Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad: "Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama
sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. Hanggang ngayo'y wala pa kayong
hinihingi sa kanya sa pangalan ko; humingi kayo at kayo'y tatanggap, upang malubos
ang inyong kagalakan."
"Ang mga ito'y sinabi ko sa inyo ng patalinghaga. Subalit
darating ang panahon na hindi na ako magsasalita sa inyo ng gayon; tuwiran ko
nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa araw na yao'y hihingi kayo sa
kanya sa aking pangalan; at hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama
para sa inyo, sapagkat iniibig nga kayo ng Ama.
Iniibig
niya kayo sapagkat ako'y iniibig ninyo at naniniwala kayong ako'y nagmula sa
Diyos. Ako'y mula sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y aalis ako sa
sanlibutan at babalik sa Ama."
No comments:
Post a Comment