22 At sumang-ayon silang lahat
sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na
nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni
Jose?” 23 Nagsalita si Jesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin
ang kasabihang: ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin
dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum’.”
24 At idinagdag niya: “Talagang
sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan.
25 Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni
Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon
ng matinding taggutom sa buong lupain. 26 Gayon pa ma’y hindi ipinadala
si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babaeng balo
ng Sarepta sa may Sidon. 27 Marami ring mayketong
sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling
kundi ang Siriong si Naaman.”
28 Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, 29 tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan para ihulog. 30 Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis.
No comments:
Post a Comment