Noong panahong iyon, pinalapit ni
Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Kung ibig ninumang
sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang
krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay
siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin
at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon.
Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong
daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng
tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Kapag ang sinuman ay nahiyang
kumilala sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na makasalanan
at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao, pagparito niya na
taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na
anghel.”
Sabi pa ni Hesus sa kanila, “Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikitang naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan.”
No comments:
Post a Comment