Thursday, December 11, 2025

Reflection for Friday December 12 Memorial of Our Lady of Guadalupe Patroness of the Philippines: Luke 1:26-38


Gospel: Luke 1:26-38
The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth, to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin’s name was Mary. And coming to her, he said, “Hail, full of grace! The Lord is with you.”  

But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be. Then the angel said to her, “Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God. Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus.  

He will be great and will be called Son of the Most High, and the Lord God will give him the throne of David his father, and he will rule over the house of Jacob forever, and of his Kingdom there will be no end.” But Mary said to the angel, “How can this be, since I have no relations with a man?” 

And the angel said to her in reply, “The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God.”  

Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word.” Then the angel departed from her.

+ + + + + + +
Reflection:
Today is the memorial of Our Lady of Guadalupe, also known as the Virgin of Guadalupe.

Our Lady of Guadalupe appeared on the hill of Tepeyac in Mexico in December 1531 to an indigenous peasant named Juan Diego. After identifying herself to him, the Virgin Mary asked Juan Diego to build her a shrine on that very spot so that she might show and share her love and compassion with all believers.

Juan Diego then went to Juan de Zumárraga, the Archbishop of what is now Mexico City. The archbishop dismissed his account in disbelief and asked for proof of both the story and the Lady’s identity. Juan Diego returned to the hill, where he encountered the Virgin Mary once again. She instructed him to climb to the top of the hill and gather flowers to present to the archbishop.

Although it was winter and nothing should have been in bloom, Juan Diego found an abundance of flowers unlike any he had seen before. The Virgin Mary gathered the flowers into Juan Diego’s cloak, known as a tilma. When Juan Diego presented the tilma filled with exotic flowers to Archbishop Juan de Zumárraga, the flowers fell out, revealing Castilian roses, which do not grow in Mexico.

Most astonishing of all, the tilma was found to be miraculously imprinted with a colorful image of the Virgin Mary. This image, showing her with her head bowed and her hands joined in prayer, is revered today as the image of Our Lady of Guadalupe. In 1990, Pope Saint John Paul II visited Mexico and beatified Juan Diego. Ten years later, in the year 2000, Juan Diego was canonized as a saint.

Do we always accept the will of the Lord for our lives, or do we sometimes resist or contradict it?

Today’s Gospel reminds us that God, through the Angel Gabriel, chose the Blessed Mother to be the Mother of Jesus. Of all women, why Mary? We may never fully know the depths of God’s reasons, yet her humility, docility, and complete surrender to His will reveal the beauty of a heart fully open to God.

Mary embraced God’s plan with quiet courage when she said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word” (Luke 1:38). She humbled herself before God, entrusted her entire life to Him, and continually discerned the gentle movements of the Holy Spirit.

As we reflect on her example, we are invited to look into our own hearts. Are we, like Mary, willing to humble ourselves before the Lord? Are we ready to entrust our plans, dreams, and fears to His loving will? Are we striving each day to listen to and follow the promptings of the Holy Spirit?

As God calls us to deeper faith and surrender, are we willing to say with Mary, “Lord, let it be done to us according to Your word”—even when His will leads us beyond our comfort and into the mystery of His love? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Biyernes Disyembre 12 Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe Patrona ng Pilipinas: Lucas 1:26-38


Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. 

"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.

Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan.

Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ngayon ay ginugunita natin ang Mahal na Birheng ng Guadalupe.

Nagpakita ang Mahal na Birhen ng Guadalupe sa burol ng Tepeyac sa Mexico noong Disyembre 1531 sa isang katutubong magsasaka na nagngangalang Juan Diego. Matapos niyang ipakilala ang sarili, hiniling ng Mahal na Birheng Maria kay Juan Diego na magtayo siya ng isang dambana sa lugar na iyon upang maipakita at maibahagi niya ang kanyang pag-ibig at habag sa lahat ng mananampalataya.

Pagkatapos nito, nagtungo si Juan Diego kay Arsobispo Juan de Zumárraga, ang arsobispo ng lugar na ngayo’y kilala bilang Mexico City. Hindi pinaniwalaan ng arsobispo ang kanyang kuwento at humiling ng patunay tungkol sa pangitain at sa pagkakakilanlan ng Babaeng nagpakita sa kanya. Bumalik si Juan Diego sa burol, at muling nagpakita sa kanya ang Mahal na Birheng Maria. Inutusan niya si Juan Diego na umakyat sa tuktok ng burol at pumitas ng mga bulaklak upang iharap sa arsobispo.

Bagama’t taglamig at imposibleng may mamumulaklak, natagpuan ni Juan Diego ang saganang mga bulaklak na hindi niya kailanman nakita noon. Inilagay ng Mahal na Birheng Maria ang mga bulaklak sa balabal ni Juan Diego, na kilala bilang tilma. Nang iharap ni Juan Diego ang tilma na puno ng mga kakaibang bulaklak kay Arsobispo Juan de Zumárraga, tumapon ang mga bulaklak at lumitaw ang mga rosas na Kastila (Castilian roses)—mga rosang hindi tumutubo sa Mexico.

Subalit ang pinakanakakamangha sa lahat ay ang milagrosong pagkakalimbag ng makulay na imahe ng Mahal na Birheng Maria sa tilma. Ang imaheng ito, na nagpapakita sa kanya na nakayukod ang ulo at magkasalubong ang mga kamay sa panalangin, ay iginagalang hanggang ngayon bilang imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Noong 1990, bumisita si Santo Papa Juan Pablo II sa Mexico at idineklara si Juan Diego bilang isang beato. Pagkalipas ng sampung taon, noong 2000, si Juan Diego ay kinanonisa at pinarangalan bilang isang santo.

Tinatanggap ba natin lagi ang kalooban ng Panginoon sa ating buhay, o minsan ay pinipili nating salungatin ito?

Ipinapaalala sa atin ng Mabuting Balita na pinili ng Diyos, sa pamamagitan ng Anghel Gabriel, ang Mahal na Birheng Maria upang maging Ina ni Jesus. Sa lahat ng kababaihan, bakit si Maria? Marahil hindi natin lubos na mauunawaan ang kabuuang sagot, ngunit malinaw na nakikita sa kanyang kababaang-loob, pagiging masunurin, at lubos na pagsuko sa kalooban ng Diyos ang kagandahan ng isang pusong bukas sa plano ng Panginoon.

Tinanggap ni Maria ang plano ng Diyos nang tahimik at may kapanatagan nang sabihin niya, “Ako ang alipin ng Panginoon; mangyari nawa sa akin ang iyong salita” (Lucas 1:38). Siya’y nagpakumbaba sa harap ng Diyos, ipinagkatiwala ang buong buhay Niya sa Kanya, at patuloy na nakiinig sa paggabay ng Espiritu Santo.

Habang pinagninilayan natin ang kanyang halimbawa, tayo rin ay inaanyayahang suriin ang ating sariling mga puso. Handa ba tayong magpakumbaba sa Panginoon tulad ni Maria? Kaya ba nating ipagkatiwala ang ating mga pangarap, takot, at buong buhay sa mapagmahal Niyang kalooban? At pinipili ba nating makinig araw-araw sa mga paanyaya at paggabay ng Espiritu Santo?

Sa tawag ng Diyos naisuko natin ang lahat sa kanya nang may pananampalataya at pagtitiwala, handa ba tayong sabihin, kasama ni Maria: “Panginoon, mangyari nawa sa amin ang iyong salita”—kahit na magdaan tayo sa mga pagsubok? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, December 10, 2025

Reflection for December 11 Thursday of the Second Week of Advent: Matthew 11:11-15


Gospel: Matthew 11:11-15
Jesus said to the crowds: “Amen, I say to you, among those born of women there has been none greater than John the Baptist; yet the least in the Kingdom of heaven is greater than he. From the days of John the Baptist until now, the Kingdom of heaven suffers violence, and the violent are taking it by force. 

All the prophets and the law prophesied up to the time of John. And if you are willing to accept it, he is Elijah, the one who is to come. Whoever has ears ought to hear.”

+ + + + + + +
Reflection:
What do we do when we see that something is wrong in our family or in the organization to which we belong? Deep within, we know that we cannot remain indifferent. We are called to restore order and to help make things right, not by force, but by fidelity to truth and goodness.

John the Baptist lived out this call with courage and clarity. He summoned the people to repentance, proclaiming that the kingdom of God was at hand (Matthew 3:2). He saw firsthand the sinfulness of his time, yet he did not turn away in silence. Instead, he called hearts to conversion and renewal, preparing the way for the Lord.

John’s faithfulness did not come without cost. He gave his life for the sake of righteousness when he confronted King Herod for coveting Herodias, the wife of his brother Philip (Matthew 14:1–12). Someone had to stand for God’s truth, and John chose to be that witness. Sent by God, he sought to restore order and to bring righteousness once again. With unwavering courage, he confronted the powers of his day, even when doing so meant surrendering his own life.

As we journey through our own lives, we too become witnesses to immorality, corruption, and the many forms of injustice that wound our society. The temptation to remain silent is strong. Fear, convenience, and the desire for comfort can easily dull our conscience. Yet the Gospel urges us not to hesitate. We are called to speak out for what is moral and right, even when such faithfulness exposes us to misunderstanding, rejection, or suffering. If temporary hardship is the price of standing for truth, then so be it.

Evil continues to spread when we choose fear over courage, when we bow to the schemes of wickedness rather than trust in the power of God. But evil does not have the final word. To overcome it, we must take a stand—together—and allow our voices, our choices, and our lives to bear witness to the light.

The question then comes home to us: when truth is threatened and goodness is challenged, will we have the courage to live and speak as authentic witnesses of God, whatever the cost may be? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 11 Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:11-15


Mabuting Balita: Mateo 11:11-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa sa kanya.

Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay makinig!”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ginagawa natin kapag nakikita nating may mali sa ating pamilya o sa samahang ating kinabibilangan? Sa kaibuturan ng ating puso, alam nating hindi tayo maaaring manatiling walang pakialam. Tayo ay tinatawag na tumugon at ituwid ang mali, hindi sa pamamagitan ng pagmamataas, kundi sa pagpapakumbaba sa katotohanan at kabutihan.

Ito ang naging buhay at misyon ni Juan Bautista. Buong tapang niyang inanyayahan ang mga tao na magsisi, sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos (Mateo 3:2). Nasaksihan niya ang kasalanan ng kanyang panahon, ngunit hindi siya nanahimik. Sa halip, ay nanawagan siya ng pagbabalik-loob at panibagong buhay, bilang paghahanda para sa pagdating ng Panginoon.

Hindi naging madali ang landas ni Juan. Inialay niya ang kanyang buhay alang-alang sa katuwiran nang kanyang sawayin si Haring Herodes dahil sa pagnanasa nito kay Herodias, ang asawa ng kanyang kapatid na si Felipe (Mateo 14:1–12). May kailangang tumindig para sa katotohanan ng Diyos, at si Juan ang tumugon sa tawag na iyon. Bilang sugo ng Diyos, hinangad niyang isaayos ang mali at ibalik ang daan ng katuwiran. Hinarap niya ang may kapangyarihan ng kanyang panahon nang may tapang, kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.

Sa ating paglalakbay sa buhay, nasasaksihan din natin ang imoralidad, katiwalian, at iba’t ibang anyo ng kasamaan sa lipunan. Madaling matuksong manahimik. Ang takot, kaginhawaan, at pagnanais ng katahimikan ay madalas pumipigil sa atin upang kumilos. Ngunit tinatawagan tayo ng Mabuting Balita na huwag mag-atubili. Tayo ay inaanyayahang magsalita at tumindig para sa tama at mabuti, kahit pa magbunga ito ng hindi pagkakaunawaan, paglayo ng iba, o pansamantalang pagdurusa. Kung iyon ang magiging kapalit ng katapatan sa katotohanan, tatanggapin natin ito.

Nanatili ang kasamaan sa mundo kapag pinipili natin ang takot kaysa katapangan, kapag tayo ay yumuyuko sa mga masamang tao sa halip na magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos. Ngunit hindi ang kasamaan ang may huling salita. Upang ito’y mapagtagumpayan, kailangan nating manindigan at hayaang ang ating mga salita, pagpapasya, at pamumuhay ay maging malinaw na patotoo ng liwanag.

Kaya’t ang tanong ngayon ay bumabalik sa ating lahat: kapag hinahamon ang katotohanan at tinatakpan ang kabutihan, handa ba tayong tumindig at mamuhay bilang tunay na saksi ng Diyos, anuman ang maging kapalit nito sa ating buhay? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, December 09, 2025

Reflection for December 10 Wednesday of the Second Week of Advent: Matthew 11:28-30

Gospel: Matthew 11:28-30
Jesus said: “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest. 

Take my yoke upon you and learn from me, for I am meek and humble of heart; and you will find rest for yourselves. For my yoke is easy, and my burden light.”
+ + + + + + +
Reflection:
The story is told of a father who was suddenly rendered out of a job. Anxiety filled his heart as he wondered how he would earn enough to feed his family. In his moment of uncertainty, he turned to the Lord in prayer, entrusting his fears and needs to Him.

After only three days, a neighbor who knew about his situation approached him and asked if he would be willing to work as a family driver. Without hesitation, he said yes. Through faith and trust, a way forward was opened.

Many of us find ourselves in similar moments. We go through difficult seasons in our lives—times marked by sickness, joblessness, fear, or heavy worry. In such moments, our hearts long for peace. We seek relief. We desire rest. And sometimes, we wonder where to turn.

Jesus speaks to us in the Gospel with a tender and loving invitation:

“Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Matthew 11:28)

Why does Jesus call us to come to Him? It is because He knows the weight we carry. He sees our silent struggles, our hidden tears, and the burdens that press heavily upon our hearts. Jesus does not promise a life without trials, but He promises to walk with us through them. He offers to help us carry whatever pains, worries, and sufferings we are facing right now.

When we respond to this call of Jesus, we begin to experience a quiet but powerful change. The burdens we carry do not instantly disappear, but they become lighter because we no longer carry them alone. With Jesus beside us, hope is rekindled, faith is strengthened, and our hearts find renewed peace.

So let us not delay. Let us respond to the loving invitation of the Lord. When we do, we will discover that there is so much to gain and nothing to lose. If we open our hearts to Him, we will witness how grace unfolds in our lives in ways we could never have imagined.

The question now rests in our hearts: in the midst of our struggles and weariness, are we willing to place our trust in the Lord, surrender our burdens to Him, and truly come to Jesus today? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 10 Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:28-30


Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at; nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. 

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang ama na bigla na lamang nawalan ng trabaho. Nabagabag ang kanyang puso habang iniisip kung paano niya itataguyod ang kanyang pamilya. Sa gitna ng kanyang takot at pangamba, siya ay lumapit sa Panginoon at taimtim na nanalangin, buong pagtitiwalang inilalagay sa Kanya ang kanyang pinagdaraanan.

Pagkalipas lamang ng tatlong araw, isang kapitbahay na may alam sa kanyang kalagayan ang lumapit at nag-alok sa kanya ng trabaho bilang drayber ng pamilya. Kaya agad niya itong tinanggap.

Marami sa atin ang maaaring dumaraan din sa ganitong mga sandali. Tayong lahat ay may mga panahong nahaharap sa mabibigat na pagsubok—karamdaman, kawalan ng trabaho, pangamba, o mga alalahaning tila hindi natin kayang dalhin mag-isa. Sa mga sandaling ito, ang ating mga puso ay naghahangad ng kapayapaan. Nais natin ng ginhawa. Hinahanap natin ang kapahingahan.

Sa Mabuting Balita, puno ng pagmamahal na sinasabi ni Jesus: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan, at kayo’y papaginhawahin ko.” (Mateo 11:28)

Bakit tayo tinatawagan ni Jesus na lumapit sa Kanya? Dahil alam Niya ang bigat na ating pinapasan. Mahirap ang buhay ngayon, dinagdagan pa ito ng pagnanakaw ng pera sa gobyerno tulad ng kurapsyon ng pera sa flood control.

Nakikita ni Jesus ang ating mga lihim na pakikibaka, ang mga luhang walang nakakakita, at ang mga pasaning nagpapabigat sa ating mga puso. Hindi ipinapangako ni Jesus na mawawala ang lahat ng pagsubok, ngunit ipinapangako Niya na sasamahan Niya tayo sa gitna ng mga ito. Handa Siyang tumulong sa atin na buhatin ang anumang sakit, alalahanin, at paghihirap na ating kinakaharap ngayon.

Kapag tumugon tayo sa panawagang ito ni Jesus, unti-unting may magbabago sa ating kalooban. Maaaring hindi agad mawala ang ating mga pasanin, ngunit gumagaan ang mga ito sapagkat hindi na natin sila dinadala nang mag-isa. Kasama si Jesus, muling nabubuhay ang ating pag-asa, tumitibay ang ating pananampalataya, at ang ating mga puso ay nakakahanap ng tunay na kapayapaan.

Kaya huwag na tayong mag-atubili. Tumugon tayo sa mapagmahal na paanyaya ng Panginoon. Sapagkat pag lumapit tayo sa Kanya, makikita natin na magbabago ang ating buhay at magiging matatag tayo ano mang pagsubok ang dumaan sa buhay natin.

Sa gitna ng ating mga pagsubok at pagkabagabag, handa ba tayong magtiwala, isuko ang ating mga pasanin kay Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Monday, December 08, 2025

Reflection for December 9 Tuesday of the Second Week of Advent: Matthew 18:12-14


Gospel: Matthew 18:12-14
Jesus said to his disciples: “What is your opinion? If a man has a hundred sheep and one of them goes astray, will he not leave the ninety-nine in the hills and go in search of the stray? 

And if he finds it, amen, I say to you, he rejoices more over it than over the ninety-nine that did not stray. In just the same way, it is not the will of your heavenly Father that one of these little ones be lost.”

+ + + + +  + +
Reflection:
Can we measure God’s love for us?

No, because God’s love is not bound by any kind of measurement, nor is it limited by time and space. Even when we fall into sin, even when we stray far from Him, God continues to love us without condition and without end.

The Parable of the Lost Sheep in our Gospel beautifully reveals this truth. Who is the man who leaves the ninety-nine to search for the one that is lost? He is our loving and merciful God. And who is the lost sheep that goes astray? It is us. We are the ones who falter, who oftentimes choose sin over grace, and who forget how deeply we are loved.

Yet, despite our weaknesses and failures, God never gives up on us. Even when we run away from His love, He constantly looks for us. He is ever ready to forgive, ever ready to embrace us once again, and ever willing to restore us to Himself. How comforting it is to know that our God does not keep count of our sins but measures everything according to His infinite love.

As we reflect on this, let us be mindful of the mercy we ourselves have received. Let us not be quick to judge others who struggle with sin, for we, too, are in need of compassion and grace. Instead of condemning, let us imitate God who seeks, who reaches out, and who gently lifts the lost sheep back to the fold.

Rather than judging those who fall, let us help one another rise again. Let us walk with one another, so that together we may be freed from the bondage of sin. Many remain lost not because God has abandoned them, but because no one has shown them His love through ours. When we choose not to reach out, when we withhold mercy, God’s love remains untasted by those who need it most.

So today, we ask ourselves: Are we quick to judge, or are we willing to love?

Are we content to stay with the ninety-nine, or will we dare to go out and seek the lost?

How will we allow God’s infinite love to flow through us—so that others may finally know they are never beyond His mercy? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 9 Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 18:12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:12-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may isang daang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw?

Sinasabi ko sa inyo; kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayon din naman, hindi kaloob ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Masusukat ba natin ang pag-ibig ng Diyos para sa atin?

Hindi, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nasusukat ng anumang pamantayan. Kahit tayo ay nagkakasala, kahit tayo ay nagkakamali at nalilihis ng landas, patuloy pa rin Niya tayong minamahal nang buong-buo at walang hanggan.

Ipinakikita sa Talinghaga ng Nawawalang Tupa sa ating Mabuting Balita ang katotohanang ito. Sino ang lalaking iniwan ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isang nawawala? Siya ang ating mapagmahal at mahabaging Diyos. At sino ang nawawalang tupang naligaw? Tayo iyon. Tayo ang madalas manghina, tayo na madalas na inuuna ang kasalanan kaysa sa Diyos, at tayo na nakakalimot kung gaano kalalim ang Kanyang pagmamahal.

Gayunpaman, sa kabila ng ating mga pagkukulang, hindi kailanman sumusuko ang Diyos sa atin. Kahit tayo ay tumatakbo palayo sa Kanyang pag-ibig, Siya ay patuloy na naghahanap sa atin. Laging handang magpatawad. Laging handang tumanggap muli. Laging handang maghilom ng ating sugatang puso. Kay ganda ng katiyakang ito: ang ating Diyos ay hindi nagbibilang ng ating mga kasalanan, kundi nagmamahal ayon sa Kanyang walang hanggang awa at pag-ibig.

Dahil dito, inaanyayahan tayong magmuni-muni. Kung tayo mismo ay tumatanggap ng habag at kapatawaran, bakit tayo madaling humusga sa iba? Huwag sana tayong makalimot na tayong lahat ay nangangailangan ng awa. Sa halip na manghatol, tularan natin ang Diyos na naghahanap, lumalapit, at may malasakit na ibinabalik ang nawawala sa Kanyang kawan.

Sa halip na humusga sa mga nagkakasala, tulungan natin ang isa’t isa na muling makatayo. Samahan natin ang isa’t isa sa paglalakbay palabas ng pagkaalipin sa kasalanan. Marami ang naliligaw hindi dahil iniwan sila ng Diyos, kundi dahil walang handang magparamdam sa kanila ng Kanyang pag-ibig. Kapag hindi natin ipinapadama ang pagmamahal, nananatiling hindi nadarama ng marami ang pag-ibig ng Diyos na dapat ay dumadaloy sa pamamagitan natin.

Kaya ngayo’y tanungin natin ang ating sarili: Tayo ba ay mabilis humusga, o handang magmahal? Mananatili ba tayong walang kibo at pakiramdam o lalakasan natin ang ating loob na hanapin ang nawawala?

Paano natin maipaparamdam ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ay dumadaloy sa pamamagitan natin? — Marino J. Dasmarinas

Sunday, December 07, 2025

Reflection for Monday December 8 Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary: Luke 1:26-38


Gospel: Luke 1:26-38
The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth, to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin's name was Mary. And coming to her, he said, "Hail, full of grace! The Lord is with you." But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be.  

Then the angel said to her, "Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God. Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus. He will be great and will be called Son of the Most High, and the Lord God will give him the throne of David his father, and he will rule over the house of Jacob forever, and of his Kingdom there will be no end."  

But Mary said to the angel, "How can this be, since I have no relations with a man?" And the angel said to her in reply, "The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore, the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God." Mary said, "Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word." Then the angel departed from her.
+ + + + + + +
Reflection:
We celebrate today the Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary. This was approved in 1476 by Pope Sixtus IV and later extended to the universal Church by Pope Clement XI in 1708.

Recognizing the belief held for centuries by the Fathers and Doctors of the Church, Pope Pius IX solemnly proclaimed the Dogma of the Immaculate Conception in 1854.

This dogma affirms that “the Most Blessed Virgin Mary, in the first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, was preserved free from all stain of original sin” (Ineffabilis Deus, 1854).

Among the many women at that time, why was Mary chosen by God to be the mother of Jesus? She was chosen not because of status or privilege, but because of her humility and her obedience to the will of God. Mary did not insist on her own plans, nor did she allow fear or self-interest to overshadow her trust in the Lord. Instead, she surrendered her life completely into God’s hands.

The Lord continues to choose and work through the humble and the obedient for the fulfillment of His plans in the world. In Mary, we see a heart fully open to God’s grace—a life willingly offered in faith. She reminds us that true greatness is found not in control, but in surrender.

Like Mary, we are also invited to listen to the wisdom and intervention of God in our lives. Yet we may ask ourselves honestly: do we submit only when God’s will aligns with our desires? Do we embrace His guidance only when it is convenient or beneficial to us? When God’s ways challenge our comfort, disrupt our routines, or call us to turn away from sin, do we hesitate, resist, or quietly say no?

God’s intervention in our lives is always rooted in His love for us. At first, His call may seem difficult to accept or hard to understand, especially when it draws us out of our comfort zones or invites us to let go of habits that keep us enslaved. But in time, we come to realize that His plan is always right—leading us toward healing, freedom, and our redemption.

God has a beautiful plan for all of us. He asks only one thing so that this plan may unfold in our lives: that we humbly and freely submit ourselves to His loving will.

As we reflect on Mary’s “yes,” we are challenged to look into our own hearts. Are we truly willing to trust God completely, even when His plan is unclear or demanding? —Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Lunes Disyembre 8 Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria: Lucas 1:26-38


Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. 

"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.

Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan.

Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay pinagtibay noong 1476 ni Pope Sixtus IV at kalaunan ay pinalawak para sa buong Simbahang Katolika ni Pope Clement XI noong 1708.

Kinilala ni Pope Pius IX ang paniniwalang pinanghahawakan sa loob ng maraming siglo ng mga Ama at mga Dalubhasa ng Simbahan, at noong 1854, kaniyang maringal na ipinahayag ang Dogma of the Immaculada Conception.

Itinataguyod ng dogmang ito na “ang Mahal na Birheng Maria, mula sa unang sandali ng paglilihi sa kanya, sa natatanging biyaya at pribilehiyong ipinagkaloob ng Makapangyarihang Diyos, ay iningatan na malaya sa anumang mantsa ng orihinal na kasalanan” (Ineffabilis Deus, 1854).

Sa gitna ng napakaraming kababaihan noong panahong iyon, bakit si Maria ang pinili ng Diyos upang maging ina ni Hesus?

Siya ay pinili hindi dahil sa katayuan o karangalan, kundi dahil sa kanyang kababaang-loob at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Hindi ipinilit ni Maria ang sarili niyang mga plano, ni hindi niya hinayaang manaig ang takot o pansariling interes. Sa halip, buong puso niyang isinuko ang kanyang buhay sa mga kamay ng Diyos.

Hanggang ngayon, patuloy na pinipili at ginagamit ng Panginoon ang mga mapagpakumbaba at masunurin upang maisakatuparan ang Kanyang mga plano sa mundo. Kay Maria, nakikita natin ang isang pusong bukás sa biyaya ng Diyos—isang buhay na handang ihandog sa Diyos. Ipinapaalala niya sa atin na ang tunay na kadakilaan ay hindi nakasalalay sa ating mga sarili, kundi sa ganap na pagsuko sa plano ng Diyos.

Tulad ni Maria, tayo rin ay inaanyayahang makinig at magtiwala sa plano ng Diyos sa ating mga buhay. Madaling sumunod kapag naaayon sa ating kagustuhan ang Kanyang kalooban. Tinatanggap natin ang Kanyang gabay kapag ito ay maginhawa at kapaki-pakinabang para sa atin. 

Pero, Kapag hinahamon ng Diyos ang ating komportableng pamumuhay, binabago ang ating mga nakasanayan, o inaanyayahan tayong talikuran ang kasalanan, tayo ba’y nag-aalinlangan, tumututol, o tahimik na tumatanggi?

Ang pakilos ng Diyos sa ating buhay ay laging nakaugat sa Kanyang pagmamahal sa atin. Sa simula, maaaring mahirap itong tanggapin at unawain, lalo na kapag hinihila tayong palabas sa  ating nakasanayan o inaakay tayo tungo sa pag bitaw sa mga gawi na nagdadala sa atin sa pagkakasala. Ngunit sa huli, mauunawaan natin na ang Kanyang plano ay laging tama—nag bibigay ng kagalingan, kalayaan, at kapanatagan.

Mayroon magandang plano ang Diyos para sa ating lahat. Iisa lamang ang Kanyang hinihiling upang ito’y magkatotoo sa ating buhay: ang tayo ay magpakumbaba at malayang isuko ng ating sarili sa Kanyang mapagpalang kalooban.

Habang pinagninilayan natin ang pagtitiwala ng lubos ni Maria, hinahamon tayong suriin ang ating sariling puso. Handa ba tayong magtiwala rin nang lubos sa Diyos kahit hindi malinaw o madali ang Kanyang plano? —Marino J. Dasmarinas

Saturday, December 06, 2025

Reflection for Sunday December 7 Second Sunday of Advent: Matthew 3:1-12


Gospel: Matthew 3:1-12
John the Baptist appeared, preaching in the desert of Judea and saying, “Repent, for the kingdom of heaven is at hand!” It was of him that the prophet Isaiah had spoken when he said: A voice of one crying out in the desert, Prepare the way of the Lord, make straight his paths.

John wore clothing made of camel’s hair and had a leather belt around his waist. His food was locusts and wild honey. At that time Jerusalem, all Judea, and the whole region around the Jordan were going out to him and were being baptized by him in the Jordan River as they acknowledged their sins.

When he saw many of the Pharisees and Sadducees coming to his baptism, he said to them, “You brood of vipers! Who warned you to flee from the coming wrath? Produce good fruit as evidence of your repentance. And do not presume to say to yourselves, ‘We have Abraham as our father.’

For I tell you, God can raise up children to Abraham from these stones. Even now the ax lies at the root of the trees. Therefore every tree that does not bear good fruit will be cut down and thrown into the fire. I am baptizing you with water, for repentance, but the one who is coming after me is mightier than I.

I am not worthy to carry his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. His winnowing fan is in his hand. He will clear his threshing floor and gather his wheat into his barn, but the chaff he will burn with unquenchable fire.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are we willing to repent and completely walk away from anything that leads us to sin?

Many times, we promise God that we will repent and walk away from anything that leads us into sin. With sincere intentions, we try to change, and for a while, we succeed. Yet sooner or later, we find ourselves falling again—caught once more in the very sins we vowed to leave behind.

It is easy to say that we will no longer sin, but when temptation quietly beckons, we often discover how weak we truly are. And so, we sin again and again, until sin begins to shape our habits, our choices, and eventually our way of life. Over time, these repeated sins slowly lead us toward emptiness and wretchedness.

Why do we sin? Why do we keep falling back into what we know harms us? Because sin is attractive and enticing. It promises pleasure, relief, or comfort, but in the end, it leaves us wounded, empty, and enslaved. Unless we truly repent and decisively turn away from sin, it continues to destroy us from within.

When John the Baptist appeared from the wilderness, he preached repentance, and many listened. People came to him to repent and be baptized, including the Pharisees and Sadducees. Yet their repentance lacked depth; it was outward and superficial. This was why John rebuked them. He called them to bear concrete fruits of repentance—to embrace an interior, genuine, and life-changing conversion.

This is also God’s call to us on this Second Sunday of Advent. We are invited to examine our hearts and ask whether our repentance is merely spoken or truly lived. God desires from us an interior, genuine, and deep repentance—one that moves us to completely walk away from anything that causes us to sin.

As we prepare our hearts for the coming of the Lord, let us ask ourselves with honesty and courage: Are we truly willing to let go of the sins we cling to, or are we content with shallow repentance that never really changes our lives? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Linggo Disyembre 7 Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 3:1-12


Mabuting Balita: Mateo 3:1-12
Noong panahaong iyon, si Juan Bautista’y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Sinabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito, “Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!”

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulot-pukyutan. At pumunta sa kanya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang panig ng Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at sila’y bininyagan ni Juan sa Ilog Jordan.

Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga Saduseo ang lumalapit upang pabinyag, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa parusang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni Abraham.

Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makalilikha ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito. Ngayon pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punungkahoy; ang bawat punungkahoy na hindi mabuti ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy. Binibinyagan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy.

Siya’y makapangyarihan kaysa akin, hindi ako karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Handa ba tayong magsisi at tuluyang lumayo sa anumang nagdadala sa atin sa pagkakasala?

Maraming beses na tayong nangako sa Diyos na magsisisi tayo at lalayo sa anumang nagtutulak sa atin na magkasala. Buo ang ating hangarin, at sa loob ng isang panahon, nagagawa nating magbago. Ngunit hindi nagtatagal, muli tayong nadadapa—muli nating binabalikan ang mga kasalanang sinikap na nating talikuran.

Madaling sabihin na hindi na tayo muling magkakasala, ngunit kapag dumarating na ang tukso, saka natin nakikita kung gaano tayo kahina. Kaya’t paulit-ulit tayong nagkakasala, hanggang sa ang kasalanan ay maging bahagi na ng ating pamumuhay. Sa paglipas ng panahon, ang mga naipong kasalanang ito ang unti-unting nagdadala sa atin sa kawalan ng kapayapaan, ka hungkagan at sa pagkakaroon ng miserableng buhay.

Bakit nga ba tayo nagkakasala? Bakit patuloy tayong bumabagsak sa kasalanan kahit alam nating ito’y nakasisira sa atin? Sapagkat ang kasalanan ay kaakit-akit at mapanukso. Nagbibigay ito ng panandaliang aliw o kasiyahan, ngunit sa bandang huli, nag-iiwan ito ng malalim na sugat at pagkaalipin sa ating pagkatao at kaluluwa. Kung hindi tayo tunay na magsisisi at tuluyang lalayo sa kasalanan, unti-unti tayong wawasakin nito mula sa kaloob-looban ng ating pagkatao.

Nang lumabas si Juan Bautista mula sa ilang, ipinahayag niya ang panawagan ng pagsisisi, at marami ang nakinig sa kanya. Lumapit sa kanya ang mga tao upang magsisi at magpabinyag, kabilang na ang mga Pariseo at mga Saduceo. Ngunit ang kanilang pagsisisi ay mababaw at panlabas lamang. Ito ang dahilan kung bakit sila sinaway ni Juan. Hinamon niya silang magkaroon ng tunay na pagsisisi—isang panloob, tapat, at malalim na pagbabalik-loob.

Ito rin ang panawagan ng Diyos sa atin sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento. Inaanyayahan tayong suriin ang ating mga puso: ang pagsisisi ba natin ay nananatili lamang sa salita, o ito ba’y isinasabuhay natin araw-araw? Nais ng Diyos ang isang panloob, tapat, at malalim na pagsisisi—isang pagsisising may lakas ng loob na tuluyang talikuran ang anumang nagtutulak sa atin na magkasala.

Habang inihahanda natin ang ating mga sarili sa pagdating ng Panginoon, tanungin sana natin ang ating mga sarili nang buong katapatan: Handa ba talaga tayong bitawan ang mga kasalanang patuloy nating pinanghahawakan, o kuntento na tayo sa isang mababaw na pagsisising hindi kailanman nagbabago ng ating buhay? – Marino J. Dasmarinas

Friday, December 05, 2025

Reflection for December 6 Saturday of the First Week of Advent: Matthew 9:35–10:1, 5a, 6-8


Gospel: Matthew 9:35–10:1, 5A, 6-8
Jesus went around to all the towns and villages, teaching in their synagogues, proclaiming the Gospel of the Kingdom, and curing every disease and illness. At the sight of the crowds, his heart was moved with pity for them because they were troubled and abandoned, like sheep without a shepherd. 

Then he said to his disciples, “The harvest is abundant but the laborers are few; so ask the master of the harvest to send out laborers for his harvest.” Then he summoned his twelve disciples and gave them authority over unclean spirits to drive them out and to cure every disease and every illness. 

Jesus sent out these Twelve after instructing them thus, “Go to the lost sheep of the house of Israel. As you go, make this proclamation: ‘The Kingdom of heaven is at hand.’ Cure the sick, raise the dead, cleanse lepers, drive out demons. Without cost you have received; without cost you are to give.”

+ + + + + + +
Reflection:
Have we done something to bring others closer to the Lord? Have we ever invited a friend to walk with us to church and attend Holy Mass? Or have we gently encouraged someone to read the Bible so that he or she might come to know Jesus more deeply and personally?

“The harvest is abundant, but the laborers are few” (Matthew 9:37). These words of Jesus echo powerfully in our hearts today, perhaps more urgently than ever before. They speak not only to the needs of the world but also to the condition of our own faith. We do not have to look far to see the painful reality around us: many of our brothers and sisters still do not know Jesus, not because He is absent, but because He has not yet been brought to them.

Our labor for God must not be confined to our specific roles and ministries in the Church—as priests, extraordinary ministers of Holy Communion, catechists, lectors/commentators, or members of various Church organizations. While these ministries are important, our mission goes beyond church walls. We are called to put more flesh into our faith by reaching out to those who are hungry, tired, discouraged, and wounded—those who are physically or emotionally sick. We are sent to bring Jesus to the poor and the forgotten, for they, too, long for His presence, His compassion, and His guidance.

Even as ordinary parishioners, by virtue of our baptism, we are all called to share Jesus. A faith that grows is a faith that is shared. Beginning this Advent season and onward, let us open our hearts and allow Jesus to use us as His instruments of healing—through simple acts of kindness, sincere concern, and concrete help for the poor and the deprived.

Yet we must also examine ourselves honestly. There are times when we follow Jesus on our own terms, according to our own standards. When we impose our own rules instead of embracing His, we risk replacing humility with arrogance. Instead of drawing others closer to Christ, our words and actions may unintentionally push them away from the faith we claim to love.

A true follower has rock-solid faith—faith that is not self-seeking or proud, but humble and quietly faithful. Such a disciple does not seek recognition but finds joy in silently carrying out the mission entrusted to him or her, all for the greater glory of God.

As we reflect on these words, let us ask ourselves with sincerity and courage: Are we willing to become true laborers in the Lord’s harvest—not only in name, but in the way we live, love, and serve each day? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Disyembre 6 Sabado sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 9:35–10:1, 6-8


Mabuting Balita: Mateo 9:35-10:1, 6-8
Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. 

Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.” Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. 

Sila’y pinagbilinan ni Hesus: “Hanapon ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
May nagawa na ba tayo upang maisama ang kapwa natin palapit sa Panginoon? Naimbitahan na ba natin ang isang kaibigan na sumama sa atin sa simbahan upang dumalo sa Banal na Misa? O nahikayat naba natin ang isang kapatid o kaibigan na magbasa ng Biblia upang mas makilala niya si Jesus—hindi lamang sa isip, kundi sa puso?

“Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa” (Mateo 9:37). Ang mga salitang ito ni Jesus ay patuloy na umaalingawngaw sa ating mga puso ngayon—at higit na mas malakas kaysa dati. Hindi lamang nito inilalarawan ang kalagayan ng mundo, kundi hinahamon din ang lalim ng ating pananampalataya. Hindi na natin kailangang tumingin pa nang malayo upang makita ang masakit na katotohanan: marami pa rin sa atin ang hindi pa lubusang nakakakilala kay Jesus—dahil hindi pa natin siya naibabahagi sa kanila.

Ang ating paglilingkod sa Diyos ay hindi dapat manatili lamang sa ating mga tungkulin sa Simbahan—bilang mga pari, mga extraordinary ministers ng Banal na Komunyon, mga katekista, mga mambabasa o tagapagpahayag, o mga kasapi ng iba’t ibang ministeryo. Mahalaga ang mga ito, ngunit hindi rito nagtatapos ang ating misyon.

Tayo ay tinatawag na bigyang-buhay ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nagugutom, sa mga napapagod, nanghihina ang loob, at sugatan—sa mga may sakit. Tayo ay isinusugo upang dalhin si Jesus sa mga dukha at nakalimutan ng lipunan, sapagkat sila man ay umaasam sa Kanyang presensya, habag, at patnubay.

Kahit tayo ay karaniwang mga mananampalataya lamang, sa bisa ng ating binyag, tayong lahat ay tinatawag na ibahagi si Jesus. Ang pananampalatayang lumalago ay pananampalatayang ibinabahagi. Sa pagsisimula ng panahong ito ng Adbiyento at sa mga darating pang araw, nawa’y buksan natin ang ating mga puso at hayaang gamitin tayo ni Jesus bilang Kanyang mga kasangkapan ng pagpapagaling—sa pamamagitan ng ating kabutihan, tunay na pag mamalasakit, at pagtulong sa mga dukha at nangangailangan.

Ngunit kailangan din nating suriin ang ating sarili nang may katapatan. May mga pagkakataong sinusunod natin si Jesus ayon sa sarili nating pamantayan, hindi ayon sa Kanyang kalooban. Kapag ipinipilit natin ang sarili nating mga alituntunin sa halip na yakapin ang Kanya, napapalitan ang kapakumbabaan ng kayabangan. At sa halip na mailapit ang iba kay Hesus, tayo mismo ang nagiging dahilan kung bakit sila lumalayo sa pananampalataya.

Ang tunay na alagad ay may matatag na pananampalataya—hindi makasarili, hindi mapagmataas, kundi mapagkumbaba at tapat. Siya ay kontentong tahimik na ginagampanan ang misyon na ipinagkatiwala sa kanya, hindi para sa sarili, kundi para sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos.

Pumapayag ba tayong maging tunay na manggagawa sa masaganang ani ng Panginoon—hindi lamang sa ating mga salita, kundi sa paraan ng ating pamumuhay, pagpapatawad, at paglilingkod sa kapwa araw-araw? – Marino J. Dasmarinas