Monday, November 27, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Disyembre 3, Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon: Marcos 13:33-37


Mabuting Balita: Marcos 13:33-37
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari. Katulad nito'y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. 

Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan - maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga -- baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!"  

No comments: