Monday, March 04, 2024

Ang Mabuting Balita para Linggo Marso 10, Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 3:14-21


Mabuting Balita: Juan 3:14-21
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus kay Nicodemo, Kung paanong itinaaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayundin naman kailagang itaas ang anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.  

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

"Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. 

Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod sa Diyos.

No comments: