Wednesday, December 03, 2025

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 4 Huwebes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 7:21, 24-27


Mabuting Balita: Mateo 7:21, 24-27
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. 

“Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. 

Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Si Hesus ba ang tunay na pundasyon ng ating buhay?

Kapag si Hesus ang pinili nating maging pundasyon ng ating buhay, wala sa mundong ito ang kayang tuluyang magpabagsak sa atin—kahit pa ang pinakamabigat na problemang ating haharapin. Darating ang mga unos, ngunit kung nakatayo ang ating buhay sa Kanya, hindi tayo masisira. Ito ang biyaya ng pagkakaroon ni Hesus sa sentro ng ating buhay: Siya ang ating matibay na bato, ating kanlungan at tanggulan, laging handang umakay, magtanggol, at magligtas sa atin.

Ngunit kung magiging totoo tayo sa ating sarili, marami sa atin ang hinahayaan ang makamundong bagay na maging pundasyon ng ating buhay. Unti-unti, inilalagay natin ang ating seguridad sa mga bagay na may pangakong katiyakan ngunit hindi naman kayang tumagal.

Kaya ano ang nangyayari kapag dumating ang mga pagsubok, kabiguan, at pagkawala? Unti-unti tayong nadudurog. Pinapabagsak tayo ng mga suliranin ng mundong ito—mga pasaning magiging magaan sana kung si Kristo lamang ang ating sandigan.

Kapag kapangyarihan, katanyagan, o pera ang ginagawa nating saligan ng ating buhay, nalilimutan nating lahat ng ito ay pansamantala. Darating ang panahon na maglalaho ang mga ito. At kapag nawala na, ano ang matitira sa atin? Kadalasan, tayo’y sugatan, walang lakas, at hungkag—hindi dahil iniwan tayo ni Hesus, kundi dahil tayo mismo ang lumayo at pinili ang mundo kaysa sa Kanya.

Gayunman, nananatili ang Mabuting Balita: patuloy na iniaalok ni Hesus ang Kanyang sarili sa atin. Sa mismong sandaling ito, inaanyayahan Niya tayong gawin Siyang sentro ng ating buhay—ang puwersang humuhubog sa ating mga pasya, pagpapahalaga, at pag-asa. Hindi tayo kailangang matakot na lumapit sa Kanya. Hindi Niya tayo inuusisa tungkol sa ating makasalanang nakaraan. Ang mahalaga sa Kanya ay ang ating “ngayon,” ang bukas nating loob sa kasalukuyan, at ang hinaharap na handa nating tahakin kasama Siya.

Kaya sandali tayong huminto at magnilay: Ano nga ba ang tunay na pundasyon ng ating buhay?

Nakaugat ba tayo sa mga bagay na lilipas, o handa na ba nating ialay kay Hesus ang lahat—siya na ang batong pundasyon na kailanman ay hindi bibiguin ang sinumang magtitiwala? – Marino J. Dasmarinas

Tuesday, December 02, 2025

Reflection for Wednesday December 3 Memorial of Saint Francis Xavier, Priest: Matthew 15:29-37


Gospel: Matthew 15:29-37
At that time: Jesus walked by the Sea of Galilee, went up on the mountain, and sat down there. Great crowds came to him, having with them the lame, the blind, the deformed, the mute, and many others. They placed them at his feet, and he cured them. The crowds were amazed when they saw the mute speaking, the deformed made whole, the lame walking, and the blind able to see, and they glorified the God of Israel.

Jesus summoned his disciples and said, “My heart is moved with pity for the crowd, for they have been with me now for three days and have nothing to eat. I do not want to send them away hungry, for fear they may collapse on the way.” The disciples said to him, “Where could we ever get enough bread in this deserted place to satisfy such a crowd?”

Jesus said to them, “How many loaves do you have?” “Seven,” they replied, “and a few fish.” He ordered the crowd to sit down on the ground. Then he took the seven loaves and the fish, gave thanks, broke the loaves, and gave them to the disciples, who in turn gave them to the crowds. They all ate and were satisfied. They picked up the fragments left over–seven baskets full.

+ + + + + + +
Reflection:
What do we do when we see the poor? Do we go out of our way to give something to those who hunger—not only for food, but also for dignity, compassion, and hope? Jesus summoned His disciples and said, “My heart is moved with pity for the crowd, for they have been with Me now for three days and have nothing to eat.”

Let us take a moment to be still. Let us close our eyes and place ourselves among the disciples. Let us listen closely and allow the words of Jesus to sink deeply into our hearts. As He speaks, let us imagine that He is looking at us and entrusting us with His compassion. Do we discern that the Lord is calling us to be His instruments in feeding, helping, and uplifting those who have nothing in life?

In these difficult times, when hunger has become commonplace Jesus continues to speak to us today. He reminds us, “Let your hearts be moved with pity for the poor and the hungry—for those who have nothing, for those who are oppressed, and for those who feel weak, forgotten, and abandoned.” His words are not only meant to be heard; they are meant to be lived.

It is easy for us to say, “We want to help,” or “We will do something for the poor.” But the true test of discipleship is not found in words alone. It is revealed in our actions—when what we do becomes concrete and tangible. Let us not be afraid to help, for this is precisely what the Lord asks of us. Let us not be anxious or doubtful, for every act of love we give—from a sincere and generous heart—will return to us in blessings beyond measure.

As followers of Christ, we are invited to allow our hearts to be moved as His heart was moved. The question now is this: in these challenging times, how are we allowing ourselves to become the compassionate hands and loving heart of Jesus for the poor and the hungry today? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Disyembre 3 Paggunita kay San Francisco Javier, pari: Mateo 15:29-37


Mabuting Balita: Mateo 15:29-37
Noong panahong iyon, nagbalik si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Hesus at kanyang pinagaling sila.

Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.

Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alaga, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus sa kanila.

 “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ginagawa natin kapag nakikita natin ang mga dukha o mahihirap? Lumalabas ba tayo sa ating comfort zone upang magbigay nang kahit kaunti sa mga nagugutom—hindi lamang sa pagbibigay ng pagkain, kundi pati narin ang pag mamalasakit sa kanila? Tinipon ni Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ang aking puso sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na silang kasama ko at wala silang makain.”

Maglaan tayo ng sandaling katahimikan. Ipikit natin ang ating mga mata at ilagay ang ating sarili sa piling ng mga alagad. Pakinggan nating mabuti ang mga salitang ito ng Panginoon at hayaang tumimo ang mga ito sa ating mga puso. Isipin natin na si Jesus ay tumitingin at nagsasalita mismo sa atin. Nararamdaman ba natin na tinatawag tayo ng Panginoon upang maging Kanyang mga kasangkapan sa pagpapakain, pagtulong, at pag-aaruga sa mga taong halos wala na sa buhay?

Sa mga panahong ito ng paghihirap, kung saan laganap ang gutom dahil kurapsyon sa gobyerno patuloy na nagsasalita sa atin si Jesus. Ipinapaalala Niya sa atin: “Mahabag din ang inyong mga puso sa mga dukha at nagugutom—sa mga walang-wala, sa mga naaapi, at sa mga mahihina at nakalimutan ng lipunan.” Ang Kanyang mga salita ay hindi lamang dapat pakinggan; ang mga ito ay dapat isabuhay.

Madali para sa atin ang magsabi, “Tutulong tayo,” o “May gagawin tayo para sa mahihirap.” Ngunit ang tunay na pagsubok ng pagiging alagad ni Kristo ay hindi nasusukat sa mga salita. Ito ay nasusukat sa gawa—sa mga kongkreto at tunay na hakbang ng pagmamahal. Huwag tayong matakot na tumulong, sapagkat ito ang malinaw na kalooban ng Panginoon. Huwag din tayong mangamba, sapagkat anumang tulong na ibinibigay natin nang taos-puso ay nagbabalik sa atin ng pagpapala sa maraming paraan.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, inaanyayahan tayong isabuhay ang kanyang utos ng pag tulong. Sa gitna ng mga hamon ng ating panahon, paano tayo ngayon nagiging mga kamay at puso ni Jesus para sa mga dukha, nangangailagan at nagugutom? – Marino J. Dasmarinas  

Monday, December 01, 2025

Reflection for December 2 Tuesday of the First Week of Advent: Luke 10:21-24


Gospel: Luke 10:21-24
Jesus rejoiced in the Holy Spirit and said, “I give you praise, Father, Lord of heaven and earth, for although you have hidden these things from the wise and the learned you have revealed them to the childlike. Yes, Father, such has been your gracious will. All things have been handed over to me by my Father.

No one knows who the Son is except the Father, and who the Father is except the Son and anyone to whom the Son wishes to reveal him.” Turning to the disciples in private he said, “Blessed are the eyes that see what you see. For I say to you, many prophets and kings desired to see what you see, but did not see it, and to hear what you hear, but did not hear it.

+ + + + + + +
Reflection:
Do we have a regular time of communication and prayer with God?

Communication is at the heart of our relationship with God. The more time we spend speaking with Him in prayer and silence, the closer our hearts are drawn to His. It is through this constant communication that our friendship with God deepens and our relationship with Him is strengthened.

In today’s Gospel, we witness Jesus in prayer, communicating intimately with God our Father. He lifts His voice in praise, yet His prayer goes beyond words of thanksgiving. Jesus prays because He longs for the Father. From this longing flows a deep and loving oneness—a communion that nurtures His mission and sustains His life.

We, too, are called to live with this same longing and thirst for God in every moment of our lives. Prayer is not merely a religious act; it is our lifeline. When we stop communicating with God, we slowly grow empty within. We may appear strong and composed on the outside, yet deep in our hearts, our faith becomes shallow and fragile.

That is why we are invited to return—again and again—to regular moments of prayer each day. Let us make space in our lives to praise God, to thank Him, and to entrust everything we are and everything we hold dear into His loving hands. Let us not wait for moments of crisis or desperation before we seek Him. God longs to be with us not only in our need, but in every ordinary moment of our lives.

So let us pause and reflect: Are we truly making time each day to be with God, or are we only turning to Him when everything else has already failed? How willing are we to allow prayer to shape our lives, deepen our love, and draw us into a living, personal relationship with Him? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 2 Martes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Lucas 10:21-24


Mabuting Balita: Lucas 10:21-24
Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita Ama. Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. 

Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.” Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Nag lalaan ba tayo ng oras ng pakikipag-ugnayan at panalangin sa Diyos?

Ang komunikasyon ang puso ng ating ugnayan sa Diyos. Habang mas madalas tayong nakikipag-usap at nananatili sa Kanya sa panalangin at katahimikan, mas lalo Niyang inilalapit ang ating mga puso sa Kanyang pag-ibig. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan, lalalim ang ating pagkakaibigan at relasyon sa Diyos.

Sa Mabuting Balita ngayon, nasasaksihan natin si Jesus na taimtim na nakikipag-ugnayan sa Diyos Ama sa pamamagitan ng panalangin. Siya’y nagpupuri, ngunit ang Kanyang panalangin ay hindi lamang pagbigkas ng papuri. Siya’y nananalangin dahil sa Kanyang pananabik sa Ama. At mula sa pananabik na ito ay nabubuo ang mas malalim na pagkakaisa at pakikipag-isa sa Kanya—isang ugnayang nagbibigay-buhay at lakas sa Kanyang misyon.

Tayo rin ay inaanyayahang mamuhay na may ganitong pananabik at uhaw sa Diyos sa bawat sandali ng ating buhay. Ang panalangin ay hindi lamang isang gawi sa relihiyon; ito ang ating hininga, ang ating sandigan. Kapag tumigil tayo sa pakikipag-usap sa Diyos, unti-unti tayong kakainin tayo ng mundong ito. Maaaring matatag ang ating anyo sa panlabas, ngunit sa kaibuturan, nagiging mababaw at marupok ang ating pananampalataya hangang sa ito ay mawala ng tuluyan.

Kaya’t inaanyayahan tayong magbalik—araw-araw—sa ating regular na sandali ng panalangin. Maglaan tayo ng oras upang purihin Siya, pasalamatan Siya, at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng tayo’y mayroon at tinataglay. Huwag nating hintayin ang mga sandali ng matinding pangangailangan at pagsubok bago tayo makipagugnay sa Diyos. Inaanyayahan Niya tayong makasama hindi lamang sa oras ng problema, kundi maging sa karaniwan at tahimik na mga sandali ng ating buhay.

Kaya ngayon, magmuni-muni tayo: Tunay ba nating binibigyan ng oras ang Diyos araw-araw, o hinahanap lamang natin Siya kapag wala na tayong ibang masandalan? Handa ba tayong hayaang ang panalangin ang humubog sa ating buhay, magpalalim sa ating pananampalataya, at magdala sa atin sa isang buhay at personal na pakikipag-ugnayan sa Kanya? — Marino J. Dasmarinas

Sunday, November 30, 2025

Reflection for December 1 Monday of the First Week of Advent: Matthew 8:5-11


Gospel: Matthew 8:5-11
When Jesus entered Capernaum, a centurion approached him and appealed to him, saying, “Lord, my servant is lying at home paralyzed, suffering dreadfully.” He said to him, “I will come and cure him.” The centurion said in reply, “Lord, I am not worthy to have you enter under my roof; only say the word and my servant will be healed.  

For I too am a man subject to authority, with soldiers subject to me. And I say to one, ‘Go,’ and he goes; and to another, ‘Come here,’ and he comes; and to my slave, ‘Do this,’ and he does it. When Jesus heard this, he was amazed and said to those following him, “Amen, I say to you, in no one in Israel have I found such faith. I say to you, many will come from the east and the west, and will recline with Abraham, Isaac, and Jacob at the banquet in the Kingdom of heaven.”

+ + + + +  + +
Reflection:
Do we ask Jesus to give us the gift of faith?

What brought the centurion to Jesus? It was his great faith. When he approached the Lord to ask for help for his servant, he came with nothing else—only a heart filled with trust. He firmly believed in Jesus’ power to heal. He trusted so completely that even without visible signs, he believed that Jesus’ word alone was enough to bring healing and life.

Who is this centurion? He is a Roman officer, a man of authority, with soldiers under his command. Yet despite his position, he humbles himself before Jesus. Though he is not among Jesus’ followers, he possesses a faith so deep that it moves the Lord Himself. Do we not long for this kind of faith in our own lives? A faith that trusts fully, hopes boldly, and believes without conditions?

Therefore, we are invited to pray—not only for solutions to our problems, but for faith itself. But do we truly ask Jesus to give us the gift of faith? Is faith always part of our prayer, or do we focus only on what we want Jesus to do for us?

If Jesus could grant such great faith to someone who was not yet a follower, why would He withhold it from us, who already walk in His footsteps? Faith is not something we earn; it is a gift that Jesus freely and generously gives to anyone who humbly asks.

What do we usually bring to prayer? Do we come seeking only the things of this world—comfort, success, security? Let us remember that all earthly things are passing and temporary. Faith, however, will never pass. It will remain with us until the end. It will accompany us beyond this world and lead us into the eternal Kingdom of the King of Kings—Jesus Himself.

So today, let us pause and pray:

Lord Jesus, give us Your gift of faith. Grant us a faith that trusts You completely, even when we do not understand. Strengthen the faith of each one of us, especially those reading this reflection right now. — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 1 Lunes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 8:5-11


Mabuting Balita: Mateo 8:5-11
Noong panahong iyon, pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: "Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siya'y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan."

"Paroroon ako at pagagalingin siya," sabi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin.

Ako'y nasa ilalim ng nakatataas na pinuno, at ako man ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa iba, 'Halika!' siya'y lumalapit; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' at ginagawa niya."

Namangha si Jesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Hinihiling ba natin kay Hesus ang biyaya ng pananampalataya?

Ano ang nagdala sa senturyon kay Hesus? Ito ay ang kanyang malakas na pananampalataya. Nang siya ay lumapit sa Panginoon upang humingi ng tulong para sa kanyang alipin, wala siyang ibang dala kundi isang pusong lubos na nagtitiwala. Buo ang kanyang paniniwala sa kapangyarihan ni Hesus na magpagaling. Naniniwala siyang sapat na ang isang salita lamang ng Panginoon upang magbigay ng kagalingan at buhay.

Sino ang senturyong ito? Siya ay isang Romanong opisyal, isang taong may kapangyarihan at may mga taong nasasakupan. Ngunit sa kabila ng kanyang katungkulan, nagpakumbaba siya sa harap ni Hesus. Hindi pa siya kabilang sa mga tagasunod, ngunit taglay niya ang isang pananampalatayang labis na ikinamangha ni Hesus mismo. Hindi rin ba natin hinahangad ang ganitong uri ng pananampalataya? Isang pananampalatayang lubos na nagtitiwala, buong tapang na umaasa, at naniniwala nang walang kondisyon.

Kaya tayo ay inaanyayahang manalangin—hindi lamang para sa solusyon sa ating mga problema, kundi para sa mismong kaloob na pananampalataya. Ngunit tunay nga ba natin itong hinihiling? Kasama ba sa ating mga panalangin ang paghingi ng pananampalataya, o nakatuon lamang tayo sa mga bagay na nais nating ibigay ni Hesus sa atin?

Kung ipinagkaloob ni Hesus ang napakadakilang pananampalataya sa isang taong hindi pa Niya tagasunod noon, bakit Niya ipagkakait ito sa atin na nagsisikap nang sumunod sa Kanya? Ang pananampalataya ay hindi isang gantimpalang pinaghirapan—ito ay isang kaloob na malaya at masaganang ibinibigay ni Hesus sa sinumang mapagkumbabang humihingi.

Ano nga ba ang madalas nating ipanalangin? Mga bagay ba ng mundong ito—ginhawa, tagumpay, katiyakan? Huwag nating kalilimutan na ang lahat ng ito ay panandalian at lilipas din. Ngunit ang pananampalataya ay hindi kailanman lilipas. Mananatili ito sa atin hanggang wakas. Sasamahan tayo nito sa ating paglalakbay pagkatapos natin sa mundong ito, patungo sa walang hanggang Kaharian ng Hari ng mga Hari—si Hesus mismo.

Kaya sa sandaling ito, taimtim tayong dumalangin:

Panginoong Hesus, ipagkaloob Mo sa amin ang kaloob ng pananampalataya. Bigyan Mo kami ng pananampalatayang lubos na nagtitiwala sa Iyo, kahit hindi namin lubos na nauunawaan ang lahat. Palakasin Mo ang pananampalataya ng bawat isa sa amin, lalo na ang sinumang nagbabasa ng pagninilay na ito ngayon. — Marino J. Dasmarinas

Friday, November 28, 2025

Reflection for Sunday November 30 First Sunday of Advent: Matthew 24:37-44


Gospel: Matthew 24:37-44
Jesus said to his disciples: “As it was in the days of Noah, so it will be at the coming of the Son of Man. In those days before the flood, they were eating and drinking, marrying and giving in marriage, up to the day that Noah entered the ark. They did not know until the flood came and carried them all away.

So will it be also at the coming of the Son of Man. Two men will be out in the field; one will be taken, and one will be left. Two women will be grinding at the mill; one will be taken, and one will be left. Therefore, stay awake! For you do not know on which day your Lord will come.

Be sure of this: if the master of the house had known the hour of night when the thief was coming, he would have stayed awake and not let his house be broken into. So too, you also must be prepared, for at an hour you do not expect, the Son of Man will come.

+ + + + + + +
Reflection:
What does it mean for us to stay awake? It means living in a constant state of readiness—ready to face whatever may come into our life. But if we are truly ready, does that mean we will always be strong enough to handle whatever comes our way?

When a tragedy strikes our family, when pain or loss visits our hearts, are we able to endure? The answer is both yes and no. Yes, we can endure if we remain deeply connected with Jesus. No, we struggle when we lose that connection with Him. Our strength does not come from ourselves alone; it flows from our relationship with the Lord.

Today, we begin the Season of Advent, a sacred time that reminds us of the arrival of Someone who is truly important—Jesus Himself. Advent invites us to pause, to watch, and to prepare. We are called to prepare not simply by doing more, but by loving more—by deepening and intensifying our relationship with Him. This means turning away from anything that leads us to sin and choosing to listen to the gentle voice of Jesus rather than the louder voice of the world.

The world tells us to prepare materially for the birth of Christ—to buy, to decorate, and to accumulate. But Jesus calls us to a different kind of preparation. He calls us to be spiritually ready. He invites us to repent of our sins through the Sacrament of Reconciliation, to seek forgiveness, and to be reconciled with those we have hurt. For what good is it if our homes are filled with decorations, but our hearts remain unprepared to receive Him?

As we walk through malls and busy streets, we see the heightened worldly celebration of Christmas. New gadgets and countless material things capture our attention. The brightest lights and grandest decorations glitter before our eyes, tempting us to focus on what is passing rather than on what is eternal.

Yet Jesus gently reminds us to stay awake—to guard our hearts and not be deceived by the commercialization of His birth. He calls us to prepare a place for Him, not in store windows or shopping carts, but in our hearts. — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Linggo Nobyembre 30 Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 24:37-44


Mabuting Balita: Mateo 24: 37-44
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe.

Dumating ang baha di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayun din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa bukid kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa.

Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ibig sabihin ng manatiling nakabantay o alerto? Ibig sabihin nito ay mamuhay tayo nang laging handa—handa sa anumang maaaring dumating sa ating buhay. Ngunit kung tayo nga ba ay handa, nangangahulugan ba itong kakayanin natin ang lahat ng pagsubok na darating sa atin?

Kapag may trahedyang dumating sa ating pamilya—kapag tayo ay nasaktan, nawalan, o nalugmok—kaya ba natin itong harapin? Ang sagot ay oo at hindi. Oo, kakayanin natin kung tayo ay nananatiling nakakapit at konektado kay Hesus. Ngunit hindi, kung tayo ay napapalayo sa Kanya. Ang ating lakas ay hindi nagmumula sa ating sarili lamang, kundi sa ating ugnayan sa Panginoon.

Ngayon ay sinisimulan natin ang Panahon ng Adbiyento, isang banal na panahon na nagpapaalala sa atin ng pagdating ng Isang tunay na mahalaga—walang iba kundi si Hesus mismo.

Inaanyayahan tayo ng Adbiyento na huminto sandali, magmasid, at maghanda. Tinatawag tayong maghanda hindi lamang sa panlabas, kundi higit sa lahat sa ating kalooban—sa pagpapatibay ng ating personal na relasyon sa Panginoon. Ibig sabihin nito ay iwasan ang anumang nagdadala sa atin sa kasalanan at matutong makinig sa tinig ni Hesus higit kaysa sa ingay ng mundo.

Sinasabi ng mundo na maghanda tayo sa materyal na paraan para sa kapanganakan ni Kristo—mamili, mag-ayos, at mag-ipon ng mga bagay. Ngunit iba ang paanyaya ni Hesus. Tinatawag Niya tayong maghanda sa paraang espiritwal. Inaanyayahan Niya tayong magsisi sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal, humingi ng kapatawaran, at makipagkasundo sa mga taong ating nasaktan. Sapagkat anong saysay ng marangyang paghahandang panlabas kung ang ating puso naman ay hindi handa na tanggapin ang Panginoon?

Sa pagdaan natin sa mga mall at mataong lugar, malinaw nating nakikita ang matinding paghahanda ng mundo para sa Pasko. Nariyan ang mga bagong gadgets at samu’t saring materyal na bagay na umaakit sa ating pansin. Ang pinakamaningning na mga ilaw at dekorasyon ay kumikislap upang agawin ang ating mga mata at puso.

Ngunit marahang pinaaalalahanan tayo ni Hesus na manatiling gising—na huwag hayaang malinlang ng komersyalisasyon ng Kanyang kapanganakan. Inaanyayahan Niya tayong ihanda ang ating mga puso, sapagkat doon Niya nais manahan. — Marino J. Dasmarinas

Reflection for November 29 Saturday of the 34th Week in Ordinary Time: Luke 21:34-36


Gospel: Luke 21:34-36
Jesus said to his disciples: “Beware that your hearts do not become drowsy from carousing and drunkenness and the anxieties of daily life, and that day catch you by surprise like a trap.

For that day will assault everyone who lives on the face of the earth. Be vigilant at all times and pray that you have the strength to escape the tribulations that are imminent and to stand before the Son of Man.”

+ + + + + + +
Reflection:
What is the best protection against the uncertainties and anxieties of this world?

Our greatest protection is our connection with Jesus—a connection that costs us nothing but a little of our time. We nurture this connection when we pray, when we talk to Him, and when we open our hearts in fervent, daily communication. Prayer is not just a ritual; it is our lifeline, our personal encounter with the Savior who never leaves us.

What does prayer do for us?

Prayer fills our hearts with peace. It steadies us amidst the struggles and complexities of daily life. An active prayer life strengthens us and prepares us for whatever life may bring—unexpected challenges, trials, or storms.

Calamities, unforeseen disasters, and the threat of wars may come at any moment. Often, they catch us by surprise and disturb our peace. But when we are spiritually prepared, when our hearts are anchored in prayer, we can face these trials with calm and resilience. We learn to cope emotionally, trusting that God walks with us through every uncertainty.

Life is so fragile. We do not know what may happen tomorrow, what illness may touch us, or what dangers may arise in our world. The threats of war and violence in many parts of the world remind us that peace is not guaranteed—it is something we must seek, pray for, and allow God to cultivate in our hearts and communities.

Through prayer, we invite Jesus into every part of our lives. We ask Him to heal, to guide, and to make our world more peaceful. As Jesus Himself taught the disciples: “Pray that you have the strength to escape the tribulations that are imminent and to stand before the Son of Man” (Luke 21:36).

We are called to pray not only for ourselves but for each other—for our families, our communities, and our world. Prayer is our shield, our source of courage, and the channel through which God’s peace flows into our lives.

So today, let us reflect: Are we truly making time to connect with Jesus every day? Are we cultivating a prayer life that strengthens our hearts for the trials we cannot foresee? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Nobyembre 29 Sabado sa Ika-34 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 21:34-36


Mabuting Balita: Lucas 21:34-36
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na iyon ng hindi handa. 

Sapagkat darating iyon ng di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang pinakamabisang proteksyon laban sa mga kawalang-katiyakan at pag-aalala sa mundong ito?

Ang ating pinakamalaking proteksyon ay ang ating ugnayan kay Jesus—isang ugnayan na walang kabayaran kundi ang konting oras natin. Pinapalalim natin ang ugnayang ito sa pamamagitan ng panalangin, sa pakikipagusap sa Kanya, at sa pagbubukas ng ating puso sa taimtim na pakikipag-usap sa Diyos. Ang panalangin ay hindi lamang ritwal; ito ay ang ating personal na pakikipagtagpo sa Tagapagligtas na kailanman ay hindi tayo iiwan.

Ano ang naidudulot ng panalangin sa atin?

Ang panalangin ay nagbibigay sa ating puso ng kapayapaan. Pinapanatili nitong kalmado ang ating kalooban sa gitna ng mga pagsubok ng araw-araw na buhay. Ang aktibong buhay-pananalangin ay nagpapalakas sa atin at naghahanda sa atin sa anomang hamon na maaring dumating—mga hindi inaasahang pagsubok o bagyo sa ating buhay.

Ang mga kalamidad, hindi inaasahang sakuna, at banta ng digmaan ay maaaring dumating anumang oras. Madalas, ito’y nakakagulat at nakakaistorbo sa ating kapayapaan. Ngunit kapag malalim an gating espiritualidad ay handa tayo, kapag ang ating puso ay nakaugat sa panalangin, kaya nating harapin ang mga pagsubok nang may kapanatagan at lakas ng loob. Natututo tayong magtiis at umasa, na may pagtitiwala na kasama natin ang Diyos sa bawat yugto ng ating buhay.

Walang katiyakan ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, anong sakit ang maaaring dumapo sa atin, o anong panganib ang maaaring dumating sa ating mundo. Ang mga banta ng digmaan at karahasan sa maraming bahagi ng mundo ay paalala na ang kapayapaan ay hindi garantisado—ito ay dapat hanapin, ipanalangin, at hayaang umusbong sa ating mga puso.

Sa pamamagitan ng panalangin, iniimbitahan natin si Jesus sa bawat bahagi ng ating buhay. Humihiling tayo sa Kanya na pagalingin tayo, gabayan, at gawin ang ating mundo na mas mapayapa. Tulad ng itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Manalangin kayo upang kayo’y magkaroon ng lakas na makaiwas sa mga nalalapit na kapighatian at makatayo sa harap ng Anak ng Tao” (Lucas 21:36).

Tinatawag tayong manalangin hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa isa’t isa—para sa ating mga pamilya, komunidad, at sa buong mundo. Ang panalangin ay ating kalasag, ating lakas, at ang daluyan ng kapayapaang mula sa Diyos na dumadaloy sa ating buhay.

Tinitiyak ba natin na may oras tayo araw-araw upang makipag-ugnayan kay Jesus? Pinalalago ba natin ang ating buhay-pananalangin upang palakasin ang ating puso para sa mga pagsubok na maaring dumating sa ating buhay? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, November 26, 2025

Reflection for November 28 Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time: Luke 21:29-33


Gospel: Luke 21:29-33
Jesus told his disciples a parable. “Consider the fig tree and all the other trees. When their buds burst open, you see for yourselves and know that summer is now near; in the same way, when you see these things happening, know that the Kingdom of God is near. 

Amen, I say to you, this generation will not pass away until all these things have taken place. Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away.

+ + + + + + +
Reflection:
Are we truly aware that God is always manifesting Himself to us?

In His great love, God finds countless and creative ways to make us aware of His abiding presence. At times, He reaches out to us through a friend who speaks words that touch our hearts. At other moments, He comes to us through both the joyful blessings and the painful trials of our lives. In ways seen and unseen, God continues to reveal Himself to us, for it is His deepest desire to draw us into a personal relationship with Him.

And yet, how do we often respond to these gentle manifestations of God? More often than not, we overlook them. We become so absorbed in what the world offers—wealth, power, possessions, and fleeting pleasures—that we fail to recognize the voice of God calling out to us. Little by little, we allow ourselves to be enslaved by the world, and in our busyness and distractions, we lose the ability to discern His presence in our daily lives.

It is only when sickness strikes, when we find ourselves standing just a few steps from death’s doorway, that we suddenly rush to seek God. Only then do we begin to make amends with those we have hurt. Only then do we try to straighten our ways and reorder our lives. Sadly, we often wait until we are broken before we realize how much we need Him.

But why must we wait for that moment? Why not listen now and draw closer to God while we are still in the pink of health? Why not deepen our relationship with Him today, while we still have the strength, the time, and the grace? Why not humble ourselves now before those we have offended and choose reconciliation and love? Why not turn away from every form of sinfulness at this very moment?

The Lord is already reaching out to us today, right now, in the ordinary moments of our lives. The question is not whether God is speaking, but whether we are willing to listen. Will we continue to delay our conversion, or will we respond to His loving call today and allow Him to transform our hearts while there is still time? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Nobyembre 28 Biyernes sa Ika-34 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 21:29-33


Mabuting Balita: Lucas 21:29-33
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 

Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula” 

+ + + + + + +
Repleksyon:
Aalam ba natin na ang Diyos ay patuloy na nagpapahayag at nagpapakilala ng Kanyang sarili sa atin?

Sa Kanyang wagas na pag-ibig, gumagamit ang Diyos ng sari-saring malikhaing paraan upang ipadama at iparamdam sa atin ang Kanyang presensya. May mga pagkakataong Siya ay lumalapit sa atin sa pamamagitan ng isang kaibigan na nagiging daluyan ng Kanyang mga salita.

May mga sandaling dumarating Siya sa atin sa gitna ng kasiyahan at tagumpay, gayundin sa mga pagsubok at pagdurusa sa ating buhay. Sa mga paraan na minsan ay lantad at minsan ay tahimik, patuloy na ipinakikilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin, sapagkat ito ang Kanyang pinakamimithing hangarin: ang magkaroon tayo ng isang personal na ugnayan sa Kanya.

Ngunit paano nga ba tayo tumutugon sa mga pagpaparamdam na ito ng Diyos? Kadalasan, hindi natin ito napapansin o pinapahalagahan. Lubog tayo sa mga alok ng mundo—kayamanan, kapangyarihan, ari-arian, at pansamantalang kaligayahan—kaya’t nawawala ang ating kakayahang marinig at makita ang presensya ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Unti-unti, nagiging alipin tayo ng mundong ito, at sa ating pagkakalulong, nalilimutan natin na may buhay pagkatapos n gating buhay sa mundong ito.

At madalas, saka lamang tayo naghahanap sa Diyos kapag tayo’y nagkasakit, kapag ilang hakbang na lamang tayo mula sa pintuan ng kamatayan. Doon pa lang tayo nagmamadaling kilalanin Siya. Doon pa lang tayo humihingi ng tawad at nakikipagkasundo sa mga taong ating nasaktan. Doon pa lang natin sinisikap ituwid ang ating mga landas at ayusin ang ating pamumuhay.

Ngunit bakit pa tayo maghihintay ng ganoong sandali? Bakit hindi pa ngayon, habang tayo’y may lakas at kalusugan, ay makinig na tayo sa tinig ng Diyos at lumapit sa Kanya? Bakit hindi pa ngayon palalimin ang ating ugnayan sa Kanya? Bakit hindi pa ngayon magpakumbaba at humingi ng tawad sa mga taong ating nasaktan? Bakit hindi pa ngayon natin talikuran ang ating mga kasalanan?

Ang Diyos ay patuloy na kumakatok sa pintuan ng ating puso—ngayon, sa mismong sandaling ito, sa karaniwang daloy ng ating buhay. Ang tanong ay hindi kung Siya ay nagsasalita, kundi kung handa ba tayong makinig at tumugon. Patatagalin pa ba natin ang ating pagbabalik-loob, o aanyayahan na natin ang Diyos na baguhin ang ating mga puso—habang may pagkakataon pa? –Marino J. Dasmarinas

Reflection for November 27 Thursday of the 34th Week in Ordinary Time: Luke 21:20-28


Gospel: Luke 21:20-28
Jesus said to his disciples: “When you see Jerusalem surrounded by armies, know that its desolation is at hand. Then those in Judea must flee to the mountains. Let those within the city escape from it, and let those in the countryside not enter the city, for these days are the time of punishment when all the Scriptures are fulfilled.  

Woe to pregnant women and nursing mothers in those days, for a terrible calamity will come upon the earth and a wrathful judgment upon this people. They will fall by the edge of the sword and be taken as captives to all the Gentiles; and Jerusalem will be trampled underfoot by the Gentiles until the times of the Gentiles are fulfilled.  

“There will be signs in the sun, the moon, and the stars, and on earth nations will be in dismay, perplexed by the roaring of the sea and the waves. People will die of fright in anticipation of what is coming upon the world, for the powers of the heavens will be shaken.

And then they will see the Son of Man coming in a cloud with power and great glory. But when these signs begin to happen, stand erect and raise your heads because your redemption is at hand.”

+ + + + +  + +
Reflection:
There are two kinds of human suffering that come into our lives. The first kind is the suffering that we ourselves create. When we refuse to listen to wise counsel, when we persist in harmful habits, or when we stubbornly cling to sinful ways, we often bring pain upon ourselves.

Like the drunkard who is repeatedly warned but chooses not to listen, we too can ignore the loving voices that seek our good. In time, the consequences of our choices may appear, leaving us wounded, broken, and in need of healing.

The second kind of suffering is that which we do not bring upon ourselves. These are the sufferings that come simply because we are human—illness that accompanies old age, unexpected trials, or crosses that arrive even when we have done nothing to deserve them. In such moments, we are reminded of our fragility and our deep need for God’s sustaining grace.

In the Gospel for this Thursday, Jesus speaks of the destruction of Jerusalem and its people. This suffering could have been avoided if they had listened to the messengers of God—the prophets—who lovingly called them to turn away from sin and return to Him. Yet they refused to listen. They continued in their sinful ways and even rejected and killed those whom God sent, including His own Son, Jesus.

As we close the curtains of this liturgical year and step into the sacred season of Advent, we are once again invited to listen—to truly listen—to the voice of God speaking to our hearts. He calls us not with condemnation but with mercy, inviting us to repentance, conversion, and renewal. One of the most beautiful and healing ways we can respond is by humbly approaching the Sacrament of Reconciliation, where God’s mercy is poured out without measure.

We are all sinners. We all stumble. And yet, we are all deeply loved. We are all in need of Jesus’ mercy, forgiveness, and healing.

As Advent draws near, the question gently but urgently echoes within us: Will we continue to ignore God’s loving call, or will we finally open our hearts, turn back to Him, and allow His mercy to heal and transform us? – Marino J. Dasmarinas