Pope Francis (1936-2025)

Eternal rest grant unto Pope Francis ( Jorge Mario Bergoglio) O Lord, and let perpetual light shine upon him. May his soul, and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.

Wednesday, August 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Agosto 16, Ika-20 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 15:21-28


Mabuting Balita: Mateo 15:21-28
21 Pagkaalis sa lugar na iyon, pumun­ta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. 22 May isang babaeng Kananea noon na nag­punta sa dakong iyon at sumigaw: “Pangi­noon, anak ni David, maawa ka sa akin! Pina­hihirapan ng isang demon­yo ang anak kong babae.” 23 Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa likod natin.”

24 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” 25 Ngunit lumapit ang babae at lumu­hod sa harap ni Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” 26 Sumagot si Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” 27 Su­ma­got ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya nagsalita sa kanya si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pana­­­­nalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.

No comments: