Thursday, May 26, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 29, Pag-akyat ng Panginoon (Dakilang Kapistahan): Lucas 24:46-53



Mabuting Balita: Lucas 24:46-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. Tandaan ninyo: susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas.”
  
Pagkatapos, sila’y isinama ni Hesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Betania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila. Samantalang iginagawad niya ito, siya nama’y lumalayo paakyat sa langit. Siya’y sinamba nila; pagkatapos, sila’y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan. Palagi sila sa templo at doo’y nagpupuri sa Diyos.

No comments: