Mabuting Balita: Lucas 9:61-62
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya'y patungo sa Jerusalem.
Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, "Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?" Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. "Hindi ninyo alam kung anung uri ng espiritu ang sumasainyo," sabi niya, "sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila." At nagtungo sila sa ibang nayon.
Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, "Susunod po ako sa inyo kahit saan." Sumagot si Jesus, "May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matuluyan o mapagpahingahan.
" Sinabi ni Jesus sa isa, "Sumunod ka sa akin." Ngunit sumagot ang tao, "Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ko ang aking ama." Sinabi ni Jesus sa kanya, "Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.
Ngunit ikaw, humayo ka't ipahayag mo ang sa tungkol paghahari ng Diyos." Sinabi naman ng isa, "Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos."
No comments:
Post a Comment