Monday, June 26, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hulyo 2, Ika – 13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 10:37-42


Mabuting Balita: Mateo 10:37-42
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito."

"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng isang basong tubig na malamig sa isang maliit na ito dahil sa ito'y alagad ko -- tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala."

No comments: