Some Pharisees and scribes came to Jesus
from Jerusalem and said, “Why do your disciples break the tradition of the
elders? They do not wash their hands when they eat a meal.” He summoned the
crowd and said to them, “Hear and understand.
It is not what enters one’s mouth that
defiles the man; but what comes out of the mouth is what defiles one.” Then his
disciples approached and said to him, “Do you know that the Pharisees took
offense when they heard what you said?”
He said in reply, “Every plant that my
heavenly Father has not planted will be uprooted. Let them alone; they are
blind guides of the blind. If a blind man leads a blind man, both will fall
into a pit.
+ + + + + + +
Reflection:
Whom would we prefer: a person who
observes the tradition of washing hands before eating a meal, or a person who
does not observe this tradition?
Naturally, we would prefer the one who observes the tradition.
But
what if those who observe the tradition do so only to be seen by others, while
no interior cleansing takes place within them? What if those who do not observe
the tradition are the ones whose hearts have been purified by God? We would
then prefer those whose hearts are clean within, even if they do not practice
the external tradition.
Jesus
is not against the washing of hands per se. Rather, what He opposes is the mere
external display of holiness that is not matched by an interior conversion of
the heart. He reminds us that true holiness does not begin with outward
appearances but with hearts that are humble, sincere, and transformed by God's
grace.
For
example, what is the value of our prayers, our attendance at Holy Mass, our
novenas, our Rosaries, our acts of charity, and our other religious devotions
if they do not lead us to genuine interior transformation? If they do not make
us more loving, forgiving, truthful, compassionate, and obedient to God's will,
then we have missed their true purpose.
If
we continue to do what is wrong while clinging to what is evil, then what is
the value of our outward acts of holiness if they are done only for others to
see? God is never deceived by outward appearances. He lovingly looks beyond
what others can see and searches the deepest intentions of our hearts. He
desires not merely religious rituals but hearts that truly belong to Him.
May
we, therefore, allow the Holy Spirit to cleanse us from within so that our
words, our actions, and our lives may genuinely reflect the presence of Christ.
May our faith never become a performance for human approval but a sincere
response of love and gratitude to the God who knows us completely and loves us
unconditionally.
Today, let us ask ourselves: Are we more
concerned about appearing holy before others, or are we allowing Jesus to
transform our hearts day by day? When God looks into the depths of our hearts,
will He find merely the appearance of holiness, or will He find hearts that
truly love, trust, and follow Him?—Marino J. Dasmarinas
Noong
panahong iyon, lumapit kay Hesus ang ilang Pariseo at mga eskribang galing sa
Jerusalem. Kanilang tinanong siya, “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang turo
na minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas
ng kamay ayon sa paraang iniutos!”
Pinalapit
ni Hesus ang mga tao at kanyang sinabi, “Makinig kayong lahat, at unawain ang
aking sasabihin. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang
nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos.”
Lumapit
ang mga alagad at kanilang sinabi, “Alam ninyo, nagdamdam po ang mga Pariseo sa
sinabi ninyo!” Sumagot siya, “Bubunutin ang bawat halamang hindi itinanim ng
aking Amang nasa langit. Hayaan ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay; at
kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Sino ang mas pipiliin natin: ang taong sumusunod sa tradisyon ng
paghuhugas ng kamay bago kumain, o ang taong hindi sumusunod sa tradisyong ito? Marahil, ang una nating pipiliin ay ang taong sumusunod sa
tradisyon.
Ngunit
paano kung ang pagsunod niya sa tradisyong iyon ay ginagawa lamang upang
mapansin at hangaan ng iba, samantalang walang tunay na paglilinis na nagaganap
sa kanyang kalooban? At paano kung ang taong hindi sumusunod sa tradisyong iyon
ang siyang may pusong dalisay at malinis sa harapan ng Diyos? Kung gayon, mas
pipiliin natin ang taong may malinis na puso, sapagkat higit na mahalaga sa
Diyos ang kalinisan ng ating kalooban kaysa sa panlabas na anyo ng ating
kabanalan.
Hindi
tinututulan ni Jesus ang paghuhugas ng kamay. Ang Kanyang tinututulan ay ang
pagpapakita lamang ng kabanalan sa panlabas na anyo, samantalang ang puso ay
nananatiling malayo sa Diyos. Ipinaaalala Niya sa atin na ang tunay na
kabanalan ay hindi nagsisimula sa mga ritwal o panlabas na gawain, kundi sa
pusong mapagpakumbaba, tapat, at hinahayaang baguhin ng biyaya ng Diyos.
Halimbawa,
ano ang halaga ng ating mga panalangin, pagdalo sa Banal na Misa, pagdarasal ng
Santo Rosaryo, mga nobena, mga gawa ng kawanggawa, at iba pa nating debosyong
Kristiyano kung hindi naman tayo nito inaakay tungo sa tunay na pagbabago ng
ating puso? Ano ang saysay ng lahat ng ito kung hindi tayo nagiging mas
mapagmahal, mapagpatawad, mahabagin, matapat, at masunurin sa kalooban ng
Diyos?
Kung
patuloy tayong gumagawa ng mali at kumakapit sa kasamaan, ano ang halaga ng
ating mga panlabas na pagpapakita ng kabanalan kung ginagawa lamang natin ang
mga ito upang mapansin ng iba?
Hindi
nalilinlang ang Diyos ng ating panlabas na anyo. Nakikita Niya ang kaibuturan
ng ating puso at alam Niya ang tunay nating mga hangarin. Higit sa ating mga
ritwal, ang ninanais Niya ay pusong lubos na nagmamahal, nagtitiwala, at
sumusunod sa Kanya.
Nawa'y
pahintulutan natin ang Espiritu Santo na linisin at baguhin tayo mula sa ating
kalooban upang ang ating mga salita, kilos, at buong pamumuhay ay maging tunay
na salamin ng presensya ni Hesus. Nawa'y ang ating pananampalataya ay hindi
maging isang palabas upang tumanggap ng papuri mula sa tao, kundi isang
taos-pusong tugon ng pag-ibig at pasasalamat sa Diyos na lubos na nakakakilala
at walang hanggang nagmamahal sa atin.
Ngayong araw, tanungin natin ang ating mga sarili: Mas mahalaga
ba sa atin ang magmukhang banal sa paningin ng iba, o ang tunay na maging banal
sa paningin ng Diyos? Kapag siniyasat ng Panginoon ang ating puso, makikita
kaya Niya ang isang pusong binago ng Kanyang pag-ibig at biyaya, o panlabas na
kabanalan lamang na walang tunay na pagbabagong-loob?—Marino J. Dasmarinas
Jesus made the disciples get into a boat
and precede him to the other side of the sea, while he dismissed the crowds.
After doing so, he went up on the mountain by himself to pray. When it was evening
he was there alone.
Meanwhile
the boat, already a few miles offshore, was being tossed about by the waves,
for the wind was against it. During the fourth watch of the night, he came
toward them, walking on the sea. When the disciples saw him walking on the sea
they were terrified. "It is a ghost," they said, and they cried out
in fear. At once Jesus spoke to them, "Take courage, it is I; do not be
afraid."
Peter
said to him in reply, "Lord, if it is you, command me to come to you on
the water." He said, "Come." Peter got out of the boat and began
to walk on the water toward Jesus. But when he saw how strong the wind was he
became frightened; and, beginning to sink, he cried out, "Lord, save
me!"
Immediately
Jesus stretched out his hand and caught him, and said to him, "O you of
little faith, why did you doubt?" After they got into the boat, the wind
died down. Those who were in the boat did him homage, saying, "Truly, you
are the Son of God."
After
making the crossing, they came to land at Gennesaret. When the men of that
place recognized him, they sent word to all the surrounding country. People
brought to him all those who were sick and begged him that they might touch
only the tassel on his cloak, and as many as touched it were healed.
+ + + + + + +
Reflection:
What is faith in Jesus?
It is keeping our eyes fixed on Him and refusing to let anything
distract us or draw our attention away from His loving presence. Faith is
choosing to trust Him even when the road before us is uncertain, believing that
His hand is always guiding us, even when we cannot clearly see where He is
leading us.
When Peter saw Jesus walking on the water, he asked the Lord to
allow him to come to Him, and Jesus graciously granted his request (Matthew
14:29–30).
As
Peter walked toward Jesus, however, he noticed the strong wind and the waves
crashing around him. The moment he shifted his focus from Jesus to the storm,
fear overcame his faith, and he began to sink.
Yet
Jesus did not abandon him. He immediately reached out His hand and saved him.
This Gospel account speaks not only of Peter’s wavering faith but also of our
own. It gently invites us to ask ourselves: How strong is our faith in Jesus
when the storms of life begin to rage?
Can
we continue to trust Him when we go through severe trials? What if we become
seriously ill, lose someone we dearly love, face financial hardships, or carry
burdens that seem too heavy to bear? Would these painful moments shake our
confidence in the Lord?
Would
we begin to ask Him, “Why?” These are honest questions that many of us have
asked at one time or another. Yet even in our questions, the Lord patiently
remains beside us, waiting for us to place our trust in Him once again.
Life
is indeed a mystery. We may be here today, yet there is no guarantee that we
will still be breathing tomorrow. Even our faith in Jesus is, in many ways, a
mystery. We place our trust in Someone whom we cannot see with our physical
eyes, yet we continue to hold on to Him because we have come to know His
unfailing love and faithfulness.
Our
faith is not built on what is visible but on the certainty that the Lord always
keeps His promises. It is this faith that strengthens us, enables us to
persevere, and carries us through every trial that comes our way.
Peter
clearly had faith; otherwise, he would never have asked Jesus to let him come
to Him. But for a brief moment, he allowed the wind and the waves to weaken his
trust in the Lord. How often do we do the same? We begin our journey with
confidence, but when difficulties arise, our fears, worries, and uncertainties
can easily draw our eyes away from Jesus.
Still,
the Good Shepherd never stops reaching out to us. Whenever we begin to sink
beneath the weight of life's storms, His loving hand is always extended, ready
to lift us up if only we turn back to Him.
As
we continue our journey of faith, we will surely encounter moments that test
our trust in the Lord. These trials are not meant to drive us away from Him but
to draw us closer to His Sacred Heart, where we discover that His grace is
always greater than our weakness and His love is stronger than our fears.
Let
us, therefore, remain steadfast and never lose heart, no matter how fierce the
storms may become. Let us keep our eyes fixed on Jesus, who never abandons those
who place their trust in Him. He is always with us—strengthening us when we are
weak, comforting us when we are discouraged, and carrying us safely through
every test of faith.
Today, where are our eyes fixed—on the storms that surround us or
on Jesus who walks above them? Will we allow our fears to pull us beneath the
waves, or will we place our complete trust in the Lord, whose outstretched hand
is always ready to lift us up?—Marino J.
Dasmarinas
Matapos mabusog ang mga tao, agad
pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang
ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya
sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi.
Samantala, nasa laot na noon ang
bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang
madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.
Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw
ng tubig. “Multo!” sigaw nila.
Ngunit agad siyang nagsalita at
sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro,
“Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.”
Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw
ng tubig, palapit kay Hesus.
Ngunit nang mapansin niya ang hangin,
siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw
niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya
kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang
hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!”
sabi nila.
Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa
Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong
palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus, kaya’t dinala nila sa kanya ang
lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit
kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay
gumagaling.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano
ba ang ating pananampalataya kay Jesus?
Ito
ay ang pagpapanatili ng ating mga mata at puso na nakatuon sa Kanya at ang
hindi pagpapahintulot sa anumang bagay na ilayo ang ating pansin mula sa
Kanyang mapagmahal na presensya.
Ang
tunay na pananampalataya ay ang pagpiling magtiwala sa Panginoon kahit hindi
malinaw ang landas na ating tinatahak, sapagkat naniniwala tayong lagi Niya
tayong inaakay at hindi Niya tayo kailanman iiwan.
Nang
makita ni Pedro si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig, nakiusap siya sa
Panginoon na papuntahin din siya sa Kanya. At buong kabutihang-loob na
pinagbigyan ni Jesus ang kanyang kahilingan (Mateo 14:29–30).
Ngunit
habang naglalakad si Pedro patungo kay Jesus, napansin niya ang malakas na
hangin at ang naglalakihang alon. Nang ilihis niya ang kanyang paningin mula kay
Jesus at ituon ito sa unos, nanaig ang takot kaysa sa kanyang pananampalataya
kaya nagsimula siyang lumubog. Subalit hindi siya pinabayaan ng Panginoon. Agad
Siyang nag-unat ng Kanyang kamay at iniligtas siya.
Ang
pangyayaring ito ay hindi lamang tungkol sa panandaliang panghihina ng
pananampalataya ni Pedro. Sumasalamin din ito sa ating sariling buhay.
Inaanyayahan tayo nitong tanungin ang ating mga sarili: Gaano katatag
ang ating pananampalataya kay Jesus kapag dumaraan tayo sa mabibigat na unos ng
buhay?
Patuloy
pa rin ba tayong magtitiwala sa Kanya kapag tayo ay dumaranas ng matitinding
pagsubok? Paano kung tayo ay magkasakit nang malubha, mawalan ng mahal sa
buhay, makaranas ng matinding paghihirap sa kabuhayan, o magdala ng mga
pasaning tila hindi na natin kayang pasanin?
Hindi
ba tayo matutuksong magtanong sa Panginoon, "Bakit?" Marahil marami
sa atin ang nakaranas nang itanong ito. Ngunit maging sa gitna ng ating mga
luha, pagdududa, at mga katanungan, nananatili Siyang nasa ating tabi,
matiyagang naghihintay na muli nating ipagkatiwala sa Kanya ang ating buhay.
Tunay
na isang hiwaga ang buhay. Narito tayo ngayon, ngunit walang katiyakang tayo ay
mabubuhay pa bukas. Maging ang ating pananampalataya kay Jesus ay isang hiwaga
rin. Hindi natin Siya nakikita ng ating mga mata, ngunit buong puso tayong
nagtitiwala sa Kanya sapagkat naranasan na natin ang Kanyang walang hanggang
pag-ibig, kabutihan, at katapatan.
Ang
ating pananampalataya ay hindi nakabatay sa ating nakikita kundi sa katiyakang
ang Panginoon ay laging tumutupad sa Kanyang mga pangako. Ang pananampalatayang
ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatuloy at magtiis anuman ang mga
pagsubok na ating kinakaharap.
Malinaw
na may pananampalataya si Pedro, sapagkat kung wala, hindi niya hihilinging
makalakad patungo kay Jesus. Ngunit sa isang sandali, hinayaan niyang ang
malakas na hangin at naglalakihang alon ang mangibabaw sa kanyang pagtitiwala
sa Panginoon.
Hindi
ba't madalas din itong mangyari sa atin? Nagsisimula tayong puno ng
pananampalataya, ngunit kapag dumarating ang mga problema, unti-unting napapalitan
ng takot, pag-aalala, at pangamba ang ating pagtitiwala.
Gayunman,
hindi tayo kailanman iniiwan ng Mabuting Pastol. Sa tuwing tayo ay tila
lumulubog sa gitna ng mga unos ng buhay, nakaunat pa rin ang Kanyang kamay,
handang tayo'y ibangon at yakapin sa Kanyang walang hanggang pagmamahal.
Habang
nagpapatuloy tayo sa ating paglalakbay bilang mga tagasunod ni Jesus, tiyak na
darating ang mga pagkakataong susubukin ang ating pananampalataya. Ngunit ang
mga pagsubok na ito ay hindi upang ilayo tayo sa Panginoon kundi upang higit
tayong ilapit sa Kanyang Banal na Puso, kung saan matatagpuan natin ang
biyayang higit na dakila kaysa sa ating kahinaan at ang pag-ibig na higit na
makapangyarihan kaysa sa ating mga takot.
Kaya't
manatili tayong matatag at huwag mawalan ng pag-asa gaano man kalakas ang mga
unos na ating pinagdaraanan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus, sapagkat
hindi Niya kailanman pinababayaan ang mga nagtitiwala sa Kanya. Siya ang
nagpapalakas sa atin kapag tayo ay nanghihina, nagbibigay ng pag-asa kapag tayo
ay pinanghihinaan ng loob, at umaakay sa atin hanggang makatawid tayo sa bawat
pagsubok ng pananampalataya.
Ngayon, saan nakatuon ang ating mga mata at puso—sa mga unos na
kinakaharap natin o kay Jesus na Panginoon ng lahat ng unos? Kapag tayo ay
nagsimulang lumubog dahil sa takot at pag-aalala, pipiliin ba nating kumapit sa
ating sariling lakas, o buong kababaang-loob ba nating hahawakan ang kamay ni Jesus
na laging nakaunat upang tayo'y ibangon, akayin, at dalhin sa ligtas na pampang?—Marino J.
Dasmarinas
When Jesus heard of the death of John the Baptist, he
withdrew in a boat to a deserted place by himself. The crowds heard of this and
followed him on foot from their towns. When he disembarked and saw the vast
crowd, his heart was moved with pity for them, and he cured their sick.
When it
was evening, the disciples approached him and said, "This is a deserted
place and it is already late; dismiss the crowds so that they can go to the
villages and buy food for themselves." He said to them, "There is no
need for them to go away; give them some food yourselves." But they said
to him, "Five loaves and two fish are all we have here."
Then he said, "Bring them here to
me," and he ordered the crowds to sit down on the grass. Taking the five
loaves and the two fish, and looking up to heaven, he said the blessing, broke
the loaves, and gave them to the disciples, who in turn gave them to the
crowds.
They all ate and were satisfied, and they
picked up the fragments left over – twelve wicker baskets full. Those who ate
were about five thousand men, not counting women and children.
+ + + + + + +
Reflection:
Do we still have quiet time alone with
God?
Once in a while, we need to withdraw from
the madding crowd to be alone with God. In the midst of our busy schedules,
endless responsibilities, and the constant noise of the world, our souls long
for moments of silence in the loving presence of the Lord. We need these
regular quiet moments with Him so that we can discern His presence, listen to
His gentle voice, and allow Him to renew our hearts.
Upon learning of the beheading of His
relative, John the Baptist, Jesus went to a deserted place by Himself for
personal reflection and prayer. He was saddened by the death of His relative,
and He sought strength and consolation in His communion with the Father. If
even Jesus, the Son of God, made time to be alone with His Father, how much
more do we need to pause from the demands of life and seek God's presence?
We, too, need these brief interludes of
peace and quiet, when there is no one else except us and God. It is during
these sacred moments that we become more aware of His loving presence and hear
His gentle invitation to entrust our burdens to Him. The Lord continues to call
all who are weary, burdened, and spiritually thirsty to come to Him, for He
alone can refresh our souls, strengthen our hearts, and fill us with the peace
that the world can never give.
Let us not be consumed by the deafening
noise of a world where money, possessions, and power often rule and are even
treated as gods by many. These things may promise happiness, but they can never
satisfy the deepest longings of our hearts. Instead, let us dig deeper into our
spiritual lives and rediscover that beneath the concerns of our earthly
existence is the loving presence of God, who desires to strengthen, guide, and
transform us each day.
After His solitary time of prayer and
reflection, Jesus was once again ready to continue His mission. His first act
was to heal the sick who had followed Him. His time with the Father did not
lead Him away from people—it prepared Him to serve them with greater compassion
and love. The more deeply we encounter God, the more readily we become
instruments of His mercy to others.
The disciples wanted to send the people away,
saying to Jesus, "Dismiss the crowd, for it is already getting late"
(Matthew 14:15). But Jesus replied, "There is no need for them to go away;
give them some food yourselves" (Matthew 14:16).
Then the miracle of the loaves and fish
took place. Although there were only five loaves and two fish, Jesus fed more
than five thousand people, and there was still plenty left over.
How did this miracle happen? It happened
because of the generosity and love of Jesus. When we cling tightly to what we
have and refuse to share, we limit the good that God desires to accomplish
through us. But when we willingly place our little into His hands, He can
multiply it beyond anything we could ever imagine. What seems insufficient to
us becomes more than enough when entrusted to Him.
Jesus is forever generous and loving
toward us. Out of His boundless love, He instituted the Eucharist, the Holy
Mass, to nourish us with His very life. Even today, He continues to feed us
with His Body and Blood whenever we receive Him in the Sacrament of Holy
Communion. Every Eucharist is a profound reminder that our Lord never ceases to
satisfy our deepest spiritual hunger and to accompany us on our journey of
faith.
Let us, therefore, learn from the
generosity and love of Jesus. Let us become people who willingly share our
time, our blessings, our compassion, and our very selves with others. The more
generously we give in love, the more we open our hearts to receive the
immeasurable blessings that God longs to pour into our lives. True abundance is
not measured by what we keep but by what we lovingly place into God's hands for
the good of others.
As we continue our journey of faith, may
we make time each day to be alone with the Lord, allowing His presence to renew
our hearts, deepen our trust, and transform us into faithful disciples who reflect
His love in the world.
Will we choose to step away from the noise
of the world and spend time with Jesus today, allowing Him to fill us with His
love so that we, in turn, may become His generous hands and compassionate heart
to everyone we meet?— Marino J. Dasmarinas
Noong panahong iyon, nang marinig ni
Jesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya'y sumakay sa isang bangka at
nag-iisang pumunta sa ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao,
sila'y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Jesus sa
dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon.
Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala
nila. Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, "Ilang
ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga
nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain." "Hindi na
sila kailangang umalis pa," sabi ni Jesus. "Kayo ang magbigay sa
kanila ng makakain." Sumagot sila, "Lilima po ang tinapay at dadalawa
ang isda natin."
"Dalhin
ninyo rito," sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang
limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa
Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na
ipamigay iyon sa mga tao.
Kumain
silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno
ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay. May limang libong lalaki ang
kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Naglalaan paba tayo ng oras para mapag-isa kasama ang Panginoon?
Paminsan-minsan, kailangan nating lumayo sa ingay at abala ng
mundo upang mapag-isa kasama ang Diyos. Sa gitna ng ating abalang pamumuhay,
walang tigil na mga gawain, at nakabibinging ingay ng mundong ating
ginagalawan, naghahangad ang ating kaluluwa ng tahimik na sandali sa piling ng
Panginoon.
Kailangan natin ang mga sandaling ito upang higit nating madama
ang Kanyang presensya, mapakinggan ang Kanyang banayad na tinig, at hayaang
baguhin at palakasin Niya ang ating mga puso.
Nang mabalitaan ni Jesus ang pagkapugot ng ulo ng Kanyang
kamag-anak na si Juan Bautista, nagtungo Siya sa isang ilang na lugar upang
mapag-isa sa panalangin at pagninilay. Nalungkot Siya sa sinapit ng Kanyang
kamag-anak at doon Siya humugot ng lakas sa Kanyang malalim na
pakikipag-ugnayan sa Ama.
Kung ang mismong Anak ng Diyos ay naglaan ng panahon upang
mapag-isa kasama ang Ama, gaano pa kaya tayo na araw-araw ay nahaharap sa iba't
ibang pagsubok at alalahanin? Hindi ba't higit nating kailangan ang mga sandaling
tahimik na kasama ang Panginoon?
Kailangan din natin ang sandali ng katahimikan at kapayapaan, kung
saan wala tayong iniintindi kundi ang Diyos at ang ating sarili sa Kanyang
presensya. Sa mga banal na sandaling ito, higit nating nararanasan ang Kanyang
pag-ibig at naririnig ang Kanyang paanyaya na ilagak sa Kanya ang ating mga
pasanin.
Patuloy tayong inaanyayahan ng Panginoon na lumapit sa Kanya,
tayong mga napapagod, nabibigatan, at nauuhaw sa espiritu, sapagkat Siya lamang
ang tunay na makapagpapalakas, makapagpapayapa, at makapupuno sa ating mga
puso.
Huwag nating hayaang kainin tayo ng nakabibinging ingay ng mundong
ito, kung saan ang salapi, mga ari-arian, at kapangyarihan ang kadalasang
naghahari at itinuturing pa ngang mga diyos ng marami. Maaaring magbigay ang
mga ito ng panandaliang kasiyahan, ngunit hindi kailanman mapupunan ang
pinakamalalim na pangangailangan ng ating puso.
Sa halip, laliman natin ang ating buhay espirituwal at muling
tuklasin na sa ilalim ng ating makamundong pamumuhay ay naroon ang Diyos na
mapagmahal, na nagnanais na palakasin, gabayan, at baguhin tayo araw-araw.
Pagkatapos ng Kanyang panalangin at pagninilay, muling
ipinagpatuloy ni Jesus ang Kanyang misyon. Ang una Niyang ginawa ay pagalingin
ang mga maysakit na sumunod sa Kanya. Ipinakikita nito na ang tunay na
pakikipagtagpo sa Diyos ay hindi naghihiwalay sa atin sa kapwa, kundi lalo
tayong inihahanda upang magmahal, maglingkod, at magmalasakit sa iba. Habang
higit tayong lumalapit sa Panginoon, lalo rin tayong nagiging daluyan ng
Kanyang habag at pagmamahal.
Nais ng mga alagad na pauwiin ang mga tao kaya sinabi nila kay
Jesus, "Paalisin Mo na ang mga tao sapagkat gumagabi na" (Mateo
14:15). Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi nila kailangang umalis;
kayo ang magbigay sa kanila ng makakain" (Mateo 14:16).
At naganap ang himala ng limang tinapay at dalawang isda. Napakain
ni Jesus ang mahigit limang libong tao at marami pa ang natira.
Paano nangyari ang himalang ito? Nangyari ito dahil sa walang
hanggang pagmamahal at kagandahang-loob ni Jesus. Kapag mahigpit nating
kinakapitan ang anumang mayroon tayo at ayaw nating magbahagi kahit sapat na
ang ating tinatanggap, nalilimitahan natin ang mga himalang nais gawin ng Diyos
sa pamamagitan natin.
Ngunit kapag buong pagtitiwala nating inilalagak sa Kanyang mga
kamay kahit ang kakaunti nating taglay, ginagawa Niya itong sapat at higit pa
sa ating inaasahan. Sa Diyos, ang kaunti ay nagiging sagana kapag ito ay
iniaalay nang may pananampalataya at pag-ibig.
Palaging mapagbigay at mapagmahal si Jesus sa atin. Dahil sa
Kanyang walang hanggang pag-ibig, itinatag Niya ang Eukaristiya o ang Banal na
Misa upang maging pagkain ng ating kaluluwa. Hanggang sa ngayon, patuloy Niya
tayong pinapakain ng Kanyang Katawan at Dugo tuwing tinatanggap natin Siya sa
Sakramento ng Banal na Komunyon.
Sa bawat Eukaristiya, ipinapaalala sa atin na hindi tayo kailanman
pinababayaan ng Panginoon; Siya ang tunay na Tinapay ng Buhay na
nagbibigay-lakas at pag-asa sa ating paglalakbay dito sa mundo.
Kaya naman, matuto tayo sa kagandahang-loob at pagmamahal ni
Jesus. Maging bukas-palad tayo sa pagbabahagi ng ating panahon, mga biyaya,
malasakit, at pagmamahal sa ating kapwa. Habang sinusunod natin ang gusto ni
Jesus, lalo rin nating binubuksan ang ating mga puso upang tanggapin ang hindi
masukat na mga pagpapala ng Diyos. Ang tunay na kasaganaan ay hindi nasusukat
sa dami ng ating kayamanan kundi sa ating pagmamahal at sa kahandaang ibahagi
ang lahat ng ipinagkaloob ng Diyos sa atin.
Sa ating pagpapatuloy sa paglalakbay ng pananampalataya, nawa'y
maglaan tayo araw-araw ng panahon upang mapag-isa kasama ang Panginoon. Sa
Kanyang presensya, muli tayong palalakasin, pupunuin ng pag-asa, at babaguhin
upang maging tapat na mga alagad na nagsasabuhay ng Kanyang pag-ibig sa mundo.
Sa gitna ng ingay, abala, at maraming hinihingi ng buhay, handa ba
tayong huminto at maglaan ng panahon para kay Jesus? Hahayaan ba nating punuin
Niya ang ating puso ng Kanyang pag-ibig upang tayo rin ay maging daluyan ng
Kanyang kabutihan, habag, at pagmamahal sa bawat taong ating makakatagpo?—
Marino J. Dasmarinas
Herod the tetrarch heard of the reputation of Jesus
and said to his servants, “This man is John the Baptist. He has been raised
from the dead; that is why mighty powers are at work in him. Now Herod had arrested
John, bound him, and put him in prison on account of Herodias, the wife of his
brother Philip, for John had said to him “It is not lawful for you to have
her.
Although he wanted to kill him, he feared the people,
for they regarded him as a prophet. But at a birthday celebration for Herod,
the daughter of Herodias performed a dance before the guests and delighted
Herod so much that he swore to give her whatever she might ask for.
Prompted by her mother, she said, “Give me here on a
platter the head of John the Baptist. The king was distressed, but because of
his oaths and the guests who were present, he ordered that it be given, and he
had John beheaded in the prison. His head was brought in on a platter and given
to the girl, who took it to her mother. His disciples came and took away the
corpse and buried him; and they went and told Jesus.
+ + + + + + +
Reflection:
There is a saying that, "Power
corrupts, and absolute power corrupts absolutely." King Herod is a
sobering example of someone who was corrupted by absolute power. Instead of
ruling over his power, he allowed his power to rule over him. Had he remained
in control of himself, he would not have ordered the beheading of John.
When leaders allow power to go to their
heads, they can do many foolish things. They may begin to act as though they
are greater than God, saying and doing things that no humble person would ever
dare to say or do. Yet this temptation is not limited to leaders alone.
Whenever we allow power, authority, influence, status, or even our own pride to
control us, we too can make choices that wound others and dishonor God.
In the Gospel, we encounter King Herod as
a powerful reminder of what happens when pride replaces humility. His arrogance
led him to order the execution of John, believing he could silence the voice of
truth.
But history and Scripture remind us that
those who abuse the power entrusted to them may appear victorious for a time,
yet they will ultimately face God's righteous judgment. No earthly power can
ever surpass the authority of the One who is the true King of kings.
What, then, is the lesson for us? It is
simple yet profound: we must never misuse whatever power, authority, influence,
or responsibility God has entrusted to us. Whether in our families, workplaces,
communities, or ministries, every gift we possess is meant to serve others and
glorify God, not ourselves.
As the saying goes, "What goes around
comes around." More importantly, God's Word reminds us that we will all
give an account of how we have lived and how we have treated others. Whatever
we sow today, we will one day reap.
May this Gospel lead us to examine our
hearts with sincerity. Do we use our influence to build others up or to promote
ourselves? Do we exercise authority with humility, compassion, and justice, or
do we allow pride to dictate our decisions? Let us ask the Holy Spirit to keep
our hearts humble, our motives pure, and our lives always surrendered to God's
will, remembering that true greatness is found not in power, but in faithful
service.
Today, let us honestly ask ourselves:Is
the influence God has entrusted to us drawing others closer to Him, or has our
pride begun to take His rightful place in our hearts?—Marino J. Dasmarinas
Noong
panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay
Jesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, "Siya'y si Juan Bautista na
muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng himala!"
Si
Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si
Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay
Herodes, "Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid."
Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat
kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.
Nang
dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak
na babae ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kaya't isinumpa niyang
ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi
ng dalaga, "Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo
ni Juan Bautista. "
Nalungkot
ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos
niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaya't pinapugutan niya si Juan sa bilangguan.
Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng
dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang
bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Jesus.
+ + + + + + + +
Repleksyon:
May
kasabihan na, "Ang kapangyarihan ay nakapagdudulot ng katiwalian, at ang
lubos na kapangyarihan ay lubos ding nakapagdudulot ng katiwalian."
Si Haring
Herodes ay isang malinaw na halimbawa ng isang taong nasilo ng kapangyarihan.
Sa halip na siya ang mamahala sa kanyang kapangyarihan, hinayaan niyang ang
kapangyarihan ang mamahala sa kanya. Kung nanatili lamang siyang may pagpipigil
sa kanyang sarili at sa kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanya, hindi sana niya
iniutos ang pagpugot sa ulo ni Juan.
Kapag
hinahayaan ng mga pinuno na manaig ang kapangyarihan sa kanilang puso at
isipan, maaari silang makagawa ng maraming pag abuso. Maaari pa nilang isipin
na sila ay higit sa Diyos, kaya nakapagsasalita at nakagagawa sila ng mga bagay
na hindi kailanman magmumula sa isang pusong mapagpakumbaba.
Ngunit
ang tukso ng kapangyarihan ay hindi lamang para sa mga namumuno. Kapag
hinahayaan din nating manaig ang ating kapangyarihan, impluwensya, katungkulan,
katayuan, o maging ang ating pagmamataas, maaari rin tayong makagawa ng mga
pasiyang nakasasakit sa kapwa at hindi nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos.
Sa
Ebanghelyo, si Haring Herodes ay isang paalala ng maaaring mangyari kapag
pinalitan ng pagmamataas ang pagpapakumbaba. Dahil sa kanyang kayabangan,
iniutos niya ang pagpatay kay Juan, na tila ba kaya niyang patahimikin ang
tinig ng katotohanan.
Ngunit
malinaw na itinuturo sa atin ng Kasulatan na maaaring magtagumpay nang sandali
ang mga umaabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila, subalit darating
ang araw na haharap din sila sa makatarungang paghuhukom ng Diyos. Walang
anumang kapangyarihan sa mundong ito ang hihigit sa kapangyarihan ng Diyos na
siyang Hari ng mga hari.
Ano, kung
gayon, ang aral para sa atin? Napakasimple ngunit napakalalim: huwag nating
abusuhin ang anumang kapangyarihan, awtoridad, impluwensya, o pananagutang
ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Sa ating
mga tahanan, trabaho, pamayanan, o paglilingkod sa Simbahan, ang bawat biyaya
at kakayahang tinanggap natin ay ipinagkaloob upang maglingkod sa kapwa at
magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos, hindi upang itaas ang ating sarili.
Totoo ang
kasabihang, "Kung ano ang ating itinatanim, iyon din ang ating
aanihin." Higit pa rito, ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos na
darating ang araw na pananagutan natin sa Kanya kung paano natin ginamit ang
mga kaloob na ipinagkatiwala Niya sa atin.
Nawa'y
akayin tayo ng Ebanghelyong ito na taimtim na suriin ang ating mga puso.
Ginagamit ba natin ang ating impluwensya upang itaas ang ating sarili o upang
ilapit ang iba kay Kristo? Namumuno ba tayo nang may kababaang-loob, habag, at
katarungan, o hinahayaan nating ang pagmamataas ang magdikta ng ating mga
iniisip at ginagawa?
Hilingin
natin sa Espiritu Santo na panatilihing mapagpakumbaba ang ating mga puso,
dalisay ang ating mga hangarin, at laging nakaayon ang ating buhay sa kalooban
ng Diyos. Sapagkat ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa lawak ng ating
kapangyarihan, kundi sa katapatan nating maglingkod.
Sa araw
na ito, tanungin natin ang ating mga sarili: Ang impluwensyang ipinagkatiwala
sa atin ng Diyos—sa ating pamilya, trabaho, komunidad, at Simbahan—ginagamit ba
natin ito upang mailapit ang iba sa Kanya, o unti-unti na bang inaagaw ng ating
pagmamataas ang trono na nararapat lamang para sa Diyos sa ating mga puso?—Marino
J. Dasmarinas
Jesus came to his native place and taught
the people in their synagogue. They were astonished and said, "Where did
this man get such wisdom and mighty deeds? Is he not the carpenter's son' Is
not his mother named Mary and his brothers James, Joseph, Simon, and Judas' Are
not his sisters all with us' Where did this man get all this?"
And they took offense at him. But Jesus said to them,
"A prophet is not without honor except in his native place and in his own
house." And he did not work many mighty deeds there because of their lack
of faith.
+ + + + + + +
Reflection:
Are we quick to disrespect our
fellow human beings based on what we think we know about them?
Disrespect
was the attitude of Jesus’ townmates toward Him because they were familiar with
Him. To them, He was merely the carpenter’s son. They thought they knew Him so
well that they belittled and dismissed Him. Their familiarity with Jesus became
a barrier that kept them from recognizing the greatness of the One standing
before them.
But
if we look deeper into their hearts, we can also see that they were filled with
envy and hatred toward Jesus. They were envious of the admiration and respect
that He received from the people. Envy and hatred are destructive emotions that
darken our judgment, harden our hearts, and rob us of the peace and wholeness
that God desires for us. When we allow these attitudes to take root within us,
we begin to see others through the lens of pride, prejudice, and resentment
instead of through the eyes of faith and love.
Jesus
knew of His townmates’ envy, disdain, and lack of faith in Him. That is why He
did not perform many miracles in His native place. Their unbelief prevented
them from fully experiencing the blessings, healing, and grace that He longed
to give. How tragic it is when our own pride, preconceived judgments, or
refusal to believe become obstacles that keep us from receiving what God
desires to do in our lives.
The
same invitation is before us today. Jesus continues to come to us—through His
Word, the Holy Eucharist, the people around us, and even in the ordinary
moments of daily life. Yet familiarity, pride, or prejudice can also blind us
to His presence and His work among us. May we ask the Holy Spirit to open our
eyes, soften our hearts, and deepen our faith so that we may recognize Jesus
for who He truly is and welcome Him with humility, trust, and love.
As we encounter Jesus each day, will we allow familiarity, pride,
envy, or prejudice to keep us from Him, or will we open our hearts in faith so
that He may perform His transforming work within us?–Marino J. Dasmarinas
Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang
bayan at nagturo sa sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila,
“Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng
kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang
kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na
lalaki?
At
dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan
ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa
kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling
sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya hindi siya gumawa roon ng
maraming kababalaghan.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Mabilis ba tayong mawalan ng paggalang sa ating kapwa dahil
iniisip nating lubos na natin silang kilala?
Ito
ang naging saloobin ng mga kababayan ni Jesus. Dahil kilala nila Siya mula pa
noong Kanyang kabataan, itinuring na lamang nila Siyang anak ng isang
karpintero. Inakala nilang sapat na ang kanilang nalalaman tungkol sa Kanya
kaya minamaliit nila Siya at hindi kinilala ang Kanyang tunay na pagkatao. Ang
kanilang labis na pagiging pamilyar kay Jesus ang naging hadlang upang makita nila
ang kadakilaan ng Diyos na nasa kanilang harapan.
Ngunit
kung sisilipin pa natin ang kanilang mga puso, makikita rin natin na puno ang
mga ito ng inggit at poot laban kay Jesus. Naiinggit sila sa paghanga,
paggalang, at pagtanggap na ibinibigay ng maraming tao sa Kanya.
Ang
inggit at poot ay mga mapanirang damdamin na nagpapadilim sa ating paghatol,
nagpapatigas sa ating puso, at nag-aalis ng kapayapaan at ganap na kagalingang
nais ng Diyos para sa atin. Kapag pinahintulutan nating maghari ang mga ito sa
ating puso, unti-unti nating tinitingnan ang ating kapwa sa pamamagitan ng
pagmamataas, pagkiling, at paghatol sa halip na sa pamamagitan ng
pananampalataya at pag-ibig.
Alam
ni Jesus ang inggit, paghamak, at kakulangan ng pananampalataya ng Kanyang mga kababayan.
Kaya hindi Siya gumawa ng maraming himala sa Kanyang sariling bayan. Ang
kanilang kawalan ng pananampalataya ang naging hadlang upang maranasan nila ang
mga pagpapala, pagpapagaling, at biyayang nais Niyang ipagkaloob sa kanila.
Tunay
ngang nakalulungkot kapag ang ating pagmamataas, mga maling paghusga, o
kakulangan ng pananampalataya ang siyang humahadlang sa pagkilos ng Diyos sa
ating buhay.
Ngayon
ay patuloy pa ring lumalapit sa atin si Jesus—sa pamamagitan ng Kanyang Salita,
ng Banal na Eukaristiya, ng ating mga kapwa, at maging sa mga karaniwang
pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ngunit
maaari ring maging hadlang ang ating pagiging kampante, pagmamataas, o
pagkiling upang hindi natin makilala ang Kanyang presensya at pagkilos. Nawa'y
hilingin natin sa Espiritu Santo na buksan ang ating mga mata, palambutin ang
ating mga puso, at patatagin ang ating pananampalataya upang makilala natin si
Hesus kung sino Siya talaga at tanggapin Siya nang may kababaang-loob,
pagtitiwala, at pag-ibig.
Sa ating pakikipagtagpo kay Jesus sa bawat araw, hahayaan ba
nating ang pagiging pamilyar, pagmamataas, inggit, o mapanghusgang pag-iisip
ang humadlang sa Kanya? O bubuksan ba natin ang ating mga puso nang may
mapagpakumbabang pananampalataya upang malaya Siyang kumilos at maghimala sa
ating buhay?
–Marino J. Dasmarinas
Jesus said to the disciples: "The
Kingdom of heaven is like a net thrown into the sea, which collects fish of
every kind. When it is full they haul it ashore and sit down to put what is
good into buckets.
What is bad they throw away. Thus it will
be at the end of the age. The angels will go out and separate the wicked from
the righteous and throw them into the fiery furnace, where there will be
wailing and grinding of teeth."
"Do you
understand all these things?" They answered, "Yes." And he
replied, "Then every scribe who has been instructed in the Kingdom of
heaven is like the head of a household who brings from his storeroom both the
new and the old." When Jesus finished these parables, he went away from
there.
+ + + + + + +
Reflection:
The story is told
of a mother who pleaded with her son to straighten out his wayward life. Yet,
despite her loving appeals, her son pretended not to hear her pleas. He
continued to live in sin until he grew old and eventually died. After his
death, the devil immediately whisked him away to hell.
Hell
and the devil are not only realities of the life to come; they can also become
realities in our present lives. Whenever we choose to remain in sin instead of
turning back to God, we distance ourselves from His grace and begin to
experience a foretaste of the emptiness, restlessness, and suffering that sin
brings.
Our
peace of mind gradually fades, our relationships become strained, and our
hearts grow weary. At the root of this troubled life is our refusal to let go
of sin and embrace the new life that God lovingly offers us.
Our
Gospel for today reminds us of the seriousness of our choices: “Thus it will be
at the end of the age. The angels will go out and separate the wicked from the
righteous and throw them into the fiery furnace, where there will be wailing
and grinding of teeth” (Matthew 13:49–50).
There
is a price for our sinfulness that we will eventually have to pay. As the
saying goes, sin is like a credit card: enjoy now, but pay later. But why
should we bear the painful consequences of sin when Jesus continually invites
us to repentance, forgiveness, and new life? His mercy is always available to
those who humbly return to Him with sincere and contrite hearts.
Today,
the Lord lovingly calls each one of us to turn away from whatever separates us
from Him. No sin is worth losing the peace, joy, and eternal life that He
desires for us. His grace is greater than our failures, and His love is always
ready to restore us when we come back to Him.
The
question is not whether God is willing to forgive us—He already is. The
question is: What sin are we still holding on to that Jesus is asking us to
surrender today? Will we continue delaying our return to Him, or will we
choose, by His grace, to walk with Him beginning right now?– Marino J. Dasmarinas
Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay
katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng
sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao
upang pagbukud-bukurin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti,
ngunit itinatapon ang mga walang kwenta.
Gayon
din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at
ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa
maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang
ngipin."
"Nauunawaan
na ba ninyo ang lahat ng ito?" tanong ni Jesus. "Opo," sagot
nila. At sinabi niya sa kanila, "Kaya, nga ang bawat eskriba na kumikilala
sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga
bagay na bago at luma sa kanyang taguan."
Nang
masabi na ni Hesus ang mga talinghagang ito, siya’y umalis doon.
+ + + +
+ + +
Repleksyon:
May isang
kuwento tungkol sa isang ina na buong pagsusumamong nakiusap sa kanyang anak na
talikuran ang kanyang makasalanang pamumuhay. Ngunit nagkunwari lamang ang anak
na hindi niya naririnig ang mga pakiusap ng kanyang ina. Kaya ipinagpatuloy
niya ang kanyang pamumuhay sa kasalanan hanggang sa siya ay tumanda at tuluyang
namatay. Pagkamatay niya, agad siyang dinala ng dimonyo sa impiyerno.
Ang
impiyerno at ang dimonyo ay hindi lamang katotohanan na mararanasan sa kabilang
buhay; maaari rin nating maranasan ang kanilang mapanirang kapangyarihan sa
ating buhay ngayon.
Sa
tuwing pinipili nating manatili sa kasalanan sa halip na magbalik-loob sa
Diyos, unti-unti tayong lumalayo sa Kanyang biyaya at nakararanas ng patikim ng
impiyerno—kawalan ng kapayapaan, kabigatan ng loob, pagkasira ng ating mga
ugnayan, at pagkapagod ng ating espiritu. Ang ugat ng ganitong kalagayan ay ang
ating pagtangging talikuran ang kasalanan at yakapin ang bagong buhay na buong
pagmamahal na iniaalok sa atin ng Diyos.
Maliwanag
ang paalala ng ating Ebanghelyo ngayon: “Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Lalabas ang mga
anghel at ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid at ihahagis sila sa
nagniningas na pugon, kung saan magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng
mga ngipin.” (Mateo 13:49–50)
May
kabayaran ang ating kasalanan na darating sa takdang panahon. Tulad nga ng
kasabihan, ang kasalanan ay parang credit card: masarap
gamitin ngayon, ngunit ang kabayaran ay darating sa huli.
Ngunit bakit pa natin hahayaang danasin ang mabigat na bunga ng kasalanan kung
inaanyayahan naman tayo ni Hesus na magsisi, magbalik-loob, at tumanggap ng
bagong buhay? Hindi Siya nagsasawang magpatawad sa sinumang may pusong
mapagpakumbaba at tunay na nagsisisi.
Sa
araw na ito, muli tayong tinatawagan ng Panginoon na talikuran ang anumang
humahadlang sa ating pakikipag-ugnayan sa Kanya. Walang makakatumbas sa
kapayapaan, kagalakan, at buhay na walang hanggan na nais Niyang ipagkaloob sa
atin. Higit na dakila ang Kanyang biyaya kaysa sa ating mga pagkukulang, at
laging bukas ang Kanyang mga bisig upang tayo ay tanggapin at panumbalikin sa
Kanya.
Kung gayon, ano ang kasalanang patuloy pa rin nating kinakapitan
na hinihiling na ni Jesus na ating isuko sa Kanya? Patuloy pa ba nating
ipagpapaliban ang ating pagbabalik-loob, o hahayaan ba nating baguhin tayo ng
Kanyang biyaya at magsimulang lumakad kasama Niya—ngayon na, habang may
pagkakataon pa?– Marino J. Dasmarinas
Many of the Jews had come to Martha and
Mary to comfort them about their brother [Lazarus, who had died]. When Martha
heard that Jesus was coming, she went to meet him; but Mary sat at home. Martha
said to Jesus, “Lord, if you had been here, my brother would not have
died.
But even
now I know that whatever you ask of God, God will give you.” Jesus said to her,
“Your brother will rise.” Martha said to him, “I know he will rise, in
the resurrection on the last day.” Jesus told her, “I am the resurrection
and the life; whoever believes in me, even if he dies, will live, and anyone
who lives and believes in me will never die.
Do you believe this?” She said to him,
“Yes, Lord. I have come to believe that you are the Christ, the Son of God, the
one who is coming into the world.”
+ + + + + + +
Reflection:
What
compelled Martha to meet Jesus while He was on His way to their house? It was
her faith.
Martha was grieving the
death of her brother, Lazarus. Yet when she heard that Jesus was on His way to
their home to comfort them, her grief was immediately replaced by hope. Martha
had deep faith in Jesus, and because He was their close friend, she knew Him
well. She trusted that His presence alone could bring comfort, peace, and even
the promise of new life.
What do we do when we are
sorrowful and in distress? Don't we also run to Jesus? Indeed, we do. The
strength that compels us to seek the Lord is fueled by our faith, our hope, and
our growing friendship with Him.
We are truly blessed
because we know where to turn when we are beset by the many trials and
uncertainties of this world. In His presence, we discover a peace that the
world cannot give, a hope that does not disappoint, and a love that never
fails.
But what about those among
us who do not yet know Jesus deeply—or those who have never come to know Him at
all? Where do they turn when they are overwhelmed by life's burdens? Many may
search for temporary relief in the passing comforts and promises of this world,
only to find that these can never satisfy the deepest longings of the human
heart. Without knowing Jesus, they may never encounter the lasting hope and
true peace that only He can give.
This is where we are called
to respond. As followers of Christ, we are invited to become instruments of His
light and love for those who are searching, weary, and broken. Through our
words, our actions, and the witness of our lives, we can gently lead others to
Jesus, so that they too may experience His healing, His mercy, His hope, and
His gift of salvation. Our lives may become the very bridge through which
someone encounters Christ.
Our faith in Jesus must
never be an exclusive faith that we keep only for ourselves. It is a gift meant
to be shared. The more we receive His love, the more we are called to reflect
that love to others. As we grow closer to Christ, may we also help others draw
closer to Him, so that together we may walk in the light of His grace and
rejoice in the fullness of His life.
Today, let us ask
ourselves: Does our faith simply bring us closer to Jesus, or does it also
inspire us to bring others closer to Him? May we never keep the hope we have
found in Christ to ourselves, but courageously share it so that others, too,
may come to know, love, and follow the One who alone is our hope, our peace,
and our salvation.– Marino J. Dasmarinas
Noong
panahong iyon, marami sa mga Judio ang dumalaw kina Marta at Maria upang sila’y
aliwin. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito;
ngunit si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y
narito, hindi sana namatay ang aking kapatid.
Ngunit
nalalaman kong kahit ngayo’y ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo
sa kanya.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumagot si
Marta, “Nalalaman ko pong siya’y mabubuhay uli sa huling araw, sa muling
pagkabuhay.” Sinabi naman ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang
buhay.
Ang
nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at
nananalig sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba
ito?” “Opo, Panginoon!” sagot niya. “Nananalig ako sa inyo. Kayo po ang Anak ng
Diyos, ang Mesiyas na inaasahang paparito sa sanlibutan.”
+ + + +
+ + +
Repleksyon:
Ano ang nagtulak kay Marta upang salubungin si Jesus habang
papunta Siya sa kanilang tahanan?
Ito ay ang kanyang malalim na pananampalataya.
Matinding
dalamhati ang naramdaman ni Marta dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si
Lazaro. Ngunit nang mabalitaan niyang papunta si Jesus sa kanilang tahanan
upang damayan sila, ang kanyang kalungkutan ay agad napalitan ng pag-asa.
Malalim
ang kanyang pananampalataya kay Jesus, at dahil malapit na kaibigan nila Siya,
tunay niyang kilala ang Panginoon. Nagtitiwala si Marta na ang presensya ni
Jesus ay sapat upang magdala ng kaginhawahan, kapayapaan, at maging ng bagong
buhay.
Kapag
tayo ba ay nalulungkot, nabibigatan, o dumaraan sa matitinding pagsubok, hindi
rin ba tayo tumatakbo kay Jesus? Tunay ngang sa Kanya tayo lumalapit. Ang lakas
na nagtutulak sa atin upang hanapin ang Panginoon ay nagmumula sa ating
pananampalataya, pag-asa, at lumalalim na pakikipagkaibigan sa Kanya.
Napakapalad
natin sapagkat alam natin kung saan tayo lalapit kapag tayo ay nababagabag at
pinahihirapan ng maraming pagsubok at suliranin sa mundong ito. Sa piling ni
Jesus, natatagpuan natin ang kapayapaang hindi kayang ibigay ng sanlibutan, ang
pag-asang hindi nabibigo, at ang pag-ibig na hindi kailanman magmamaliw.
Ngunit
paano naman ang mga hindi pa lubos na nakakakilala kay Jesus, o yaong hindi pa
Siya nakikilala? Kanino sila lalapit kapag sila ay pinanghihinaan ng loob o
nabibigatan sa kanilang mga pasanin? Marami sa kanila ang maaaring humanap ng
pansamantalang ginhawa sa mga bagay na iniaalok ng mundong ito.
Subalit
ang mga ito ay panandalian lamang at hindi kailanman makapupuno sa
pinakamalalim na pangangailangan ng ating puso. Kung wala si Jesus, maaaring
hindi nila maranasan ang tunay na pag-asa, kapayapaan, at kaligtasang Siya
lamang ang makapagbibigay.
Dito
tayo tinatawag ng Panginoon. Bilang mga alagad ni Hesus, inaanyayahan tayong
maging mga daluyan ng Kanyang liwanag at pag-ibig para sa mga naghahanap,
nanghihina, at nasasaktan.
Sa
pamamagitan ng ating mga salita, gawa, at patotoo ng ating buhay, maaari nating
akayin ang iba kay Jesus upang maranasan din nila ang Kanyang awa, kagalingan,
pag-asa, at kaligtasan. Maaaring gamitin ng Diyos ang ating buhay upang maging
tulay na magdadala sa iba sa Panginoon.
Ang
ating pananampalataya kay Jesus ay hindi dapat maging pananampalatayang
itinatago lamang para sa ating sarili. Ito ay isang kaloob na dapat nating
ibahagi. Habang lalo nating tinatanggap ang Kanyang pag-ibig, lalo rin tayong
tinatawagan na ipamalas ito sa ating kapwa.
Habang
lalo tayong lumalapit kay Hesus, nawa'y maisama rin natin ang iba sa paglapit
sa Kanya upang sama-sama nating maranasan ang liwanag ng Kanyang biyaya, ang
kagalakan ng Kanyang presensya, at ang buhay na walang hanggan na Kanyang
ipinangako.
Ngayon,
tanungin natin ang ating mga sarili: Ang ating pananampalataya ba ay naglalapit lamang sa atin kay
Jesus, o nagiging daan din ba ito upang mailapit natin ang iba sa Kanya?Nawa'y huwag nating sarilinin ang pag-asang
natagpuan natin kay Hesus.
Sa
halip, magkaroon tayo ng tapang na ibahagi Siya sa iba, upang mas marami pang
puso ang makakilala, magmamahal, at susunod sa Kanya. Kung ngayon
ay tatawagin tayo ni Jesus upang maging liwanag para sa isang taong nawawalan
ng pag-asa, handa ba tayong lumapit, magbahagi, at maging daan upang matagpuan
din niya ang Panginoon?– Marino J. Dasmarinas