Noong panahong iyon, sinasabi ni Juan
Bautista sa kanyang pangangaral: “Darating na kasunod ko ang isang
makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng
kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya
kayo sa Espiritu Santo.”
Hindi nagluwat, dumating si Hesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya’y bininyagan ni Juan sa Ilog-Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Hesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: “Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan.”
No comments:
Post a Comment