us to set aside pride, fear, and self-interest, and to embrace His will with trust, humility, and obedience. Like Mary, may we find joy in surrendering to God’s plan, knowing that His will always leads to our true happiness and salvation. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Biyernes Agosto 22 Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria: Lucas 1:26-38


Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito.  

"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.

Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan. 

Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ngayon po ay ginugunita natin ang Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria. Ipinapakita nito ang mahalagang papel ni Maria bilang Reyna na namamagitan para sa sangkatauhan at sumasalamin sa kadakilaan ni Kristo na ating Hari. 

Pormal na nagsimula ang pagdiriwang na ito noong 1954 sa ilalim ng pamumuno ni Papa Pio XII, ngunit ang kasaysayan nito ay umaabot pa sa sinaunang debosyon ng mga Kristiyano. Inilipat ito sa ika-22 ng Agosto upang bigyang-diin ang Pag-akyat ni Maria sa Langit at ang kanyang pakikibahagi sa kaluwalhatian ng kanyang Anak bilang Hari. 

Handa ba Ang mahal na Birheng Maria sa mensahe ng Anghel Gabriel? Hindi. At malinaw ito nang siya’y magtanong tungkol sa ipinahayag ng Anghel. Gayunman, sa kabila ng kanyang pangamba, buong puso niyang tinanggap ang kalooban ng Diyos at walang  pagaalinlangan na nagtitiwala sa banal na plano ng Diyos. 

Gaano kalalim ang iyong pagmamahal sa Diyos? Handa ka bang isuko ang sarili mong kagustuhan at magsakripisyo alang-alang sa Kanya? Ito ay mga tanong na dapat nating pagnilayan, sapagkat ito’y nag uugat sa pinakasentro ng ating ugnayan sa Panginoon. 

Nang sumunod ang Mahal na Birheng Maria sa kalooban ng Diyos na maging ina ni Jesus, isinuko niya ang sariling kaginhawaan at kaligayahan para sa mas dakilang plano ng Diyos. Hindi nya alintana ang sariling kaligtasan at dangal, para sa Diyos at sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ganoon kalakas ang kanyang loob at ganoon katibay ang kanyang pananampalataya. 

Nang bigkasin ng Mahal na Birhen ang mga salitang"Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." (Lucas 1:38), napuno na ng galak at kapayapaan ang kanyang puso. Batid niya na ang kanyang “oo” ay hindi lamang para sa kanya, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kaligtasan ng sanlibutan. Ang kanyang kababaang-loob at pagsunod ang naging pintuan upang si Jesus ay makapasok sa kasaysayan ng sangkatauhan. 

Araw-araw, tayo rin ay inaanyayahan ng Diyos na ulitin ang tapat na “oo” ni Maria. Inaanyayahan Niya tayong isantabi ang ating mga pag aalinlangan at takot  para yakapin ang Kanyang kalooban nang may pagtitiwala, kababaang-loob, at masunuring puso. 

Tulad ni Maria, nawa’y matagpuan din natin ang kagalakan sa pagsuko sa plano ng Diyos, sapagkat ang Kanyang kalooban ang laging magbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan, kapanatagan at kaligtasan.  – Marino J. Dasmarinas