Saturday, August 8, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 10, Lunes; San Lorenzo diyakono at martir: Juan 12:24-26


Mabuting Balita: Juan 12:24-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 24 Talagang-talagang sina­sabi ko sa inyo, nama­malaging nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi ito nama­matay pag­kahulog sa lupa. Ngunit kung mama­tay ito, nagdudulot ito ng mara­ming bunga.

25 Nagpapahamak ng kanyang sarili ang umiibig dito ngunit iingatan naman ito para sa buhay magpakailanman ng napopoot sa kanyang sarili sa mun­dong ito. 26 Patuloy akong sundan ng nagli­lingkod sa akin at kung nasaan ako, naroon din ang aking lingkod. Kung may nagli­­lingkod sa akin, parara­ngalan siya ng Ama.

No comments: