Monday, August 23, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 26 Huwebes sa Ika-21 Linggo ng Taon: Mateo 24:42-51


Mabuting Balita: 
Mateo 24:42-51
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 42 Magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ng pag­dating ng inyong Panginoon. 43 Isipin ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi dara­ting ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya pababayaang pasu­kin ang bahay. 44 Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan darating ang Anak ng Tao.  

45 Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katulong at sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang amo ang sambahayan nito para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras. 46 Kung sa pag­­dating ng kan­yang amo ay matagpuan siya nitong tu­mu­tupad sa kanyang tung­kulin, mapalad ang katulong na ito. 47 Talagang sinasabi ko sa inyo na ipagkakatiwala sa kanya ng amo ang lahat nitong pag-aari.  

48 Sa halip ay nag-iisip naman ang ma­samang ka­tulong: ‘Magtatagal ang aking panginoon.’ 49 Kayat sinimulan niyang pagmalupitan ang mga katulong na kasama niya samantalang nakikipagkainan at nakiki­pag-inu­mang kasama ng mga lasing. 50 Ngunit dara­ting ang panginoon ng katulong na iyon sa oras na di niya inaasahan at sa panahong di niya alam. 51 Paaalisin  niya ang katulong na ito at pakikitu­nguhang gaya ng mga mapag­kunwari. Doon nga may iyakan at pag­ngangalit ng ngipin.

No comments: