Thursday, August 5, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Agosto 8 Ika – 19 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Juan 6:41-51


Mabuting Balita: Juan 6:41-51
Noong panahong iyon, 41 nagbulung-bulungan ang mga Judio tungkol sa kanya dahil sinabi niyang: “Ako siyang tinapay na puma­naog mula sa Langit.” 42 At sinabi nila, “Di ba’t ito si Jesus na anak ni Jose? Di ba’t kilala natin ang kanyang ama at ina? Pa­ano niya ngayong masasabing ‘Mula sa Langit ako pumanaog?”        

43 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Huwag na kayong magbulung-bulu­ngan pa sa isa’t isa. 44 Walang ma­ka­lala­pit sa akin kung hindi siya aakitin ng Amang nagpadala sa akin. At itatayo ko siya sa huling araw. 45 Na­susulat sa Mga Propeta: Tuturuan nga silang lahat ng Diyos. Kaya lumalapit sa akin ang bawat nakarinig at tinuruan ng Ama. 

46 Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang naka­kita sa Diyos. 47 Talagang-tala­gang sina­sabi ko sa inyo, may buhay magpaka­ilanman ang naniniwala. Katawan ni Kristo, tinapay ng buhay • 48 Ako siyang tinapay ng buhay. 49 Ku­main nga ng manna sa disyerto ang inyong mga ni­nuno at nangamatay pa rin. 

50 Narito naman ang tinapay na puma­panaog mula sa Langit, upang maka­kain nito ang sinuman at di ma­matay. 51 Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpa­kailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabu­buhay ng mundo.

No comments: