Wednesday, August 4, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 7 Sabado sa Ika-18 na Linggo ng Taon: Mateo 17:14-20


Mabuting Balita: Mateo 17:14-20
14   Lumapit kay Jesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: 15 “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lub¬hang nahi-hirapan. Madalas siyang ma¬hulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. 16 Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napaga¬ling.”  

17 Sumagot si Jesus: “Mga walang pana¬¬nampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako ma¬nanatili sa piling ninyo? Hanggang ka¬ilan ako mag-titiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” 18 At inutusan ito ni Jesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At guma¬ling ang bata sa sandaling iyon. 

19 Pagkatapos ay nilapitan si Jesus ng mga alagad, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 20 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa¬pagkat maliit ang inyong pana¬nam¬palataya. Kung may pananam¬palataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi sana ninyo sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang magiging impo¬sible para sa inyo.

No comments: