Ngunit gaputok ma'y di tumugon si Jesus. at lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya. "Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya'y nag-iingay at susunod-sunod sa atin." Sumagot si Jesus, "Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo." Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon."
sumagot
si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga
tuta." "Tunay nga po, Panginoon," tugon ng babae, "ngunit
ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang
panginoon." Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong
pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon di'y gumaling ang
kanyang anak.
No comments:
Post a Comment