Noong panahong iyon itinulak si Jesus
ng Espiritu sa disyerto, 13 at apatnapung araw siyang nanatili sa disyerto.
Tinukso siya ni Satanas; kasama niya ang mga hayop, at pinaglingkuran siya ng
mga anghel.
• 14 Pagkadakip kay Juan,
pumunta si Jesus sa Galilea. Doon niya ipinahayag ang magandang balita ng
Diyos sa pagsasabing 15 “Sumapit na ang panahon; magbagong-buhay at maniwala
sa magandang balita; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.”
No comments:
Post a Comment