Mabuting Balita Lucas 20:27-38
27 Lumapit noon ang ilang
Sadduseo na mga taong tutol sa pagkabuhay. 28 At itinanong nila kay
Jesus: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may magkakapatid na
lalaki at mamatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang
kapatid ang kanyang asawa para magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’
29 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at
namatay na walang anak. 30 Kinuha ng pangalawa ang biyuda, 31 at
pagkatapos ay ng pangatlo naman, pero hindi nagkaanak ang pito. Namatay sila
32 at sa bandang huli’y namatay rin ang babae. 33 Sa pagkabuhay, kanino
sa pito siya maituturing na asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.”
34 Sinagot sila ni Jesus:
“Nag-aasawa ang mga taong nasa daigdig na ito, lalaki man o babae.
35 Ngunit hindi na mag-aasawa ang mga ituturing na karapat-dapat sa
kabilang-buhay at sa pagkabuhay ng mga patay, lalaki man o babae. 36 Hindi
na nga sila mamamatay. Kapantay na sila ng mga anghel at mga anak sila ng Diyos
matapos silang ibangon. 37 Tiyak na may pagkabuhay ng mga patay; ipinahiwatig
ito kahit na ni Moises sa kabanata ng palumpong nang tawagin niyang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni
Jacob ang Panginoon. 38 Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga
buhay, at buhay na kasama niya silang lahat.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment