Friday, August 7, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Agosto 9, Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 14:22-33


Mabuting Balita: Mateo 14:22-33
22 Matapos pakainin ang mga taoagad pinasakay ni Jesus sa bang­ka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. 23 At pagkaalis ng mga tao, mag-isa siyang pumunta sa kaburulan para mana­langin. Nag-iisa siya roon nang gumabi. 24 Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sina­salpok ng mga alon sapag­kat pasa­lungat ang hangin.

25 Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat. 26 Nang makita nila siyang nag­la­lakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. 27 Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.” 28 Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.”

29 At sinabi niya: “Halika.” Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at nagsimulang lumubog. Kaya sumigaw siya: ”Panginoon, iligtas mo ako!” 31 Agad na iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alin­langan?”

32 Nang nakasakay na sila sa bang­ka, tumigil ang hangin. 33 At yumuko sa harap ni Jesus ang mga nasa bangka at sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!”

No comments: