Wednesday, May 22, 2024

Ang Mabuting Balita Huwebes Mayo 23, Panginoong Hesukristo Walang Hanggan at Dakilang Pari (Kapistahan): Marcos 14:20-25


Mabuting Balita: Marcos 14:20-25
Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad. “Kunin ninyo; ito ang aking katawan,” wika niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat.

Sinabi niya, “Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos.”     

No comments: