Sinikap nilang dalhin siya at ilagay sa harapan ni Jesus. 19 Nang hindi nila makita kung paano nila madadala ang paralitiko dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan at sa bubong nila siya idinaan pababa na nasa kanyang papag hanggang sa gitna sa harap ni Jesus.
20 Nang makita niya ang kanilang pananalig, sinabi niya: “Kaibigan, pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan.” 21 Nagsimula noong mag-isip-isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?”
22 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang mga pag-iisip kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? 23 Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka’t lumakad’?
24 Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Sinasabi ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” 25 At kapagdaka’y tumayo siya sa harap nila, kinuha ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
26 Namangha ang lahat at nagpuri sa
Diyos. Nasindak nga sila at sinabi: “Nakakita tayo ng mga kagila-gilalas na
bagay sa araw na ito!”
No comments:
Post a Comment