7 Ito ang sinabi ni Juan Bautista
sa kanyang pangangaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa
akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak.
8 Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.”
9 Nang panahong iyon, dumating si
Jesus mula sa Nazaret ng Galilea at bininyagan siya ni Juan sa Ilog Jordan.
10 At pagkaahon niya mula sa tubig, nakita niyang nahawi ang langit at
parang kalapating bumababa sa kanya ang Espiritu ng Diyos. 11 At narinig
mula sa langit: “Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”
No comments:
Post a Comment