Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Hesus. At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng araw, sila’y nagpunta sa libingan. Nag-uusap-usap sila habang nasa daan: “Sino kaya ang ating mapakikiusapang magpagulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?”
Napakalaki ng batong iyon kaya gayon ang sabi nila. Ngunit nang tanawin nila ang libingan, nakita nilang naigulong na ang bato. Pagpasok nila sa libingan, nakita nilang nakaupo sa gawing kanan ang isang binatang nararamtan ng mahaba at puting damit. At sila’y natakot. “Huwag kayong matakot,” sabi ng lalaki.
“Hinahanap ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito – siya’y muling nabuhay! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mga alagad, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo.”
No comments:
Post a Comment