Sapagkat darating iyon ng di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao."
Ang ating pinakamalaking proteksyon ay ang ating ugnayan kay Jesus—isang ugnayan na walang kabayaran kundi ang konting oras natin. Pinapalalim natin ang ugnayang ito sa pamamagitan ng panalangin, sa pakikipagusap sa Kanya, at sa pagbubukas ng ating puso sa taimtim na pakikipag-usap sa Diyos. Ang panalangin ay hindi lamang ritwal; ito ay ang ating personal na pakikipagtagpo sa Tagapagligtas na kailanman ay hindi tayo iiwan.
Ano ang naidudulot ng panalangin sa atin?
Ang panalangin ay nagbibigay sa ating puso ng kapayapaan. Pinapanatili nitong kalmado ang ating kalooban sa gitna ng mga pagsubok ng araw-araw na buhay. Ang aktibong buhay-pananalangin ay nagpapalakas sa atin at naghahanda sa atin sa anomang hamon na maaring dumating—mga hindi inaasahang pagsubok o bagyo sa ating buhay.
Ang mga kalamidad, hindi inaasahang sakuna, at banta ng digmaan ay maaaring dumating anumang oras. Madalas, ito’y nakakagulat at nakakaistorbo sa ating kapayapaan. Ngunit kapag malalim an gating espiritualidad ay handa tayo, kapag ang ating puso ay nakaugat sa panalangin, kaya nating harapin ang mga pagsubok nang may kapanatagan at lakas ng loob. Natututo tayong magtiis at umasa, na may pagtitiwala na kasama natin ang Diyos sa bawat yugto ng ating buhay.
Walang katiyakan ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, anong sakit ang maaaring dumapo sa atin, o anong panganib ang maaaring dumating sa ating mundo. Ang mga banta ng digmaan at karahasan sa maraming bahagi ng mundo ay paalala na ang kapayapaan ay hindi garantisado—ito ay dapat hanapin, ipanalangin, at hayaang umusbong sa ating mga puso.
Sa pamamagitan ng panalangin, iniimbitahan natin si Jesus sa bawat bahagi ng ating buhay. Humihiling tayo sa Kanya na pagalingin tayo, gabayan, at gawin ang ating mundo na mas mapayapa. Tulad ng itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Manalangin kayo upang kayo’y magkaroon ng lakas na makaiwas sa mga nalalapit na kapighatian at makatayo sa harap ng Anak ng Tao” (Lucas 21:36).
Tinatawag tayong manalangin hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa isa’t isa—para sa ating mga pamilya, komunidad, at sa buong mundo. Ang panalangin ay ating kalasag, ating lakas, at ang daluyan ng kapayapaang mula sa Diyos na dumadaloy sa ating buhay.
Tinitiyak ba natin na may oras tayo araw-araw upang makipag-ugnayan kay Jesus? Pinalalago ba natin ang ating buhay-pananalangin upang palakasin ang ating puso para sa mga pagsubok na maaring dumating sa ating buhay? – Marino J. Dasmarinas
No comments:
Post a Comment