Monday, July 19, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Martes Hulyo 20, Ika-16 Linggo ng Taon: Mateo 12:46-50


Mabuting Balita: Mateo 12:46-50
46 Nagsasalita pa si Jesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kan¬ya, at naghihintay sila sa labas. 47 Kaya may nagsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang maka¬usap.” 

48 Sumagot si Jesus sa nagsabi sa kanya: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” 49 At itinuro niya ang kan¬yang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. 50 Ang nagsasagawa sa kalo¬oban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.”

No comments: