Pope Francis (1936-2025)

Eternal rest grant unto Pope Francis ( Jorge Mario Bergoglio) O Lord, and let perpetual light shine upon him. May his soul, and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.

Sunday, October 27, 2024

Ang Mabuting Balita Oktubre 29, Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 13:18-21


Mabuting Balita: Lucas 13:18-21
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus, "Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito." 

Sinabi pa ni Jesus, "Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupa't umalsa ang buong masa." 

No comments: