Saturday, February 27, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Pebrero 28, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Marcos 9:2-10


Mabuting Balita: Marcos 9:2-10
2 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila 3 at ku­minang na puting-puti ang kanyang da­mit, na walang makapaglalabang simputi ni­yon sa lupa. 4 At napakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus.  

5 Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 6 Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sa­sabihin.  

7 At may ulap na lumilim sa kanila. At na­rinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pa­king­gan nin­yo siya.” 8 At biglang-bigla, pagti­ngala nila, wala silang nakita liban kay Jesus na kasama nila.  

9 At pagbaba nila mula sa bundok, inu­tu­san niya sila na huwag sabihin ka­ni­nu­man ang nakita nila hanggang ma­ka­ba­ngon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. 10 Ini­ngatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nagta­nu­ngan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.

No comments: