Tuesday, June 23, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 28, Ika-13 Linggo ng Taon: Mateo 10:37-42


Mabuting Balita: Mateo 10:37-42
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 37 Ang mas nagmamahal sa kan­yang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang mas nag­ma­­­mahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 At ang hindi nag­pa­pasan ng kanyang krus at sumu­sunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagpa­pa­­halaga sa kanyang sarili ang siyang mawa­walan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang maka­katagpo nito.

40 Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. 41 Kung may tumanggap sa isang propeta dahil pro­peta ito, tatanggapin niya ang gantimpa­lang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang ma­buting tao dahil marangal ito, tatang­gapin niya ang gantimpalang bagay sa isang ma­buting tao. 42 Kung may mag­painom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ala­­gad ko ito, sinasabi kong hindi siya mana­natiling wa­lang gantimpala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: