Wednesday, May 20, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 23, Sabado sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 16:23b-28


Mabuting Balita: Juan 16:23b-28
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang-tala­gang sinasabi ko sa inyo na ipagkakaloob sa inyo anumang hingin ninyo sa Ama sa Ngalan ko. 24 Hanggang ngayo’y wala pa kayong hiningi sa Ngalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang maganap ang inyong kaga­lakan.

25 Sa mga paghahambing ko ipina­ngungusap sa inyo ang mga ito. Ngunit may oras na sasapit na hindi sa pagha­hambing ako mangungusap sa inyo kundi lantaran ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw na ’yon, sa ngalan ko kayo hihingi; hindi ko sinasabi sa inyo na makikiusap ako sa Ama alang-alang sa inyo 27 pagkat iniibig kayo mismo ng Ama dahil iniibig n’yo ako at pinaniniwalaang sa Diyos ako galing. 28 Galing ako sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: