Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad: Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat
talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na ipagkakaloob sa inyo anumang hingin
ninyo sa Ama sa Ngalan ko. 24 Hanggang ngayo’y wala pa kayong hiningi sa
Ngalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang maganap ang inyong kagalakan.
25 Sa mga paghahambing ko ipinangungusap
sa inyo ang mga ito. Ngunit may oras na sasapit na hindi sa paghahambing ako
mangungusap sa inyo kundi lantaran ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama.
26 Sa araw na ’yon, sa ngalan ko kayo hihingi; hindi ko sinasabi sa inyo
na makikiusap ako sa Ama alang-alang sa inyo 27 pagkat iniibig kayo mismo
ng Ama dahil iniibig n’yo ako at pinaniniwalaang sa Diyos ako galing.
28 Galing ako sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at
papunta sa Ama.
No comments:
Post a Comment